SERGIO
Dahil sa ilang araw na hindi pagsagot ni Katherine sa tawag ko ay napilitan akong umuwi. As of now stable na naman ang lagay ni Grandma at babalik na lamang ako pagkatapos kong kausapin si Katherine.
Hindi ko ipinaalam kay Catalina ang pag-uwi ko dahil alam kong mag-aaway lang kaming muli.
Ilang oras akong naghintay sa condo niya. Umasang maabutan ko siya ngunit halos hating gabi na hindi pa rin siya dumarating. Nag-umpisa na akong kabahan dahil baka kung ano na ang nangyari sa kanya hangang sa akmang hahanapin ko sana siya ngunit eksakto naman ang bumungad siya sa akin.
Gustuhin ko man magalit sa kanya dahil sa pangbabalewala niya sa akin. Hindi ko magawa dahil mas nasasaktan ako sa nakikita kong kalagayan niya.
“I’m sorry…” sambit ko habang hinahaplos ang likuran ng kanyang buhok. Ipinangko ko siya sa aking dibdib at mabilis na binuhat papasok sa loob ng kuwarto. Inilapag ko siya sa kama at hinubad ko ang sandal niyang suot. Pagkatapos ay kumuha ako ng malinis na bimpo upang punasan siya.
“What happened? Bakit may pasa ka sa pulso?” Usisa ko nang makita ang pulang marka sa braso niya.
“Nothing, may nang-harassed lang sa akin sa club but I’m okay.”
“What?”
Napabuntong hininga ako sa naging sagot niya sa akin.
“Love, delikado ang lugar na yun sa mga babae. Sino ang kasama mo? Si Marla ba? Anong ginawa sayo ng lalaki?” Sunod-sunod na tanong ko sa kanya. Dumilat siya at parang walang buhay niya akong tinignan.
“Wala kang dapat ipag-alala. Umuwi naman akong buhay yun ang mahalaga.” Sambit niya. Naupo ako sa gilid ng kama niya at inilagay ko ang bimpo sa ibabaw ng table niya.
“Please, don’t do this Katherine. Ano pa ba ang kailangan kong gawin para maniwala kang mahal na mahal kita? Nag-aantay lang ako ng tamang panahon para tuluyang iwan si Catalina. Hindi naman kasi ganun kadali ang makipaghiwalay lalo pa’t may anak kami at legal ang kasal naming dalawa.” Paki-usap ko sa kanya. Bumangon siya at sumandal sa headboard ng kama.
“A-ayoko na Sergio, ayoko na ng ganito. Mas mabuti pang maghiwalay na lang ta—”
“No!” Putol ko sa sasabihin niya. Napatayo ako sa kama at tumingin ako sa kanya.
“Ganun lang kadali sa’yo na tapusin ang lahat sa atin? Paano ako? Paano yung pangarap natin Katherine?”
Nangingilid ang luha niyang tumingin sa akin.
“Hindi ko na kaya…habang nanatili ka sa tabi ko lalo ko lamang ibinababa ang sarili ko. I deserve someone na walang obligasyon sa iba.”
“That’s bullshit! Ikaw nga ang mahal ko naiintindihan mo ba?”
Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng aking boses dahil nasasaktan ako sa lahat ng sinasabi niya sa akin.
“Ako nga ang mahal mo pero sa iba ka naman nakatali Sergio! Ginusto mo Sergio…hindi lang dahil sa kompanya at sa mga magulang mo kaya nagpakasal ka sa babaeng yun. Ibig sabihin ginusto mo din…ginusto mong saktan at iwan ako…”
Napahagulgol na siya ng tuluyan habang nakayuko at nakasubsob sa comforter.
Naupo ako ulit sa kama at sinubukan kong hawakan ang pisngi niya ngunit inalis niya ang kamay ko.
“Leave me alone…please…umalis ka na.” paki-usap niya sa akin.
“Katherine, may mga bagay na kahit hindi natin gustong mangyari. Kailangan nating gawin at isakripisyo muna panasamantala ang iba.”
Nag-angat siya ng tingin at sinalubong ko ang luhaan niyang mga mata.
“K-kaya si Catalina ang napili mo? At iniwan mo ako sa ere?”
“Katherine…nagpunta ako sa tagpuan natin pero hindi ka dumating. Kung dumating ka noong gabing yun hindi sana ako nagpakasal kay Catalina. Tinawagan mo lang ako sa phone at sinabi mo pa na umalis na ako dahil ayaw mo na sa akin. Pinuntahan pa kita sa apartment mo pero wala ka din doon. Ginigipit na ako ni Dad and marrying Catalina is the only choice I have.” Paliwanag ko sa kanya pero nanatili siyang walang imik.
“Kat—”
“Umalis ka na Sergio…ayoko munang makita ka.”
Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. Mabigat ang katawan na tumayo ako sa kama at humakbang papalabas ng pinto. Pero bago ako lumabas ay nilingon ko muna siya.
“Hindi ko na maibabalik ang lahat. Nasaktan na kita Katherine. All I want is matupad ang pangarap kong makasama ka. At hindi ako papayag na makipag-hiwalay ka sa akin.” Huling salita na binitawan ko bago ako umalis.
Ayoko man siyang iwan ngunit pinagtatabuyan na niya ako. Gusto kong makapag-isip muna siya kahit paano. Dahil baka lumala lang ang away naming dalawa.
“Saan ka na naman galing?” bungad na tanong ni Catalina nang makauwi ako sa bahay mula sa condo ni Katherine. Hindi ko akalain na umuwi din pala siya ng Pilipinas.
Pagod pa ako sa magdamag na byahe at pati na rin sa pag-aaway namin ni Katherine kaya wala akong ganang sagutin siya. Nilagpasan ko siya ngunit mabilis niyang nahila ang braso ko.
“Galing ka na naman sa kabit mo?! Ano bang meron sa babaeng yun? Bakit baliw na baliw ka parin sa malanding babaeng yun!?” Singhal niya sa akin. Hinablot ko ng marahas ang braso ko at pumasok ako sa kuwarto.
“Sergio! Kinakausap pa kita huwag mo akong tatalikuran!”
Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya.
“Kasalanan mo ang lahat. Kung hindi mo ako senet-up. Hindi sana kita mabubuntis. Pero dahil sa panghahangad mo sa akin miserable ang buhay nating lahat!”
Malakas na sampal niya ang nagpabaling ng mukha ko.
“How dare you para isisi sa akin ang lahat ng ito? Baka nalilimutan mo na dahil sa kompanya namin humihinga parin ang Alvarez Corporation Sergio. Baka nalilimutan mo na ang daddy mo ang nag-alok ng kasal sa pagitan nating dalawa? Huwag mong isisi sa akin kung miserable ka ngayon dahil kung tutuusin dapat pinag-aralan mo na lamang akong mahalin dahil kasal tayong dalawa at may anak tayo. Pero anong ginawa mo? Naghanap ka ng sakit ng ulo at binalikan mo pa ang malanding babae na yun na may ibang naging lalaki nang umalis ka.”
Marahas ko siyang nilingon at masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya.
“What are you saying? Hindi malandi si Katherine.”
Sumilay ang nakakainsulto na ngiti sa kanyang labi.
“Huh? Yun ang akala mo. Kung hindi siya malandi bakit niya pinatulan si Hugo?”
“Catalina!” Singhal ko sa kanya nang sabihin niya yun.
“Bakit? Nagulat ka ba? Totoo ang sinasabi ko. KAhit itanong mo pa sa bestfriend mo! Kalat na sa kompanya ang affair nilang dalawa and take note? Sa ibabaw ng desk mo pa sila gumagawa ng kababalaghan!” Nakangising sabi niya sa akin.
“Lair! Anong ebedensya mo ha?!” Igting ang pangang sigaw ko sa kanya. Marahas niyang hinila ang braso mula sa kamay ko.
“Bakit hindi mo tanungin ang magaling mong kabit? Sila ang naunang magkakilala ni Hugo. Pero ikaw ang unang nanligaw sa kanya. Diba kay Hugo mo ibinilin si Katherine?”
Inirapan niya ako at lumabas siya ng kuwarto ko. Nakuyom ko ang aking kamao. Napansin ko din ito noong minsan dumalaw si Hugo sa opisina. Iba kasi ang paraan ng sulyapan nilang dalawa pero hindi ko yun binigyan ng malisya dahil kaibigan ko si Hugo at ako ang unang lalaki sa buhay ni Katherine. Kaya imposible ang sinasabi ni Catalina!