Kabanata 22

1279 Words
Naya’s POV Nasa kalagitnaan na ako ng pagtulog nang mag-ring ang cellphone ko. Nagising tuloy ako bigla. Bumangon ako para kunin ang cellphone ko. Ako pa naman ‘yung hindi nagsa-silent ng phone kapag gabi. Para in case of emergency ay nakakasagot ako sa mga tawag. Tulad na lang ngayon, mukhang may emergency kasi may tumatawag sa akin ng ganitong oras. Pagkuha ko sa cellphone ko, nagulat ako kasi tumatawag sa akin ang mama ni Thiago. “Hello po, Tita Thia?” sagot ko agad sa kaniya sa kabilang linya. “Hi, Naya. Sorry kung naistorbo kita sa pagtulog. Alam kong late na. Gusto ko lang itanong kung nakita mo ba si Thiago o may alam ka kung saan siya nagpunta? Kanina ko pa kasi tinatawagan, ayaw naman sumagot. Nag-aalala na ako sa taong ‘yon,” sabi niya kaya agad akong kinabahan. Tumingin ako sa orasan, halos alas dos na ng madaling-araw. “Tita, tatawagan ko po ulit kayo. May idea na po kasi ako kung nasaan siya,” sagot ko sa kaniya. “Sige, Naya, salamat ha. Tawagan mo agad ako kapag nakita mo siya. Nag-aalala na kasi talaga ako.” “Okay po, tita. Ba-bye po.” Dali-dali akong gumayak at bumangon. Hindi agad ako umalis. Alam kong hindi pa kumakain simula pa kanina ang tangang ‘yon. Kilala ko si Thiago. Mabuting tao at mabait siya pero gago iyon sa mga desisyon niya. Tumuloy ako sa kusina. Ininit ko ang kanin at ulam. Pagkatapos, saka ko nilagay sa microwavebable ang pagkain niya. Kumuha na rin ako ng softdrink sa fridge. Wala ng sasakyan sa ganitong oras kaya naglakad na lang ako. Mabuti na lang at malamig na sa ganitong oras kaya ayos lang. Mula sa bahay, papunta sa park ay halos benteng minuto ang tinagal. Napabuntong-hininga ako sa tangang si Thiago nang makita kong nakaupo pa rin siya sa isang bench dito sa park. Para siyang baliw doon. “Ang lakas din ng trip mo ‘no!” sabi ko kaya agad siyang napalingon sa akin. Nakita kong napangiti siya. “Sabi na, e. Hindi mo ako matitiis,” masaya niyang sabi. “Anong hindi matitiis. Wala na talaga akong balak na pumunta dito dahil tulog na ako. Tinawagan lang ako ng mama mo. Alalang-alala na sa iyo,” sagot ko nang lapitan ko siya. “Pero pumunta ka pa rin,” sabi niya na parang baliw na nakangiti pa rin. “Kumain ka na ba?” tanong ko. “Nag-message ako sa iyo. Hindi mo ba nakita? Sinabi ko sa iyo na dito lang ako kahit anong mangyari. Hindi ako aalis dito. Magtitiis ako ng gutom.” Baliw na nga ata talaga ang isang ‘to. “Bakit mo ba ginagawa ‘to? Alam mo, busy na akong tao. Marami na akong pinagtutuunan ng pansin, lalo na ngayon na sunod-sunod ang work ko, tapos sumasabay ka pa. Alam mo, dapat hindi ka na umuwi. Doon ka na lang dapat sa ibang bansa. Thiago, hindi na tayo bata pa para mag-trip ng ganito. Matanda na tayo. Mabuti hindi ka napag-trip-an dito ng ganitong oras. Ang dami pa naman mga lasing na na dumadaan dito.” Nagulat ako kasi napansin kong parang dumudugo ang kamay niya at may sugat din siya sa may braso. “May dumaan nga. Napaaway ako. Mas malaki at mas lamang ako kasi normal ako, kaya lang nakahawak siya ng kahoy kaya natamaan ako sa braso at kamay,” sabi pa niya kaya parang naawa ako sa kaniya. “Tignan mo, sa katangahan mo muntik ka pa tuloy napahamak,” pagsisisi ko sa kaniya. “May sasabihin nga kasi akong importante sa iyo. Bakit kasi ayaw mo muna akong pakinggan at harapin. Puro ka Stefano, mas malapit naman ako sa iyo, ha?” “Fine, ano ba ‘yang sasabihin mo? Sabihin mo na, inaantok pa ako. Gusto kong magpahinga na. Grabe na itong pang-iistorbo mo sa akin, Thiago.” Masama pa naman sa akin ang nagigising ng alanganin. Lumalabas talaga ang pagiging tigre ko. “Gusto kita, mahal kita, gusto kitang ligawan. Iyon ang importanteng sasabihin ko sa ‘yo. Pero sa mga inaasta at pinapakita mo sa akin, parang alam ko na ang isasagot mo. Halatang hindi mo ako trip, hindi mo ako gusto. Kasi kanina palang, nung sabihin mong mas importante si Stefano, nasaktan agad ako. Pero, alam mo, kung hindi ka pumunta dito hanggang umaga, sinabi ko sa sarili ko na wala, titigil na agad ako, susuko na agad ako. Pero ang sabi ko kay Lord, kapag pumunta ka rito nang hindi pa nagliliwanag ang kalangitan, ibig sabihin ay hindi ako susuko kahit ano pang mangyari. Liligawan kita, kukulitin kita hanggang sa makuha kita. Paano ba ‘yan, si Lord na ang nagbigay ng sign. Hindi ako susuko kahit tigre ka pa magalit. Kahit masakit ka pang magsalita. Hindi ako titigil.” Tumayo siya at saka lumapit sa akin. Kinuha niya ang dala-dala kong pagkain. “Dala ito ng babaeng gusto ko kaya kakainin ko. Nag-eeffort kang ihanda ito kaya dapat lang na kainin ko ‘to.” Bumalik siya sa bench at doon kinain ang dala kong pagkain. Natameme ako sa mga sinabi niya. Parang tumiklop tuloy ako. Hindi ko inaasahan na ganito siya katapang ngayon. Pero hindi ko hahayang madala ako sa mga sinabi niya. Si Thiago ito, e. Nakilala kong kalog, joker, baliw at bundol. Kaya hindi agad ako dapat maniwala. “Umuwi ka na pagkatapos mo diyan. Hinahanap ka na ng mama mo. Tumawag ka na rin sa kaniya ngayon kasi nag-aabang siya ng tawag mo. Pati mama mo dinadamay mo sa mga ganitong trip mo,” pangaral ko sa kaniya. “Heto na nga, magme-message na po ako sa kaniya,” sabi niya saka dinukot ang cellphone sa bulsa niya. Mabilis siyang nag-type doon pagkatapos saka binalik ang cellphone sa bulsa niya. “Ngayong nasabi ko ang mga dapat kong sabihin, sige, umuwi na tayo. Ihabatid na kita sa bahay ninyo.” “Hindi na, maglalakad na lang ako. Marami naman ng tao sa kalsada namin,” pagtatanggi ko sa kaniya. “Hindi, ayoko, Naya. Ihahatid kita, tapos!” pangungulit niya saka sinilid sa supot ang mga tupperware na dala ko. Hinatak niya ang kamay ko at saka ako hinila papasok sa kotse niya. Wala na akong nagawa nung sumakay na kami sa kotse niya. Nagulat pa ako kasi may kinuha siyang malaking bouquet ng flower at malaking chocolate sa liikod ng sasakyan niya. “Oh, flowers and chocolate for you, Naya,” sabi niya kaya napangiwi ako. Para talaga siyang baliw. “Akala ko basurahan ang tatanggap niyan, hindi ako makapaniwala na mabibigay ko rin pala sa ‘yo ang mga ‘yan,” sabi pa niya. “Pero, Thiago, bestfriend tayo, e.” “Dati ‘yon, ayoko na ngayon ng ganoon. Gusto kong mag-level up pa tayo.” “Pero, Thiago, ayoko.” “Ano bang dapat na gawin ko para magustuhan mo ako? Dapat ba kasing sikat din ako ni Stefano? Dapat din ba marami akong fans?” Sumakay na lang ako sa trip niya. Alam ko naman na mahihirapan siyang gawin ‘yon. “Oo, dapat sikat ka. Dapat marami kang fans. Kung hindi mo magagawa ‘yon, tumigil ka na sa mga trip mong ‘yan,” sagot ko kaya tumawa lang siya. “Maghintay ka lang, Naya. Sisikat din ako. At sa oras na mangyari ‘yon, bawal ka nang tumanggi sa akin.” Para na lang matapos ang usapan at para makatulog na ako, sumang-ayon na lang ako sa kaniya. Alam ko namang hindi niya magagawang tapatan ang pagiging sikat ni Stefano. Imposibleng sumikat siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD