Chapter 2:

1341 Words
"Are you alright, my princess?" tanong ng ama na nakapagpabalik sa kaniyang diwa na mukhang nahatak ng lalaking kaaalis lamang. "Ah, hmmm! Y-yes, Daddy," balik dito ng pansin. "Who is he?" hindi mapigilang tanong dito kung sino ang lalaking kasama. Masyado yata siyang na-curious dito o mas tamang sabihing masyadong napukaw nito ang kaniyang pansin. "You heard me. He's Philipp," natatawang wika ng ama at napansing niyang mukhang pinagti-trip-an siya nito. "Dad?!" aniyang lambing dito. "He's my right hand," turan ng ama. "So, how's my princess doing?" lambing din ng ama. "I'm good, Dad. You? Nag-aalala na ako. There's a lot of press conference and news report regarding your case?" may pag-aalalang turan dito. "Sshhhhh! Don't mind them. I want you to make sure that you're okay? Here," anito sa tila isang blue book. "That's where all my contacts in my business. Keep it with you, if there's something wrong happen to me. I want you to continue my business," tila habilin nito sa kaniya. Napakunot-noo siya. Bakit siya ipapasok ng ama sa isang delikadong gawain. Batid niyang napansin ng ama ang pagkunot-noo niya. "Trust me, baby. You're at the right side," turan nitong pagbibigay garantiya na hindi siya mapapahamak. Napatiim ang tingin sa ama, gusto niyang arukin kung tama ba ang naririnig dito. Paano nito nasabing nasa tamang panig ito kung mismong alagad ng batas ay pinaghahanap na ito. Nangininig ang kamay na hinawakan ang maliit na notebook na bigay nito. "Whatever may happen, Daddy loves you." Doon ay napaiyak siya. "Dad, when this gonna end?" may takot sa tinig niya. Tumitig ang ama sa kaniya. Tila may nais sabihin pero mas tinikom ang bibig. Saka sumulyap sa relos nito. "Baby, I did everything just to give your Mom the life she wanted-" "I know, Dad. I know," aniya sabay hagulgol. "Hey, don't blame her, in due time. You'll understand me," anito saka maya-maya ay may binigay siyang maliit na susi. Napamaang na tumingin sa ama. "Remember our rest house in Tagaytay. The underground is a bunker. There, I have a safety deposit box. The combination was written in the blue book. If anything happens to me and you need money. Just took from there. I want you to be careful, princess," haplos nito sa kaniyang mukha. Maya-maya pa ay nakarinig sila ng katok. Hudyat na iyon para tumayo ang ama ngunit bago ito humakbang ay muli itong nagsalita. "Philipp will be with you." Napakunot-noo siya sa ibig sabihin ng ama. "He'll be your bodyguard and at the same time he will train you," saad ng ama. "What?" gulat niya. "Please, princess. Do it for me?" sumamo ng ama. Aangal pa sana siya ngunit pumasok na ang lalaki at nagkatinginan sila. Guwapo ito kaya lang naalala ang ginawa nitong pagbitaw sa kaniya kagabi. Well, hindi sure kung ito ang lalaking iyon dahil hindi masyadong nakita ang mukha. "Philipp, ikaw na ang bahala sa anak ko. Please take care of her," bilin ng ama rito na mas lalong nagpakaba sa kaniya. Hindi alam kung bakit tila hinahabilin na siya sa lalaki. "B-but Daddy-" awat dito. "Kailangan na nating umalis. Masama ang pakiramdam ko," maya-maya ay sabad ng lalaki. Nakitang umilap ang mata ng ama matapos makipagtitigan sa lalaking pumasok. "Let's go!" mabilis na turan ng ama kaya maging siya ay nabahala. Nang makalapit sa sasakyan niya ay nakitang kasama ang lalaki. "Dad," turan nang makitang tumakbo ito sa kabilang direksyon. Hanggang sa gulantangin siya ng tatlong sunod-sunod na putok. Paglingon sa ama ay ganoon na lamang ang gulat nang nakadapa na ito. Tatakbo sana siya upang tulungan ang ama ngunit pinigilan siya ng mala-bakal na braso ng lalaking kasama at mabilis na sinalya siya sa loob at pinasibad ang sasakyan niya. "Nooo! Daddy! Daddy!" palahaw na sigaw niya at pilit na sinisilip ang ama. "Stop! P-please stop!" sumamo sa lalaking kasama sabay hawak sa lalaking nagmamaneho ng sasakyan niya. Napalunok si Philipp. But he needs to do his job, kailangan niyang mailigtas ito bago pa ang lahat. "Stop it!" anito sabay hila sa kaniya. Medyo gumiwang ang sasakyan nila. "Ikaw ang tumigil. Maraming kalaban ang ama mo. Sa tingin mo lalabas tayong buhay doon, ha?!" inis na bulalas dito. "No! Please, Daddy!" iyak niyang sambit at tila nanghihinang napasapo na lamang ng mukha. Tama ang lalaki. Wala silang ligtas dahil bukod sa awtoridad ay mga taong halang din ang kaluluwa ang kalaban ng ama. Mga magnanakaw na ninakawan at mag drug traffickers na gagawin ang lahat maprotektahan lamang ang illegal nilang gawain. Sinilip ni Philipp ang babae sa likod ng sasakyan at mukhang napaisip ito sa sinabi niya dahil tahimik na lamang itong lumuluha habang sapo ang mukha. Gusto niyang maawa rito pero ito ang tinakda para rito. They have to stick to their plans. "Saan ka nakatira?" tanong ng lalaking kasama na bumasag sa katahimikang namamagitan sa kanila. Wala siyang nagawa kundi ang sabihin dito kung saan siya tumutuloy. Maliit lamang ang kaniyang condo unit. May isang room, maliit na mini living area at mini kitchen. Sumenyas itong mauna siya. Walang nagawa kundi maglakad sa unahan nito kahit batid na pinapanood nito ang bawat hakbang niya. Mukhang pinaghandaan ng lalaki ang pagsama sa kaniya dahil may dala na rin itong bag. Nahihiya pa siyang buksan ang condo dahil makalat iyon. Tamad siyang maglinis. "Hindi ba tayo papasok?" untag nito nang mapansing limang minutos na silang nakatayo sa may pintuhan. Wala tuloy siyang nagawa kundi buksan iyon. Mabilis na inayos ang ilang nagkalat na gamit niya. "Sorry," garalgal na boses gawa ng pagsigaw at iyak kanina. Gayun pa man ay nahihiya pa rin siya sa ayos ng kaniyang condo kaya mabilis na nagligpit konti ng kalat. Nang maalala ang ama ay agad na binuksan ng TV. Muli siyang napahagulgol ng may mga police, maging NBI na rin at ilang TV reporter ng ilang istasyon. "Patay sa engkuwento ng militar at ilang kaanib ng isang malaking sindikato sa bansa ang lider na si Attorney-" putol sa pinapanood ng patayin iyon ng lalaki. "Hey! Give me that!" aniya na umiiyak habang inaagaw rito ang remote control. "Give me!" aniya nang hindi maagaw ay tila batang sumalampak sa carpet at umiiyak. Hindi na niya alintana kung nakamasid pa ang lalaki sa kaniya. Naiiling na lang si Philipp. Inosente ang babaeng nasa harapan. Walang alam sa buhay at batid na mahihirapan siyang turuan ito gaya ng inuutos ng ama nito. Ni hindi nga yata marunong maglinis. Inilibot ang tingin sa paligid at tila binagyo ang loob ng condo nito. Ang mga basura ay nangangamoy na dahil hindi rin yata nagtatapon ito. Well, ano nga ba ang ini-expect niya sa katulad nitong laki sa yaman. Maya-maya ay nakitang tumayo ito at pumasok sa loob ng silid nito. Narinig niya ang paghagulgol nito buhat doon. Binalikan niya ang dalang bag. May kabigatan iyon dahil may ilang kalibre ng baril na dala at konting damit. Hinayaan na lamang ang babae at sinimulang linisan ang condo nito. Napailing nang makitang mukhang isang linggo ring hindi naghugas mga pinggan ang babae. Sa pagod at hapo sa pag-iyak ay hindi namalayan ni Lorraine na nakatulog siya at nang magising ay naramdaman ang pagkalam ng sikmura kaya bumangon siya. Pero nang mabatid na wala naman siyang kakainin ay lumabas siya upang tignan ang mga flyers ng menu ng ilang fast food at restaurant na nasa center table niya nang magulat siya. Gulat na gulat dahil malinis ang buong condo niya at kita ang abalang lalaking nasa harap ng lababo at hubad-baro itong naghubugas ng isang linggong pinagkainan. Napatigil siya at pinanood ito. Napapalunok dahil makisig ang lalaking nasa harapan at kung susumain ay may hitsura ito idagdag pang marunong sa bahay. Kahit papaano ay napangisi siya sa isipang iyon. Papanoorin pa sana ito nang biglang tumunog ang cellphone dahilan para bumaling ito. Nakita ang ina ang natawag kaya pinatay niya iyon. Batid kasi niyang nalaman na rin nito ang nangyari sa ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD