KARINA
Maaga akong gumising para pumasok sa trabaho. Kahit wala si Sergio, marami pa din akong ginagawa sa opisina. Kailangan ko din ayusin ang mga pending papers na hindi na pa niya napipirmahan. Mamadaliin ko na lamang ang trabaho nang sa ganun may oras akong alamin ang mga secret files ng companya. May access naman ako sa mga important at confidential files dahil exposed ako sa lahat ng ginagawa ni Sergio. Susubukan kong malaman kung ano ang puwede kong gawin para masira ang kompanya. Hindi lang si Sergio ang balak kong ibagsak kundi pati na rin ang kompanya na pinaghirapan niya at ng kanyang pamilya.
“Hoy! Ano bang nangyari?” Bulalas ni Marla nang lumapit siya sa desk ko.
“Nag-away ba kayo? Kagabi pa ako kinukulit ni Sir. Sergio na tawagan ka. Hindi ka daw niya ma-contact ganun din ako.” Wika niya sa akin. Umupo siya sa harapan ko dahil hindi ko siya tinapunan ng tingin. Hangang ngayon kasi hindi ko pa rin binubuksan ang phone ko dahil alam kong tatawag nga siya.
“Kari—"
“Marla please…pinayapagan kitang tawagin mo ako sa pangalan ko. Pero dito sa opisina.” Nagpalinga-linga ako sa paligid at hininaan ang boses ko. “Huwag mong kalimutan na ako si Katherine.” Saway ko sa kanya. Napanguso siya sa akin.
“Sorry, Katherine. Ano ba kasing nangyari? Bakit hindi mo siya sinasagot?”
Napabuntong-hininga ako sa pangungulit niya kaya tumigil ako sa pagtitipa sa computer.
“Kasama niya si Catalina. What do you expect me to do? Hayaan siyang tumawag sa akin para lalo siyang mangigil na alamin kung nasaan ako. Isa pa hindi lang yun ang problema ko. May hawak siyang s*x video kasama ang ibang lalaki.”
“What?!” Gulat na bulalas niya. Tinakpan niya ang bibig niya dahil sa pagkabigla.
"Oo, yun din ang dahilan kaya inaalam ko ang tungkol kay Hugo. Malakas ang kutob ko na iisang video lang ang tintukoy nilang dalawa.” Paliwanag ko sa kanya. Nanatiling naka-awang ang kanyang labi.
“Ibig sabihin? Alin man kay Catalina or Hugo ang may kagagawan nang pagpapakamatay ng kakambal mo?” mahinang sambit niya. Sumandal ako sa swivel chair.
“I don’t know Marla, mababaliw na ako sa kakaisip. Dumagdag pa si Sergio na iba ang ipinapakita sa akin. Habang tumatagal imbis na magalit palagay ko unti-unti na niyang napapalambot ang puso ko. At ayoko nito Marla…ayoko ng nararamdaman ko dahil hindi naman ito ang pakay ko…” Saad ko sa kanya. Ayoko mang aminin pero iba na ang nagiging epekto ni Sergio sa akin. Nang malaman kong magkasama sila ni Catalina pakiramdam ko totoo na yung paninibugho ko.
“May lakad ka ba mamaya?” tanong ko sa kanya. Week ends na kasi kaya wala na kaming pasok bukas.
“Wala naman, bakit? Hindi ko ma-absorb ang mga sinabi mo. Kahit ako parang masisiraan sa kakaisip lalo na siguro kung ako nasa kalagayan mo.” Wika niya.
Pagkatapos naming mag-usap ay umalis na rin siya. Inaya ko lang naman siyang lumabas mamayang gabi. Para makalimot, ilang gabi na kasing hindi maganda ang tulog ko.
Kinagabihan ay umuwi muna kami sa kanya-kanya naming condo. Nagpahinga muna ako ng ilang oras tapos pupuntahan niya ako dito.
Pagkatapos kong kumain ng hapunan ay naligo na ako at nagbihis ng damit. Simple lang naman ito pero bumagay sa kurba ng katawan ko kaya nagmumukhang mamahalin. Inaya ko siyang magpunta sa club para kahit paano ay makapag-unwind ako.
Pasado alas-syete na ng gabi nang dumating siya. At dahil mag-iinuman kami nagtaxi na lamang kami patungo sa club.
Pagdating namin sa club ay kumuha kami ng VIP class. Ayoko kasi nang marami ang tao sa paligid. Lalo akong mastress. Saka hindi kami makakapag-usap ng maayos ni Marla.
“Sis, natawag na naman si Sir. Sergio” Imporma niya sa akin habang namimili kami ng menu.
“Turn off your phone, para hindi na siya makatawag. Wala ako sa mood na kausapin siya.”
Walang nagawa si Marla kundi sundin ako dahil mukhang walang balak tumigil sa pagtawag si Sergio.
“By the way Karina, ano ba talaga ang sinabi sayo ng Hugo na yun? Bakit malakas ang kutob mo na yung s*x video na hawak ni Catalina ay tungkol kay Katherine at sa lalaking yun?” Usisa niya. Pagkalabas ng lalaking kumuha ng orders namin.
“Sabi niya kapag itinuloy ko ang pakikipag-relasyon ulit kay Sergio. Sasa bihin niya ang tungkol sa amin.” Sagot ko sa kanya.
“Ano? Ibig sabihin nagkaroon si Katherine ng relasyon kay Hugo habang sila ni Sir Sergio?”
Umiling ako sa kanya. “Ikaw na rin ang may sabi Marla. Hindi mo napapansin ang tungkol kay Hugo at Katherine kaya paano sila magkakaroon ng relasyon?”
Kahit magkaibigan sila ni Sergio, iba pa rin ang kutob ko sa lalaking yun!
“Hay, pati ako hindi ko na alam ang iisipin. Kapag nakita ni Sergio ang video. Malalaman niya na may relasyon si Hugo at si Katherine. Paano mo ipapaliwanag yun sa kanya?”
Sumimsim ako ng alak sa wine glass bago ko pinag-isipan ang isasagot ko sa tanong niya.
“Siya ang naka-una sa akin. Pero puwede niyang isipin na niloloko ko siya.”
Wala akong paki-alam sa kung ano ang isipin ni Sergio. Kahit ano man ang kahihinatnan ng video na yun. Malalantad pa rin ang tunay kong pagkatao. At kung hindi man, mapipilitan akong akuin ang video na yun. Kahit magalit pa si Sergio at layuan ako. Basta malaman ko lang kung sino ang may kagagawan ng lahat.
Maghahating gabi na nang magpahatid kami sa taxi. Nauna kong ipinahatid si Marla dahil mas lasing siya kaysa sa akin. Pero nahihilo na rin ako pero kaya ko pa naman lumakad ng maayos.
“Kuya sa tabi lang.” wika ko sa taxi driver. Inabutan ko siya ng perang papel at hindi ko na inantay ang sukli. Papasok na ako sa building nang may humablot sa braso ko at mabilis niya akong isinasakay sa kotse.
“S-sino ka?!” bulalas ko. Natakot ako dahil wala akong gaanong lakas para pigilan siya.
“Mag-usap tayo.”
Narinig ko ang pamilyar niyang boses.
“H-Hugo? Bita-wan mo ko!” Singhal ko sa kanya nang pilit niya akong ipinapasok sa loob ng kotse.
“Mag-uusap lang tayo!” Angil pa niya sa akin. Buong lakas ko siyang tinulak ngunit mas naging marahas siya at pilit niya pa rin akong pinapasok sa loob.
“No! Help! Tu-long!” Sigaw ko.
“Shut-up!” Singhal din niya sa akin. Buong lakas kong sinipa ang pagkakalaki niya kaya napahawak siya dito at nabitawan niya ang pinto. Para akong nahimasmasan at hinampas ko ang ulo niya ng purse na hawak ko.
Nagmadali akong pumasok sa loob ng building at itinuro siya sa mga security guard. Sinubukan nilang lapitan si Hugo ngunit sumakay na ito sa kotse at pinasibad ang ng mabilis ang sasakyan.
Sinabi ko sa security guard na huwag na huwag ulit hahayaang makapasok ang kotse na yun sa parking lot. At nang maibigay ko na ang statement na kailangan nila umakyat na ako. Inayos ko ang sarili sa habang pinagmamasdan ang sarili sa reflection ng salamin. Pinunasan ko ang nagbabadyang luha sa aking mga mata. Hindi ko akalain na gagawin yun ni Hugo. Sa tingin ko nakainom din siya dahil amoy alak din siya at kung hindi ko siya nasipa baka mas masama pa ang ginawa niya sa akin!
Pagbukas ko ng pintuan ng condo ay bumungad ang seryosong mukha ni Sergio.
“Saan ka nangaling? Bakit ngayon ka lang umuwi? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?”
Imbis na sagutin ay nilampasan ko siya.
“Please, umalis ka muna. Ayaw kitang makita. Bumalik ka na lang sa mag-ina mo.” Wika ko nang talikuran ko siya. Ngunit nakakailang hakbang pa lamang ako ay nahila na niya ang braso ko.
“Dahil ba ito kay Catalina? Katherine, I can explain it to you kung hinayaan mo akong kausapin ka. Bakit ka ba nagkakaganyan? Diba napag-usapan na natin ito?”
Marahas kong hinila ang braso ko mula sa kanya at matalim ang naging tingin ko sa kanya.
“Dahil ayokong malaman Sergio. Ayokong malaman kung bakit kasama mo siya dahil alam ko naman na asawa mo pa rin siya! Hindi ko kaya! Nagseselos ako Sergio! At nasasaktan na ako!” Singhal ko sa kanya.
“You’re drunk, mamaya na tayo mag-usap.”
“No! I want you to leave me alone! P-please?” Pagmamakaawa ko sa kanya. Pero imbis na iwan ako ay lumapit siya sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit.
“I’m sorry…I’m sorry Katherine…” usal niya. Hindi ko na napigilan ang traydor kong luha hangang sa napahikbi na ako ng tuluyan sa dibdib niya.