HTR 11

1610 Words
SERGIO Kinabukasan ay hindi muna ako nagpunta sa opisina. Dumerecho ako sa bahay ni Hugo upang alamin ang totoo. Ayoko man maniwala kay Catalina hindi naman mapanatag ang loob ko. Lalo na nang maalala ko kung ano ang naging pagkikita naming muli ni Katherine. Ibang-iba na siya kaysa dati. Bukod sa mas simple manamit si Katherine noon ay ni minsan hindi ko naramdaman na ginusto kong may mangyari sa amin. Kahit kami lang dalawa ang magkasama noon sa bahay at sa apartment niya never kong naisip na galawin siya. Ngunit nang bumalik ako. Ibang Katherine ang humarap sa akin. Mas maganda, mas kaakit-akit at mas nakakabaliw to the point na isang araw ko lang siyang hindi makita gustong-gusto ko na siyang puntahan sa tirahan niya. Kaya nang gabing yun na magkasama kami hindi ko na nagawang pigilan ang aking sarili na angkinin siya. Akala ko galit pa rin siya sa akin ngunit nagpaubaya siya sa nangyari sa pagitan naming dalawa. At hindi na ako papayag na may mamagitan ulit sa amin kahit ang mga magulang ko at si Catalina pa! “Ang aga mo naman Sergio?" Inaantok pa na bungad ni Hugo sa akin nang pagbuksan niya ako ng pintuan. “May gusto akong itanong sa’yo.” Seryosong sabi ko sa kanya. Pumasok ako sa loob kahit hindi pa niya ako inaalok na pumasok. Dumerecho ako sa receiving area. Sa pagkakaalam ko siya lang ang nandito dahil matagal nang nag-settle ang kanyang pamilya sa ibang bansa. “Mukhang seryoso ang pag-uusapan natin ah? Pasensya na ha, may hangover pa ako kagabi.” Pagdadahilan niya sabay abot ng isang tasa ng kape sa akin. “Why? Saan ka ba nangaling kagabi?” Nagtatakang tanong ko sa kanya. “Pinuntahan ko lang yung babaeng matagal ko nang hindi nakikita.” Sagot niya na ikinakunot ng noo ko. “Sino yun? May nililigawan kang babae ngayon?” Usisa ko dahil balak ko siyang hulihin kung aamin ba siya sa akin. “Actually naging kami, kaya lang bigla siyang nawala pagkatapos niyang sabihin na ipinalaglag niya ang anak namin.” Casual na sagot niya sa akin. Hindi ko naman makita sa mukha niya ang pagsisinungaling. “May anak kayo? Kailan pa? Bakit hindi ko kilala ang babaeng ito?” Sunod-sunod na tanong ko sa kanya. Humigop siya ng kape at ipinatong sa ibabaw ng table. “Noong umalis kayo ni Catalina. One year ago, nagkaroon kami ng relasyon ng babaeng yun. May nangyari sa amin at nagkaroon kami ng anak. Pero ipinalaglag niya ito. Tapos bigla na lamang siyang nawala. Kaya ngayon na nakita ko siya ulit gusto ko siyang mabawi sa lalaking pakakasalan niya.” Seryosong sabi niya nang hindi hinihiwalay ang tingin sa akin. Imposibleng si Katherine ang tinutukoy niya. Alam ko sa sarili ko na kahit lasing na lasing ako noong gabing yun ako ang unang umangkin sa kanya! Imposible! Niloko ako ni Catalina! Hangang ngayon binibilog niya parin ang ulo ko! “Ano nga palang sadya mo?” usisa niya sa akin. Inubos ko ang kape sa tasa at inilapag ko ito sa mesa. “Wala, kalimutan mo na yun hindi yun mahalaga. Kung mahal mo siya at ganun din ang nararamdaman niya sa’yo ipaglaban mo siya at ipakilala mo sa akin.” Nakangiting sabi ko sa kanya. “Oo ba, makikilala mo din siya.” Ngumiti din siya sa akin. Pagkatapos ay nagpaalam na rin akong umalis. Dumerecho ako sa condo ni Katherine. Nakakailang katok pa lamang ako ay pinagbuksan na niya ako ng pinto. “Anong ginagawa mo dito Sergio? Diba sinabi ko nang—” Sinugod ko siya ng mahigpit na yakap at ikinulong ko siya sa bisig ko. “Please…patawarin mo na ako…ayoko ng ganito Katherine.” Nagsusumamo kong pahayag sa kanya. Niyuko ko siya ng tingin at inangat ko ang kanyang baba upang tumingin siya sa akin. “Katherine, sa’yo lang maniniwala. Kahit anong sabihin ng iba. Wala akong pakikingan kundi ikaw. At wala akong gustong makasama kundi ikaw lang…I love you soo much…” Inilapit ko ang aking mukha at dinampian ko siya ng mababaw na halik sa labi. "Sergio, ayoko na..hindi ko na kaya…” Sambit niya. Lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sa beywang niya. At siniil ko siya ng halik sa labi. Kung kanina ay magaan lamang ngayon ay mas pinalalim ko pa ang paghalik sa kanya. Hindi naman ako nabigo nang tuluyan niyang ikawit ang kamay niya sa leeg ko. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at binuhat ko siya paupo sa sofa. Inihiga ko siya sa sofa at inumpisahan kong tangalin ang butones ng damit niya. Mabilis kong natangal ang hook ng bra niya at kaagad kong inangkin ang kanyang dibdib. Napaliyad siya at napakapit sa braso ko dahil sa walang tigil na pagsips*p ko sa kanyang korona. “S-Sergio…” Ungol niya sa pangalan ko na lalong nagpadagdag ng pagnanasa kong maangkin siya. Hangang sa pati ang pambaba niyang saplot ay tuluyan ko nang hinubad. Walang pagdadalawang isip na sinamba ko ang kanyang kaangkinan. Naghatid ito ng init sa aking katawan at ang mga ungol niyang nagsilbing musika sa aking pandinig. Nang makaraos siya ay hinila ko siya at ikinandong sa akin. Nag-umpisa siyang magtaas baba sa ibabaw ko kaya napahigpit ang hawak ko sa kanyang balakang. “A-ahhh! Sh*t!” Mura ko dahil sa sarap na pinaparanas niya sa akin. Kinabig ko ang kanyang pisngi at inangkin muli ang kanyang labi. Habang walang tigil sa pagsasalpukan ang aming katawan habol hininga din kaming naghahalikan. Hindi pa ako nakuntento ay tumayo ako at siya naman ang pumatong sa sofa habang ako ay nakatayo sa likuran niya. Buong lalim ko siyang pinasok na naghatid sa kanya ng mas malalim na ungol. “Ohhh! Sergiooo! Faster please! Ahhh!” Sinunod ko ang nais niya at mas binilisan ko ang pagbayo sa likuran niya. Yumuko ako at hinawakan ko ang kanyang dibdib habang ang aking labi naman ay nasa kanyang leeg. Naramdaman ko ang panginginig ng kanyang binti at ang muli niyang pagsabog na naging hudyat din ng pagsabog ko sa loob niya. Damn! It was so good! Pagkatapos kong ibuhos sa kanya ang lahat ay binuhat ko siyang muli at dinala sa banyo. Nilisan ko ang kanyang katawan habang hindi naghihiwalay ang aming tingin sa isa’t-isa. “Katherine…I know masama pa rin ang loob mo sa akin…I’ll make it up to you Babawi ako sa’yo. I’ll promise…” Wika ko sa kanya at hinalikan ko siyang muli sa labi. Dahil sa pagod ay nakatulog kaming dalawa na magkayakap. Nang magising ako ay wala na siya sa tabi ko. Madilim na din sa labas. Bumangon ako upang magbihis at hanapin siya. Hangang sa nakita ko siya sa may veranda. Mas nagulat ako nang makita ko siyang umiinom ng alak at humihithit pa ng sigarilyo. Mabilis akong humakbang papalapit sa kanya at inagaw ko ang sigarilyo sa kamay niya. “Ano ba?! Ibalik mo yan sa akin!” Angil niya. Inihulog ko ang sigarilyo at tinapakan ko ito para mamatay ang apoy. “Kailan ka pa natutong magbisyo? Hindi ka naman ganyan dati ah?” Sinubukan kong kunin ang alak sa kamay niya pero iniwas niya ito. “Wala kang paki-alam. Gabi na mabuting pang umuwi ka na sa asawa at anak mo baka inaantay ka na nila.” May diin niyang utos sa akin. “Hindi ako uuwi, dito ako matutulog sasamahan kita hangang mawala ang galit mo sa akin.” Kinuha kong muli ang baso ng alak sa kamay niya at mas lalo siyang nagalit kaya tinulak niya ako. “Hindi mo ba ako narinig?! Umalis ka na Sergio! Bumalik ka na lang kapag kailngan mo ako ulit. Diba yun lang naman talaga ang papel ko sa buhay mo?! Ang maging kabit!” Singhal niya sa akin. Nasimulang magbagsakan ang kanyang mga luha. “Bakit ba palagi mo na lamang sinasabi ang bagay na yan? Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na ikaw ang mahal ko Katherine?! Ano pa bang gusto mo?” Nauubusan na pasensyang tanong ko sa kanya. “Ikaw…ikaw ang gusto ko Sergio..mahal kita…pero nasasaktan ako. Pakiramdam ko wala akong karapatan na mahalin ka.” Humihikbing sabi niya sa akin. “Mahal na mahal din kita Katherine. Huwag kang mag-alala bukas na bukas din iiwan ko na si Catalina. Hahanap ako ng mas malaking condo para sa ating dalawa. Para magsama na tayo habang inaayos ko ang annulment naming dalawa.” Niyakap ko siya ng mahigpit at hinaplos ang likuran niya. Pagkatapos ng kalahating oras ay mahimbing na siyang natutulog sa kama. Napabuntong-hininga ako habang pinagmamasdan ang kanyang magandang mukha. Hangang ngayon nagdurusa pa rin siya ng dahil sa akin. Pero hindi ko siya isusuko kahit kailan. Napadako ang tingin ko sa box na nasa tabi ng cabinet. May kung ano sa akin na gusto kong makita ang laman noon kaya tumayo ako sa tabi niya upang kunin ang box. Inilagay ko ito sa ibabaw ng mesa at naupo ako sa sofa. Pagbukas ko pa lamang ng box ay larawan na namin ni Katherine ang bumungad sa akin. Ang masaya at simple niyang ngiti noon ay napalitan na ng pagluha. Kasalanan ko ang lahat…kasalanan ko kung bakit siya nahihirapan ngayon…Siya dapat ang asawa ko at hindi si Catalina… Ibinalik ko ang box sa gilid ng cabinet sa dati nitong ayos. Naupo ako ulit sa gilid niya at may pagsuyo kong hinalikan ang kanyang labi. Hangang sa mapadako ang tingin ko sa bote ng gamot na nasa ibabaw ng side table. Dinampot ko ito at binasa. Napakuyom ang aking kamao nang mabasa ko ang nakalagay sa label nito. Birth control pills?! Kung ganun, ayaw niyang magkaanak kaming dalawa?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD