HTR 21

1192 Words
SERGIO Halos hindi ko maihakbang ang mga paa ko habang palapit ako sa libingan ni Katherine. Nagpasama ako kay Marla dahil alam kong siya lamang ang nakaka-alam kung saan ko matatagpuang ang libingan niya. “Sir, okay lang po ba kayo?” Tumango ako sa kanya bilang pagsagot. Nang sabihin ni Karina sa akin ang lahat. Hindi ako makapag-isip ng maayos. Nagtatalo ang isip at puso ko kung paniniwalaan ko ba siya. Ngunit nandito na ako sa sementeryo, at kailangan kong harapin ang katotohanan. “K-kath—” Halos ayaw bumuka ng mga labi ko. Hindi ko masambit ang pangalan niya. Yumuko ako at nakita ko ang nakasulat sa lapida. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Kung bangungot lang ang lahat ng ito ay gusto ko nang magising. Papaniwalain ang sarili na si Katherine ang nakasama ko nitong nakaraang buwan. Ngunit hindi…nandito siya nakahimlay at isang taon na siya dito sa ilalim ng lupa. “It was my fault, I’m sorry…Katherine…I’m really sorry…patawarin mo ako…kung alam ko lang na ganito ang dadanasin mo hindi ko sana ginawa ang lahat ng ito. Hindi ka sana nawala…” Wala akong paki-alam kong marinig nila ang pag-iyak ko. Ang sakit-sakit para sa akin ang nangyari. Lahat ng babae sa buhay ko ay isa-isa nang nawawala at kasalanan ko ang lahat ng ito. Pati ang walang muwang na anak sana namin ni Karina ay nawala! Kasalanan ko ang lahat! Kasalanan ko! "Katherine! Patawarin mo ako!” Hindi ko na napigilan ang mapahagulgol habang hinahaplos ko ng palad ang nakangiting mukha niya. I love her so much…but it was to late. Kahit lumuha pa ako ng dugo hindi na maibabalik ang buhay niya. At hindi na rin ako mapapatawad ni Karina. Halos isang oras akong nag-stay sa libingan ni Katherine. Patuloy lang ako sa pagluluksa. Ipinagdasal ko din ang kanyang kaluluwa. Pati na rin ang paghingi ng kapatawaran sa lahat ng kasalanan ko sa kanya. I Know wala akong karapatan na patawarin niya. Dahil huli na rin naman ang lahat. Sana lamang ay mapayapa na siya kung nasaan man siya ngayon. Pagkatapos ko sa semerteryo ay nilunod ko ang sarili ko sa alak. Kahit sa ganitong paraan man lang mabawasan ang sakit ay pangungulila ko sa kanya. Sa babaeng natutunan ko ng mahalin. Dahil alam ko na ayaw niya akong makita. Lalo pa ngayon, ako ang dahilan ng lahat ng pighati na nararamdaman niya. “A-anak, ayusin mo ang sarili mo. Ililibing na si Catalina bukas. Kailangan mong tibayan ang loob mo.” Wika ni mommy sa akin. “Be a man hijo, kailangan ka ng anak mo.” Dagdag pa ni daddy. Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanila. “It’s all your fault. Kaya nasira ang buhay ko dahil sa inyo. Namatay si Katherine, nawala si Catalina. Pati si Karina at ang magiging anak ko sana ay nawala!” Sigaw ko sa kanila. Kung hindi nila ako pinilit sa isang bagay na ayaw ko hindi sana kami magkakahiwalay. At hindi sana mangyayari ang lahat ng ito! Pero ginamit nila ang kahinaan ko. “Ano bang pinagsasabi mo, Sergio?” maang na tanong ni mommy. Pero imbis na sagutin ang tanong niya. Tumayo ako at nagmadaling lumabas ng mansyon. Kaagad akong pumunta sa hospital. “Sir, hindi ka puwedeng pumasok.” Pigil sa akin ng babaeng pulis na tumutulong sa kaso ni Karina. “Papasukin mo ako, gusto ko siyang makita at maki-usap. Please…parang awa mo na…” Umiling siya sa akin. “Hayaan muna natin siyang magpahinga Sir Sergio. Hindi pa siya mentally stable. Baka kapag ipinilit mo ang sarili mo magwala na naman siya. Please give her time to heal.” Wika niya sa akin. Bagsak ang balikat na tinalikuran ko siya. Masakit sa akin ang lahat ng binitawan niyang salita. At hindi ko matangap na paghihiganti lang pala ang lahat. Amoy alak akong sumama sa paghahatid kay Catalina sa huling hantungan. Bumuhos ang emosyon ng kanyang mga magulang , kamag-anak at lahat ng mga taong nagmamahal sa kanya pati na rin ang aking mga magulang. Kinuha ko ang anak namin at nagpaalam kami sa kanya. I’m sorry Catalina. I’m sorry kung hindi kita nagawang mahalin. I tried, pero hindi ko maturuan ang puso ko. I’m so sorry… Hinayaan kong maglandas ang aking luha. Naawa ako sa kanya dahil maaga siyang nawala sa mundong ito. At sinusumpa ko na hahanapin ko kung sino man ang may gawa nito sa kanya. Pagkatapos ng libing ni Catalina ay nagpaiwan muna ako sandali. “Kayo muna ang bahala sa anak ko.” Walang emosyon na sabi ko kay mommy. “Anak—” “Please mommy, kung talagang mahalaga ako sa inyo. Hayaan niyo muna akong mag-isa.” Wika ko sa kanya. Nagpasalamat na lamang ako at hindi na niya ako kinulit pa. Nanatili ako sa libingan ni Catalina hangang matapos ang pagagawa ng kanyang lapida. “Huwag kang mag-alala. Aalagaan ko ang anak natin. Palalakihin ko siyang may takot sa diyos. At palagi kitang ikukuwento sa kanya." Papaalis na ako nang may matangap akong tawag. Nahuli na daw ang criminal na bumaril kay Catalina pati na rin ang sumaksak dito sa hospital. Kaagad akong nagtungo sa presinto. “Siya ba?” Tanong ko sa lalaking kasalukuyan ini-inquest sa pribadong room. “Yes Sir, siya ang nagmamay-ari ng DNA sa buhok na nakuha ng mga police na nag-imbistiga. Nasa bahay din nila ang get-away vehicle na namaril sa bahay niyo.” Imporma niya sa akin. Pumasok ako sa kuwarto at naupo ako sa tabi ng police na nagtatanong sa kanya. “Sino ang nag-utos sa’yo? At anong atraso ni Catalina sa inyo?” Seryosong tanong ko sa lalaking nasa harapan ko na nakayuko at nakaposas. Pero hindi man lang niya ako sinagot. “Ayaw niyang magsalita Mr. Alvarez.” Igting ang pangang hinablot ko siya. At nagpasukan ang mga police para awatin kami. “Magsalita ka! Sino ang nag-utos sa’yo?!” “Mr. Alvarez tama na!” Pigil nila sa akin. Pero wala pa din siyang imik. Marahas ko siyang binitawan. “Mabubulok ka sa kulungan at pagbabayaran mo ang lahat ng ginawa mo!” Singhal ko sa kanya. Inalam ko ang buong detalye ng kaso ni Catalina pati na rin ang mga nakuha nilang ebedensya. Malinaw na siya ang tinuturo ng nakalap nila. Dati na rin daw itong may kaso ng murder. Pero nagawang makalabas. “Ibig sabihin, abswelto na si Karina sa kaso?” “Yes sir, laya na po siya.” Imporma niya sa akin. Mabilis akong nagtungo sa hospital dahil gusto ko siyang makita. Ngunit pagdating na pagdating ko doon ay nakaalis na daw ito. Kaagad akong nagtungo sa condo ngunit bigo rin ako. “Marla? Si Karina? Alam mo ba kung nasaan siya ngayon?” tanong ko sa kanya pagkasagot niya ng tawag ko. “Naku Sir, hindi ko po alam. Ang huling usap namin kanina nang tawagan niya ako hindi niyo na raw po siya makikita dahil magpapaka-layo layo na daw siya—” Nabitawan ko ang phone na hawak ko nang sabihin niya yun. Umalis na siya…at hindi ko alam kung nasaan siya…pati siya ay iniwan na rin akong mag-isa…

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD