KARINA
Ilang minuto din ang inintay ko bago bumalik si Hugo. I’m waiting for his explanation. Wala na akong choice kundi aminin sa kanya ang totoo. Para matapos na din ang lahat ng problema ko.
Namumula pa ang mga mata niya nang pumasok siya sa loob ng kotse.
“It’s all my fault, kung hindi ako nakipagsabwatan kay Catalina… hindi siya mangyayari ang lahat ng ‘to.”
Napatda ako sa narinig ko mula sa kanya. Ang buong akala ko wala siyang kasalanan ngunit sa narinig ko mukhang plano talaga nilang dalawa ang lahat.
“Sabihin mo? Kung kailangan e-ditalye mo sa akin ang lahat. Ano ba talaga ang nangyari?” Nangingilid ang luhang tanong ko sa kanya.
“She was my first love. Nagparaya ako kay Sergio. Ang buong akala ko hindi niya sasaktan si Katherine. Pero nagawa niyang makipagsiping kay Cathalina at nagbunga ang gabing yun. Nandoon ako noong lumabas si Sergio sa kuwarto nito. Nakita ko kung paano nasaktan si Katherine…nang malaman niya ang panloloko ni Sergio. Pero wala akong nagawa, ayaw siyang bitawan ni Sergio. Dumating sa point na pati ang pamilya ni Sergio ay ginamit ni Catalina para paghiwalayin silang dalawa at panagutan siya nito. Napapayag nila si Sergio na pakasalan si Catalina. Para sa kompanya at para tigilan na rin ni Catalina at Tita Ester si Katherine. Umalis sila sa ibang bansa upang hawakan ang negosyo nila doon. Ibinilin siya sa akin ni Sergio. Ako ang naging sandalan niya noong mga panahon na namimiss niya si Sergio. Noong mga panahon na nagmomove-on siya ako ng nasa tabi niya. Hindi ko akalain na babalik ang nararamdaman kong pagmamahal para sa kanya. Hangang sa nalaman ko mula kay Catalina na gusto siyang iwan ni Sergio upang bumalik kay Katherine. Natakot ako…natakot ako na baka mawala ulit siya sa akin… so I took the chance na mapasa-akin siya ng tuluyan. Si Catalina ang nagsabing i-record ko ang nangyari sa amin nang gabing yun. Dahil yun lang ang hawak naming alas para hindi na sila magkabalikan.”
Habang nakikinig ako sa kanya ay wala nang tigil sa pagpatak ng aking luha. Umasa ako na walang kasalanan si Hugo ngunit ito siya, nagtatapat sa akin ng tunay na nangyari.
“Hindi ko akalain… na magpapakamatay siya Kari—”
Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang sampalin ko na siya ng malakas. Pumaling ang kanyang mukha at pareho na kaming lumuluha.
“Yan ba ang pagmamahal na alam mo Hugo? Ang samantalahin ang kalungkutan ng kakambal ko para angkinin mo siya? Pagbantaan at pahirapan? Anong klase kang lalaki? Pati kababuyan mo sa kapatid ko ipinaalam mo pa kay Catalina? You’re a fvcking lair!” Singhal ko sa kanya.
“Hindi ko sinasadyang makuha niya ang copy Karina! Believe me or not na-iwala ko ang phone ko. Hindi ko alam na mapupunta yun sa kanya.” Pagdadahilan niya. Nagsinungaling na siya sa akin ng maraming beses kaya ayoko na siyang paniwalaan pa.
“Hindi kita mapapatawad. Kayo ni Catalina ang dahilan kaya nagpakamatay ang kapatid ko!” Pigil ang galit na singhal ko sa kanya.
“Karina minahal ko ang kapatid mo…hindi ko rin matangap na ganito ang nangyari sa kanya…”
“You deserved it! Sana gabi-gabi kang dalawin ng konsensya mo! You killed my sister! Kayong lahat! Pinahirapan niyo ang kapatid ko! Kayo ang nagtulak sa kanya sa hukay!”
Tuluyan na akong napahagulgol dahil hindi ko na kaya ang bigat ng loob ko. Matagal siguro na tiniiis ni Katherine ang lahat ng nararamdaman niyang sakit. Imbis na damayan siya pinagsamantalahan pa siya ng lalaking akala niya kaibigan niya. Ginawan ng kababuyan at ini-record pa ito. Duda akong hindi basta nawala ang phone ni Hugo. May tao talagang kumuha noon at ipinadala kay Catalina nang sa ganun magamit niyang pam-blackmail sa kakambal ko.
Nang mahimasmasan ako ay nag-drive na kami pabalik sa coffee shop. Ilang beses niya akong sinubukan na kausapin pero hindi ko na siya kinausap pang muli. Sapat na ang nalaman kong isa siya sa may kasalanan sa pagkamatay ng kapatid ko.
“Karina…”
“Huwag na huwag mong sasabihin sa iba ang lahat ng nalaman mo tungkol sa akin. Sa oras na malaman ni Catalina at ni Sergio na hindi ako si Katherine. Hindi ko na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay niya. At gagawin ko ang lahat para makulong ka!”
“Karina—”
Hindi ko na pinakingan ang sagot niya at kaagad akong umalis pauwi sa condo. Nagkaroon na ng linaw ang lahat. Walang kinalaman si Sergio. Naging biktima sila pareho ni Katherine ng mga taong nakapaligid sa kanila pero may kasalanan pa rin siya hinayaan niyang masaktan ang kapatid ko na walang kalaban-laban. Kahit ganun ang nangyari itutuloy ko pa din ang plano at uunahin kong pahirapan si Catalina.
Kinagabihan ay naghanda ako ng pagkain dahil alam kong darating si Sergio. Tinawagan niya ako at tinanong kung ano ang ginawa ko maghapon. Kaya napilitan akong magsinungaling. Ngunit lumipas na ang alas-sais hapon ay hindi pa rin siya dumarating. Sinubukan ko siyang tawagan ngunit patay din ang phone niya. Masama ang loob na kumain akong mag-isa. Pagkatapos ay inantay ko pa rin ang pagdating niya.
Nagising ako at napatingin sa wall clock Hating gabi na pero wala pa rin siya. Nakatulog na ako sa sofa sa kakahintay sa kanya. Bumangon ako at lumipat sa loob ng kuwarto.
Umaga na ng magising ako. Bababa sana ako para kunin ang breakfast na inorder ko online ngunit pagyuko ko ay may nakita akong envelop.
Dinampot ko ito at nang buksan ko at kunin ang laman nito para akong nabuhusan ng malamig na yelo. Bumalik ako sa loob at isa-isang kinuha ang larawan ni Sergio kasama ang isang babae sa loob ng isang hotel. Maganda ito at balingkinitan ang katawan. Hubo’t-hubad silang dalawa habang nakaupo ang babae sa p*********i ni Sergio. Habang nakahiga naman ito sa kama. Hawak ng babae ang kamay niyang nakahawak din sa malaking dibdib nito.
Mariin kong nakagat ang ibabang labi hangang sa maramdaman ko ang sakit. Kaya pala hindi siya umuwi dito! Dahil may iba siyang babae!!!
“Ahhh!!!” sigaw ko ay pinagtatapon ko sa sahig ang mga larawan na nakita ko.
Napaupo ako sa sahig at sinapo ko ang aking mukha. Noon si Katherine! Ngayon ako naman ang nagdurusa! Naniwala ako kahit paano sa mga binitawan niyang salita pero kung ganito siya kadaling paikutin para magkasala paano pa ako sa kanya magtitiwala?
Hinamig ko ang aking sarili hindi ito ang dapat kong maramdaman. Hindi ito puwede…tatayo na sana ako ngunit may sunod-sunod na katok sa pinto. Nang silipin ko sa maliit na botas ay nakita ko si Marla. Binuksan ko ang pinto at napayakap na ako sa kanya.
“Anong nangyari?” Nag-alalang tanong niya sa akin. Nagbagsakan ang aking luha. Hindi ako magkakaganito kung hindi ko mahal si Sergio.
Pumasok kami sa loob at nakita niya ang mga larawan sa sahig.
“Oh my gosh! At sino naman ang babaeng ‘to?” wika niya nang pulutin ang litrato nila.
“M-Mahal ko na siya Marla. But I don’t think he’s deserving for my love anymore.” Humihikbing turan ko sa kanya. Naupo ako sa sofa at tumabi siya sa akin.
“Diba bumalik ka para maghiganti sa nangyari kay Katherine? Kalimutan mo ang pagmamahal na yan. Ituloy mo ang plano. Kunin mo si Sergio kay Catalina at kapag napawalang bisa ang kasal nila saka mo lokohin si Sergio. Nang sa ganun, double ang maramdaman niyang sakit lalo na kapag nalaman niyang patay na si Katherine.” Seryosong pahayag niya sa akin. Pinunasan ko ang aking luha.
Tama siya, yun naman talaga ang plano ko. Nadala lang ako sa matatamis na salita ni Sergio. Pero hindi na niya ako maloloko pa!
“Kung gusto niya ng laro. Makikipaglaro ako sa kanya Marla.”