HTR 20

1535 Words
KARINA Nagising ako nang may maramdaman akong gumagalaw sa bandang ulo ko. Pagmulat ng mata ko ay nakita ko ang nakakatakot na mukha ni Sisang. Akmang sisigaw na sana ako ngunit tinutukan niya ako ng patalim sa leeg. “Huwag kang mag-iingay! Pero mo lang ang kailangan ko!” May diin na sabi niya sa akin. Napangiwi ako nang maramdaman ang dulo ng patalim sa leeg ko. Kinakalkal niya pala ang bag ko. Gustuhin ko man kumilos hindi ko alam kung ano ang nasa isipan ng babaeng ito! Baka kapag hindi ko siya sinunod saksakin na lamang niya ako. “Mukhang mataba ang wallet mo at mamahalin akin na lang.” Nakangising sabi niya sa akin. “Huwag! Akin yan!” Nangingilid ang luhang sabi ko sa kanya. “Sige! Subukan mong gumawa ng ingay. Hindi ako magdadalawang isip na patayin ka! Sana’y akong tumira sa kulungan kaya di ako takot mabulok dito!” Banta niya sa akin. “K-kunin mo ang lahat ng kailangan mo..pero ibigay mo sa akin ang picture sa wallet ko.” Ang tinutukoy kong picture ay ang nag-iisang larawan ni Katherine noong graduation niya. Yun kasi ang nakalagay sa wallet ko at natitirang ala-ala nang masayang araw namin ng kakambal ko. “Alin dito? Ito ba?” Inangat niya ang picture at sinubukan kong abutin ang kamay niya ngunit iniwas niya ito. “Ang pangit mo dito!” Nanlaki ang mata ko nang kagating niya ito at pinunit ng maraming beses. “Walang hiya ka!” Singhal ko sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niyang may patalim at gigil na inuntog ko sa itaas na bakal ng second bed. Napangiwi siya at nabitawan ang patalim ngunit nagawa niya akong suntukin sa mukha kaya napangiwi ako at napaling sa kabila ang mukha ko. Nang bumaling ulit ako sa kanya ay hawak na niya ulit ang patalim at akmang isasaksak sa akin. Umilag ako ngunit tumama pa rin ito sa gilid ng leeg ko. Bumangon ako at tinadyakan ko siya. Napasubsob siya sa isang double deck at nagising ang iba pa naming kasama. “Peste ka!” Igting ang pangang sigaw niya at sinugod niya akong muli. Dahil sa laki ng katawan niya ay nagawa niya akong madaganan. Napaupo sa sahig at napasandal ako sa bakal na kama. Napigilan ko ang kamay niyang may hawak na patalim at balak itarak sa aking mukha. “Sisirain ko yang mukha mo!” Gigil niya sa akin. Naubusan na ako ng lakas. Nangiwi ako nang maramdaman ko ang pagsakit ng aking tiyan. Ang baby ko! “Sisang!” Isang putok ng baril ang umalingaw-ngaw kasabay nang pagtumba ni Sisang sa tabi ko. Hingal at nanginginig na ang katawan ko. Nagkagulo kami sa loob at lahat sila ay yumuko at nagtago sa kani-kanilang bed. Bumukas ang kulungan nang hindi ko namamalayan. Kung hindi ko pa nakita ang mukha ni Ash. “Okay ka lang?” Nag-alalang bungad niya sa akin. Napaiyak na ako ng tuluyan at napayakap sa kanya. “Please…help me yung anak ko…” wika ko sa kanya. Humiwalay siya nang yakap sa akin at tinignan niya ang duguan kong pantalon. “Oh my god! Tumawag kayo ng ambulance!” Sigaw niya. Nagpulasan ang ibang pulis at yung iba naman ay tumingin kay Sisang. “Buhay pa siya.” Wika nito. Hindi ko na pinansin ang pag-uusap nila dahil nakatuon na ang atensyon ko sa sumasakit kong tiyan. May bumuhat sa akin palabas ng kulungan at maya-maya pa ay sinakay na nila ako sa police car. “R-Relax ka lang Karina, okay?” sambit niya. Ipinikit ko ang aking mata ngunit nasa isip ko nang hindi na kakayanin ng anak ko ang lumaban. Naramdaman ko na lamang ang pagtulo ng aking luha. Kung mawawala pa siya sa akin baka hindi ko na kayanin pa. Mabilis ang naging byahe namin nasa hospital na kaagad ako. Inasikaso naman kaagad ako ng mga staff. Confirmed na buntis ako dahil bago ako matulog kanina ay nag-PT muna ako. “D-Doc, please save my baby.” Sambit ko sa kanya bago ako mawalan ng malay. Nang magising ako ay nasa isang pribadong hospital bed na ako. Mukha agad ni Ash ang bumungad sa akin. “A-Ash? Yung anak ko? Safe ba siya?” Nangingilid ang luhang tanong ko sa kanya. “K-Karina, magpahinga ka muna—” “No please, tell me? Nasa tiyan ko pa ba siya?” Yumuko siya at suminghap saka humarap sa akin. “I’m sorry…pero wala na siya.” “No…sabihin mo? Nagsisinungaling ka diba?” Hinawakan niya ang kamay ko. “Ginawa nila ang lahat pero manganganib ka kung hindi nila tatangalin ang baby mo.” “No! Hindi totoo yan!” Tinangal ko ang dextrose na nakatusok sa kamay ko at pinilit kong bumangon kahit parang binugbog ang katawan ko sa sakit. “Karina! Huminahon ka!” “Hindi! Bitawan mo ako! Ibalik niyo ang anak ko!” Patuloy na sigaw ko. Nalaglag na ako sa kama ko. At pati si Ash ay walang nagawa sa pagpupumiglas ko. Sa bawat paghawak niya sa akin ay panay ang tulak ko sa kanya. “Karina, please…makinig ka. Makakasama sayo—” “Huwag mo akong hawakan! Tawagin mo ang doctor! Yung anak ko!” Wala akong paki-alam kong para na akong masisiraan ng bait sa mga oras na ito. Sobrang sakit para sa akin ang pagkawala niya. Mag-isa na lamang ako ngayon wala na akong paghuhugutan ng lakas para mabuhay. Kailangan ko ang anak ko…kailangan ko siya… “K-Karina…” Napatigil ako sa paghikbi nang marinig ko ang pamilyar na boses niya. “A-anong ginagawa mo dito?” “Sergio, tumawag ka ng doctor bilis!” Utos ni Ash sa kanya. Agad naman itong lumabas. “Bakit nandito ang lalaking yun? Ikaw ba ang tumawag sa kanya?” “Hindi, nagpunta siya sa pulis station kaninang madaling araw. Kaya nalaman niya ang nangyari. Kanina pa siya dito habang nasa operating room ka.” Paliwanag ni Ash sa akin. Sabay na pumasok ang doctor at nurse kasunod nila si Sergio. “Umalis ka! Umalis ka dito!” “Miss, huminahon ka. Makakasama sa’yo ang ginagawa mo.” Saway ng doctor sa akin. Kaya napunta sa kanya ang atensyon ko. “Nagmakaawa ako sa’yo doc…pero bakit hindi mo niligtas ang anak ko? Sana hinayaan niyo na lang siya sa tiyan ko para sabay na kaming mamatay!” Dahil sa patuloy na pagwawala ko ay marami na ang umawat sa akin. Hangang sa nagawa nila akong turukan na nagsimulang magpahina sa akin. “Tama na…maawa ka sa sarili mo…” Wika ni Ash habang nakahawak sa isa kong braso. Itinayo nila ako at ibinalik sa kama. “Binigyan lang namin siya ng pampakalma. Hindi madaling tangapin ang pagkawala ng anak niya. Kaya kailangan niya ng emotional support from families.” Wika ng doctor. Nawalan ng lakas ang mga kamay, paa at katawan ko. Pero nakita ko ang pagluha ni Sergio bago magdilim ng tuluyan ang paningin ko. Nang magising ako ay nakatali na ang dalawang kamay ko ng tela. Pati na rin ang paa ko sa tingin ko ay tinalian din nila. “Ginawa nila yan para hindi mo na saktan ang sarili mo.” Narinig kong sambit niya. Wala si Ash at hindi ko siya makita. “Umalis ka na, kung hindi pa sapat ang pagkamatay ng anak ko sa ginawa ko sa’yo. Patayin mo na rin ako.” Bumaling ako sa kabila upang hindi niya makita na nasasaktan ako. “Hindi ko alam ang tumatakbo sa utak mo. Pero masakit sa akin ang pagkawala ng anak ko. Gulong-gulo na ako Karina. Namatay si Catalina, wala na si Katherine at ngayon ang anak ko. Sa tingin mo ba ikaw lang ang nahihirapan? Sa tingin mo ba ikaw lang ang nasasaktan?” Marahas ko siyang nilingon at matalim ang tingin na ipinukol ko sa kanya. “Kulang pa ang sakit na nararamdaman mo ngayon kumpara sa sakit na nararamdaman ko! Dahil sa inyo nawala si Katherine! Pinagbibintangan niyo ako sa kasalanan na hindi ko ginawa kaya namatay ang anak ko!” “Hindi ko ginusto na mamatay si Katherine at ang anak natin Karina. Naririnig mo ba ang sarili mo? Ikaw ang pumasok sa buhay namin at nagpangap bilang si Katherine para maghiganti. Niloko mo ako, pinaniwala mo ako sa isang kasinungalingan…pareho tayong nasaktan…hindi ba puwedeng parehas tayong magpatawad?” Umiling ako sa kanya. “Hindi natin kailangan patawarin ang isa’t-isa. Mapatunayan ko lang na wala akong kasalanan…hindi mo na ako makikita pang muli. Nagawa ko na ang misyon kong saktan ka. Sapat na yun sa paghihiganti ko para sa pag-iwan mo sa kapatid ko noong mga panahon na kailangan ka niya—” “Hindi mo ba talaga ako minahal?” “Kahit kailan hindi kita minahal. Kaya umalis ka na…at ayoko nang makita ka pang muli.” Unti-unti siyang humakbang papalayo sa akin. Hangang sa tuluyan niya akong tinalikuran. Eksaktong pagsara ng pinto ay bumuhos ang aking luha. Akala ko may mas sasakit pa sa pagkawala ni Katherine. Pero sa naramdaman ko ngayon. Parang gusto ko na lamang sumama sa kakambal ko kasama ang munti kong anghel na kagabi lamang ay nasa sinapupunan ko pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD