Chapter 7

1563 Words
Naya’s POV Tapos nang kumain ang lahat. Narito na ulit kami sa harap ng stage. Habang naghihintay kami rito, napansin ko na tila walang may hawak na kulay pulang papel sa mga kapwa fan ko na narito. Sa mga katabi ko, puro green, dilaw, asul at violet lang ang hawak nilang papel. Nagtataka tuloy ako kung bakit walang pulang papel. Umakyat na ulit sa stage ang emcee. “Alright, let’s begin the game for this first round. Each of you is holding a paper with different colors.” “Naya, look, wala atang kulay na pulang papel sa mga taong nasa paligid natin? Parang wala atang may hawak na pulang papel?” tanong na sa akin ni Yanna. Napansin na rin pala niya. “Oo nga, kanina ko pa rin napapansin ‘yan. Pakiramdam ko ay tila may suwerte ring dala ang pulang papel na ‘yun. Sana pala ay hindi na ako nakipagpalit,” sagot ko sa kaniya habang natatawa. “Before we begin, let’s start with a lucky fan who will receive a wonderful bonus today,” sabi ng emcee kaya napakunot ang noo ko. “Whoever is the only fan of Stefano holding a red paper right now, please come up to the stage,” sabi pa niya kaya namilog agad ang mga mata ko. Sabi na nga ba eh. “Oh, gosh! Bonus pala ang pulang papel na ikaw ang unang nakatanggap kanina. Hala, sayang naman ‘yun, Naya,” sabi ni Yanna na nakatingin sa akin habang nakangiwi. A woman went up the stage, full of joy. She’s the one who got the red paper that was initially mine. It’s frustrating. I wonder what bonus she’ll receive? Could she already be in for this round? “Wow, you’re so lucky, girl,” sabi ng emcee sa kaniya. “Anyway, before I announce the bonus you’ll receive, introduce yourself first.” Inabot ng emcee ang mic sa kaniya. “I’m Melissa Dineros, limang taon nang fan ni Stefano Virgo,” nakasigaw niyang pagpapakilala sa mic kaya nagtawanan ang lahat. Pero ako hindi, naiinggit pa rin kasi ako sa kaniya. Dapat ako ang nariyan. Dapat ako ang nagpapakilala sa stage ngayon. Dapat ako ang makakatanggap ng bonus. “Wow, you’ve been a fan of Stefano for five years. Anyway, here’s the bonus. And because you received that one and only red paper, you’re automatically in this round,” sabi ng emcee kaya lalo akong napangiwi. “Sobrang sayang talaga, Naya! Pasok ka na dapat eh. Ikaw dapat ‘yan oh!” sabi ni Yanna. Nakakainis din si Yanna eh. Kinukunsensya pa ako lalo. Lalo tuloy akong nanlalambot. “Oo nga, nalungkot tuloy ako,” sagot ko na lang sa kaniya. “Not only that, Melissa. Aside from the prize you just won, you will also have a selfie picture with your idol, Stefano, today,” sabi pa ng emcee kaya lalo nang nanlambot ang mga tuhod ko. Stefano ascended the stage once more. He approached Melissa. I felt even more envious as she had the chance to embrace Stefano right in front of all of us. “Sayang, sayang, sayang! Nakakainis, Yanna. Ako dapat ‘yan eh. Akin ‘yang papel na pula na ‘yan eh,” sabi ko habang naiiyak na. It must feel so good to be able to embrace Stefano’s muscular body. From his appearance alone, it’s evident that he smells good. Melissa is truly fortunate. Nilabas na ni girl ang cellphone niya. At sa harap mismo naming mga kapwa niyang fan ay ininggit niya kami ng tatlong selfie with Stefano. May heart pose, yakap pose at normal pose. Lahat ng fans napapasigaw sa kaniya. Hinihimas tuloy ni Yanna ang likod ko para ma-comport ako dahil nakita niyang naiiyak na talaga ako. “Melissa, you can go home now and prepare for the next round that will happen. Again, congratulations because you’re automatically in this round,” sabi ni Stefano sa kaniya. May pa-solong pa-congrats pa siya kay Stefano kaya literal na bonus talaga ang natanggap ni Melissa. “Anyway, i-tag mo ako kapag na-upload mo na ang picture natin sa social media,” sabi pa ni Stefano sa kaniya kaya sigawan kaming lahat. Tumatalon at patuloy na kinikilig si Melissa habang bumababa na sa stage. Mabuti pa siya, uuwi na at makakahinga na ng maluwag. Samantalang ako, hinayang na hinayang at kabado pa rin dahil wala pang kasiguraduhan kung makakapasok ba ako sa round na ito. “Umpisahan na natin ang palaro,” sabi ni Stefano kaya naghanda na ako. “Hayaan mo na, galingan na lang natin, Naya,” cheer ni Yanna sa akin kaya nginitian ko siya. “Ang mga papel na hawak ninyo ay berde, dilaw, asul at violet lang. Sobrang bilis lang nito, guys. Marami agad ang mawawala sa round na ito,” sabi niya kaya lalo akong kinakabahan. “And before I announce those who won’t be lucky enough to win this year, I want to express my heartfelt gratitude for your unwavering support until now. I will do everything to make you all happy. I’ll write inspiring rap songs to keep you motivated all the time.” Pumalakpak kami. Kasi sa totoo lang, siya lang ang bukod tanging gumagawa nito sa mga fans niya. Nag-iisa siyang celebrity na minamahal talaga ng todo ang mga fans niya. Kaya naman hindi rin kami magsasawang suportahan at mahalin siya hanggang dulo. “All those holding yellow, blue, and violet colored papers, it saddens me to say that you won't be able to participate in the next round,” sabi niya kaya napatili kaming dalawa ni Yanna. Nagyakapan pa kami sa sobrang tuwa na nararamdaman namin. Kahit pa paano, masaya ako na green pa rin ang pinalit ko sa pulang papel na unang binigay sa akin. Pero, siyempre, mas masaya pa rin kung hindi ko na pinalitan. Natatawa na lang tuloy ako. Pero, tama nga ako. Sinabi ni Stefano na ang mga masuwerteng magpapatuloy sa susunod na round ay ang may mga hawak na berdeng papel dahil ‘yun ang favorite color niya. Tinignan ko ang mga kapwa ko fan na hindi na makakasali sa susunod na round. Bakas sa mukha nila ang lungkot. Eh, wala eh. Ganoon talaga. Kinalingan din talagang magbawas ng kasali si Stefano para mas mabilis ang palaro niya. “At the moment, only a thousand of my fans will remain out of nearly twenty thousand who joined my contest this year,” sabi niya. Ang dami niya agad binawas. “But don’t be sad because before I send you home, I will perform three rap songs as a special treat for all of you, so you'll still leave with joy.” Sigawan ang lahat dahil doon pa lang, parang panalo na rin ang mga natalo sa round na ito. Pati kaming mga pasok at kasali pa rin sa susunod na round ay sumaya dahil maririnig namin siyang mag-rap ngayong araw. Hindi lang talaga pa-contest itong ginagawa niya kundi parang pagce-celebrate na talaga nang anniversary niya sa buhay showbiz. Nang mag-umpisa na siyang kumanta, naghanda agad ang lahat ng camera. Siyempre, hindi puwedeng mawala ang pagre-record namin ng mga kanta niya dahil isa ito sa mga masarap panuorin pagdating ng araw. Kumbaga, remembrance ba. Hindi ko rin kasi masasabi kung hanggang dulo ay mananalo ako sa pa-games niya kaya dapat lang na sulitin ko ang bawat oras habang narito siya sa malapit sa akin. Kasi pagkatapos nitong pa-contest niya ngayong anibersayo niya sa showbiz, may bayad na sa susunod kapag pinakinggan namin ang mga live rap song niya. At sigurado akong sa concert na ‘yun. “Thank you, Naya, dahil nakilala kita. Simula ngayon, magkaibigan na tayo,” masayang sabi ni Yanna habang nagtatalon kami. Nagmistulang concert na ni Stefano ang araw na ito. Lahat kaming mga fans niya ay galak na galak. Ang saya-saya ko talaga. Ang saya palang um-attend sa ganitong event. Mabuti na lang talaga at sumali na ako ngayong taon. ** Napakabilis nang pangyayari. Parang segundo lang kinanta ni Stefano ang tatlong sikat niyang rap song. Nakasakay na ulit ako sa bus at pauwi na sa bahay. Halos alas kuwarto na ng hapon. Sa totoo lang, napagod ako sa nangyari. Pero masaya akong uuwi sa bahay dahil pasok pa rin ako sa susunod na round. Tiyak na matutuwa sa akin si Ari at Tori kapag nalaman nilang makakasali pa rin ako sa susunod na round. Sabi ni Stefano kanina bago magpaalam sa amin ay itago raw namin ang mga hawak naming berde na papel. Dahil sa susunod na round kasi ay may kinalaman sa papel na ‘yun ang palaro niya. Kaya heto, ingat-ingat ako sa berdeng papel. Tinago ko itong mabuti sa bag ko para hindi mawala, mabasa o malukot. Nagkaroon pa ako ng bagong kaibigan. Bago rin kami naghiwalay kanina ni Yanna ay nagpalitan pa kami ng phone number. Pati sa social media magka-follow na rin kami sa isa’t isa. Agad ko nga siyang na-stalk sa social media account niya. Totoong mayaman ang gagang si Yanna dahil anak pala ito ng Mayor sa bayan nila. Sigurado akong sa mga susunod na buwan o taon, hindi na rin magpapahuli si Yanna sa mga malalaking concert at pa-event ni Stefano. At sigurado rin akong palagi kaming magkasama kapag may ganoon. Sana na susunod kasama ko na rin sina Tori at Ari para mas masaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD