Chapter 13

1118 Words
Naya’s POV “Baka naman kalimutan mo na ako,” sabi ni Tori habang nag-aayos na kami ng mga dami na idi-display sa may bungad ng clothing shop. “Isang beses lang akong nag-trending, kakalimutan agad. Hindi naman ako mag-aartista ‘no,” sagot ko sa kaniya habang nakangiti. Hanggang ngayon ramdam na ramdam ko pa rin ang pagka-trending ng picture namin ni Stefano. “Sobrang inggit na inggit ako talaga. Aba, si Stefano ‘yon ah. Crush na crush ko siya. Alam mo, nung makita ko ‘yung post kahapon, tili ako nang tili. Ang saya-saya ko para sa iyo, ramdam na ramdam ko sa mga magaganda mong ngiti ang kasiyahan mo kahapon.” “Tama na nga, puro ganiyan ang usapan. Nakakairita kayong pakinggan,” saway ni Aletta na kontrabida palagi dito sa clothing shop. “Magtrabaho kayo, hindi ‘yung puro chismis lang,” dagdag pa nito kaya napairap na naman ako. Sasagutin ko sana siya, kaya lang biglang bumukas ang pinto ng shop. Himala kasi maagang pumasok sa work ngayon ang bossing namin. “Aba, himala po at ang aga niyo ngayon, Sir Jelo,” sipsip na bati ni Aletta. Pa-sweet pa ang boses na akala mo ay kay bait-bait. “Good morning, lucky fan,” bati ni Sir Jelo sa akin. Sinalubong siya ni Aletta pero ako ang una nitong nilapitan. Napanganga na lang tuloy siya. “Good morning din po, Sir Jelo. Anong mayroon at tila maganda ang mood ninyo ngayong umaga?” tanong ko nang tanggapin ko ang kamay niya. Himala, bigla siyang nangangamay na akala mo tila may graduation ngayon. “Kahapon pa kita iniisip, Naya,” sagot nito kaya napatingin ako kay Tori at Aletta. Pareho silang takang-taka, ganoon din ako. “Naisip kong gawin kitang model ng clothing shop ko. Hindi ka na pang-sales lady ngayon. Kilala ka na, sikat ka na kaya dapat lang na ilugar kita sa dapat na lugar mo,” sabi pa niya kaya natawa na lang ako. “Sir, joke po ba ito?” Hindi ako naniniwala kasi kapag good mood siya, madalas ay pala-joke ito. Hinawakan niya ang braso ko at saka ako inayang pumasok sa office niya. Pagdating sa loob, pinaupo niya ako sa tapat ng table. Pag-upo niya, may kinalikot siya sa computer niya. May pinirint siyang paper na hindi ko alam kung ano. “Miss Naya, ito na ang contract. Pirmahan mo na ‘yan para mahanda na natin ang dapat I-ready,” nakangiti niyang sabi at saka inabot sa akin ang mga papel na ‘yon. “Seryoso ba talaga?” tanong ko pa saka ko binasa ang contract. Ang nakalagay sa contract, magiging model ako ng clothing niya ng tatlong taon. Tuwing may ilalabas siyang bagong design na damit, kailangan may pictorial na maganap sa akin. Ibig sabihin, hindi na nga ako saleslady sa clothing shop niya. Model na nga talaga ako. “So, ano, okay ba sa ‘yo ‘yan?” tanong niya na nakangiti pa rin. “Sir, paano ‘yan, tuwing may pictorial lang ako kikita, ganoon? Siyempre, hindi naman araw-araw ‘di ba ay may bago kang labas ng t-shirt?” “Hindi mo ba nabasa? Sa tatlong taon na pagpirma mo ng contract bilang model ko, araw-araw, kahit wala kang trabaho, ibig sabihin ay sasahod ka pa rin. Naisip ko rin kasi na ibalandara na rin sa social media ang mga clothing ko. Sasamantalahin natin ang pagkakataon na trending ka pa. Kaya bukas na bukas, magsu-shoot na tayo, okay ba sa ‘yo iyon?” “Sandali, may tanong pa ako. Paano naman kapag may shoot ako? Iba ba ang p*****t nun?” Tumango siya. “Siyempre naman. Mas malaki iyon. Aba, model ka na ng clothing shop ko kaya dapat lang na ibigay ko ang dapat na sahod para sa sikat na gaya mo,” sabi niya kaya natutuwa tuloy ako. Ang laki ng naging impact ng pagka-trending namin ni Stefano. ** “Ano, model ka na?” nagulat na tanong ni Ate Ayah habang nag-aalmusal na kami. Nagulat kasi sila na maaga akong gumising at gumayak ngayong araw. Ngayon ko lang nasabi sa kanila ang tungkol sa pagiging model ko na sa clothing shop na pinagtatrabahuhan ko. Gumala kasi kami ni Ari pag-uwi ko galing sa trabaho. Inaya niya akong pumunta sa isang bagong open na korean shop sa bayan. Doon kami nag-dinner. Hindi ko nga inaasahan na marami ang babati sa akin. Tapos, nagulat pa ako na ang daming nagpa-picture sa akin. Tinatawag na rin nila akong Lucky fan. Na tila ba makakasanayan na iyon ng mga tao na itawag sa akin. “Nung hindi rin po ako naniwala, pero totoo po talaga. Nakapirma na rin ako ng contract kahapon. At ngayon po, maaga akong may work para pumunta sa studio. Isa-isa ko nang susuotin ‘yung mga bagong clothing design na ilalabas ng boss ko. At hindi lang iyon, may video pa raw akong gagawin ngayon araw na gagawing ads sa social media.” Napangiti si Ate Ayah at ganoon na rin ang parents ko. “Binabawi ko na ang sinabi ko dati. Mukhang sinuwerte ka pa ngayon dahil sa pagka-trending ninyo ni Stefano. Dahil sa pagiging lucky fan mo, ayan, nilalapitan ka na ng suwerte. At baka hindi lang ‘yan, marami pang mag-alok sa iyo ng kung ano-anong trabaho. Dapat sigurong maging manager mo na ako,” patawang sabi ni Ate Ayah. “Naku, oo, dapat ngang gawin mo na ‘yan, anak. Baka ito na ang simula nang pagsikat ni Naya,” sabi naman ni mama na sumang-ayon sa joke ni Ate Ayah. “Hindi ako makapahintay na makita na kita araw-araw sa tv, anak,” sabi naman ni papa na agad namang nag-imagine. Ang tataas ng mga pangarap nila para sa akin, wala pa ngang nangyayari, e. Nang paalis na ako ng bahay, biglang may humintong sasakyan sa harap ko. Bumukas ang bintana nito at saka lumitaw ang isang guwapong lalaki na nakangiti sa akin. Nakangiti siya sa akin pero hindi ko naman siya kilala. “Y-yes, anong kailangan mo?” tanong ko sa kaniya. Inisip ko na baka isa lang siya sa nakakilala sa akin dahil sa pagka-trending ko kaya siya nakangiti sa akin. Pero, impyernes naman sa lalaking ito, ang guwapo, pero parang…teka nga. “Ano ka ba, Naya, sobrang laki na ba nang pinagbago ko para hindi mo ako makilala?” natatawa niyang sabi. Nung marinig ko ang boses niya, doon ko lang napagtanto na umuwi na pala siya ng Pilipinas. “Thiago Sanchez!” pasigaw kong sabi. Tang-ina, b-bakit ganito kalaki ang pinagbago niya. B-bakit, ang guwapo naman ngayon ng bestfriend ko. Hala, si Thiago ba talaga ‘to?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD