Chapter 5:

1055 Words
Tanghali na nang magising si Philipp, tagal-tagal din siyang hindi nakatulog ng komportable ang higaan kaya nang lumapat ang likod sa kanyang kama ay talagang nakatulog siya ng mahimbing. Pagbangon ay agad na inihanda ang dadalhin niyang mga gamit para sanayin si Lorraine, handa na ang ilang kasamahan nila na magpapanggap na kasapi ng sindikato. Malalaking sindikato ang papasukin nila kaya kailangan nilang ihanda si Lorraine sa matinding labanan. Nang maalala ang babae ay tinapos na niya ang ginagawang pag-eempake upang maghanda ng kanilang aalmusalin. Kailangan nilang kumain para sa mahabang biyahe, baka kasi naiilang pa ang babae sa kanya at hindi magsasabi kung ito'y gutom na kagaya kahapon. Alam niyang gutom na gutom ito dahil sa dami ng kinain nito kagabi. Mabilis na tinungo ang kusina matapos niyang mag-empake. Naglabas siya ng ilang english sausage at itlog saka siya nag-brewed ng kape para sa kanilang dalawa. Matapos ihanda ang toasted bread ay pinuntahan na niya ang babae at kinatok ang silid nito. Nakadalawang katok na siya ngunit hindi pa rin sumasagot ang babae kaya medyo kinabahan na siya. Sa isipan ay naglalaro na baka ito ay tumakas at sa isiping iyon ay mabilis na pinihit ang serado at laking gulat niya nang makita itong tulog na tulog sa kama habang bahagya itong nakadapa at tanging baywang lang nito ang natatakpan ng kumot, dahilan upang malantad ang makinis nitong likod. Hindi nakagalaw si Philipp sa kanyang kinatatayuan sa nakikitang ayos ni Lorraine. Ang bilugan at makinis nitong hita ay siyang mas lalong pumupukaw sa kanyang paningin. Napapalunok siya sa isiping panty lang ang suot ng babaeng nasa kama, sa gilid ay nakitang nakaladlad roon ang pajama ng kasintahan na pinahiram dito. Bago pa magising ang babae at makitang nasa loob siya ng silid at binubusuhan ito ay tatalikod na siya upang lumabas nang bigal ay gumalawa ito at nagbago ng posisyon. Lumantad ang dibdib nito sa kanya dahilan upang tuluyang magising ang kanyang p*********i, ramdam niya 'yon sa pagsikip ng kanyang suot na pantalon. Hindi tuloy niya nagawang umalis ng silid, ilang sandaling tinitigan ang mukha ni Lorraine, napakaganda nito. Sabagay, maganda at dating beauty queen ang ina ayon sa ama nito. Matalino rin daw ito kaya lang napapabarkada kaya hindi magawang mag-excel sa klase. Kahit na sinong lalaki ay mahuhumaling sa katulad ni Lorraine pero nasa isang misyon sila kaya dapat ay pigilan niya ang kanyang libido. Doon ay napagpasyahan na niyang iwan ang babae bago pa tuluyang magising, ayaw niyang isipin nitong isa siyang oportunista. Mabilis na nilisan ang silid at bumalik sa kusina upang hintayin itong magising, tutal ay hindi naman sila nagmamadali. Nasa kalagitnaan na siya ng hagdan nang tumunog ang kanyang cell phone at nakitang ang kasintahang si Mikaella ang natawag. Awtomatikong napangiti siya dahil na-miss din ito matapos ng halos isang linggo na hindi nila pagkikita. "Hey, babe, how are you?" masiglang bati niya rito. "I'm good, babe, you? Do you missed me?" lambing na tanong nito. "Yes, so much, how's your trip?" tugon naman dito. Isa kasi itong fashion designer sa London at minsan ay na-extra na model sa isang malalaking kompanya gaya na lamang ng Victoria Secret kung saan naging isa ito sa mga rumampa. "It was good, hopefully, tapos mo na iyang misyon mo na 'yan para naman next time ay kasama kita," may himig pagtatampong wika ni Mikaella sa kanya. "I told you, after this, hindi na ako tatanggap ng anumang trabaho mula sa grupo," turan naman ni Philipp. Napalunok si Lorraine sa naririnig na usapan ng lalaki at kausap nito sa cell phone. Hindi na niya kailangan pang mag-isip kung sino ang kausap nito ayon sa tawagan ng mga ito. Hindi siya maaaring magkamali, ang kasintahan nito ang kausap. "Okay, babe, I have to go, I have a meeting to attend, I just call to say I love you," paglalambing pa ng kasintahan sa kabilang linya. "I love you too, babe," tugon naman agad ni Philipp nang marinig ang pagtikhim sa kanyang likuran. Awtomatikong napalingon siya at doon ay nakita si Lorraine na suot na ang hinubad nitong damit kagabi. Isang matipid na ngiti ang binigay nito sa kanya, hindi man niya tanungin ay alam nitong narinig nito ang usapan nila ng kasintahang si Mikaella. "S-Sorry, I'm late," nahihiyang basag ni Lorraine sa katahimikang namamayani sa kanila ni Philipp. "It's okay, pupuntahan sana kita upang gisingin," kaila ni Philipp sa babae. "Pero gising ka na pala, let's go, handa na ang almusal natin," saad niya saka nagpatiunang naglakad, baka kasi malaman nitong galing siya sa silid nito. Hindi alam ni Lorraine kung bakit ganoon ang nararamdaman para sa lalaki. Nang marinig ang pagsasabi nito ng I love you sa kasintahan nito ay tila kumirot ang kanyang puso. 'Hindi ka puwedeng mahulog sa tulad niya,' giit niya sa isipan. Nakasunod lamang siya sa lalaki hanggang sa makarating sila sa kusina. Sa dining table ay nakita ang inihanda nitong pagkain. "Upo ka," turan nito habang mabilis na nagsalin ng kanilang kape mula sa coffee maker. "Salamat," tipid na tugon sa lalaki. Tahimik silang kumakain at tanging kalansing ng kubyertos ang naririnig at paghigop nila ng kape. "Handa ka na ba?" tanong ni Philipp na bumasag sa katahimikan nilang dalawa. Napahinto si Lorraine sa paghigop sa kanyang kape nang marinig ang tanong ng lalaki. "Do I have a choice?" mataray na turan upang pagtakpan ang damdaming namumuo para sa lalaki. Kita niyang tila nabigla ito sa kanyang inasal. Gustuhin mang bawiin ang sinabi pero hindi na niya nagawa pa at tahimik na tinapos na lamang ang pagkain. Nang matapos silang kumain ay kagaya kagabi na pinagtulungan nilang niligpit. Sa pagkakataong iyon ay hinayaan na lamang ang lalaking naghugas ng kanilang pinagkainan. Isang malalim na buntonghininga ang kanyang ginagawa habang nakamasid sa likuran ng lalaking nakaharap sa lababo at abalang naghuhugas ng kanilang pinagkainan. Ramdam na ramdam ni Philipp ang nakakapasong tingin ng babae sa kanyang likuran, hindi tuloy niya alam kung ano ang tumatakbo sa isipan nito. Naisip pa tuloy na baka nakita siya nitong pumasok sa loob ng silid nito. "Ayos ka lang ba?" biglang baling niya sa kinatatayuan ni Lorraine. Sa pagkakataong 'yon ay hindi alam ni Lorraine kung saan ibabaling ang kanyang tingin dahil nahuli siya nitong nakatingin rito. "Ha? Ah, ayos lang ako," halos mautal na tugon at hindi makatingin ng deretso rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD