Chapter 3:

1301 Words
Pagtaas ng tingin ay nakitang nakatitig na pala sa kaniya ang lalaki. Ilang segundo rin na naglapat ang kanilang mga mata. Hanggang sa nahihiyang binawi niya ang tingin sa lalaki. Akmang babalik siya sa silid nang marinig ang tinig nito. "Aren't you hungry?" anito dahilan upang mapatigil siya. Hindi dahil sa tanong nito kundi sa paraan ng pananalita nito. Bukod kasi sa English iyon ay halatang may accent ang pananalita nito. Maging si Philipp ay nabigla. Ayaw niyang magduda sa kaniya si Lorraine. "Kakain ka na ba? Magluluto ako ng instant noodles, wala ka naman kasing stocks," anito. Napataas kilay siya dahil never pa siyang kumain ng instant noodles tapos pakakainin siya nito ng ganoon. Gustong matawa ni Philipp sa reaksyon ni Lorraine pero pinigil ang sarili. Sa totoo lang ay pwede naman siyang lumabas upang mamili o 'di kaya ay mag-order pero gusto niyang turuan ito. Kailangan din nitong kumain ng mga ganoong uri ng pagkain. Kita ang pag-igkas ng kilay nito pero kung gusto nilang magtagumpay sa misyon nila ay kailangan nitong matuto. Hindi lahat ay nakukuha nito ang gusto. Tila aangal pa ito ngunit tiyan na rin nito ang nagkanulo rito nang biglang tumunog iyon. "See? Alam kong gutom ka na," nakangiting turan dito. Alam niyang mabigat pa rin ang loob nito dahil sa nangyari sa ama nito. "Lalabas ako upang kumain," usal nito dahilan upang mapatingin siya ng tuwid rito dahilan upang magyuko naman ito. "Sa tingin mo ba ay papayagan kitang lumabas sa lahat ng nangyari? Magulo pa ngayon," sabad rito at doon ay tila muling nanumbalik sa isipan ang tungkol sa ama nito. Nakitang pinapahid nito ang mata dahilan upang mapagtantong umiiyak ulit ito. Hindi niya naiwasang lumapit dito at hawakan ang balikat nito bilang pakikisimpatya. Kung pwede lang niyang sabihin ang totoo rito ay gagawin niya pero hindi pwede dahil may misyon siyang dapat tapusin. "Kung gusto mo ay ako na ang lalabas upang bilhan ka ng nais mong kainin," alok dito para lang tumahan na ito sa pag-iyak. "Hindi naman iyon ang iniiyakan ko, eh!" irap ni Lorraine sa lalaki. "I know, sorry for what happen," saad nito dahilan para muling mapatingin sa mukha nito. Guwapo ang lalaki, mataas ito sa kaniya at makisig. Idagdag pang fluent ito sa English nito. Mayroon tuloy pagtataka sa kaniyang isipan kung bakit ito naging isang berdugo o isang membro ng sindikato. "Ahemmm!" malakas na tikhim ni Philipp nang mapansin ang matiim na pagtitig ni Lorraine sa kaniya. Medyo kasi iba ang pakiramdam dito mula nang makita ito. Hindi niya kasi lubos akalain na maganda at seksi ang anak ni Attorney Larazzabal bagay na hindi niya napaghandaan sa pagsang-ayon sa plano ng kanilang samahan. May kasintahan siya pero sa pagkakataong iyon ay tila nakakalimutan niyang may Mikaella na siya dahil sa magandang babaeng nasa tabi. "Huwag na, kakainin ko na iyan mamaya," mahinang sambit niya sa lalaki saka tumalikod. Iba na kasi ang pakiramdam sa mga malalagkit nitong tingin. Kahit nakatalikod na ay ramdam niyang nakasunod ang mga mata nito sa kaniya. Pagkapasok ng babae sa silid nito ay halos masuntok ni Philipp ang sarili. "What is that?" gilalas sa sarili. Para siya kasing tanga na hindi malaman ang gagawin sa harapan nito. Naiiling na lamang siya na nakapamaywang habang naiiling. Mabilis na binalik ang pansin sa mga natitirang hugasin sa lababo. Mabuti na lamang pala ay nahasa siya sa gawaing bahay nang mag-aral siya sa Amerika. Nagtapos siya ng Accountancy sa Ateneo de Manila at pagkatapos noon ay nagtungo siya sa Amerika upang mas lubos na mapag-aralan ang kanilang negosyo. Habang naghuhugas ay hindi niya maiwasang lingunin ang pintuhan ng silid ng babae. Patapos na siya sa mga hugasin niya nang muling lingunin ang pintuhan dahil tila wala naman yata itong balak kumain. Tatapusin na lamang niya iyong natirang hugasin ay kakatukin na ito nang maya-maya ay lumabas ito. Awtomatikong napalingon siya sa pintuhan nito at doon ay nakitang mamasa-masa ang buhok nito at nakabihis na rin kaya batid na naligo ito kaya medyo natagalan. Mabilis siyang nagtuyo ng kamay. "Kakain ka na ba?" mabilis na tanong dito na tila ba isang asawa na handang pagsilbihan ang asawa. Napatigil si Lorraine sa paglabas ng silid nang marinig ang tinig ng lalaki. Maging ito man ay napatigil din. Bigla ay naging awkward tuloy ang pakiramdam lalo pa at nakatitig ito ng matiim sa kaniya. "Oo," tipid na tugon sa lalaki. Sa narinig ay mabilis na tumalima si Philipp at pinaghila ito ng upuan sa mesa. Nakitang napatitig ito sa kaniya ngunit hindi iyon pinansin. "Maupo ka muna at lulutuhin ko ang noodles. Hindi kasi masarap kapag hindi bagong luto at mainit," aniya rito ngunit kitang nakamaang lang si Lorraine sa kaniya. "Ayaw mo ba ng noodles? Kung makakapaghintay ka ay-" "Hindi, ayos na ako sa noodles," mabilis na sabad niya na bigla ring kinatigil niya. "T-thank you," nahihiyang dagdag saka nagyuko. Napangiti si Philipp at nang makitang nagyuko ang babae ay mabilis na kumilos. "Okay, huwag kang mag-alala. Saglit lang naman ito? Alam kong hindi ka kumakain ng ganito pero hindi naman masama kung tikman mo," aniya saka mabilis na iniit ang tubig na kanina pa nilagay sa kaserola. Habang hinihintay niyang kumulo iyon ay hindi niya maiwasang pag-aralan ang babaeng kasama. Kitang-kita niya ang makinis nitong batok dahil nakatalikod ito sa kaniyang kinaroroonan. Bakas na bakas din sa suot nitong spaghetti strap fitted top ang hubog ng katawan nito. Nalaman sa Daddy na nag-aaral din ito sa pagkaabogasya at ilang taon na lamang ay matatapos na ito. Sa mga kuwento ng ama nito ay matalino ito pero tila mahina ang loob. Sa lalim ang iniisip tungkol sa babae ay hindi niya namalayang kumukulo na pala ang ang tubig na kaniyang pinapakulo. Napalingon si Lorraine nang hindi lang yata ang tubig na pinapakulo ng lalaki ang umiinit kundi maging ang kaniyang likod. Ramdam niyang tila pinagmamasdan siya nito kaya hindi naiwasang lingunin lalo pa at dinig na niya ang pagkulo na ng tubig. Nang makitang lilingon ang babae ay agad na hinarap ang kumukulong tubig. Nilagay ang noodles saka naglagay din ng dalawang itlog. Noon ay hindi rin siya nakain ng ganoon pero nang pumasok siya bilang isang NBI agent ay natutunan niyang makibagay lalo na kapag may misyon sila. Mula nang pumasok siya, mga dalawang taon na ang nakakaraan ay masusi niyang pinag-aralan ang galaw ng dalawang malalaking sindikato. Mabilis na hinango iyon bago pa tuluyang ma-over cook ang noodles nito. Sinalin sa kahuhugas lang na mangkok at maingat na nilagay sa harapan ng babae. Ngumiti siya rito. "Have a spoon, kung hindi mo gusto ay mag-o-order na lamang ako ng pagkain mo," turan niya. Hindi kasi niya alam kung gusto ba nito ang pagkain o hindi dahil blangko ang ekspresyon ng mukha nito. Nakailang lunok si Lorraine nang ilapag ng lalaki ang mangkok sa harapan. Sa totoo ay hindi niya gusto ang amoy noon pero parang nawalan siya ng lakas upang tumanggi lalo pa at nakita ang pagngiti nito. Wala tuloy nagawa kundi ang haluin iyon saka nilapit sa bibig ang kutsara upang ihipan. Pagsimsim ng sabaw ay tila maayos naman ang lasa. Medyo napunan ang pangangasim ng tiyan hanggang sa hindi namalayang napapadalas ang pagsubo niya. Napapangiti si Philipp nang mapansing paubos na ni Lorraine ang nilagay niya sa mangkok nito kaya sumubo na rin siya bago nito tuluyang mapuna na kanina pa siya nakamasid rito. Ayaw niyang mailang ito sa kaniya. Wala silang mapagpipilian kundi ang magkasama sa iisang bahay. Kailangan niya itong bantayan gaya ng pangako sa ama nito. Ngunit tila may isang pangako rito na hindi niya kayang tuparin dahil ngayon pa lamang ay hindi na niya maiwasang titigan ang anak nito. Bukod sa bantayan at alagaan ito ay binilin din nito na huwag na huwag niyang hahawakan ang anak nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD