Chapter 11

1095 Words
Naya’s POV Sinalubong agad ako ni Yanna nang makita niya ako. “Oh, ano, umuulan na ba ng notification ang cellphone mo?” bungad niyang tanong sa akin. “H-ha, b-bakit mo natanong?” Late ko na napagtanto na nag-post nga pala ako ng picture namin ni Stefano habang nasa biyahe. Tapos, ‘yung caption ko ay mahaba. ‘Yung nangyari sa akin ngayong buong umaga na kung saan ay sinabi ko rin na suwerte ako dahil nakita ako ni Stefano sa daan na wala ng masakyan na sasakyan kaya sinabay niya ako. Kinuha ko tuloy ang cellphone ko. Tinignan ko ang social media account ko. Namilog ang mga mata ko nang makita kong halos umuulan nga ng notification ang starbook ko. Ang daming reaction, comment at share. Kaya naman pala pagpasok ko kanina dito sa resort, nagtingin sa akin ang mga tao. Sa tingin ko, nakita na nila ‘yung post ko kasi kumalat na agad sa social media. “Ang lucky mo, Naya. Sana mangyari din sa akin ‘yan. Minsan, parang gusto ko na lang tuloy mag-commute,” nakangiting sabi ni Yanna kaya natawa ako. “Ano ka ba, kanina nga mukha na akong baka na iyak nang iyak kasi wala na talaga akong masakyan. Ang akala ko kanina, wala na, talo na ako sa round na ito, pero hindi ko inaasahan may hulog ng langit na tutulong sa akin. Alam mo bang na-goodluck pa niya ako. Hindi lang ‘yon, nagyakapan pa kami bago ako bumaba sa kotse niya.” Napatili sa inggit si Yanna. Panay ang sabi niya na sana ay mangyari din sa kaniya ‘yon. “Sandali nga, Yanna. Kailangan kong magbanyo,” paalam ko sa kaniya. Kanina pa talaga kasi ako maiihi simula nung kiligin ako kay Stefano. Kanina pa ako timping-timping magsabi sa kaniya na need kong magbanyo. Hindi ko lang masabi kasi nahihiya ako. Habang naglalakad ako at naghahanap ng banyo. May isang grupo ng mga babae na nagparinig sa akin habang naglalakad ako. “Siya ba iyon?” “Oo, ‘yung feeling-erang akala mo ay maganda.” “Pero ang suwerte niya ah. Pero, sana hindi siya ganoon kalandi sa picture nila. Halatang nag-post siya parang mang-inggit, e.” Huminto ako sa paglalakad at saka ko sila tinignan. Seryosong tingin ang binigay ko sa mga ito. Nang tignan ko naman ang mga ito, nagpakitang tapang din ang mga ito. Sabay-sabay silang namewang nang makita nilang sinamaan ko sila ng tingin. Siyempre, sa inasta nila, alam kong nanghahamon sila ng away kaya tinapangan ko ang paglalakad palapit sa kanila. Paglapit ko sa kanila, parang unti-unting nawala ang mga tapang nila. Mukha naman silang mga richkid kasi ang gaganda ng mga porma nila at ang gaganda rin naman nila. “Alam niyo bang limang mukha ang kaya kong basagin nang sabay-sabay, ganiyan ako sa amin,” pananakot ko sa kanila. “R-really?” hindi makapaniwalang tanong ng isa sa kanila. “Oo, bibilang ako hanggang sampu. Kapag umabot ako ng sampu at nandito pa rin kayo sa harap ko, manghihiram kayo ng mukha sa aso. Isa…dalawa…tatlo…apat…lim—” Natigil na agad ako sa pagbibilang nang sabay-sabay na silang tumakbo palayo sa akin. Pag-alis nila, tawa ako nang tawa kasi hindi naman pala nila kayang panindigan ang tapang nila. Mga duwag! ** Sa totoo lang, kahit hindi sabihin ni Stefano na pasok na ako sa round na ito, pasok na rin dapat ako kasi alam ko ang pakulo sa round na ito. Lahat kasi ng mga nakapasok sa round na ito ay masuwerteng nakita ang nakasulat sa papel habang nasa ilalim ng buwan. At ang nakasulat sa papel ay ang buong pangalan ni Stefano. Sinabi ko ‘yon kay Yanna kaya ang nangyari, pasok na rin siya sa round na ‘to. “Salamat, Naya, ah. Dahil sa ‘yo nakapasok pa rin ako sa round na ito. Ang galing mo. Saka, ang galing din nung iba. Ang dami tuloy naligwak sa round na ito. Iilan lang ata ‘yung masuwerteng tao na naitapat ang papel sa ilalim ng buwan,” sabi ni Yanna habang kumakain ka na kami dito sa coffee shop. Tapos na ang event at halos palubog na ang araw. Nag-aya siya na mag-dinner kami sa isang korean restuarant kaya pinatulan ko na. Sayang naman. “Kakaunti na lang tayo, sa tingin ko magiging mabilis na lang lalo ang laro na ito. Bilang na lang tayo e, biruin mo thirty na lang tayo. Next time, sa studio na ang susunod na pa-games, tapos naka-live na rin tayo sa page ni Stefano. Kinakabahan ako na parang nahihiya,” sabi ni Yanna habang nagluluto ng karne ng beef. “Ano ka ba, kayang-kaya natin ‘yan. Saka, maganda nga ‘yon e, kaunti na lang tayo.” Bakit ba siya matatakot e, mas maganda ngang mapadali ang palaro na ito. Nang sa ganoon ay magkaalaman na kung sino ang mananalo. “Sa totoo lang, magkalaban talaga tayo dito, Naya. Siguro, galingan na lang natin kapag talagang kakaunti na tayo. Gusto ko kasi, tayong dalawa ang maglaban sa final round,” seryosong sabi ni Yana. “Pero habang marami pa tayo, magtulungan tayo, gusto mo ba ‘yon?” Matagal bago ako nakasagot. Parang ano kasi. Parang gusto lang niya ata akong kaibiganin para sa laro na ito. Iyon ang naiisip ko. “S-sure, okay na okay sa akin ‘yan,” sagot ko naman kahit nag-aalangan na ako. ** Nung pauwi na ako at nasakay na sa bus, napapaisip tuloy ako. Sa tingin ko, hindi na dapat akong magpauto kay Yanna. Kasi, parang dumidikit lang siya sa akin para manalo. Iyon ang naiisip ko. Baka sa huli, siya pa ang manalo at ako pa ang matalo. Nag-ring ang cellphone. Nakita ko sa screen na tumatawag si Ate Ayah. “Oh, Ate Ayah, napatawag ka?” Nagulat ko ang bigla siyang magsisigaw sa kabilang linya. “Trending ka, Naya. Nakita ka namin sa balita sa tv ngayong lang. Viral ang picture ninyo ni Stefano. Tinawag ka na Lucky fan sa tv kasi masuwerte kang nasabay ni Stefano sa kotse niya. Kung saan-saan na rin namin nakikita ang picture ninyong dalawa. Pati sina mama at papa ay tuwang-tuwa kasi ang suwerte mo. Alam namin kung gaano ka kasaya ngayon.” Tumingin ako sa paligid ng bus. Lahat sila nakatingin at nakangiti sa akin. Sa tingin ko, viral na nga talaga ang picture namin ni Stefano. Ang saya-saya, ganito pala ang pakiramdam na biglang sumikat dahil kay Stefano. Ganito pala ang pakiramdam nang nag-viral. Bigla tuloy akong nahiya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD