Chapter 12

1200 Words
Naya’s POV Pagbaba ko sa street namin, sinadya kong hindi na sumakay ng tricycle. Sinadya kong maglakad na lang upang makita kung pati ba ‘yung mga kapitbahay ko ay aware sa nangyaring pagka-trending ko sa balita at social media. “Naya, artista ka na,” bati agad sa akin ng isang ale na kaibigan ni mama. “Aling Josie naman, sana nga maging artista nga ako,” natatawa kong sagot sa kaniya. “Aba, nandito na pala ang Lucky fan,” bati naman sa akin ni Mang Tenyong, kaibigan naman ni papa. “Talaga palang trending ako,” sabi ko naman sa kaniya habang napapakamot ng ulo. “Oy, Naya, right?” bati naman sa akin ng isang dalaga na hindi ko kakilala. Hindi ako sure kung taga rito siya sa street namin. Tumango ako at ngumiti. “Yes, ako nga,” sagot ko. “Uy, sikat na sikat ka. Ang lucky mo para makasabay sa sasakyan ni Stefano. Tapos may picture pa kayo. Kaka-comment nga lang ni Stefano sa post mo, nakita mo na ba?” Nagulat ako sa sinabi niya. “Talaga, nag-comment siya?” “Yes, Ate Naya, kaya nga lalong kumalat ang post mo sa social media, parang na-boast pa ni Stefano ang post mo,” sagot niya. Hindi ko alam na nag-comment na pala si stefano. Nasa kalagitnaan kasi ako ng biyahe kanina nang ma-lowbat ang cellphone ko. Tumakbo na ako para mapadali ang pag-uwi ko. Habang tumatakbo ako, marami pa rin ‘yung bumabati sa akin. Tumatango at ngumingiti na lang ako kasi gusto ko nang umuwi at mag-charge ng phone para makita kung ano ba ‘yung comment ni Stefano sa akin. Pagdating ko sa loob ng bahay namin, sinalubong agad ako ni Ate Ayah. Ngiting-ngiti siya at pumapalakpak pa. “Narito na pala ang parang nanalo sa lotto,” sabi niya habang tuwang-tuwa para sa akin. “Ate, favor naman oh, pahiram ng phone mo. Lowbat na kasi ang cellphone ko, titignan ko ‘yung comment ni Stefano sa post ko,” sabi ko sa kaniya. “Ay, hindi mo pa ba nakikita?” tanong niya na pati pala siya ay alam na ang tungkol doon. “Hindi pa, na-lowbat nga kasi ang phone ko,” sagot ko at saka na niya inabot sa akin ang cellphone niya. Dali-dali ko namang tinignan sa account ko ang comment ni Stefano. Grabe, halos hundred thousand na ‘yung reaction sa post ko, tapos halos tatlong daang libong comment na ‘yung comment section. Nang makita ko na ‘yung comment ni Stefano, lalong kuminang ang mga mata ko. “I enjoyed being with you throughout the trip, Miss Naya. I’m glad I met you. I hope we meet again.” Parang akong bulati na nilagyan ng asin nung mapangisay ako sa kilig matapos kong mabasa ang comment niya. Fifty thousand ‘yung heart reaction sa comment niya. Marami ang kinilig sa pag-comment niya sa akin. Marami ang nangarap ngayong araw na maging ako. Na sana ay makasakay din daw sila sa kotse ni Stefano. “Thank you, Ate,” sabi ko sa kaniya saka ko binalik ang cellphone niya. “Nagluto ako ng merienda, alam kong gutom ka, pero dahil sa nangyari, kahit na alam kong gutom ka, hindi ka makakakain dahil sa sobrang saya mo,”sabi pa niya kaya napangiti ako lalo. “Totoo, Ate, hindi ko nga makuhang mag-isip na kumain kahit na kanina pa kumukulo ang tiyan ko, anyway, magbibihis muna ako. Saka, magcha-charge na rin ako ng phone ko,” paalam ko sa kaniya. Pagdating ko sa loob ng kuwarto ko, nag-charge muna ako ng cellphone ko. Pagkatapos, kumuha ako ng damit ko para magbuhos ng katawan. Ang lagkit kasi talaga sa katawan kapag bumibiyahe ng matagal. Naligo na muna ako habang pinu-full charge ang cellphone ko. “Aba, nakauwi ka na pala, lucky fan,” panunukso ni mama sa akin na tila kakauwi lang ng bahay. “Opo, kanina pa po,” sagot ko at saka ako nagmano sa kaniya. “Kumusta po, pinagpi-fiesta-han din po ba kayo ng mga tao sa labas?” tanong ko naman. “Naku, sinabi mo pa. Kada kanto, napapahinto ako sa mga taong nakakausap ko tungkol sa nangyari sa ‘yo. Biruin mo ‘yon, nag-trending ka lang, marami na agad sa mga tao ang feeling close sa akin. Dati, kahit maglakad ako, walang tumatango at pumapansin sa akin. Naisip ko tuloy kanina, paano kaya kung naging artista ka, siguro mas lalong masaya kasi dadami ang kakilala at kaibigan natin,” masayang sabi ni mama. “Ganiyan palang ang nangyayari, masaya na agad. Paano pa kaya kapag ako ang nanalo sa pa-contest ni Stefano. Siguro, lalo akong sisikat. Dapat na siguro akong gumawa ng fan page ko,” natatawa kong sabi sa kaniya. “Ah, nga pala, nakapasok ka ba sa next round?” tanong niya. “Yes, mama. At ang totoo niyan, naka-bonus ako sa round na ito. Bago ako bumaba kanina sa kotse, sinabi ni Stefano na mag-relax na lang ako kasi automatic pasok na ako sa round kanina. Sa sobrang tuwa niya na makasama ako, pasok na agad ako kanina sa round na ‘yon,” kuwento ko sa kaniya kaya maging si mama ay natuwa rin. “Anak kong sikat, heto, sinandok kita ng spaghetti na niluto ng ate mo. Dapat kang kumain at malaki ang nagawa mong ingay para sa pamilya natin,” sabi ni papa na biglang sumingit sa usapan namin ni mama. May dala-dala siyang tray na may lamang spaghetti at juice. “Si papa naman, parang ano,” natatawa kong sabi at saka ko tinanggap ang tray. “Sa kuwarto ko na ito kakainin, salamat po,” sabi ko pa. Iniwan ko na muna sila para makapagbihis na ako. Pagdating ko sa kuwarto, binaba ko ang tray sa mini table ko. Hinarap ko na muna ang cellphone ko upang tignan kung full charge na. Fast charger ang mayroon ako kaya full charge na agad. Doon ko na binuksan ang cellphone ko. Pag-open ko nito, tadtad at ayaw tumigil sa kakatunog ng notification ko. Hindi na ako nagtaka, sa dami nang nagco-comment at nagre-react sa phone ko, inaasahan kong ganito na talaga ang mangyayari. Ngayon, alam ko na ang pakiramdam ng sikat. Siguro, ganito ang mga eksena ng cellphone ng mga sikat. ‘Yung tipong kapag nagpo-post sila sa social media, sanay na sila na tadtad at umuulan palagi ng notification. Nakatanggap ako ng message kay Yanna. “Girl, ano sa tingin mo next na laro sa pa-contest ni Stefano? Excited na akong sumabak ulit sa laro. Basta, ha, tulungan tayo. Anyway, may ibibigay nga pala ako sa’yo kapag nagkita tayo. Gusto mo ba ng mga makeup? Uy, mga branded ito. Mga mamahalin kaya dapat huwag mong tanggihan.” Basa ko palang sa message niya, halatang nang-uuto na, e. Akala niya siguro tanga ako. Sige lang, tatanggapin ko ‘yan pero huwag siyang umasa na hanggang sa dulo, magtutulungan kami. Sisiguraduhin ko na sa dulo, hindi kami ang maghaharap, sisiguraduhin kong bago magtapos ang pa-contest ni Stefano, maaga na siyang matatalo. Malakas ang radar ko sa mga plastic na tao. Kaya huwag ako, Yanna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD