HTR 18

1208 Words
KARINA Kakagising ko pa lamang at masamang balita na agad ang natangap ko mula kay Marla. Nasa opisina siya ngayon at nabalitaan niya ang tungkol sa pamamaril sa bahay nila Sergio at Catalina. Hindi rin daw niya sigurado kung may tama ito basta ang alam niya ay napuruhan daw si Catalina. Kaagad akong bumangon at tinawagan ko si Sergio. Nakailang missed call na ako sa kanya ngunit hindi pa rin niya sinasagot ang tanong tawag ko. Hindi ko maiwasan ang mag-alala ng husto. Sino kaya ang may gawa noon? At sino kaya ang puntirya ng bumaril sa kanila? Ano naman kaya ang kasalanan nila bakit ginawa yun sa kanila? Natangap ko ang message ni Marla kung saan sila dinala kaya nagbihis agad ako at nagmadaling umalis patungong hospital na sinabi ni Marla. “Miss? Saang room si Sergio Alvarez?” Kinakabahan na tanong ko front desk. Nagpaalam siya sandali sa akin pero nang mag-angat siya ng tingin ay umiling siya. "Wala po kaming patient na Sergio Alvarez. Asawa lang po niya nasa 3rd floor ICU pa po.” “Sige salamat po.” Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Pero nagmadali pa rin akong umakyat sa third floor umaasa na makikita ko si Sergio. Dahil hindi ako mapalagay hanga’t hindi ko siya nakikita. Hinanap ko ang room number na binigay ng front desk at nang makarating ako ay nagpalinga-linga ako sa paligid. Sumilip din ako sa loob pero wala akong nakitang. Si Catalina lang ang nakita kong nakahiga sa hospital bed at maraming aparato ang nakakabit sa kanya. Dahan-dahan akong pumasok sa pinto at nagsuot ako ng protective gown pati mask dahil required yun sa mga patients na nasa ICU. Gusto ko lang naman siyang silipin. Paglapit ko sa kanya ay nanlaki ang mata ko sa aking nakita. May nakatarak sa kanyang dibdib na kutsilyo. Nanlamig ang aking katawan at napa-atras ako. Sunod-sunod na tumunog ang mga machines na naka-connect sa kanya. “Catalina… hindi…” Nagmadali akong lumabas sa kuwarto niya. Ngunit nang buksan ko ang pinto ay mukha ni Sergio ang bumungad sa akin. “Katherine?” Nagtatakang tanong niya sa akin. May mga kasama siyang pulis. At pati na rin dalawang matandang sa tingin ko ay mag-asawa. “Oh my god! Catalina!” Sigaw ng may edad na babae nang sumilip siya sa pintuan. Hinawi niya si Sergio at pati na rin ako. Pero nahawakan ang braso ko ni Sergio dahil muntik na akong ma-out balance. “June! Ang anak natin! Tumawag ka ng doctor!” Nag-umpisang magbagsakan ang aking luha nang bitawan ako ni Sergio at nagmamadaling lumapit kay Catalina. Narinig ko ang pagtangis ng ina ni Catalina. Kasabay nang pag-isang linya ng life line niya sa monitor. Naitulos ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makagalaw. Namanhid ang dalawang binti ko at ayaw humakbang ng mga paa ko. Nagdatingan ang mga doctor at nurse. Nagkagulo sa ICU dahil sa nangyari. Napasabunot si Sergio sa buhok niya at unti-unti siyang lumingon sa akin. Sa mga tingin niya pa lang parang hinahatulan na niya akong may kasalanan sa nangyari. Dahan-dahan akong umiling hangang sa namalayan ko na lamang na pinosasan na ako ng mga pulis na kasama niya kanina. “S-Sergio…hindi ako…” mahinang sambit ko sa kanya. Parang may bikig sa aking lalamunan at hindi ko masabi sa kanyang wala akong kinalaman. Paano kung hindi siya maniwala? “Hindi ako ang may gawa…wala akong k-kasalanan…” Humihikbing sabi ko sa mga pulis. “Ikaw lang huling nakitang lumabas sa kwarto ni Miss. Catalina Alvarez. Kumuha ka ng abogado at patunayan mong wala kang kasalanan.” Wika ng isang pulis sa akin. “Sandali.” Napatigil ako sa paghakbang dahil sa pagtawag ni Sergio. Lumapit siya sa akin. “Sergio, maniwala ka…hindi ako…wala akong balak na patayin siya…gusto ko lang sana siyang makita at makausap pero…pero nang lapitan ko siya…” “Walang hiyang babae ka!” Nagulat ako nang tutukan ako ng baril ng ama ni Catalina. Nasa likuran niya ang ina nito na panay ang pigil sa kanya. “You killed my daughter! Papatayin kita!” Igting ang pangang sigaw niya. Hinarangan ako ni Sergio at pati na rin ng dalawang pulis. “Dad! Ibaba mo ang baril mo please.” “Sir, huwag mong gawin ‘to!” Awat sa kaniya ni Sergio at ng isang pulis. “Umalis kayo diyan! Papatayin ko ang babaeng yan!" Mabilis na inagaw ng isang pulis ang baril na hawak ng ama ni Catalina. “Bitawan niyo ko! Papatayin kita!” “Dalhin niyo na siya. Magpapadala ako ng abogado.” Mahinang sambit ni Sergio at mabilis na akong kinaladkad ng mga pulis dahil nagwawala na ang ama ni Catalina. Habang papalayo ako sa kanya ay hindi na ma-ampat ang aking luha. Wala akong kasalanan pero ako ang sinisisi nila dahil ako ang huling lumabas sa kuwarto ni Catalina. Habang nasa byahe kami patungong pulis station ay tinawagan ko si Marla. “Karina? Kamusta si Sir Sergio?” Bungad na tanong niya sa akin. “He’s okay, but…si Catalina…she’s dead. Pinatay siya Marla. At ako ang pinagbibintangan nilang pumatay sa kanya…” “What?! Oh my god! Asan ka ngayon?!” “P-Papunta na kaming police station…help me please…” “Okay, I’ll be there…huwag kang mag-alala.” Na-lowbat na ang phone ko kaya hindi na ako nakatawag ulit. Pagdating ko sa police station ay kinuhanan nila agad ako ng statement, finger print at ipinasok sa loob ng selda. “Police inspector Ash, mabuti naman dumating ka” Napalingon ako nang marinig ang pamilyar na boses. “Karina?” gulat na sabi niya nang makita niya ako. “Anong kaso niya?” Kaagad na tanong niya sa lalaking nakaupo sa table malapit sa akin. “Murder.” “Murder?! Sino?” Hindi makapaniwalang tanong niya. “Yung anak ni gobernor. Si Catalina Alvarez.” Nanlaki ang mata ni Ash at napatingin siya sa akin. Umiling ako sa kanya. Lumapit siya sa akin at hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa bakal na harang. “Ash, maniwala ka… hindi ako…dumalaw lang ako doon sa hospital dahil kay Sergio. Wala akong kasalanan…” Humihikbing sagot ko sa kanya. “Huminahon ka, kung wala kang kasalanan wala kang dapat ipangamba.” “Ash, hindi yun eh…ako ang huling lumabas sa kuwarto ni Catalina. Hindi ko alam na may sumaksak na pala sa kanya.” Marahas siyang napabuntong-hininga. “Ibig sabihin may nag-set-up sayo para makulong ka?” Seryosong sabi niya sa akin. “Ewan ko….bakit naman niya gagawin yun?” “Hindi ko rin alam, mabigat ang kaso mo Karina, at hindi ko alam kung paano kita matutulungan. Lalo pa’t yung nag-iisang anak na babae pala ni gobernor ang namatay. Pero huwag kang mag-alala. Tutulungan kita sa abot ng aking makakaya. Ihanda mo ang sarili mo ha?” Wika niya sa akin. Tumango ako sa kanya. Pagkatapos naming mag-usap ay naupo na ulit ako sa sahig. May aasikasuhin pa daw kasi siya. Mabuti na lamang at dito rin siya nakadistino kaya nagkita kaming dalawa. Natatakot ako sa kung ano man ang mangyayari sa akin. Lalo pa ngayon na may suspetcha akong buntis na ako. At dinadala ko ang anak namin ni Sergio.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD