Kabanata 23 (SPG)

1085 Words
Stefano's POV Pagkatapos kong mag-trending sa social media, si Livia naman ngayon ang pinagfi-fiesta-han ng mga tao sa social media. May litrato siyang kumakalat kasama ang isang sikat na pörnstar, si Marcus Devin. Ang lalaki dati pa’y ini-issue ng mga tao sa girlfriend ko. Hindi naman ako naniniwala kasi alam kong hindi totoo ‘yon. “Huwag mong sabihing maniniwala ka sa buwisit na balitang ‘yon?” tanong ni Livia paglabas niya ng banyo. Ngumiti lang ako. “Bakit ako maniniwala doon. Mas paniniwalaan ko ang sasabihin mo. Saka, huwag kang mag-alala, hindi ko naman iniisip na totoo ‘yon. Sa panahon ngayon, kapag lalong sumisikat ang isang artista, mas lalo ring dumarami ang basher at maninira. Saka, marami na ring mga tao ngayon ang magaling mag-edit ng mga picture,” sabi ko sa kaniya. Lumapit siya sa akin para yakapin ako. Nalaglag tuloy ang towel na nakatapis sa katawan niya. Nakita ko ang napaka-sexy na katawan niyang hubu’t hubad. Hindi ko napigilang mapahawak sa mabibilog at malalaki niyang dib dib. “Tara kaya?” aya ko sa kaniya. “W-wait, iinom lang ako saglit ng vitamins,” sagot niya saka bumaklas sa pagkakayakap ko. Pumunta siya sa vanity table niya at saka uminom ng vitamins. Pansin ko, kapag may nangyayari sa amin, umiinom muna siya ng vitamins. May something ba sa vitamins na iniinom niya? Siguro, may dagdag ano ‘yon, pampainit lalo. Pagkatapos niyang uminom, tinulak na niya ako sa kama. Napahiga tuloy ako roon ng nakangisi. Siya ang nagtanggal ng mga saplot ko. Inuna niyang tanggalin ang pantalon at brief ko. Nung wala na akong suot na damit sa ibaba ko, agad niyang hinawakan ang malambot pang álaga ko. Si Livia, kapag inumpisahan na akong romansahin, lalabas talaga ang init sa katawan ko. Ang galing e. Sa ilang taon na ng relasyon namin, sanay na sanay na niya akong paliligayahin. “Mmmm,” mahinang halinghing ko nang isubo na niya ang álaga ko. Kapag nag-umpisa na akong umungol, hindi na ito matitigil kasi alam niya kung paano ako mapapaungol hanggang sa huli. “Stefano, Livia, nasaan kayo!” dinig naming sigaw ni mama sa labas kaya nagulat kaming dalawa. “Ano ‘yon, babe?” tanong ni Livia na natigil tuloy sa ginagawa sa akin. “Lumabas kayo, kakausapin ko kayo!” galit pa rin na sabi ni mama kaya wala na kaming nagawa kundi ang magbihis na para harapin siya. “Bakit galit na galit si mama, babe?” natatakot na tanong ni Livia sa akin. “Baka tungkol dun sa balitang kumalat tungkol sa inyo ni Marcus Devin,” sagot ko sa kaniya. “Pero, huwag kang mag-alala, akong bahala. Akong magpapaliwanag sa kaniya. Matagal naman nang nangyayari ang ganitong issue kaya bakit ngayon pa siya magagalit.” Lumabas kami ng kuwarto namin nang magkahawak kamay. Ramdam ko kasi na natatakot si Livia. Nakakaawa naman ang girlfriend ko kaya hindi ko hahayaang matakot siya. Pagdating namin sa ibaba, nakita namin ang nanlilisik na mga mata ni mama habang nakatingin sa aming dalawa. “Livia, bumalik ka muna sa kuwarto ninyo. Mag-uusap kami ng anak ko,” masungit niyang sabi kaya tinignan ko si Livia. “Ma, galit po ba kayo sa akin?” tanong naman ni Livia. “Ang sabi ko, bumalik ka sa kuwarto ninyo, kailangan naming mag-usap ng anak ko,” masungit pa rin ng sabi ni mama kaya tinapik ko na ang balikat ni Livia. “Sige, ako lang naman pala ang kailangan niyang makausap, sige, doon ka muna sa kuwarto natin,” sabi ko sa kaniya. Malungkot na tumango si Livia, saka ito umakyat ulit sa itaas. Nung wala na si Livia, saka ko inayang maupo sa sofa ni mama. “Malandi ‘yang girlfriend mo, Stefano. Hindi fake ang picture nila nung lalaking pörnstar na si Marcus Devin. Totoong palihim silang nagkikita sa mga hotel or motel. Totoong parang may relasyon sila. Ginagago ka ng babaeng ‘yan, anak,” galit niyang sabi. Hindi ako sumabay sa galit niya. Alam ko naman na concern lang sa akin si mama. Ang ginawa ko, kinausap ko ito ng mahinahon. “Mama, matagal nang nangyayari ‘yan. Matagal nang kumakalat ang balita sa kanilang dalawa. Ni hindi nga raw kilala ni Marcus Devin si Livia. Saka, naglabas na rin ng pahayag si Marcus Devin. Hindi niya rin daw kilala itong girlfriend ko. Talagang ang mga fans lang ang gumagawa ng issue sa kaniya. Maraming mga fans ang nagkakalat ng mga fake news. Sana po ay huwag na kayong sumali sa mga naniniwala sa fake news na ‘yan. “May kumare akong may-ari ng hotel na napuntahan nila. Doon ko na-confirm na nagkikita talaga sila. Totoong niloloko ka niyan. At ito pa, hindi magsasalita ng ganoon ang kumare ko nang hindi niya sure. Hindi ko lang mahingin sa kaniya ang CCTV nung pagpunta nila kasi nabura na raw niya. Basta ako, ayoko na sa babaeng ‘yan. Ayoko na sa kaniya. Tila mas gusto ko pa ‘yung babaeng kasama mo sa kotse mo na nag-viral. Yung sikat na sa tawag na lucky fan. Siya, mukhang mabait, maganda pa. Kung hihiling nga ako sa itaas, sana iyon nalang. Sana si lucky girl na lang. Ayoko na sa Livia na ‘yan. Hindi ko na siya gusto. Ayoko sa haliparot.” Kapag ganitong seryoso magsalita at pinaninindigan ni mama ang mga sinasabi niya, natatakot na rin ako kasi baka…baka nga totoo. Pero kasi, kilala ko na si Livia. Alam kong hindi niya kayang gawin ‘yon. Saka, baka doon pa sa pörnstar na ‘yon. “Hayaan niyo po, aalamin ko rin ang totoo. Kapag napatunayan ko rin ‘yan, saka ko po siya hihiwalayan,” sagot ko sa kaniya. Napaisip tuloy ako bigla. Hindi kaya totoong nakikipaglandian na siya sa iba? Hindi kaya tungkol sa pagiging baög ko ito kaya siya naghahanap na ng iba. Ang gulo, pati tuloy ako ay napapaisip na rin na baka totoong lumalandi na siya sa iba. Ilang taon na kasi kami pero hanggang ngayon ay walang mabuo-buong bata. Natatakot na tuloy ako lalo na baka, baka isang araw, hiwalayan na niya ako. Baka isang araw, lumabas ang totoo na may relasyon na rin talaga sila ni Marcus Devin. Huwag ko lang talaga mababalitaan na totoo ang mga issue na pinalampas ko lang. Sa oras na mapatunayan kong may relasyon silang dalawa, gagawin ko ang lahat para mapabagsak silang dalawa. Pero, habang wala pa akong napapatunayan, dapat ay maging kalmado muna ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD