bc

The Mafia Princess

book_age16+
13.5K
FOLLOW
200.3K
READ
spy/agent
arrogant
mafia
drama
bold
others
crime
weak to strong
intersex
like
intro-logo
Blurb

Maganda, matalino ngunit mahina ang loob. Iyan si Lorraine ngunit dahil sa pagpanaw ng kaniyang ama ay magiging lider siya ng isang malaking sindikato. Sa tulong ng guwapo at makisig na kanang kamay ng kaniyang ama ay papasukin ang magulong mundo ng mga halang ang kaluluwa. Ngunit papaano kung ang lalaking iyong pinagkakatiwalaan ay isa palang alagad ng batas? Paano mo tatanggapin ang lahat kapag nalaman mong ang lahat ay isa lamang patibong?

chap-preview
Free preview
Chapter 1:
"This is life, Lorraine! I love it!" gigil na turan ni Charee saka masayang sumayaw papalabas ng dance floor. "Yes, and mind you. Kanina pa nakatitig sa 'yo ang lalaki sa may counter. Papable, hmmmm! Hunk and handsome," excited na turan ng kaibigan. Tinignan niya ang tinitignan nito. "Pwede na?" saad ni Loreaine sabay silay ng malanding ngiti sa labi. "How about the guy at the counter? Mukhang malaki ang tama sa 'yo?" ngiting bulong ng kaibigan. Pasimpleng tinignan ang sinabing lalaki. Nang makita ito ay agad siyang umiling. "Nope! Not my type," bulong dito sabay tungga sa hawak. "Yohooo!" aniya pa sabay taas ng dalawang kamay. Halos nahubo ang strapless na suot dahil sa pagwawalwal. She's enjoying her life after a very stressful day at law school. Hindi alam sa magulang kung mandatory bang maging abogado siya at dahil na rin mahal na mahal niya ang kanyang Papa ay kailangan niyang gawin iyon mapasaya lamang ito. Nang maalala ang ama ay hindi niya maiwasang malungkot at mag-alala na para dito dahil sa kabi-kabilaang balita tungkol dito. "Hey, are you okay?" untag ni Charee na nag-iba ang timplada niya. "Yeah," aniya na halatang labas sa ilong. Ayaw niyang maging malungkot sa sandaling iyon kaya muli itong niyaya sa dance floor at nakipagsiksikan. Habang nakikipagbalyahan sa dance floor ay hindi maiwasang maalala ang tungkol sa ama. Masakit pero kailangan niyang tanggapin na ang amang modelo niya ay isa ng pinaghahanap ng batas. She left her old life and found Charee. She doesn't know about her past. All she knew, is that she is a daughter of a lawyer but she never know that her Dad was a fugitive. About her Mom, her Mom left the country when she finds out about his Dad's double life. His Dad is a leader of a big syndicate. Her Mom, encourage her to go with her to the US but she can't leave his Dad. She still saw him but not that often. Ayon sa mga sinabi ng ama sa kanya ay wala siyang kasalanan. Dahil hindi naman siya magnanakaw dahil ninanakawan niya ay kapwa magnanakaw at ginugulangan ang mga drug traffickers. Ini-scam ang mga scammers kaya wala siyang pananagutan sa batas. Iyon ang pilisopiya nito. Minsan na itong nakulong pero dahil sa galing sa batas ay nalusutan nito ang dapat sana ay sampung taong pagkakakulong. At ngayon ay muling nasangkot dahil sa dinidiin ito sa isang bank robbery. May nahuli kasing isang membro ng grupo at pinagdiinan na ang ama ang lider. Dahilan para tuluyang magtago ang ama kahit hindi naman niya talaga kasamahan ang lalaking iyon. Lasing na lasing na siya at naikot na ang paningin niya nang bigla ay may sumalo sa kanya. Agad na tinulak ang may-ari ng kamay na sumalo sa kanya. "Let me go!" mataray na turan dito imbes na magpasalamat sa ginawa nito. "Okay, fine!" baritonong tinig saka siya binitawan dahilan para bumagsak nga siya sa sahig. "What the—" banas na turan dahil sa sakit ng pang-upong tumama sa sahig. "You son of—" gigil na turan pero nakalayo na ito at tanging likod na lamang ang nakita. "Buwisit!" inis na inis na tumayo si Lorraine. Hindi nakita ang mukha ng lalaki kaya walang dahilan para manggigil pa o mainis. "There you are, saan ka naman nagpunta?" gagad ni Charee sa kanya nang makita siya nito. "Nag-CR lang, girl. Mukhang nahihilo na ako. Kailangan ko na yatang umuwi," turan dito. "Okay, pero kaya mo pa bang mag-drive?" tanong pa nito. "Yes, I can manage," aniya saka nagpaalam na bago pa may mangyaring hindi maganda sa kanya. Kahit naman ganoon ang lifestyle ay pinapahalagahan pa rin ang p********e. Isa iyon sa laging sinasabi ng kanyang ama. Huwag niyang hayaang lapastanganin lang ng mga lalaking gusto lang maangkin ang kanyang katawan pero hindi siya kayang panagutan. She grew up with a good lifestyle. Been partying with her Mom's friend in high society especially in politics, showbiz, and mostly Beauty queens. Her Mom, enter her also in some beauty camp to enhance her ability to compete in the international pageant. She was one of the Binibining Pilipinas contestants but she drops her application when everything falls apart for her parents. Sa hiya ng ina ay nagtago ito sa Amerika. Mula noon ay wala na itong ginawa kundi ang sisihin ang ama kung bakit ganoon ang naging buhay nila pero naiintindihan niya ama, nagawa lang nito iyon dahil sa high lifestyle ng ina. Na walang ginawa kundi ang makipagmataasan sa mga kaibigan nito at magpakitang gilas. She knows that, because she saw how his Dad tries to give that lavage lifestyle to her but her Dad is not that rich. He had a big client and paid well but sometimes there is a downfall in his professional career. Nasa pintuhan na siya ng kaniyang condo. Napangiti pa siya dahil nagawa pa rin niyang makauwi ng maayos kahit lasing. Pagkapasok ay agad na nahiga sa kama pero biglang tumunog ang cellphone niya. Nakitang nakailang misscalls din ang ama. Agad na sinagot iyon. "Hello, dad?" may amats na turan. "Hey, princess! W-wait? Are you drunk?" tanong nito. "A little bit dad but no worries. I'm home and I'm in my bed right now," sagot nang maalala kung bakit ito napatawag kahit madaling araw na. "Bakit ka nga pala napatawag, dad?" Natahimik ang ama sa kabilang linya. "Dad?" untag rito. "Princess, can we talk?" anito na animo'y may importanteng sasabihin. "We're talking, dad?" pangungulit rito na gaya ng palagiang ginagawa rito noon. "I mean in person," anito. May nabanaag siya sa boses nito, mukhang seryoso. "Okay, dad, where and when?" tanong nito, kahit papaano ay nahimasmasan siya sa kalasingan at malinaw na nasasagot ang ama. "I'll message you, my princess. Take care of yourself," anito saka nagpaalam na. Dahil sa kalasingan ay hindi na niya nagawang nagpalit pa at nakatulog na matapos makausap ang ama. Pagkagising ay masakit na masakit ang ulo at lulugo-lugong pumasok sa banyo. Napatingin sa salamin. Halos nagulat pa siya sa reflection doon dahil mukha siyang multo sa kapal ng nahulas na make up. Agad na naghilamos at naligo. Inaabangan ang mensahe buhat sa ama dahil nasasabik din siyang makita ito. Tatlong linggo na mula noong huli itong makita ng personal. Nang matanggap nga ang text nito ay agad na nagpunta sa sinabing lugar. Kabado siya noong una pero alam niyang hindi siya pababayaan ng ama. Nang makarating sa tila abandonadong bahay ay nagpalinga-linga pa hanggang sa makarinig ng kaluskos. Hinanda ang sarili sa anumang panganib na dala noon pero laking ginhawa nang makitang lumabas sa silid na iyon ang ama kasunod ang isang lalaki. "Dad!" agad na turan saka patakbong yumakap dito. Napatingin siya sa lalaking kasama ng ama. Napalunok dahil guwapo ang lalaki at bigla ay naalala ang lalaking nakabanggaan kagabi. Ngunit agad na winaglit sa isipan. Hindi kasi siya sigurado kung ito nga ang lalaking nakabanggaan. "Iwan mo muna kami Philipp," turan ng ama sa lalaki. Agad naman itong tumalima pero tumitig muna ito sa kanya bago umalis, dahilan upang taasan ito ng kilay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

UNDERCOVER BOSS: TRISTAN The Logistic Tycoon

read
223.4K
bc

STALKER_Mafia Lord Series 3

read
327.0K
bc

The Possessive Mafia Boss ( Tagalog )

read
345.6K
bc

THE BEAUTIFUL BASHER_MAFIA LORD_SERIES 2(R-18-SPG)

read
169.2K
bc

SILENCE

read
387.2K
bc

MAFIA SERIES 6: MY LORD

read
350.6K
bc

YOU'RE MINE

read
902.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook