Chapter 34:

1621 Words

Pagkatapos maibsan ang init ng katawan gawa ng pag-iisip sa naging mainit nilang halikan ni Philipp ay mabilis na tinapos ni Lorraine ang paliligo. Gusto niyang magpahinga, ngayon niya lang naramdaman ang p*******t ng mga kalamnan at kasu-kasuhan dahil sa puspusang training nila ni Salvacion. Mabilis na isinuot ang kanyang roba at binalot ng maliit na towel ang kanyang buhok. Kahit papaano ay gumaan ang kanyang pakiramdam, napangiti pa siya dahil naalala ang pagtatapat ni Philipp sa kanya ng damdamin nitong hindi na raw kayang pigilin pa. Pagbukas niya ng pinto ng kanyang banyo ay napapakanta pa siya habang palabas buhat roon. "Sino ang pipiliin mo, ako ba na—" putol niyang kanta sa sikat na kanta ni KZ Tandingan nang mapansin niya ang prenseniya ng isang tao sa loob ng kanyang silid. "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD