Chapter 10

1242 Words
Naya’s POV Sabi ni Stefano, puyat daw siya. Galing pa raw siya sa isang taping kaya pagpasensyahan ko na raw kung tulog siya sa biyahe. Wala naman akong choice, nakikisakay lang naman ako kaya tumango lang ako at ngumiti. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang katabi ko ngayon sa magarang kotse na ‘to si Stefano. Sobrang bait niya, akalain mo ‘yon, pasuko na talaga ako kanina kasi alam kong wala ng pag-asa para makarating ako sa susunod na round ng pa-contest niya, pero hulog siya ng langit kasi, mismong si Stefano pa talaga ‘yung tumulong sa akin para makarating ako sa susunod na location ng pa-contest niya. Kanina ko pa tinititigan ang loob ng kotse niya. Ang laki at ang gara, tapos ang bango-bango pa. Amoy mayaman. Hinintay ko lang matulog si Stefano, nang makita kong parang tulog na siya, doon na ako tumingin sa kaniya mayat maya. Bawat minuto, kinikilig talaga ako. Hindi puwedeng ‘di ko siya tinitignan. Dati, sa malayo ko lang siya nakikita, sa mga picture, poster, album, internet at sa kung saan-saan pa. Hindi ko talaga inaasahang darating ito sa buhay ko. Hindi ko rin napigilan ang saril ko na kumuha ng litrato at video habang katabi ko siya. Naka-silent naman ang phone ko kaya hindi dinig kapag kumukuha ako ng picture. Agad ko ring nilagay sa social media ko ang video habang nasa biyahe ako at katabi ko ang guwapong natutulog na si Stefano. Grabe, kahit tulog sobrang guwapo pa rin niya. Ngayon lang ata ako nakakita ng lalaking kahit tulog, guwapo pa rin. Nagtitimpi nga lang ako, gustong-gusto ko na siyang halikan habang tulog. Kaya lang baka mababaw lang siyang matulog. Kung gagawin ko ‘yon, baka magising siya at magalit. Baka mapababa pa ako sa sasakyan niya ng walang sa oras. ** After ng mahigit isang oras, nagising si Stefano. “Manong, daan tayo sa coffee shop, gusto kong magkape,” sabi ni Stefano sa driver niya at saka tumingin sa akin. “Ikaw ba, gusto mo rin ng kape?” tanong niya sa akin. Nahiya naman ako. Nakakatunaw siyang tumingin kaya kahit gusto ko, tumanggi ako. Ang kapal naman kasi ng mukha ko kung oo, ako. “H-hindi na po, ayos lang ako,” sagot ko habang mautal-utal pa. “Ayoko kasi na hindi rin kakain ang taong kasama ko, lalo at katabi pa kita kaya huwag ka nang mahiya,” sabi niya saka muling binaling ang tingin sa driver niya. “Sige, manong, order ka sa drive thru ng tatlong kape, um-order ka na rin ng ilang cupcake at cookies para may makain tayong tinapay habang umiinom ng kape,” mabait na sabi ni Stefano habang nakangiti. Grabe, nilibre pa talaga niya ako ng kape. Nakakahiya talaga. Naiisip ko tuloy na parang ganito ang magiging eksena namin kapag ako ang nanalo sa pa-contest niya. ‘Yung tipong kapag nasa baguio na kami, ganito, dadaan kami sa drive thru para bumili ng food namin. Nang makakita na ng coffee shop ang driver niya, pumila na ito sa drive thru. Ang daming nagda-drive thru ng ganitong oras sa mga coffee shop. Ang mga pinoy nga naman, kahit tirik ang araw at mainit ang panahon, kape pa rin talaga ang hilig. Biglang umilaw ang cellphone ko, nakita ni Stefano na siya ang wallpaper ko kaya napangiti siya. “Ang pogi ko diyan ah,” patawa pa niyang sabi. “Sobra po,” nahihiya ko namang sagot. Doon na kami nag-usap nang nag-usap. Parang na-interview na tuloy niya ako kasi tinanong niya kung anong name ko, saan ako nakatira, nag-aaral pa ba ako o nagtatrabaho pa. Habang iniinom at kumakain kami ng tinapay, naghuntahan na lang kami sa biyahe. Tila sapat na sa kaniya ‘yung isang oras na pagtulog niya. Tawa siya nang tawa kapag nagpapatawa ako. Sobrang saya ng puso ko kasi napapatawa ko siya sa mga OA kong mga jokes. Sulit na sulit ang araw na ito kasi kasama ko ng ilang oras sa biyahe ang Stefano ko. “Ah, Stefano?” nahihiya kong tawag sa kaniya. “Uhm?” sagot niya habang nakataas pareho ang dalawang kilay. “P-puwede bang mag-selfie tayo. Sasamantalahin ko na rin ang pagkakataon na magkaroon tayo ng picture dalawa?” Kinapalan ko na rin ang mukha ko. Sayang kasi kung hindi kami magkakaroon ng picture gayong ang tagal-tagal naming magkasama sa biyahe na ito. “Sure, akin na ‘yang cellphone mo para mapalitan mo na ng bagong wallpaper,” pabiro pa niyang sabi. Masaya kong binigay sa kaniya ang cellphone ko. “Salamat, Stefanp,” sabi ko naman. Siya na nga ang nagpindot ng camera. “Lumapit ka naman sa akin, para tayong magkagalit sa picture, huwag ka nang mahiya para maging maganda itong picture natin,” udyok pa niya. Ang bait-bait niya talaga. Siya pa talaga ‘yung nagsasabi ng ganoon. Ayon, nagkadikit tuloy kaming dalawa. Pagkatapos, saka ko ginandahan ang ngiti ko. Hanggang limang picture ang ginawa niya. May mga pose-pose pa siyang tinuro sa akin. Sabagay, sa tagal na niya sa pagiging sikat na rapper, sanay na sanay na rin talaga kung paano niya mapapasaya ang mga fans niya. “Kapag nag-post ka sa social media, tag mo ako, ah,” sabi pa niya nang ibalik na niya sa akin ang cellphone ko. Tumango ako at saka ngumiti. “Oo naman, gagawin ko talaga ‘yan,” sagot ko naman. Nawala na rin ang hiya ko sa kaniya. Sa ilang oras ba naman na magkasama kami, talagang mawawala na rin ang hiya. Sa totoo lang, kung hindi man ako manalo sa pa-contest niya, ayos na rin. Kasi sa nangyari ngayon, parang nanalo na rin ako talaga. ** Pagdating namin sa location nang paggaganapan ng susunod na round na pa-contest niya, bigla niya akong tinawag nung pababa na ako sa kotse. “Sandali, Miss Naya,” sabi niya kaya huminto ako sa pagbaba sa kotse niya. “Yes, idol?” tanong ko naman habang nakangiti. “Mag-enjoy ka lang sa panunuod, pasok ka na agad sa round na ito,” sabi niya na kinagulat ko agad. “Talaga? Hala, thank you, Stefano,” masaya kong sabi. “Oh, mag-hug ka na sa akin at mamaya kasi ay hindi ka kita puwedeng isabay, iba na ang ruta ng sasakyan ko,” sabi pa niya kaya kumagat naman agad sa gusto niya. Aba, hug na ‘to, bakit pa ako aarte. Lumapit ako sa kaniya at saka ko siya niyakap nang sobrang higpit. “I love you, Stefano. Sobra mo akong pinasaya ng husto ngayong araw,” sabi ko kaya tawa na naman siya nang tawa. “Maraming salamat din sa patuloy mong pagsuporta sa akin. Galingan mo, sana manalo ka para ako ang maka-date mo sa Baguio,” pagchi-cheer pa niya sa akin kaya lalo ko tuloy gagalingan ito. “Dahil sinabi mo ‘yan, gagalingan ko talaga,” sagot ko pagkatapos ay saka na ako tuluyang bumaba sa kotse niya. Kumaway pa siya sa akin habang naglalakad na ako papasok sa loob ng resort na ito. Nang mawala na siya sa paningin ko, sumigaw talaga ako nang sobrang lakas dahil sa sobrang kilig ko. Napatingin tuloy sa akin ang lahat ng taong narito na sa resort. Akala nila ay kung ano na ang nangyayari. Sobrang saya ko talaga ngayong araw. Magchi-chill na lang ako ngayong dito kasi panalo na ako sa round na ito, iyon ang sabi ni Stefano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD