Chapter 6:

2226 Words
Nakakailang na ang tingin ni Philipp sa kanya kaya mabilis na siyang umiwas bago pa siya ipagkanulo ng katawan. "H-Hintayin na lang kita sa labas," nahihiyang saad sa lalaki na iwas na iwas. Hindi naman umimik si Philipp at matamang nakatingin lamang sa papalayong babae. Hindi tuloy mawaglit sa isipan ang nakitang hitsura nito kanina dahilan upang mag-init ang kanyang pakiramdam. Napailing siya at pilit na pinawi ang init na kanyang nadarama para dito saka sumunod sa sala. Doon ay nakitang nakaupo ito sa sofa at nakatingin sa malaking bag na dala niya. Medyo matatagalan kasi sila sa Batangas kaya medyo marami-rami ang kanyang dinala. "Huwag kang mag-alala, pinaghandaan na ito ng daddy mo, siya ang naghanda sa lahat ng gagamitin habang nasa Batangas ka," paalala niya sa babae. Nakitang tumiim ang tingin nito sa kanya. Nag-alala tuloy siya na baka nakakahalata na ito. "Ready?" untag niya sa malalagkit nitong tingin sa kanya. "Oo," matipid na sagot niya sa lalaki. Mabilis na isinuot ng lalaki ang rubber shoes na nasa tabi ng malaki nitong bagahe. Kung magbabase siya sa kilos nito ay masasabi niyang may kaya ito, idagdag pang kahit nagluto at naghugas ito ng kanilang pinagkainan ay parang ang bango-bango pa rin nito. "Ahemmm!" tikhim ni Philipp nang makitang tila nakatulala si Lorraine habang nakatingin sa kanya. Agad naman itong nagbawi ng tingin. "Alis na ba tayo?" mabilis nitong tanong. "If you're ready, I'm ready," sagot naman ng lalaki dahilan upang muli ay mailang dito. Bakit parang may pakiramdam talaga siyang legit na mayaman ang lalaki at hindi dahil sa membro lang ito ng isang malaking sindikato. Agad na binitbit ni Philipp ang malaki niyang bagahe habang nakasunod naman sa kanya si Lorraine. Inilagay ang kanyang bagahe sa trunk ng kanyang sasakyan saka mabilis na pinagbuksan ang babae sa passenger's seat. Tahimik na tahimik ito at hindi alam kung ano ang iniisip nito. Matapos itong sumakay ay agad naman siyang umikot patungo sa driver's seat. Muling namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa lalo na at medyo mahaba-haba rin ang kanilang magiging biyahe. Nakailang silip na si Philipp kay Lorraine ngunit tila iwas na iwas naman itong tumingin at makipag-usap sa kanya. Naisipan na lamang niyang buksan ang stereo ng sasakyan at saktong Dance with my Father pa ang nakasalang. Pansin niyang bahagyang gumalaw si Lorraine sa kinauupuan nito, kaya agad na nilipat ang istasyon ng radyo dahil alam niyang baka naalala na naman nito ang kanyang daddy. Isang masayang awitin naman ang pumailinlang sa loob ng kanyang sasakyan sa pinaglipatang istasyon. Ang kantang Happy by Alexia, napangiti si Philipp at nagawa pa niyang sabayan ang kanta upang aliwin na lamang ang sarili dahil nakakabingi na talaga ang katahimikan nilang dalawa. "I wanna take you to my world to be happy. 'Cause I can't live without your love. Yes, you know. I've never needed anyone to be happy. But that's the way that things go wrong. Yes you know," kanta niya habang hinahampas-hampas pa ang kamay sa manibela dahil saktong napahinto pa sila sa intersection. Nagulat si Lorraine sa pagkanta ng lalaking kasama, bukod roon ay hindi rin maitatangging maganda ang boses nito. Kung susumain niya ang liriko ng kantang inaawit nito ay parang siya ang pinapatungkulan nito. "I was afraid to open my eyes. Don't even know how many tears that I've cried. Now that I've found the love of my life. I don't get down, down, down, down, down, down. Happy!" papalakas nitong wika na halos ikagulat niya. "Sorry, nagulat ba kita, na-carried away lang ako sa kanta," maya-maya ay turan nito. "Ah? O-Okay lang," naiilang na sagot. Sasakyan naman niya iyon kaya kahit kumanta o sumayaw pa ito ay wala siyang pakialam. "Naiingayan ka ba sa akin?" pangungulit na tanong ni Philipp sa babae. Tutal ay nasimulan na niyang kausapin ito, bakit hindi na lang niya lubos-lubusin pa. Pansin ni Lorraine gumagawa ng paraan ang lalaki upang kausapin siya. "Hindi naman," sagot na lamang dito kahit sa totoo lang ay naiilang talaga siyang kausap ito. "Pwede kang magtanong sa akin tungkol sa grupo para naman alam mo ang ilang detalye sa ating samahan," engganyo pa ritong magsalita o kausapin siya. Natahimik si Lorraine, marami siyang tanong sa isipan at gayong ito naman na ang nagsimula ng paksa tungkol grupo ay lulubusin na niya. "Paano napunta sa grupo niyo ang aking ama?" tanong dito. Sa totoo lang, hanggang ngayon ay hindi niya alam kung papaanong mapapasama sa mga ganoong grupo ang ama. "Well, hindi ko rin alam pero ayon sa sinabi ng daddy mo ay matagal na ang samahan nila. It was a brotherhood, kumbaga sa lumang kasabihan, nagsimula sa isang kapatiran o fraternity hanggang sa naghiwalay ang dalawang founder which is your dad and Mr. Paredes. They became a big name in the mafia circles, they engage in robbery, drug trafficking, luxury car smuggling ang even s*x trafficking," tugon ni Philipp. Halos hindi makapaniwala si Lorraine sa mga sinasabi ng lalaki. "I know my dad, he didn't do that," gagad niya rito. "You will learn everything when you enter to the group. We will dealing with the drug lords and some mafia ring leader, me cautious when you meet, Mr. Melendrez," babala ni Philipp sa isa sa notorious leader ng Black Oregon. Alam niya ang kalibre ng lalaki, at sa ganda ni Lorraine ay tiyak na mabibighani ito sa ganda niya. Napalunok si Lorraine sa sinabing iyon ni Philipp, mukhang mapapasabak talaga siya sa mundo ng mga halang ang kaluluwa. Bakit pa siya hinayaan ng ama na magpakahirap sa pag-aaral ng law kung magiging lider din pala siya ng sindikato. "Sure ka bang kaya kong maging lider ng grupo ninyo?" tanong sa lalaki. She wanted to discourage him, baka kasi sa ganoong paraan ay hindi na siya isama sa grupo nila. "Wala kang kawala dahil ikaw ang nakatakdang magmana sa pwesto ng iyong ama. Alalahanin mong multi-million ang nakalagay sa iyong mga pangalan at sa ayaw at sa gusto mo ay kasama ka na dahil pinaghahanap ka na ng mga membro ng Black Oregon at Black Scorpion," bigay-alam ni Philipp sa kanya. Isang malalim na buntonghininga ang narinig ni Philipp, batid niyang mahirap dito ang gagawin nila pero ito ang tanging paraan nila upang mabuwag ang notorious na grupo. It's a plea deal for Mr. Larrazabal, he will cooperate with them in any cost for a lesser charges. "Huwag kang mag-alala, hindi naman kita iiwan," mabilis na turan ni Philipp dahilan upang mapatingin sa kanya si Lorraine. Isang matipid na ngiti ang kanyang ibinigay rito. "Ibinilin ka sa akin ng iyong ama," pahabol na turan. Sa huling sinabi ng lalaki ay tila napahiya si Lorraine, umasa naman siyang hindi siya nito pababayaan dahil may concern ito sa kanya, iyon pala ay dahil sa ibinilin lang siya ng ama rito. "Hindi ko alam kung kakayanin ko ang lahat, bakit hindi niyo na lamang hayaang mawala ang grupo tutal ay wala na rin naman si daddy," giit niya rito. "Gaya ng sabi ko, nasa 'yo ang perang ninakaw niya sa dalawang grupo, tiyak na hahabulin ka nila at wala kang kawala," ulit na turan ni Philipp. Hindi siya magsasawang ipaintindi kay Lorraine kung bakit kailangan niyang pamunuan ang Black Boss. Hindi pwedeng umayaw ito dahil masisira ang lahat ng pinaghirapan ng kanilang grupo upang buwagin ang Black Oregon at Black Scorpion. Napansin niyang natahimik si Lorraine at tila malalim ang kanyang iniisip. "Alam kong mahirap ang lahat ng ito pero isipin mong pinaghirapan ito ng iyong ama. Tama siya, hindi naman siya magnanakaw dahil ang kapwa niya sindikato ang ninanakawan niya," gatong pa ni Philipp. Ayon kasi kay Mr. Larrazabal, iyon ang eksplanasyon niya sa anak kung bakit siya napunta sa ganoong trabaho. Muling humugot ng malalim na paghinga si Lorraine, kahit ano kasing isip ang gawin ay hindi niya alam kung papaano maging isang lider ng malaking sindikato sa bansa at karatig-bansa. "Do I have to fire a guns?" maya-maya ay tanong ni Lorraine sa kanya. "Not neccessary but you have to learn how to use a gun para na rin sa proteksiyon mo. Alalahanin mong mga halang ang kaluluwa ang mga makakasagupa natin kaya dapat ay handa ka," sagot ni Philipp. Kahit papaano ay mukhang nagiging interesado na rin si Lorraine sa magiging misyon nito. Nagsisimula na rin itong magtanong ng mga bagay-bagay na dapat nitong malaman. "Anything else, you want to know?" dagdag na saad rito. "Bakit fluent kang magsalita ng english?" mga tanong na nanulas sa labi ni Lorraine. Halos takpan niya ang bibig nang mapagtantong nasabi pala ang nasa isipan. Maging si Philipp ay nabigla sa tanong ni Lorraine, bahagyang nalito kung ano ang isasagot dito. Naisip tuloy na baka makahalata ito ngunit agad rin namang nakaisip ng idadahilan sa babae. "Talagang hinasa ako ng iyong ama nang maging kanang-kamay niya ako dahil sa malalaking tao ang katransaksiyon namin. I have to learn also how to negotiate with them lalo pa at hindi na lang kami sa buong Pilipinas nag-o-operate kundi maging sa ilang parte ng Asya," sagot niya kay Lorraine. Nakitang tumango-tango ito sa kanyang sagot, mukhang naniwala naman ito sa kanyang sinabi. "Gutom ka na ba?" untag namang tanong sa babae. Nasipat niya kasi sa dashboard na pasado alas-dose na, baka gutom na ito at ayaw lang magsabi. "Hindi pa naman," ani Lorraine sa tanong ni Philipp. "Tubig lang," hirit niya kasi kanina pa siya nauuhaw, nahiya lang siyang magsabi sa lalaki. "Okay, mag-drive thru na lamang tayo para at least may kainin tayo kapag nagutom tayo since bibili rin naman tayo ng drink," saad niya kay Lorraine para may pagkain na sila once na ito ay magutom at mahiyang magsabi. "Sige," sang-ayon na lamang niya. Hindi man niya tiyak ang magiging buhay niya sa pagpasok niya sa grupo na pinamumunuan ng ama, kahit papaano ay napapanatag siyang kasama ang lalaki. Sa konting panahong nagsama sila ay nakaramdam siya ng kapanatagan, hindi niya ito kinakitaan ng anumang masamang balakin sa kanya. 'Oy, mukhang gusto mo yatang gawan ka ng masamang balakin,' panunudyo ng kabilang isipan. 'O mas tamang habihing kahalayan,' asar naman ng kabilang isipan. "Magtigil nga kayo," bulong niya sa sarili sa inis sa mga nagpapasukan sa kanyang isipan. "Yes, may sinasabi ka ba, Lorraine?" tanong ni Philipp sa kanya. Nagulat siya nang banggitin nito ang kanyang pangalan. "Ha? Wala, ah," gagad niya rito, dalangin na sana ay hindi nito narinig ang kanyang sinabi. "Ah, akala ko gusto ko ng cheese burger," saad ni Philipp habang nasa tapat ng drive thru ng isang sikat na fast food chain. Tila nabunutan ng tinik sa lalamunan si Lorraine sa sinabing iyon ni Philipp, mabuti na lang talaga at hindi nito narinig ang kanyang sinabi. "Do you want something else bukod sa cheese burger?" baling na tanong ni Philipp sa kanya. Napanganga si Lorraine sa tanong ni Philipp, parang ang guwapo nito sa kanyang paningin. "Ahemmm!" tikhim ni Philipp nang nakamaang lamang si Lorraine sa kanyang mukha. "Uhmmm, spicy fries, please," nahihiyang tugon sa lalaki. Hindi niya akalaing matutulala siya sa harap ni Philipp. "Give us two spicy fries, please, large," saad naman ni Philipp sa staff ng fast food. "Something else," muli nitong baling sa kanya. Mabilis siyang umiling bilang tugon at iwas na iwas ng tingin dito. Naiinis siya sa sarili dahil ipinagkakanulo siya ng mismong sarili. Nang makuha nila ang kanilang order ay inabot ni Philipp sa kanya dahil magmamaneho ito para bigyang-daan ang susunod na o-order. Wala siyang nagawa kundi ang abutin at iayos ang in-order nitong pagkain nila. "If your hungry, feel free to eat," saad nito. "Hindi pa naman, mamaya siguro, tubig lang muna ako," giit niya sa lalaki. "Okay, I'm just telling you, in case na magutom ka. Baka kasi nahihiya ka sa akin," dagdag ni Philipp na nakangiti sa kanya. Natahimik si Lorraine saka mabilis na ibinaling sa labas ang tingin. Iba na kasi ang tama ng mga ngiti ng lalaki sa kanya, para pa naman itong si Tom Rodriguez na kapag ngumingiti ay lumalabas ang biloy nito. "Thank you, pero hindi pa ako gutom. Ikaw, kung gutom ka na," aniyang saad sa lalaki. "Okay, can I have my spicy fries, baka kasi hindi na masarap mamaya," anito. Agad namang nilabas ni Lorraine ang isang fries at binigay sa lalaki. Ibinuka nito ang bibig kaya nag-alangan siya kung ano ang gagawin. Ibibigay bang buo ang fries o susubuan ito lalo pa at nagmamaneho ito. Natatawa na lamang si Philipp nang makita ang pagkalito sa mukha ni Lorraine. Nakatuwaan niya lamang namang ngumanga baka subuan siya nito pero nang makita ang pagkalito ay ngumiti na siya ay inabot ang fries sa kamay ng babae. Hinawakan iyon ng isang kamay habang nakahawak pa rin sa manibela habang ang isa naman ay paminsang-minsang nasubo sa kanyang bibig at tuon pa rin ang tingin sa daan pero sa gilid ng mga mata ay kitang natitigilan pa rin si Lorraine habang nakatingin sa kanya nang maya-maya ay napaubo siya. "Sorry, can I have my drink," aniya kay Lorraine na mabilis naman nitong iniabot iyon sa kanya. "Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tinig nito. Muntik kasi siyang mabulunan sa lagkit ng tingin nito sa kanya. "Uhmmm! Hmmm!" pagtatanggal niya ng bara sa kanyang lalamunan. "Y-Yes, I'm good, masyado yatang hot, I mean spicy itong fries," sisi niya sa fries kung bakit siya nabulunan saka pasimpleng bumaling kay Lorraine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD