Chapter 35:

1697 Words

Damang-dama ni Lorraine ang init ng bawat haplos ni Philipp sa kanya, tila may ibang parte ng kanyang pagkatao ang binubuhay ng haplos nito. "P-Philipp," usal niya nang bahagyang bitiwan ni Philipp ang kanyang mga labi. Hindi mawari kung pagtutol ba 'yon o para ipabatid ritong gusto niya ang ginawa ng lalaki. Nagtama ang kanilang mga malamlam na mata, ilang sandaling nagkahinang ang mga 'yon hanggang sa muling sakupin ni Philipp ang mga nag-aabang niyang mga labi. Habang ang mga kamay niya ay nakapulupot sa leeg ni Philipp at ito naman ay nakayakap sa kanyang baywang. Naging mapanghanap ang labi ni Philipp sa loob ng kanyang labi, kasabay nang paggapang ng mga palad nito ang nakakakiliting sensasyong bumalot sa kanyang buong katawan. "L-Lorraine," nahihibang na anas ni Philipp nang hin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD