HTR 17

1249 Words
SERGIO “Wala ka na ba talagang natitirang respeto para sa akin Sergio? Para sa ina ng anak mo?” salubong sa akin ni Catalina nang umuwi ako kinabukasan pagkagaling sa condo ni Katherine. Napabuntong-hininga ako at iniwasan ko siya. Tinungo ko ang anak namin na karga ng kanyang yaya. Hinalikan ko ito sa noo at umakyat na rin ako sa hagdan. Kaya kong maging ama sa anak namin pero hindi ko kakayanin na maging asawa pa si Catalina. Dahil isa lamang ang kayang mahalin ng puso ko. At si Katherine yun. “Sergio! Nag-uusap pa tayo!” Narinig kong sigaw niya nagpatuloy ako sa hiwalay na kuwarto naming dalawa at naghubad ako ng damit. Bumukas ang pinto at pumasok si Catalina. Nagulat ako nang bigla siyang yumakap sa beywang ko. “Please, kalimutan mo na ang babaeng yun. Bumalik na tayo sa Amerika kasama si Chollo. Huwag mong gawin sa akin ito Sergio.” Pagmamaka-awa niya sa akin. Tinangal ko ang kamay niya at humarap ako sa kanya. “Kahit bumalik pa tayo sa Amerika hindi na rin magbabago ang lahat Catalina. Bakit hindi mo na lang tangapin ang pakikipaghiwalay ko sayo? Nang sa ganun pareho na tayong makalaya sa isa’t-isa. At hindi na rin kita masaktan pa.” “No! Hindi mo naintindihan Sergio. Mahal kita. Kung hinayaan mo lang akong pumasok sa buhay mo hindi sana tayo nahihirapan ngayon! Kung hindi ka naging baliw sa babaeng yun maayos sana tayo ngayon! Hindi ka ba naawa kay Chollo? Ano ang ituturo mo sa anak mo paglaki niya ha? I just want a complete family for him Sergio. Please…iwanan mo na ang babaeng yun…nagmamakaawa ako sa’yo.” Lumuhod siya sa harapan ko at mabilis ko siyang itinayo. “Hindi mo kailangan na gawin yan Catalina. Hindi mo dapat binababa ang sarili mo nang dahil sa akin. Huwag mo nang pahirapan ang lahat. Tangapin mo na lang na hindi talaga tayo para sa isa’t-isa—” “At sino ang para sa’yo?! Ang manlolokong babaeng yun?! She’s manipulating you! Kayong dalawa ni Hugo! Pinaglalaruan lang kayo ng malanding babaeng yun!” Singhal niya sa akin. Napabuntong hininga ako at mabilis na sinuot ang damit ko. Akmang lalabas na ako pero pinigilan niya ako. “Ayaw mong maniwala sa akin? Ito! Panuorin mo kung paano nagpasarap ang mahal mong si Katherine kay Hugo nang matauhan ka!” Napatingin ako sa phone na hawak niya. “Catalina, tama na. Pagod na pagod na ako sa pag-aaway nating dalawa. Please? Itigil na natin ito—” Hinarap niya sa akin ang phone at natigalgal ako sa aking nakita. Winasiwas ko ang phone na hawak niya at tumalsik ito sa sahig at nabasag. “Naniniwala ka na? Habang nasa Amerika tayo at para kang nababaliw sa kaka-isip sa babaeng yan. Nagpapakasarap sila ni Hugo. Babalik ka pa rin ba sa kanya? Ha? Mag-isip kang mabuti Sergio. Ang babaeng yan ang sumira sa’yo at pati na rin sa pagkakaibigan niyo ni Hugo!” Litanya niya sa akin. Nag-uuyam niya akong tinignan. Parang pinagtatawanan niya ako dahil nagawang bilugin ni Katherine ang ulo ko. Kitang-kita ko kung paano sila maghalikan ni Hugo sa ibabaw ng kama na walang saplot ang katawan! Guni-guni ko lang ba yung ako ang nakauna sa kanya noong gabing yun na may mangyari sa amin? Hay*p ka Hugo! Marahas kong binuksan ang pinto at iniwanan ko siya. Ngunit narinig ko ang pagtawag niya sa akin. “Sergio! Saan ka pupunta?! Bumalik ka dito!” Nagmadali akong bumaba ng hagdan at tinungo ang kotse pagkalabas ko. “Sergio! Ano ba!” Binuksan ko ang pinto ng kotse pero nilingon ko muna siya. “Pupuntahan ko si Hugo para alamin ang totoo!” Singhal ko sa kanya. Pero nang akmang sasakay na ako ay may napansin akong van na dumaan. May nakadungaw sa bintana at may hawak itong baril. “Catalina! Dapa!” Umalingaw-ngaw ang putok ng baril att namalayan ko na lamang nakabulagta na ang duguan na katawan ni Catalina. “Catalina!” Halos pagapang akong lumapit sa kanya at hinila ko siya sa likod ng kotse. “Catalina! Wake-up!” “S-Sergio…ang kasalanan ko lang…naman…mina-hal ki-ta…” Tuluyan na siyang nawalan ng malay sa kandungan ko. “Catalina! Catalina!” Humupa ang putukan at nang silipin ko ay wala na rin sila. “Sir!” Bungad sa akin ng security guard. “Tulungan mo ako! Dalhin natin siya sa hospital!” Natataranta kong sabi sa kanya. Binuhat ko si Catalina at ipinasok sa kotse. Hindi ko alam kung ilan ang tama niya but she barely breathing. “Tumawag ka ng pulis at ireport mo ang nangyari ngayon din!” Utos ko sa kanya. Ako na mismo ang maghahatid kay Catalina sa hospital. Parang may naghahabulan sa aking dibdib sa bilis kong magpatakbo ng kotse. Mahalaga ang bawat segundo. Ayokong mawala si Catalina. Kahit malaki ang galit ko sa kanya. Hindi maatim ng konsensya ko ang may mangyari sa kanyang masama. “Catalina…huwag kang bibitaw. Isipin mo si Chollo.” Nanginginig na sambit ko. Hinawakan ko ang duguan niyang kamay. “Diyos ko, paki-usap…huwag naman sana.” Ilang minuto pa ay narating ko na ang emergency room. Kaagad siyang inasikaso ng mga nurse nang lumabas ako sa kotse. “Sir hindi po kayo puwede sa loob kami na po ang bahala.” Pigil sa akin ng nurse. Napahilamos ako sa mukha ko at napaupo sa stainless na upuan. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong takot. Alam kong para sa akin ang bala na yun at nadamay lang si Catalina. Pero bakit? Ano ang kasalanan ko? Bumukas ang emergency room at inilabas nila sa stretcher si Catalina. “Doc! Saan niyo dadalhin ang asawa ko?” Nilingon ako ng doctor at tumigil siya sa paglakad. “Kailangan namin siyang dalhin sa operating room. May dalawa siyang tama ng bala sa katawan at daplis sa binti. I’m not sure kung makaka-survive siya. But gagawin namin ang lahat.” Pagkatapos niyang sabihin yun ay sumunod na siya. Naiwan akong mag-isa at bumalik lahat ang masasamang ginawa ko sa kanya. It’s true na sinet-up niya ako. Nagka-anak kami at napilitan akong magpakasal sa kanya. Pero kailanman hindi ko naisip na saktan siya. At ngayon na nakikita ko siyang nag-aagaw buhay parang gusto kong sisihin ang aking sarili. Nagpasya akong tawagan sila mom at dad. Pati na rin ang mga magulang ni Catalina. Kung sino man ng may kagagawan ng lahat ng ito. Kailangan niyang magbayad. Sumunod ako sa operating room at matyagang naghihintay nang maunang magdatingan sila mom and dad. “Jusko! Ano ba ang nangyari anak?” Naiiyak na tanong ni mom sa akin niyakap niya ako at pinagmasdan ang aking duguan na polo. “May tama ka ba?” Umiling ako sa kanya. “Si Catalina, critical ang lagay niya.” Wala sa sariling sambit ko. “Tumawag na ako ng pulis any time for now nandito na yun para mag-imbestiga.” Wika ni Dad. Tumango ako sa kanya at naupo kami ulit sa waiting area. Maya-maya pa ay lumabas na ang doctor. Halos isang oras din akong nahintay sa labas. “Successful ang operation. Natangal na namin ang bala na tumama malapit sa dibdib niya at sa tiyan niya. Pero kailangan parin siyang obserbahan. Ililipat namin ang patients sa ICU.” Kahit paano ay nakahinga ako ng maluwag ngunit delikado pa rin ang lagay niya. Saka ko na aayusin ang problema namin ni Katherine. Kailangan ko munang hanapin ang nagtangka sa buhay namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD