HTR 16

1695 Words
KARINA “Tuloy ka.” Alok ko sa kanya pagkapasok niya sa loob ng condo ko. Pagkatapos naming kumain kanina sa restaurant ay inalok ko siyang umuwi dito para maipakita ko na rin ang mga gamit ni Katherine. Baka makahanap pa kami ng ebendensiya. Yung iba kasi hindi ko pinaki-alaman dahil sa tuwing nakikita ko ang mga gamit niya ay hindi ko maiwasan ang maging emosyonal. Pumasok siya sa loob at isinara ko ang pinto. Tumuloy kami sa sala at pina-upo ko siya bago ako pumasok sa loob ng kwarto. Ibinaba ko muna ang mga binili ko at pagkatapos ay kinuha ko na rin ang box ng mga personal na gamit niya. “Ito ang mga naiwan niya ash. Baka makatulong.” Binuksan niya ang kahon at inisa-isang kunin ang mga laman nito. “I know him.” Turo niya sa litrato ni Katherine at Sergio na unang bumungad sa kanya. “Yes, He’s Sergio Alvarez. Siya ang naging ex-boyfriend ni Katherine bago ito mawala. He’s already married at may anak na din siya sa naging asawa niya. Yun ang rason kung bakit sila naghiwalay.” Paliwanag ko sa kanya. “Ah, so it means may third party kaya naghiwalay sila?” Umiling ako sa kanya. “Na-set up si Sergio ng babaeng yun kaya sila ipinilit ipakasal ng kanilang mga magulang. Bukod doon nagbunga din ang panloloko ni Sergio sa kakambal ko kaya walang nagawa ang kakambal ko kundi magparaya.” Ipinatong niya ulit ang larawan at naghalungkat pa sa mga gamit ni Katherine. “Aside kay Sergio may iba pa bang malapit na tao sa buhay niya noong nasa abroad ka?” “Oo, si Hugo ang kaibigan ni Sergio na may gusto din sa kapatid ko. Siya ang nagsamantala sa kapatid ko at nirecord pa niya ito. Kasabwat niya si Catalina. At si Marla, ang bestfriend ni Katherine na kasama niya sa apartment. Siya din ang naka-discover ng bangkay ni Katherine.” Paliwanag ko sa kanya. Binuklat niya ang mga documents sa loob ng mga papers ni Katherine at napatingin ako nang i-angat niya ang isang pahina. ‘She betrayed me…and she wanted to kill me’ ~Katherine Nagkatinginan kami ni Ash dahil sa pareho naming nabasa na mensahe na parang galing sa pinunit na papel. “Sa tingin ko part ito ng isang diary.” Wika niya sa akin. Kakaiba kasi ang papel nito at may desenyo pa. “Diary? Pero wala akong nakitang diary sa drawer niya Ash— mabuti pa tatawagan ko si Mar—” “No.” Pigil niya sa akin nang tatawagan ko na sana si Marla. “Why? Baka may alam siya about sa diary ni Katherine.” Umiling siya sa akin. “Hindi lahat ng nakakakita sa kremin puwedeng maging witness. Puwede rin silang maging suspect.” Seryosong sabi niya sa akin na ikina-awang ng aking labi. “Nagkakamali ka…hindi magagawa yun ni Marla. Mabuti siyang tao. Siya pa ang tumutulong sa akin para makapaghiganti.” Pagdadahilan ko sa kanya. Imposibleng si Marla ang may kagagawan ng lahat. Matalik silang magkaibigan. “Karina makinig ka, hindi ko naman sinabing may kinalaman siya sa nangyari kay Katherine. But possible siyang maging suspek kaya nagpakamatay ito. I’m sorry, but you need to be ready. Kung ano man ang kakalabasan ng imbestigasyon nating ito. You have to accept it.” Paliwanag niya sa akin. Napasinghap ako sa sinabi niya. Iisipin ko pa lamang na may kinalaman si Marla parang hindi ko kayang tangapin. “Before that, kailangan mong ituro sa akin ang dating tirahan ni Katherine at ni Marla. Malakas ang kutob ko na may malalaman pa tayo tungkol sa pagkamatay niya.” Tumango ako sa kanya. Bukas na bukas din ay pupuntahan namin ang lugar kung saan sila dating tumira ni Marla. “Puwede ko bang hiramin itong cellphone niya? May kaibigan akong experto sa pagkuha ng impormasyon dito. Malay mo may makita pa tayong ebedensya. Kahit yung mga deleted message kaya pa natin ma-retrieve yun.” Suhestion niya. “Okay…gawin mo ang lahat Ash. Sa ngayon ikaw na muna ang pagtitiwalaan ko…” Ngumiti siya sa akin. “Huwag kang mag-alala. Naging mabuting kaibigan ko kayong dalawa. Kaya gagawin ko ang lahat para sa kasong ito.” Paniniguro niya sa akin. Para akong nakaramdam ng lakas ng loob para mas hukayin pa ang puno’t dulo ng lahat ng ito. Sana lamang ay walang kinalaman si Marla dito. May tiwala pa rin ako sa kanya. “Kailangan ko ng umalis tatawagan kita kaagad kapag nakakuha ako ng impormasyon. Okay?” Sabay kaming tumayo sa sofa at hinatid ko siya sa labas. “Mag-iingat ka. Maraming salamat.” Wika ko sa kanya. Isang tapik sa balikat at umalis na rin siya. Hindi pa rin siya nagbabago. Bagay na bagay sa kanya ang napili niyang profession. Isasara ko na sana ang pinto nang matanaw ko si Marla na paparating. Pinasadahan pa niya ng tingin si Ash na kakatapos lang kumaway sa akin. Bigla akong kinabahan ngunit hindi ako maaring magpahalata. Sabi ni Ash dapat daw walang makaalam ng tungkol sa gagawin namin dahil baka nasa paligid lang ang kalaban at nagmamatyag sa akin. “Karina!” Nakangiting salubong niya sa akin. May mga bitbit din siyang paper bag at plastic na may lamang pagkain. “Pasok ka.” Alok ko sa kanya. Pumasok siya at isinara ko ang pinto. “Sino yung nangaling dito?” Nagtatakang tanong niya sa akin. Napunta ang mga mata niya sa box na pinaglalagyan ng gamit ni Katherine. “Ah— si yung dati naming kaibigan ni Katherine si Demy.” Lumingon siya sa akin at inabot ang mga dala niya. “Padala ni Sir Sergio, baka daw hindi ka pa nakain.” Pag-iiba niya ng usapan. Kinuha ko naman ito at ipinatong sa mesa sa kusina. "Alam mo ba may chika ako sayo. Nagpunta doon si Catalina. I thought hindi sila okay ni Sir Sergio pero bakita maayos naman silang magkausap? Nagkulong nga sila ng isang oras sa loob and take note pina-cancel pa ni Sir Sergio ang meeting niya kanina dahil kay Catalina.” Imporma niya sa akin. Nakagat ko ang ibabang labi. Nasaktan ako sa sinabi niya. Kung totoo man ang sinabi ni Marla wala na akong pagtitiwalaan kahit na sino sa kanila. Maski si Sergio pa… “Hayaan mo muna si Catalina. May plano na ako kung paano ko siya gugulatin. Kumain na lang tayo mukhang masarap ang dala mong meryenda.” Aya ko sa kanya para maiba ang usapan. Naupo kami sa mesa at pinagsilbihan ko siya. Maraming pagkain ang ipinadala ni Sergio at hindi ko ito mauubos. “By the way…that girl name Demy. I think nakita ko na siya." Natigil ako sa pag-inom ng fruit juice dahil sa sinabi niya. “Saan?” Usisa ko sa kanya. Pero hindi na ako mapakali. Dahil iniisip pa rin pala niya si Ashley. “She’s a police right?” Nabitawan ko ang baso na hawak ko at nabuhos sa mesa ang laman nito. “Sorry.” Wika ko sa kanya at nagmadali akong kumuha ng basahan. “Don’t trust her. Naalala ko na kung saan ko siya nakita. Isa siya sa security ng ama ni Catalina noong nangangampanya pa ito. Hindi ako maaring makamali. Siya yun!” may diin niyang sabi sa akin. Pareho sila ng sinabi ni Ash. Pareho silang hindi ko puwedeng pagkatiwalaan. Kanino ako makikinig? Paano kung imbis na si Marla si Ash pala ang magdadala ng kapahamakan sa akin. "Salamat sa payo mo. Magkaibigan lang kami ni Ash. Napagusapan lang namin ang tungkol kay Katherine. Hindi ko alam na pulis siya. Baka nagkakamali ka lang.” Pagdadahilan ko na mariin niyang ikinailing. “I’m sure Karina. Okay lang kahit hindi ka maniwala pero mag-iingat ka. Hindi natin alam ang kanyang gawin ni Catalina para lang mapunta sa kanya si Sergio. Kaya imbis na magmukmuk ka dito gumawa ka ng paraan para makaganti ka na sa kanila.” Napabuntong-hininga ako sa sinabi niya. Para na akong masisiraan ng bait sa kakaisip. Hindi ko na alam ang uunahin kong gawin at kung kanino ako makikinig. Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na rin siyang babalik sa opisina. Tumunog ang phone ko at nakita ko ang number ni Hugo. “Anong kailangan mo?” Seryosong tanong ko sa kanya. “Balak kong makipagkita kay Catalina. Para makuha ang scandal mula sa kanya. Kahit may hingin siyang kapalit.” Wika niya sa akin. “Hindi na kailangan Hugo. Lalo pa ngayon na alam niyang magiging treat ako sa pagsasama nila. Lalong gagamitin ni Catalina ang video na yun para sirain kaming dalawa ni Sergio.” Sagot ko sa kanya. “Kailangan kong gawin yun, para mapatawad ako ni Katherine at para mapatawad mo na rin ako.” Pinatay ko ang phone dahil ayoko na siyang marinig pa. Masyado ng magulo ang isip ko at hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Alas-sais na nang dumating si Sergio. May dala siyang bulaklak at hinalikan niya ako sa labi. “I miss you.” Nakangiting sambit niya sa akin pagkatapos ay niyakap niya ako. “Kakikita lang natin kaninang umaga.” Walang ganang sabi ko sa kanya. Humiwalay siya ng yakap sa akin. “Kung puwede nga lang ilagay na kita sa bulsa ko para hindi kapag namimiss kita madali kitang makikita.” Pagbobola paa niya sa akin. Tinitigan ko ang kanyang mukha. At pinasadahan ko ng aking daliri ang kanyang labi. “Sergio…kapag ba may nagawa akong kasalanan sayo iiwan mo na ako?” “Ano namang klaseng tanong yan? Hindi kita iiwan. Kung meron man isang bagay o tao sa mundo na ititira ko para sa aking sarili. Ikaw yun…ganun kita kamahal Katherine. At patatawarin kita ng paulit-ulit. Kung hindi mo man sinadyang magkaroon ng kasalanan sa akin.” Sagot niya sa akin. Niyakap ko siya at sumandal ako sa dibdib niya. “Mahal na mahal kita Sergio.” Mahinang sambit ko na abot lang sa kanyang pandinig. “Mas mahal kita Katherine.” I was deeply hurt...para sa aking kapatid at sa aking sarili. Ngunit kailangan kong maging bingi at bulag para makaya ko siyang harapin as Karina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD