HTR 19

1267 Words
KARINA “Anong ginagawa mo dito?” maang na tanong ko kay Hugo nang sabihin sa akin na may dalaw daw ako at nag-aalalang mukha niya ang bumungad sa akin. “Nabalitaan ko kay Marla ang nangyari. Tumawag kasi ako sa kanya matapos kong marinig ang balita.” Paliwanag niya sa akin. “Umalis ka na Hugo, baka maabutan ka pa ni Sergio dito.” Wika ko sa kanya. Akmang tatalikuran ko siya ngunit pinigilan niya ako at nagsalita siyang muli. “Karina, hindi ka matutulungan ni Sergio sa mga oras na ito. Nagdadalamhati pa sila sa pagkamatay ni Catalina. Nakalimutan mo na bang asawa niya ito at may anak sila?” Giit niya sa akin. Nasaktan ako sa sinabi niya. Dahil ilang oras na akong nakakulong dito pero walang Sergio ang nagpakita sa akin. Kahit ang abugado na ina-antay ko ay hindi dumating. “K-Kahit pa, kukuha ako ng sarili kong abogado. Wala akong kasalanan Hugo. Kaya ipaglalaban ko ang karapatan ko.” Wika ko sa kanya. “Wala nga ba Karina? Diba ang maghiganti ang pakay mo kaya pumasok sa kompanya nila Sergio? Diba kaya inakit mo siya pina-ikot sa palad mo para gantihan dahil sa pagkamatay ni Katherine—” “Tumahimik ka!” singhal ko sa kanya. Nagsimulang manubig ang mga mata ko ngunit nakita ko ang mukha ni Sergio sa likuran niya at kasama pa nito si Marla na nagulat din at napatakip sa bibig nito. “S-Sergio…” usal ko na ikinalingon ni Hugo sa kanya. “A-Anong sinasabi mo?” tanong ni Sergio kay Hugo. “Sergio—” “Magsalita ka!” Igting ang pangang sigaw niya dito. Nagtayuan ang mga pulis at namagitan sa kanilang dalawa dahil akmang susugod na si Sergio kung hindi siya nahawakan ni Marla at nang kasama nitong nakakurbata na sa tingin ko ay abogado. “Anong sinasabi mo kanina?! Patay na si Katherine at siya si Karina?!” “Sir, tama na po.” Nangingilid ang luhang pigil ni Marla. “Kung ano man ang problema pag-usapan niyo ng maayos.” Sabat ng isang police na humarang sa kanilang dalawa. Wala na akong nagawa kundi ang mapakapit sa bakal na rehas ng kulungan habang hindi ma-ampat sa pagtulo ng aking luha. Hindi nagsalita si Hugo. Bagkus ay pinilit niyang makalapit sa akin. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko na nakahawak sa bakal. “Katherine…sayo lang ako makikinig. Sabihin mo ang lahat. Naniniwala akong wala kang kasalanan. Hindi pa tapos ang imbistigasyon. Kaya sabihin mo…na nagsisinungaling lang si Hugo…diba?” Sinalubong ko ang mga mata niyang alam kong pagod na rin dahil sa lahat ng mga nangyari. Parang pinupunit ang aking puso sa nakikita kong expresyon ng kanyang mukha. Lalo na kapag sinabi ko ang totoo. Pero wala na akong choice dahil lalo lamang lalala ang sitwasyon kapag nagsinungaling pa ako sa kanya. "T-Totoo ang lahat ng narinig mo…” Unti-unting bumitaw ang kanyang mga kamay sa aking kamay at sunod-sunod siyang umiling sa akin. “No— hindi totoo yan…Katherine—” “Wala na si Katherine…ako si Karina. Nagpakamatay siya nang dahil sa’yo kaya ako naghiganti. Pina-ibig kita at ginamit ko ang pagmamahal mo para sa kanya at para sirain ang buhay mo…at magdusa ka—” “Shut up! Tama na! Stop this nonsense!” Putol niya sa sasabihin ko. “Wala akong pinagsisihan Sergio...dahil kailanman hindi kita minahal. Pero hindi ko…magagawang patayin si Catalina…” Parang lango na tinalikuran niya ako at nagpatuloy siya sa paglabas ng police station. Gusto ko siyang tawagin ngunit ayaw lumabas ng boses sa bibig ko. Hanggang sa hindi ko na siya matanaw. Nanlambot ang tuhod ko at napaluhod ako sa magaspang na sahig ng kulungan. Nagsinungaling ako sa kanya. Hindi totoong hindi ko siya minahal. Pero nasa hanganan na ako ng aking paghihiganti at wala nang rason pa ang manatili ako sa buhay niya. “Karina…kaya mo yan…huwag kang mag-alala hindi kita iiwan.” Humihikbing sambit niya sa akin. “I’m sorry…” Narinig kong sabi ni Hugo. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. “Umalis ka na, hindi kita kailangan dito.” Matatag na sabi ko sa kanya. Laglag ang balikat na tinalikuran niya ako. “Ikuha mo ako ng ibang abogado Marla. Wala akong kasalanan sa pagkamatay ni Catalina at sasabihin ko ang lahat sa korte.” Tumango siya sa akin at umalis. Hindi ako puwedeng maging mahina. Lalo pa ngayon na ako ang sinisisi nila sa nangyari. Kailangan kong magpalakas para harapin ang lahat ng ito. Hindi ako papayag na makulong at pagbayaran ang kasalanan na hindi ko ginawa. “Grabe pala ang kasalanan mo girl. Biro mo pumatay ka na scammer ka pa?” Litanya sa akin ng kasamahan ko sa loob ng kulungan. “Hoy Sisang! Huwag mong pagdiskitahan yan kung gusto mong makalaya!” Saway sa kanya ng nagbabantay sa kulungan. “Grabe ka naman boss, nikakausap ko lang naman ang bagong inmate ko. Behave na ako ngayon.” Nakangising sabi ng babaeng kasama ko. May dalawa pa siyang kasama na pinagtatawanan din siya. “Naku! Kilala na kita. Yung last na kinulong namin dito pinagtripan mo kaya nadagdagan lalo ang kaso mo." Dagdag pa ng guard. Inis na bumalik sa double deck ang babae pero masama ang tingin pa rin sa akin. Nakaramdam ako ng takot para sa aking sarili. Kailangan kong makalabas na dito sa lalong madaling panahon. Inumaga na ako sa kulungan, wala akong maayos na tulog. Nakita kong paparating si Ash kaya napatayo ako. “Anong balita?” tanong ko sa kanya. “Nagpunta ako sa hospital. Sadly wala akong nakuhang CCtV dahil under maintenance daw yun noong gabing yun. Wala ding finger print ang weapon na ginamit maaring gumamit ng gloves ang suspek. Pero may naiwang buhok sa kamay ni Catalina. Pina-DNA test ko na. Maaring nakuha niya yun mula sa suspect. Sana lang makahanap tayo ng lead. Yun na lang ang pag-asa ko para mapatunayan na wala kang kasalanan.” Paliwanag niya sa akin. Medyo nakahinga ako ng maluwag. Kapag hindi nag-match ang DNA ko at sa buhok na nakuha mula sa kamay ni Catalina. Malaki ang advantage kong mapawalang sala. Lalo na kung ti-testigo si Marla. “Ash, puwede ba akong humingin ng pabor?” Mahinang bulong ko sa kanya na sinigurado kong siya lang ang makikinig. “Ano yun?” “Puwede mo bang alamin ang kilos ni Marla ang bestfriend ng kapatid ko at ni Hugo ang lalaking nagsamantala sa kapatid ko.” Wika ko sa kanya. Ayoko man na paghinalaan silang dalawa. May kutob akong isa sa kanila ang may kinalaman sa pagkamatay man ni Katherine at ni Catalina. Sana lang mali ang kutob ko. “Sige, isasama ko sila sa investigation.” “Salamat, pero mayroon pa akong isang pabor. Puwede mo ba akong ibili ng pregnancy test?” Namilog ang mata niya sa sinabi ko. “Buntis ka?” “Hindi ko sigurado pero kung oo man sana tayong dalawa lang ang nakaka-alam. Puwede ba yun?” Tumango siya sa akin. “Maasahan mo ko, Karina. Lakasan mo pa ang loob mo ha?” Nakagat ko ang ibabang labi upang pigilan ang aking luha. “Don’t worry, kakayanin ko ‘to.” Pilit ang ngiting sabi ko sa kanya. Ano man ang kalalabasan ng pregnancy test. Buong puso kong tatangapin ang iiwanan na ala-ala sa akin ni Sergio. Dahil alam ko sa mga oras na ito. Pagkamuhi na ang nararamdaman niya para sa akin. Napahawak ako sa aking impis na tiyan nang maka-alis na si Ash. Lalaban si Mommy, kaya lumaban ka din para sa atin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD