Tuwang-tuwa si Lorraine dahil kahit papaano ay nakakasunod naman siya sa mga tinuturo nina Philipp at Salvacion. Hindi lang talaga niya maiwasang mapangiti nang maalala ang hitsura nito nang biglang masapok ito sa mukha nang hindi mapaghandaan ang pag-atake ng kasamahan nilang si Salvacion. "What's that smile for?" tanong ni Philipp nang makitang pilit itinatago ng babae ang ngiti nito. "Nothing, may naalala lang ako," mabilis na seryosong turan ni Lorraine, masyado ba siyang halata na nakatatawa pa rin dito hanggang sa sandaling 'yon. "Okay, akala ko kasi ako pa rin ang pinagtatawanan mo," parunggit ni Philipp na mas lalong kinatigil ni Lorraine. 'Paano mo nalaman? Ikaw nga,' turan sa isipan na hindi na lamang isinatinig pa. Napansin ni Lorraine na wala pala si Salvacion at silang dal