ANG ARTE MO

1128 Words
Hinintay ko ang sasabihin ni Kyko. Tungkol sa hiling ni Olvie. "Huwag ka na lang lumapit kay Nanilyn, Olvie. Hindi ko siya puwedeng paalisin, dahil kasal pa rin kami. Hindi pa ako tapos sa kanya. Kailangan pagbayaran pa niya ang ginawang niyang panggagago sa akin!" mariing sabi ng aking asawa. Pagkatapos ay agad na umalis. Kaya kaming dalawa na lang ni Olvie ang naiwan dito sa sala. Nakikita kong nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa akin. "Gagawa ako ng paraan upang tuluyan kang mapaalis sa bahay na ito, Nanilyn. Titiyakin kong kakamuhian ka ni Kyko!" pagbabanta ng babae. Pagkatapos ay nagmamadaling umalis sa aking harapan. Sanay na ako sa pagbabanta nito. Halos araw-araw naman niya 'yong sinabi sa akin. Kaya hindi na ako natatakot. Nagdesisyon na lang akong linisan ang mga dugong nakakalat. At nang matapos ako'y nagbalak na akong pumunta sa aking k'warto. Simula nang mangyari ang bangungot na 'yon sa buhay ko ay 'yun din ang araw na pinalayas ako ni Kyko sa kwarto namin. Isang taon na rin pala ang nakakalipas. Isang taon na ring mas malamig pa sa bangkay ang turing sa akin ng asawa ko at tila isa akong maruming babae sa paningin nito. Bigla na naman akong napaluha. Sobrang namimis ko na ang Kyko na aking minahal. Ang Kyko na maalaga at maasikaso. Ang Kyko na maha na mahal ako. "Nanilyn! Nanilyn!" Mga katok sa labas ng pintuan ng aking kwarto. Walang iba kundi si Kyko. Binalot na naman ng kaba ang puso ko at mukhang galit na galit ito. May nagawa na naman ba akong mali? Kahit nanginginig ang buong katawan ko'y pinilit kong buksan ang pintuan. Sa pagbukas ko ng pinto ay magkakasunod na sampal ang bumungad sa akin. "B-Bakit, Kyko? Ano'ng ginawa ko?" takang tanong ko sa aking asawa at nakahawak ako sa aking pisngi na sinampal nito. "Bakit? Heto, oh!" Sabay bato sa mukha ko ng mga picture na nagkalat. Kahit nanlalabo ang mga mata ko dahil sa luha ay pinulot ko ito para tingnan kung ano ang ibig niyang sabihin. Ngunit, halos lumuwa ang mga mata ko nang makita kong ako ang nasa picture at kausap ang isang lalaki. Pero matagal na 'to at ang lalaking nandito sa picture ay nagtanong lang sa akin kung saan mayroong paupahang bahay. "Hanggang ngayon ay ginagago mo pa rin pala ako, Nanilyn!" sigaw ni Kyko. Magsasalita pa sana ako para magpaliwanag. Nang mahigpit akong hinawakan sa braso. Pagkatapos ay hinila papasok sa loob ng kwarto. "Ipapatikim ko sa 'yo, ang sarap at sakit na hindi ko pa naibibigay sa 'yo noon, Nanilyn!" "K-Kyko, makinig ka naman sa akin!" Ngunit tila bingi ang lalaki. Nakita kong isa-isa nitong inalis ang lahat ng kasuotan sa katawan nito. Nakita ko ring kinuha nito ang sinturon at ipinulupot ang dulo noon sa kamay nito. "K-Kyko, please! Huwag mong gawin 'to." Ngunit binalot na ang puso nito ng galit at maling paniniwala. "Ahhhhh!" malakas na sigaw ko nang tuluyang lumapat sa manipis kong balat ang sinturin nitong hawak na galing sa kanyang pantalon. Sunod-sunod na pumatak ang luha ko sa aking mga mata. Hindi ko lubos akalaing magagawa ito sa akin ni Kyko. Hanggang sa muli ko na namang naramdaman ang pagpalo ng sinturon sa aking likod. Tiniis ko ang sakit. Dahil wala rin namang magagawa ang pagmamakaawa ko sa lalaki. Lalo at tuluyan na itong nilamon ng maling paniniwala. "Hindi ko alam kung saan ako nagkulang sa 'yo, Nanilyn! Binigay ko ang lahat-lahat sa 'yo. Pero naghanap ka pa rin ng ibang lalaki!" sigaw ni Kyko. Pagkatapos ay mabilis siyang lumapit sa akin. Mahigpit na hinawakan ang aking buhok. "K-Kyko, wala akong kasalanan. Wala akong ginawang mali. At hindi ko alam kung bakit ganiyan ang tingin mo sa akin. Matagal tayong nagsama! Ngunit, sa isang salitang mali ng ibang tao ay biglang nagbago ka! Hindi na ikaw ang Kyko na aking minahal!" "Iyon na nga, eh! Ang tagal nating magkasama, Nanilyn. Ngunit hindi ko man lang nakilala ang tunay na ikaw. Na isang hariparot na babae!" Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin, dahil maliksing umangat ang isang kamay ko at ubod lakas kong sinampal si Kyko. Ngayon ko lang ito nagawa sa aking asawa. Siguro'y dahil punong-puno na rin ako. "Hindi ako maduming babae, Kyko. Dahil tanga ka lang at nagbubulag-bulagan..!" Hindi ko na natuloy ang ibang ko pang sabihin dahil mahigpit na hinawakan ni Kyko ang aking panga. "Sinong pinagmamalaki mo, babae? Talagang marunong ka nang lumaban sa akin, ah?!" Hanggang sa wala akong kahirap-hirap na inihagis nito papunta sa gitna ng kama. "A-Ano'ng binabalak mo, Kyko?" natatakot na tanong dahil kakaiba ang tingin nito sa akin. Na parang isang malademonyo. "Ibang lalaki nga nakakatikim sa 'yo, ako pa kaya na tunay mong asawa. Hindi ko 'yun mapapalampas, Nanilyn!" Bigla nitong hiniklas ang aking damit at dinig na dinig ko ang pagkapunit noon. "Kyko, please naman, oh. Makinig ka muna sa mga sasabihin ko sa 'yo. Huwag mo naman itong gawin sa akin," lumuluhang pakiusap ko rito. Sobrang sakit para sa akin ng mga pinaggagawa nito. "Nanilyn, huwag ka nang mag-inarte pa riyan. Alam ko naman na gusto mo rin ito. Huwag ka na mag-feeling inosente pa. Kilala na kitang babae ka!" Magkakasunod akong umiling habang panay ang patak ng luha sa aking mga pisngi. Mayamaya pa'y biglang pumaibabaw sa akin si Kyko. At walang habas ng inangkin ang aking labi. Ramdam ko ang gigil nito na may kasamang kagat, kaya nalasahan ko ang dugo. "Kyko, maawa ka naman sa akin, please!" Pagmamakaawa ko rito. "Maawa? Di ba gusto mo rin ito? Ibang lalaki ba ang gusto mong tumira sa 'yo, Nanilyn? Hindi naman puwede 'yun! Dapat ako rin dahil ako ang asawa mo!" Pinigilan kong humagulhol ng iyak. Lalo na sa tuwing lalapat ang labi ni Kyko sa aking balat at talagang kinakagat 'yun. Pakiramdam ko'y mabubutas ang aking katawan sa mariing kagat at sipsip nito. Hindi lang 'yon dahil kahit pinipilit kong kumawala sa kanya ay lalo nitong dinidiinan ng walang pag-iingat ang kanyang ginagawang panghaharas sa akin. Pakiramdam ko ay kahit asawa pa niya ako ay hindi asawa ang turing nito sa akin. Kung hindi isang babaeng bayaran. Tanging pagluha na lang ang nagawa ko nang walang pag-iingat na pumasok si Kyko sa akin. Walang habas din itong gumalaw sa ibabaw ko. Pakiramdam ko'y sobrang dumi ko ng babae dahil sa ginawa ni Kyko sa akin. "Ang arte mo, Nanilyn! Nasarapan ka rin naman! May paiyak-iyak ka pang nalalaman, eh, kung sino-sinong lalaki naman ang lumamas at tumira sa 'yo!" galit na sabi ni Kyko. Pagkatapos ay nagmamadaling lumabas ng kwarto. Napahagulhol na lamang ako. Nang marinig ang pagsara ng pintuan. Kailangan ko na bang sumuko? At huwag nang umasa pa na muli kaming magkakaayos ni Kyko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD