KARINA
Akala ko aalis na siya kapag naihatid na niya ako sa condo ko ngunit gaya ng sinabi niya kanina nagpaalam siya sa akin upang ipagluto ako ng dinner. Hindi naman ako makatulog dito sa kuwarto kaya minabuti kong lumabas na lamang upang silipin kung ano ang kanyang ginagawa.
“Love, bakit ka lumabas? Diba sabi ko ako na ang bahala?”
Naupo ako sa counter island at pinapanuod ang ginagawa niya habang naghihiwa ng mga gulay.
“Masakit na ang likod ko, kanina pa ako nakahiga sa office mo. Saka medyo maayos na naman ang pakiramdam ko.” Sagot ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at sinalat ang aking noo.
“Medyo may sinat ka pa. Mamaya uminom ka ulit ng gamot after dinner okay?” Paalala niya sa akin. Dinampian pa ako ng halik sa aking noo. Bago siya bumalik sa pagluluto. Kahit naka-apron siya ngayon hindi pa rin nabawasan ang kanyang ka-guwapuhan. Noon hindi ko ito napapansin dahil nabulag na ako sa galit pero ngayon malinaw sa akin kung gaano kakisig si Sergio. Ang lalaking minahal ng kapatid ko. Pero hindi ibig sabihin noon ay may pagtingin na ako sa kanya. Hindi lang siguro maiwasan na mapansin ko ang mga katangian niya dahil sa ilang beses na nangyari sa amin ngunit katawan ko lang naman ang ipinapaubaya ko at hindi ang aking puso.
“Masarap ba yang niluluto mo?” tanong ko sa kanya dahil wala na akong maisip na puwede kong itanong.
“Of course, it’s my recipe na inaral ko pa sa France habang iniisip kita. Pero mas masarap pa din ako.” Nakangiting sabi niya sa akin sabay kindat. Bahagya akong ngumiti sa ginawa niya.
“Why? Ayaw mong maniwala na mas masarap ako dito?” Kunot noo na tanong niya sa akin.
“Hindi naman sa ganun, masarap pa rin ang kumain.” Nakangiting sagot ko. Itinusok niya ang kusilyo sa chopping board at muling lumapit sa akin.
“Kung wala ka lang sakit kanina pa kita pina-ungol sa sarap.” Litanya niya sabay halik sa leeg ko.
“Sergiooo…” angal ko sa kanya ngunit bumaba ang kanyang labi sa balikat ko pababa sa aking collarbone. Naramdaman ko na lamang ang paghaplos ng kanyang kamay sa aking hita.
“I really like your smell. It’s so addictive…”paos na bulong niya sa akin. Nakita ko ang pag-usok ng pressure cooker kaya tinulak ko siya.
“Yung niluluto mo.”
Lumingon siya at iniwan niya ako. Nilingon pa niya ako at parang nabitin na humaba ang nguso.
“I’ll save it later…” pahabol niya.
Mabilis siyang natapos at tinulungan ko siyang maghanda ng lamesa.
“Love, kaya ko na.” Pigil niya sa akin habang kumukuha ng plato. “Maupo ka na lamang doon ako na ang bahala.” Pamimilit niya kaya ibinigay ko sa kanya ang hawak ko. Nagpunta ako sa dining table at naupo. Ilang sandali pa ay naupo na rin siya sa tapat ko. Hindi ko alam kung ano ang tawag nang inihain niyang pagkain ngunit nang tikman ko ito ay napatango ako sa kanya.
“Masarap?” tanong niya sa akin. Nag-thumbs up ako sa kanya. “Yes, masarap nga, ang galing mo palang magluto.”
Sinalinan niya ako ng karneng may sabaw sa maliit na mangkok. “Higupin mo yan, masarap yan.” Utos niya sa akin at ginawa ko naman. Kaunting kanin lang ang nakain ko dahil hindi pa rin ako ginaganahan. Baka kasi magtampo siya kung hindi ako kakain kaya pinilit ko na lamang ang aking sarili.
Pagkatapos naming kumain ay tumulong na akong magligpit kahit ayaw niya. Sabay kaming naglinis ng lamesa at pati na rin ng lababo. Naramdaman ko ang dalawang braso niya na pumaikot sa aking tiyan habang nagbabanlaw ng mga plato. Isiniksik niya pa ang kanyang mukha sa aking leeg.
“Sergio…ano bang ginagawa mo?”
Nilingon ko siya ngunit hinuli niya ang aking labi. “I just want a hug from you.” Malambing na sabi niya sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan ang makaramdam ng kakaiba sa ipinapakita niya sa akin. Bumalik ako sa paghuhugas ng pingan ngunit may naisip akong gustong itanong sa kanya.
“Kung hindi ako bumalik sa company. Hahanapin mo ba ako?” seryosong tanong ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagsinghap niya sa likuran ko.
“Kahit saan ka magpunta, hahanapin kita Katherine. Kahit galit ka sa akin susuyuin kita at hindi ako magsasawa na puntahan ka, humingi ng tawad at maki-usap na bumalik ka na ulit sa akin.” Sagot niya na ikinatigil ko dahil tapos na rin akong maghugas.
“Ganun mo ako kamahal? Kaya kahit itakwil ka ng mga magulang mo okay lang sa’yo? Kahit makipaghiwalay kay Catalina at malayo sa anak mo ay okay lang sa’yo?”
Humarap ako sa kanya upang makita ang kanyang mukha habang sinasagot niya ang tanong ko.
“Yes, I already made a mistake. Ayoko nang ulitin yun. Ayoko nang mabaliw sa kakaisip sa’yo. That’s why I’m willing to risk everything to be happy…being with you.” Kompyansang sagot niya sa akin.
“Sergio—”
“I love you so much. Kung noon nagduda ka sa akin. Ngayon hindi na ako gagawa pa ng dahilan para masaktan kita ulit. I’ll promise.”
Itinaas pa niya ang kamay niya. Ngumiti ako sa kanya but somethings hit me. Ayaw makisama ng aking konsensya. May sarili itong isip na sinasabing mahalin ko na lamang si Sergio at siguradong magiging masaya kami. May bahagi naman sa utak ko ang nagsasabing wag magtiwala sa kanya dahil namatay ang kapatid ko at siya ang puno’t dulo ng lahat!
Nauwi sa mainit na sandali ang pag-uusap naming dalawa. Hindi alintana kahit saang parte ng condo pa namin mapagdesisyonan na angkinin ang isa’t-isa. Kahit pala dito sa counter island puwede. Hindi na kami umabot sa kama. Dahil intense din ang naganap sa pagitan naming dalawa.
Kinagabihan ay nagpaalam siya sa akin. Sinigurado niya munang nainom ko ang mga gamot ko bago siya umalis. Napagod ako sa ginawa namin kaya nakatulog na rin ako.
Kinabukasan ay pumasok ako sa opisina ng maaga. Maayos na ang aking pakiramdam. Gumaan na din ang loob ko dahil kay Sergio. Hindi ko alam ngunit nakaramdam ako ng excitement na makita ko siyang muli.
Pagdating ko sa table ay halatang wala pa siya. Patay pa kasi ang ilaw sa opisina niya. Inumpisahan kong gawin ang trabaho ko ngunit tumunog ang phone ko kaya sinilip ko muna kung sino ang nagtext.
“Love, I’m here in Paris. My grandmother is in critical health condition. I’m sorry hindi na kita natawagan pa kanina. I’ll see you soon, take care bye! I love you.” ~Sergio.
Nabura ang ngiti ko sa labi sa aking nabasa. Sigurado akong hindi lang siya ang umalis. Dahil alangan naman na hindi niya kasama ang buo niyang pamilya. Nawalan ako ng ganang magtrabo pero inabala ko pa rin ang aking sarili upang hindi ko siya maisip.
Mabagal na lumipas ang buong araw at sa wakas ay naka-uwi na ako sa condo. Nagluto ako ng dinner at pagkatapos ay nanuod na lamang ako ng movies para antukin. Hindi pa ako nakuntento ay kumuha pa ako ng isang boteng alak para siguradong makakatulog ako mamayang gabi.
Dalawang movies din ang natapos ko bago ko pinatay ang TV naubos ko din ang ininom kong alak at matutulog na rin ako.
Kinabukasan inantay ko ang tawag niya ngunit lumipas na ang maghapon hindi pa rin siya tumawag sa akin. Papauwi na ako lulan ng taxi nang biglang tumunog ang phone ko. Nakita ko ang number niya kaya dali-dali kong sinagot ang tawag niya. “Hello?” tanong ko sa kabilang linya.
“I missed you…” sambit niya. Hindi ako nakasagot dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.
“Hon, sino ba yang kausap mo? Let’s sleep na I’m tired..." Maarteng boses ang narinig ko sa kabilang linya. Mabilis na pinatay ko ang phone dahil sigurado akong si Catalina ang narinig kong nagsalita.
Naikuyom ko ang aking kamao. Magkasama silang dalawa ngayon at hindi ko alam kung kailan sila babalik. Tumunog ulit ang phone ko pero hindi ko na ito sinagot. Pinatay ko ng tuluyan para hindi na niya ako matawagan. Sumama ang loob ko sa nangyari. May naramdaman akong kirot pero hindi selos kundi bumalik na naman ang ala-ala ko kay Katherine. Nawiwili na ata ako kay Sergio kaya medyo nawawala na sa isip ko ang alamin ang totoo!
Pagdating ko sa condo ay nagpahinga muna ako. Busog pa naman ako at wala rin akong ganang kumain. Nagbihis lang ako ng damit pambahay at inihiga ko na ang pagod kong katawan. Naidlip ako at nang magising ay sinipat ko ang wall clock. Past eleven na ng gabi. Binuksan ko ulit ang phone ko at sunod-sunod na text na ang bumungad sa akin galing kay Sergio.
Ayokong buksan ang mga yun dahil alam ko na naman ang nilalaman noon. Siguradong magpapaliwanag na naman siya sa akin.
Ibaba ko na sana ang phone ko ngunit may panibagong numero na tumawag sa akin.
“Ang kapal din ng mukha mo ano? Talagang ayaw mong tumigil sa pangugulo sa amin Katherine?” tanong ni Catalina sa kabilang linya. Bumangon ako at nagtungo sa veranda upang lumanghap ng hangin.
“Bakit? Natatakot ka na bang maagaw ko siya sa’yo?” Nakangiting tanong ko sa kanya.
“B*tch! Totoo pala ang kasabihan na mas matapang ang mga kabit. Well, kung away talaga ang gusto mo pagbibigyan kita. At huwag kang umasa na makukuha mo si Sergio sa akin. Dahil hangang ngayon ako pa rin ang gusto niyang uwian. Sa kama ko pa rin ang bagsak niya. Actually, kakatapos nga lang namin…napagod siya ng husto kaya natutulog na siya sa tabi ko.” Mahabang kuwento niya. Napahigpit ang kapit ko sa railings ng veranda, upang pigilan ang aking emosyon dahil sa aking narinig.
“Really? Enjoying mo na habang nasayo pa Catalina. Dahil kapag bumitaw siya sa’yo hindi mo na siya makukuha pa sa akin…” banta ko sa kanya. Malutong na mura ang narinig kong sinagot niya. Halatang galit na galit sa sinabi ko. Tinawanan ko pa siya bago ko ibaba ang phone.
Sige Catalina. Exposed mo ang pinagmamalaki mong video. Hindi ako natatakot dahil alam ni Sergio na siya ang nakauna sa akin. At siguradong hindi siya maniniwala.
Ang problema ko na lamang ngayon ay ang kaibigan ni Sergio na si Hugo. Kailangan ko rin siyang kilalanin! Siguradong malapit ko nang malaman kung ano ba talaga ang nangyari sa kakambal ko!
Maghintay ka lang Katherine…malalaman ko din ang lahat.