Chapter 14

1686 Words
Naya’s POV Gusto pa sanang mag-ayang mag-dinner ni boss Jelo matapos ang photoshoot ko, kaya lang tumanggi ako kasi inaya akong mag-dinner ng bestfriend kong balikbayan. Mabuti na lang at maagang natapos ang photoshoot. Ang saya-saya ko kasi nakaranas na ako ngayon ng ganitong photoshoot. Ganito pala ang maging model. Nung una nahirapan ako, e, kasi nahihiya ako. Mabuti na lang at matalino ang bossing ko si Jelo. May tinawagan siyang isang veteranong model. Ito ang nagturo sa akin ng mga posing ko. Siya ang nagpalakas ng loob ko na huwag mahiya. Maganda rin daw kasi ako kaya wala raw akong dapat na ikahiya. Sa totoo lang, nung inayusan ako kanina ng glam team na dala ni Boss Jelo, nagulat ako sa itsura ko. Nung makita ko ang sarili ko sa harap ng salamin, masasabi ko talagang mas maganda pala ako kay Ate Ayah kung mag-aayos ako. Kahit si Boss Jelo, nagulat sa gandang inilabas ng awra ko dahil sa ayos ng glam team. Hindi raw niya inaasahang may tinatago raw pala akong ganoong ganda. Sa tingin ko nga ay dahil sa paglabas ng kagandahan ko ay kaya siya nag-ayang mag-dinner. Ewan ko lang, ha, pero ‘yon ang naiisip ko. “Nasaan ka na?” basa ko sa message ni Thiago nung pababa na ako sa elevator. “Narito na kasi ako sa parking area, sabi mo ganitong oras ka matatapos,” basa ko naman sa kasunod na message niya. Hindi na ako nag-reply. Tinawagan ko na lang siya. “Yes, tapos na ako. Pababa na ako kaya pakihintay na lang ako diyan,” sabi ko sa kaniya nang sagutin niya ang tawag ko. “Good. Saan mo ba gustong kumain?” tanong niya habang parang masaya ang tono ng boses. “Ikaw,” sagot ko naman. “Ay, ang bastos naman, really, ganiyan ka na ngayon, Naya. Ang bilis mo ah, gumuwapo lang ako ganiyan ka na sa akin,” sabi niya kaya nagulat ako. Natatawa ako sa kaniya. Hanggang ngayon baliw pa rin siya. “I mean, ikaw kako ang bahala. Saka, hello, bakit kita kakainin, si Stefano ka ba?” patawa kong sagot kaya nag-ihit siya sa kakatawa sa kabilang linya. Nung makarating na ako sa parking area, binaba ko na ang linya ko. Nakita ko agad ang kotse niya kasi nangingibabaw ang pagkakintab nung kaniya. Halatang kakabili lang niya. Bumaba siya sa kotse nung makita niya ako. Pinagbuksan niya ako ng pinto at saka siya sumunod sa akin sa loob. “Nag-ibang bansa lang, naging gentleman na,” panunukso ko. “Tigilan mo ako, Naya. Dati na akong gentleman sa ‘yo ‘no!” natatawa niyang sagot. “So, saan na nga? Saan mo gustong kumain? O baka talagang gusto mo akong kainin?” “Yuck, tigilan mo nga ako sa kabaliwan mong ‘yan, Thiago. Mabuti pa’y may japanese restaurant na lang tayo. Gusto kong makatikim ng mga pagkain ng hapon,” suggest ko para matigil na lang siya. Hindi porket guwapo na siya e, gumaganito na siya. Pero, puta, bakit ang laki ng pinogi niya. Nakakailang tuloy na kasama ko siya. “Impyernes, malaki na rin ang ginanda mo, Naya,” puri niya nung mag-umpisa na siyang magmaneho. Patingin-tingin siya sa akin. Palipat-lipat ang tingin niya sa daan at sa akin. “Kaya lang ako maganda ay dahil naayusan ako ng glam team kanina,” sagot ko sa kaniya. “Saka, puwede ba, sa daan ang tingin mo. Masyado ka namang nadi-distract sa ganda ko.” Akala niya siguro ay siya lang ang marunong manukso. ** Tulad nang sinabi ko, tinupad niya ang gusto ko. Sa isang Japanese restaurant kami pumunta. At mukhang mamahalin dito kasi ang expensive ng mga itsura nung mga taong tahimik na kumakain bawat mesa. “Uy, parang mahal ata dito?” pabulong kong tanong sa kaniya nung maupo na kami. “Bakit, mukha ba akong walang pera?” pabulong din niyang tanong sa akin kaya napairap ako. Sabagay, balikbayan nga pala siya kaya okay lang. Bakit nga ba ako manghihinayang, ngayon na lang ulit siya manlilibre kaya susulitin ko. Tinawag na ni Thiago ang waiter. Lumapit ito sa amin habang dala-dala ang menu. Nag-stay na rin sa table namin ang waiter para hintayin ang order namin. “Thiago, anong masa-suggest mong pagkain sa akin. Ikaw na lang ang mamili, basta ayoko ng maanghang,” sabi ko sa kaniya. “Saka, dapat masarap ah.” “Okay, ako nang bahala,” sagot niya sa akin kaya binalik ko na sa waiter menu. “Ma’am, kayo po ba ‘yung sikat na lukcy fan na kasama ni Stefano?” biglang tanong nung waiter kaya napangiti ako. “Yes, ako nga,” proud kong sagot. “Maganda po pala kayo sa personal. Nakakatuwa na na-meet ko po kayo,” sabi pa nito na akala mo ay celebrity na rin ako. Minsan, nahihiya na rin talaga ako. Hindi ko kasi alam kung anong magiging reaksyon ko. “Naku, naka-makeup lang ako kaya ako maganda,” sagot ko habang natatawa. Nakita ko naman na pailing-iling si Thiago. “Okay, ito na ang order namin,” sabi niya kaya lumapit sa kaniya ang waiter. Sinabi na niya rito lahat ng order namin na hindi ako pamilyar. Ngayon lang talaga ako makaka-try ng mga japanese food. Mukha pa namang legit na japanese food restaurant ito kaya mga legit na pagkain talaga ng hapon ang makakain dito. “Wala na po kayong idadagdag, sir?” tanong pa ng waiter. “Wala na, okay na ‘yan.” Pag-alis ng waiter, biglang nagsalita si Thiago. “Naya, kapag sinasabihan ka ng maganda. Huwag nang kung ano-ano ang sinasabi mo. Kailangan pa bang sabihin na kaya ka maganda ay dahil naka-makeup ka. Tumango at magpasalamat ka na lang, ayos na ‘yon.” “Eh, sa hindi pa ako sanay mag-react. Pasensya ka na, next time, sige, ganiyan na gagawin ko,” sagot ko. “Anyway, hanggang ngayon pa rin pala ay si Stefano pa rin ‘yung kinakaadikan mo. Sabagay, trending ka nga pala. Mapa-TV at social media ay lumalabas ‘yung litrato ninyong dalawa. Instant celebrity ka dahil sa nangyari. Pero, aminin mo, Naya, mas guwapo na ako ngayon kaysa kay Stefano ‘no?” Gusto kong tumawa, pero totoo naman kasi ‘yung sinasabi niya. “Bakit nga ba nag-glow-up ka? Siguro may nagpapatibok na ng puso mo ‘no? Siguro, may naging girlfriend ka na sa ibang bansa?” Tumawa siya at saka umiling. “Tahimik lang kasi ako, pero ang totoo, hindi ako naging suwerte sa mga naging trabaho ko sa ibang bansa. Malas ako nung mga unang taon. Ilang taon akong sumabak sa kung ano-anong trabaho na sobra akong pinahirapan. Lahat ng klase ng trabaho ay na-try ko. Hanggang sa may lumapit na tao sa akin. Inalok niya akong maging model pero nung una ay tumanggi ako. Kasi, naisip ko, may pangit pang magiging model. Sa stress ko noon, ang dami ko talagang tagyawat sa mukha, umitim ako dahil may farm din akong pinagtrabahuhan. At doon na niya sinabi na tutulungan niya akong mag-glow-up. Pumayag na ako kasi malaki ang offer niya. Inalagaan ako ng taong iyon na naging manager ko na rin. Mabait siya, pinoy din kasi. Ang target niya kasi ay iahon ang mga kapwa-pinoy niya. Nang sa ganoon ay makatulong sa mga kapwa niya pinoy na need na need umangat sa buhay. Doon na ako sinuwerte. Hindi ko inaasahang may iguguwapo pa pala ako. Hindi ko inaasahan na ang skin care at tamang pag-aalaga lang pala sa katawan ang magpapalabas ng natatago mong ganda sa katawan. Nung maging model na ako, lumaki na ang kita ko. At doon na ako nakapag-ipon ng pagpapatayo ng bahay, pagpapatayo ng business at pagbili ng mga gusto kong bilhin sa buhay ko.” Napanganga ako sa mahabang kuwento niya. Kaya pala sobrang tahimik niya. Kaya pala wala manlang siyang paramdam sa akin kasi sobrang busy niya. Hindi na ako magtataka kung bakit naging maganda ang ending ng pagsabak niya sa ibang bansa. “I’m so proud of you, Thiago. Natutuwa ako sa mga narating mo sa buhay. Hindi na ako magtataka kung bakit naging ganiyan ka na pala. Napakasaya kong malaman na may kaibigan na pala akong model.” “At ngayong nandito na ako ulit sa pilipinas, mag-stay na ako dito. Magtatayo na lang ako ng mga business ko rito,” sabi niya habang seryosong nakatingin sa akin. “Ikaw, Naya, anong plano mo sa buhay mo? Hanggang ngayon ba ay naghahabol ka pa rin dun sa idol mo na may girlfriend na? Natameme ako sa tanong niya. Parang sinasabi niya tuloy na hanggang ngayon ay wala pa ring saysay ang buhay ko. Na-speechless ako kasi tama naman siya. “Ewan, pero naaamoy kong parating na rin ang suwerte ko,” tanging sagot ko nalang. Gusto ko na sanang ibahin ang topic kasi nahihiya ako, mabuti na lang at dumating na ang mga pagkain namin. Kahit pa paano, nalihis na ang topic namin. Nagtanong-tanong na lang ako sa kaniya nung mga pangalan nung food na in-order niya. Grabe, ang sarap, hindi ko inaasahan na ganito pala kasarap ang mga pagkain ng mga hapon. Nag-enjoy ako sa panlilibre sa akin ni Thiago, pero kahit na nag-enjoy ako, hindi ko napigilang makaramdam ng inggit dahil sa mga narating niya ngayon sa buhay. Gusto ko rin tuloy itanong sa sarili ko kung ano na ba? Ano na bang plano kong mangyari sa buhay ko? Actually, hanggang ngayon hindi ko pa rin alam, e. mag-aabang na lang siguro ako ng suwerte sa buhay ko. Alam ko naman na gaya ni Thiago, may suwerte ring darating sa buhay ko. Tutal tinawag naman na rin nilang akong Lucky fan, paninindigan ko na iyon. Baka kasi sa pagiging fan ko ay doon na ako tuluyang suwertihin. Lucky nga ‘di ba? Lucky fan kasi kami ang magkakatuluyan talaga ni Stefano. Fan niya ang makakatuluyan niya at ako ‘yon. Charot. Ang taas ng pangarap kong ‘yon, pero walang imposible. Bilog ang mundo. Baka sa ending kami nga talaga. Ay, naku, kinikilig tuloy ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD