Kabanata 24

1175 Words
Naya’s POV “Kung ayaw mo, ako na lang ireto mo,” udyok ni Ari matapos kong ikuwento sa kaniya ‘yung kabaliwan na ganap kaninang madaling-araw ni Thiago. Guwapong-guwapo kasi ngayon itong si Ari kay Thiago. Kung siya raw ako, baka sinagot na raw niya si Thiago kaninang madaling-araw. Sinabihan pa ako ng tanga. “Gusto mo ba, kaya ko naman. Kung gusto mo, sa iyo na siya. Masyado na kasi akong busy ngayon sa buhay ko. Mabuti nga nasisingit ko pang makipag-usap sa iyo,” sabi ko sa kaniya habang hawak-hawak niya ‘yung bulaklak na bigay sa akin ni Thiago. Nandito kami sa kuwarto ko, dumating bigla si Ari para makipaghuntahan. Mabuti na lang at nanunuod lang ako ng mga old music video ni Stefano. Malapit na kasi ang shooting namin kaya dapat ko na ring galingan at pagtuunan ng pansin ito. Trabaho na rin ito para sa akin, aba, ang laki-laki rin kaya nung ibabayad sa akin ni Stefano kaya dapat lang na seryosohin ko ito. “Impyernes kapag pumapasok na sa mga ganiyang mundo ng showbiz, gumaganda talaga ang isang tao,” sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya. Nakangiti si Ari habang nakatingin sa akin. “Gumanda ka nung naayos mo ‘yang buhok mo. Saka, naka-makeup ka ba, girl?” Napangiti ako sa sinabi niya. Ibig sabihin ay gumaganda na lalo ako. “Kanina, nag-try akong mag-makeup, nanuod ako ng mga tutorial. Heto, medyo parang nagawa ko naman. Si Ate Ayah kasi, binilhan ako kahapon sa mall ng mga makeup. Dapat daw matuto na rin akong mag-ayos sa sarili ko kasi baka raw sumikat na rin talaga ako. Para raw in case of emergency, sanay na akong mag-ayos ng sarili ko.” “Maganda, ayos ‘yan. Para kang nag-evolve. Maganda ka lalo kapag nakaayos. Parang gusto ko na tuloy mag-evolve din,” sabi pa niya. “Gusto mo makeup-an kita?” alok ko sa kaniya habang nakangiti. Alam kong iyon lang naman ang hinihintay niyang itanong ko sa kaniya. Ang gaga, dahan-dahang tumango. Sabi na, e. “Ayos lang ba? Hindi ba’t busy ka?” tanong pa niya na medyo pakipot effect pa. “Okay lang, parang nagpa-practice lang din ako nito. Pumunta ka muna sa banyo. Maghilamos ka at gamitin mo itong facial wash ko para matanggal ‘yung mga oil sa mukha mo,” utos ko sa kaniya. Ang gaga, makire rin, e. Dali-dali namang tumakbo papunta sa banyo. Minsan lang kami magkaroon ng ganitong bonding kaya parang nalilibang tuloy ako. Dati kasi, puro kalokohan at bonding namin. Ngayon, heto na, landian sa katawan na ang cravings namin. Nasa isip na namin ngayon ang magpaganda at mag-ayos ng sarili. Sa tingin ko tuloy ay babaeng-babae na kami ngayon nitong si Ari na dati ay akala ko’y totomboy-tomboy lang. Pagbalik niya, inumpisahan ko nang ayusan siya. Kung ano ‘yung napanuod ko sa mga tutorial, ganoon ang ginawa ko sa kaniya. Si Ari, habang inaayusan ay seryoso. Hindi gumagalaw. Sumusunod lang sa mga sinasabi ko. Naisip ko tuloy, kapag nag-birthday siya, makeup set nalang ang maregalo para matuto na rin siyang mag-ayos. Nang matapos na ako sa pagmi-makeup sa kaniya, hinarap ko na siya sa salamin. Nakita kong napataas ang dalawang kilay niya, pagkatapos saka siya ngumiti. “Wow, may talent ka rin pala sa pagma-makeup. Ang ganda ko,” sabi niya habang titig na titig sa mukha niya. “Halika dito, picture-an kita. Para makapagpalit ka na ng display picture mo sa Starbook,” aya ko naman sa kaniya. Supportive friend ang atake ko ngayon. “Oh, ayan ang gaganda ng picture mo. Ise-send ko na lang sa iyo para makapamili ka kung anong picture ang gusto mong gawing profile picture,” sabi ko pa. Pagkatapos ko siyang ayusan, nagpaalam na siya na uuwi para ipakita sa mama niya ang itsura niya. Ii-scam-in daw niya ang mama niya. Sasabihin daw niya na kailangan na niyang bumili ng mga makeup para matuto na rin daw siyang mag-makeup. ** Nung hapon, inaya akong lumabas ni Ate Ayah. May bagong bukas na samgyupsal daw sa bayan kaya sumama naman ako. “Hoy, nakita mo na ba ‘to?” tanong ni Ate Ayah sa akin saka hinarap ang cellphone niya sa mukha ko. “Sikat pala si Thiago. Kakagawa niya lang ng starbook page, pero ito, hundred thousand agad ang followers niya. Marami pa ang nagulat sa mga fans niya na narito na pala siya sa Pilipinas. Sikat siya sa ibang bansa at sikat din pala dito sa pinas. Model na pala siya ‘no?” Namutla ako nang malaman ko ‘yon. Paano nangyaring sikat siya. “Bakit sikat siya? Bakit hindi ko alam? Anong klaseng pagmo-model ba ang ginagawa niya?” tanong ko tuloy. “Base sa pagsi-search ko kanina, naging model na siya ng mga bigating company. Madalas din daw itong rumampa sa mga sikat na runway na ginagawa sa Paris. Isa na rin pala si Thiago sa mga matunog na pangalan na sikat na model sa Pinas. Hindi lang natin agad siya nakilala kasi madalas, mga sosyal na tao lang ang mahilig sa mga model-model na ‘yan,” paliwanag ni ate. Alam kong kaya gumawa si Thiago ng page niya ay dahil sa deal naming dalawa. Hindi ko nalang pala siya dapat na hinamon. “Nililigawan niya ako, ate,” sabi ko sa kaniya kaya namilog ang mga mata niya. “Kaya siya biglang gumawa ng page sa starbook ay dahil hinamon ko siya. Sinabi ko na papayag lang akong magpaligaw sa kaniya kung kasing sikat niya rin si Stefano. Hindi ko naman alam na madali lang pala niyang magagawa ‘yun. Hindi ko na dapat siya hinamon,” sabi ko kay ate habang nakangiwi. Kiniliti naman niya ako bigla. “Oh, e, ano naman. Ayos nga ‘yon. Guwapo naman si Thiago. Saka, mayaman na rin at sikat pa. Anong ayaw mo sa kaniya. Aba, dapat nga matuwa ka kasi na-inlove sa iyo ang bestfriend mo. For me, mukhang yummy na rin naman si Thiago. Ang laki na rin ata ng katawan niya nung makita ko siya sa personal,” sabi pa ni ate na tila pinu-push na rin ako sa bestfriend ko. “Eh, may Stefano na ako, Ate Ayah.” “Gaga, may jowa na si Stefano. Puwede mo pa rin namang ituloy ang pagiging idol mo kay Stefano habang nakikipagrelasyon kay Thiago. Saka, matagal-tagal na ata nung huling magkajowa ka. I-try mo si Thiago at baka iba ito magmahal. Malay mo, si Thiago pala talaga ang makakatuluyan mo.” Hindi ganoon ang naiisip ko. Iba ang nai-imagine ko na makakatuluyan ko. For me, si Stefano ang maganda at masarap na maging asawa, hindi si Thiago na talaga namang friend lang ang tingin ko. Sumasakit tuloy ang ulo ko. Feel ko, gagawa at gagawa ng eksena si Thiago para ligawan ako. Ngayon palang, kinakabahan na ako. Grabe pa naman siya mangulit, kilalang-kilala ko na siya. Stefano, help. Ligawan mo na rin ako para wala na akong problema sa kaibigan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD