When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Malayo-layo na sila mula sa bahay ng tiyahin ni Philipp nang mapansin nila ang kanina pa nakabuntot sa kanilang sasakyan. Hindi muna sinabi ni Philipp ang kanyang napapansin kay Lorraine dahil baka talaga lamang na pareho ang kanilang destinasyon pero nang dumating ang isang intersection ay nakasunod pa rin ito. 'Sh*t!' mura ni Philipp sa isipan nang tila bumibilis ang sasakyang nakasunod sa kanila. "Hold on," aniya kay Lorraine. "May nakasunod sa atin," imporma niya kay Lorraine at nakitang napatingin ito sa sasakyang humahabol sa kanila. Nang may makitang intersection ulit ay lumiko siya at doon ay nakumpirmang nakasunod nga sa kanila ang mga ito. Binilisan ni Philipp ang kanilang sasakyan, mabilis ring humahabol ang mga ito lalo at konti na lamang ang sasakyang nasasalubong sa parte