Naya's POV
Tanghali at lunch na kaya lumabas kami ni Tori para kumain ng lunch sa malapit na restaurant na madalas naming kainan. Hanggang doon, si Aletta ang topic namin.
“Gawan kaya natin ng paraan para matanggal sa trabaho si Aletta,” sabi ni Tori kaya napangiwi ako.
“Huwag, Tori, masama ‘yan. May balik sa atin ‘yan kapag gumawa tayo ng kasalanan sa ibang tao,” sabi ko habang napapairap sa kaniya. “I won’t tolerate your wrongdoings. Don’t act that way, Tori.”
“Oo na, hindi na nga. Sorry, dapat nga pala akong magpakabait at may problema nga pala kami sa bahay.”
“Tiisin na lang natin si Tori kasi mukhang paraan niya ‘yun para mapaalis tayo sa trabaho,” sabi ko sa kaniya habang nilalagay na sa fried chicken ko ang gravy. “Naaamoy kong naghahanap talaga siya ng gulo para maging magulo tayo sa trabaho. Huwag tayong papaapekto sa kaniya,” sabi ko pa.
“Anyway, wala na tayo sa shop. Balik tayo sa topic kay Stefano,” sabi na lang niya habang sinisimot ang buto ng manok niya. Ang bilis niya talagang kumain, parang kanina lang ay buo pa ang manok niya. “Uy, para sa akin galingan mo para ikaw ang manalo. Kasi kapag ikaw ang nanalo, para na rin akong nanalo,” sabi pa niya habang patuloy na sinisimot ang manok niya.
“Even if you don’t say it, I’ll really do my best, Tori, para manalo sa pa-contest ni Stefano,” proud kong sagot habang nakangisi.
“Ipagpe-pray talaga kita. Gusto ko, ikaw ang manalo para bongga!” Pumapalakpak pa siya kaya nahiya ako bigla. Nagtingin tuloy sa amin ang mga taong kumakain din dito sa restaurant. Baka akala nila ay may baliw akong kasama.
**
Hapon na at pauwi na ako sa bahay. Inabangan talaga ako sa daan ni Aries na kapatid ni Ari. Lumapit siya sa akin. Wala siyang sinabi, inabot na lang niya bigla ang cellphone niya sa akin. Nagulantang ako sa nakita ko sa cellphone niya. What I saw is a picture of Ralph kissing an old woman. Looking at the photo, it seems that the old woman he’s kissing is wealthy. Nakakadiri. Sa tingin ko ay tila gawain na niya ang manloko ng iba’t ibang babae para magkapera. Ngayon, alam ko na kung bakit wala siyang trabaho. Kasi ang trabaho niya, mangolekta ng iba’t ibang babae na lolokohin at peperahan niya. Ang tanong sa isip ko, alam kaya ni Ate Ayah na niloloko siya ng lalaking ito?
Pag-uwi ko sa bahay. Pinuntahan ko agad sa kuwarto niya si Ate Ayah. Sakto, narito na rin siya at mukhang kanina pa nakauwi. Binagsak ko sa kama niya ang cellphone ko. Nagtataka niya akong tiningala, pero agad din niyang tinignan ang cellphone na binagsak ko sa kama niya.
“What is this picture?” she asked immediately. From the tone of her voice, it was evident that she was shocked by what she saw.
“Siguro naman titigilan mo na siya. Ayan, litrato ‘yan ni Ralph habang kahalikan ang isang ginang,” sagot ko sa kaniya. “Diyan pa lang, mandiri ka na, Ate Ayah. Hindi lang ‘yan, marami pa siyang kinikitang iba’t ibang babae na pineperahan at niloloko niya, wala lang akong hawak na ebidensya.”
Tumayo siya at saka binalik sa akin ang cellphone ko. “Naya, stop what you’re doing. Don’t meddle in this. You’ll just get involved. Let me handle this problem alone.”
“Teka, ibig sabihin ay matagal mo nang alam na niloloko ka lang niya?” tanong ko habang nagtataka.
“Lumabas ka na. Sundin mo na lang ang sinabi ko. Huwag ka nang mangialam sa problema ko. Hayaan mo na lang ako, kung ayaw mong pati ikaw ay madamay pa,” sabi niya at saka ako pinagtulakang lumabas sa kuwarto niya. Pagsara niya ng pinto, napakunot na lang tuloy ang noo ko.
“May problema ba? Nag-aaway na naman ba kayong magkapatid?” tanong ni Mama nang makita niya akong galing sa loob ng kuwarto ni ate.
Umiling ako. “Hindi po, may tinanong lang ako sa kaniya,” sabi ko na lang. “Sige po, tuloy na ako sa kuwarto ko, magbibihis na ako.”
Pagpasok ko sa loob ng silid ko, imbis na magbihis na ng damit ay napaupo tuloy ako sa kama ko. Malakas ang kutob ko na tinatakot ng Ralph na ‘yun si Ate. At ‘yun ang aalamin ko. Kahit sinabi niya akong huwag mangialam, mangingialam pa rin ako. Sa tingin ko kasi ay kailangan ng tulong ng ate ko. Again, kahit hindi kami magkasundo, kahit walangya siya sa akin, ayaw ko pa rin na nagmumukha siyang tanga sa ibang tao.
**
Ngayong araw na ang unang round sa pa-contest ni Stefano. Mabuti na lang at pinayagan ako ni Sir Jelo na mag-absent sa trabaho. Aba, dapat lang, ilang buwan akong hindi nag-absent para paghandaan ang pa-contest ni Stefano.
I am now on the bus, feeling nervous and constantly praying that I win in the first round of Stefano’s game. May baon akong sandwich at tubig. Kailangan magtipid dahil sampung location ang pupuntahan ko kada linggo para sa kada round ng palaro ni Stefano. Mahirap man at magastos, ang iniisip ko na lang ay ‘yung magiging ending nito. Worth it manalo rito dahil makaka-date ko si Stefano ng tatlong araw, tapos sa Baguio pa. Kung hindi man palaring manalo, okay lang, ang mahalaga ay malapitan ko nang mame-meet si Stefano. Sana nga mamaya ay kahit pa paano ay makapagpa-picture ako o makamayan ko manlang siya.
Bumaba na ako sa bus. Mula rito sa binabaan ko, sasakay naman ako ng tricycle papunta sa isang private resort na paggaganapan nang unang round ng pa-contest ni Stefano. Habang lulan na ako ng tricycle, lalong lumalala ang kaba ng dibdib ko. Heto na kasi, parating na ako sa location. At sigurado akong sobrang daming tao ngayon dahil kumpleto pa kaming lahat na halos twenty thousand tao na naroon mamaya.
“Diyan na lang po sa tabi,” sabi ko sa tricycle driver at saka inabot ang bayad ko.
Pagbaba ko roon, napatingin agad ako sa harap ng gate ng resort. Ang dami nang pumapasok. At sigurado akong ang mga pumapasok ngayon ay ang mga kasali sa contest. I started walking towards the resort. I saw many people with different facial expressions - some serious, some joyful, and some nervous. There were also groups of friends holding hands and all seemed to be happy together.
“Hi, mag-isa ka lang?” Napalingon ako sa likod ko nang may bumati sa akin na isang magandang babae. Para siyang cosplayer sa buhok niyang kulay green.
Tumango ako. “Oo, hindi kasi nakasama ang kaibigan ko dahil may naging problema sa bahay nila,” sagot ko naman sa kaniya. Mukhang mabait siya kaya nakipag-usap na rin ako.
“Naku, pareho pala tayo. Dapat kasama ko rin ang kaibigan ko, kaya lang aalis na kasi sila ng pamilya niya papunta sa ibang bansa. Sayang nga eh,” sabi naman niya. “Anyway, let me introduce myself. I am Yanna,” she said at saka nilahad ang kamay sa akin.
Tinanggap ko naman ‘yun. “Ako naman si Naya,” pakilala ko rin sa kaniya.
Nakakatuwa dahil nagkaroon agad ako ng kakilala rito. Ngayon, may kasama na ako at kahunta habang nag-aabang na kaming lahat dito sa harap ng isang malaking stage. Natuwa rin kaming malaman na may mga free food palang pinahanda si Stefano para sa aming mga fans niya. Dahil doon, medyo makakatipid kami sa gastos. Pamasahe lang pala ay sapat na para maitawid ang kada punta namin sa mga location na paggaganapan ng pa-contest ni Stefano.
“I hope we win in this first round so we can still qualify for the next round,” Yanna said while leaning on my arm. Kung titignan tuloy ay parang matagal na kaming magkakilala. Ngayon ko lang napansin na pati pala kulay ng mata niya ay green din. Contact lens siguro.
“Sana nga, at sana rin ay madali lang ang first round game ngayong araw,” sagot ko.
“Pero hindi, feeling ko hihirapan agad nila ang mangyayaring laro ngayong unang round. Para malaki agad ang mabawas,” sabi niya kaya napakunot ang noo ko.
“Bakit naman?”
“Kasi kung marami pa rin ang makakapasok sa mga susunod na round, malaki na ang magagastos ni Stefano sa bawat round na may libreng pagkain sa ating mga fans,” sagot niya kaya napatango ako.
“Sabagay, tama ka. Ngayon pa lang pala ay dapat galingan na natin.”
“Pero sa akin, ayos lang naman kahit walang pakain eh,” sabi pa niya kaya napangiti na lang ako.