SERGIO
“Good morning sir.” masayang bati ni Marla sa akin pagdating ko sa office.
“Good morning, can we talk inside?” tanong ko sa kanya kaagad siyang tumayo sa upuan niya at sumunod sa akin papasok sa loob ng opisina.
“Sit down.”
Naupo siya sa harapan ko at inilapag ko ang attaché case na dala ko.
“Tungkol saan po sir?” usisa niya.
“About Katherine, this past few days parang lagi siyang balisa. Maraming beses ko siyang nahuhuling wala sa sarili. Minsan parang hindi ko na siya kilala. Malaki na ang pinagbago niya simula nang bumalik ako dito. I’m sorry kung ikaw ang kinausap ko tungkol dito. Pero ikaw lang ang best friend niya kaya gusto kong malaman. May nangyari ba habang nasa ibang bansa ako?” nag-alalang tanong ko sa kanya. Dahil alam kong siya ang mas nakakakilala sa kaibigan niya.
“A-ah, kasi sir ang totoo niyan. Noong magpakasal kayo ni Ma’am Catalina. Malaki ang naging epekto kay Katherine. Dumating sa point na dinala ko siya sa psychiatrist dahil dumanas siya ng matinding depression. Akala ko nga hindi na siya gagaling eh. Pero isang araw bigla na lamang siyang nagbago. Intindihin niyo na lamang po siya.” Sagot niya sa akin. Napasinghap ako dahil hindi ko akalain na ganun ang pinagdaanan niya. Ako din ay muntikan ng masiraan ng bait. Lalo pa’t ginigipit ako nila mom at dad para lamang sundin ko sila. But now I can stand on my own feet. Ayoko nang hayaan silang manghimasok sa buhay ko.
“Wala naman siyang nakukuwento sayo tungkol kay Hugo?”
Naglikot ang kanyang mata at parang iniisip kong ano ang isasagot sa akin. Napakamot siya sa kanyang ulo at umiling.
“W-wala naman po…”
“Okay, salamat you can go now.”
Tumayo siya at nagpaalam sa akin. Ang kailangan ko na lamang makausap si Catalina about sa binibintang niya pero nasa Italy pa siya ngayon kaya pagdating na lamang niya.
Lumipas ang maghapon nang wala akong inisip kundi si Katherine. Sinubukan ko siyang tawagan kaninang lunch pero naka-off na naman ang phone niya. Hindi ko na maintay na makita siyang muli.
“Sir? May nagpapabigay po ng package.”
“Come in.”
Bumukas ang pinto at pumasok si Marla dala ang isang envelop na naka-seal pa.
Inabot niya ito sa akin at lumabas na rin siya. Binuksan ko ang envelop at nagulat ako sa aking nakita. Mga larawan ni Katherine kasama si Hugo!
May isa pang larawan na magkahawak ang kamay nila sa coffee shop! At sabay silang sumakay sa kotse ni Katherine. Ang panghuli kong nakita ay larawan nila nang ihatid niya ito pabalik sa coffee shop!
Wala sa sariling nilukot ko ang litrato na hawak ko. May date din ito at kanina sila nagkita. Ibig sabihin kaya hindi niya sinasagot ang tawag ko dahil magkasama silang dalawa! Kaagad kong kinuha ang phone at tinipa ang numero ni Katherine.
“Hello?” sagot niya sa kabilang linya. Suminghap ako at pinigilan ko ang aking sarili.
“Hi Love, kanina pa kita tinatawagan busy ka ba?” tanong ko sa kanya.
“I’m sorry. Kakagising ko lang maghapon kasing masakit ang ulo ko.”
Mariin akong napapikit sa sinagot niya sa akin. Inaasahan ko na kahit paano magsasabi siya sa akin ng totoo pero hindi!
“Ah, ganun ba? Okay, ibibili kita ng gamot pagkauwi ko diyan.” Wika ko sa kanya.
“Okay.” Tipid na sagot niya sa akin.
“Bye, I love you.”
“Okay, take care.”
Magsasalita pa sana ako pero ini-off na niya kaagad ang tawag.
“Sh*t!”
Igting ang pangang naibato ko ang phone ko sa galit. Hindi man lang niya sinagot ang pag -I love you ko sa kanya.
“Sir? Are you okay?” bungad sa akin ni Marla. Pumasok siya sa loob at dinampot ang basag na phone ko.
“Oh my god!” bulalas niya nang makita ang picture na hawak ko.
“Tell me? My relasyon ba silang dalawa?” seryosong tanong ko sa kanya.
“S-sir kasi—”
“Sumagot ka!” singhal ko sa kanya.
“S-sir hindi ko po alam…siya na lang po ang tanungin niyo…” nangingilid ang luhang sabi niya. Kaagad akong lumabas ng office at pagkakababa ko sa basement ay sumakay agad ako sa kotse palabas.
Ilang minuto lang ay nasa tapat na ako ng bahay ni Hugo. Pinagbuksan ako ng gate at pagkaparada ko ay mabilis akong bumaba.
“Si Hugo?” tanong ko sa kasambahay na nakasalubong ko.
“Nasa kuwarto po Sir Sergio.”
Nagmamadaling tinungo ko ang taas at pagkarating ko ay pabalya kong sinipa ang pinto. Naabutan ko siyang umiinom ng alak at yun pa din ang suot niya sa larawan.
“Saan ka nangaling?” may pagtitimpi kong tanong sa kanya.
“Let’s drink.” alok niya sa akin. Hindi ko na napigilan ang aking sarili. Kinuha ko ang baso na hawak niya at ibinato ito sa sahig.
“I’m asking you fvcker!” bulyaw ko napatayo siya sa sofa at matalim ang tingin na ipinukol niya sa akin.
“Tumbukin mo na ang gusto mong malaman Sergio.” Paghahamon niya sa akin. Kinuha ko ang pictures sa bulsa at itinapon ko sa mukha niya. Naglaglagan ang mga ito sa sahig.
“Are you with her? Why? Give me a reason bakit kayo magkasama ni Katherine?”
“Kami ang unang nagkakilala ni Katherine, kung hindi dahil sa kasakiman mo ako sana ang naging nobyo niya—”
Hindi ko na napigilan ang pag-igkas ng kamay ko sa mukha niya napasubsob siya sa kama at nang makabangon siya aty sinalat niya ang kanyang duguan na labi.
“D*mn you! Your my best friend!”
“Dati yun! Noong hindi mo pa inaagaw si Katherine sa akin!”
Naikuyom ko ang aking kamao gusto ko siyang suntukin ng ilang ulit ngunit hindi ko magawa. Simula pagkabata ay magkaibigan na kaming dalawa. Magkaramay sa lahat ng bagay. At hindi ko akalain na si Katherine pa ang sisira sa aming dalawa.
“Wala akong inagaw sa’yo Hugo. Nang ligawan ko si Katherine magkaibigan lang kayong dalawa diba?”
“Huh! Dahil manhid ka! Kaibigan mo ko pero hindi mo man lang nahalata na gusto ko rin siya! Pero kahit sabihin ko pa sigurado akong itutuloy mo pa din ang ligawan siya. Dahil ganun ka Sergio. Lahat ng bagay na gustuhin mo kinukuha mo. Umalis ka na. Simula ngayon magkalaban na tayo kay Katherine—”
Nabuwal siya sa sahig nang suntukin ko siya ulit.
“Ikaw na rin ang may sabi. Lahat ng gusto ko nakukuha ko. Kaya sinisigurado ko sa’yo na hindi mo siya makukuha sa akin.” Giit ko sa kanya at saka ko siya iniwan.
Nahampas ko ang manibela ng kotse dahil sa labis na galit na nararamdaman ko. He lied and betray me!
Madilim na nang marating ko ang building na tinitirhan ni Katherine. Pero wala akong lakas ng loob na bumaba. Pakiramdam ko sasabog ako sa galit at kapag nangyari yun baka mag-away lang kaming dalawa.
Nag-ipon ako ng hangin sa dibdib at saka pina-andar ang kotse paalis. Hindi ko siya kayang harapin ng ganito. Dumerecho ako sa club upang magpakalunod sa alak. Masakit sa akin ang ginawa ni Hugo at pati na rin ang pagsisinungaling ni Katherine.
“Isa pa nga.” Utos ko sa bartender na nasa harapan ko at nagmi-mixed ng alak
“Sir, nakakalima na po kayo baka hindi na kayo makauwi.” Pigil niya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin.
“H-hindi mo ba ako narinig? Sa-bi ko isa pa diba?!” singhal ko sa kanya. Umiiling siyang kumuha ng alak at sinalinan ulit ang baso ko.
“Sir?”
Napabaling ako sa upuan at bumungad sa akin si Marla.
“Why you’re here?” tanong ko sa kanya.
“Kasama ko po yung pinsan ko. Kasama mo ba si Katherine?” nagpalinga-linga siya sa paligid.
“I’m a-lone.” Sagot ko sa kanya. Inisang lagok ko ang natirang alak sa baso at tumayo na rin ako.
“I have to—”
“Sir!”
Hinawakan niya ang braso ko dahil muntik na akong sumubsob sa mesa na nasa harapan ko.
“Ihahatid ko na po kayo.” Alok niya sa akin. Inilagay niya ang braso ko sa balikat niya at sa beywang ko naman ang isa.
“Dahan-dahan lang po sir.” Narinig kong sabi niya. Sa labis na kalasingan ay nakatulog agad ako sa kotse.
“Sir kaya niyo bang tumayo?” tanong niya sa akin. Ngunit ungol lang ang naging sagot ko. Naramdaman ko ang pag-alalay niya sa akin.
“Ihatid niyo na siya sa room.” Narinig kong sabi niya. Sinubukan kong dumilat ngunit tinatalo ako ng kalasingan. Hangang sa sumakay na kami sa elevator. Maya-maya pa ay ramdam mo na ang paglapat ng likod ko sa malambot na kama.
“K-ka-therine…ma-hal na ma-hal kita…halam mo ba?”
Kahit mabigat ang pakiramdam ay nararamdaman ko ang pag-asikaso niya sa akin. Tinangal niya ang sapatos ko at pati na rin ang suot kong damit.
“Magpahinga ka na Sergio. Andito lang ako.” Sambit niya hangang sa tuluyan na akong nakatulog.