KADENA

1579 Words
ILANG ORAS din akong lumuha. Ang nakakainis lang ay kahit ano'ng pag-iyak ko'y hindi pa rin nauubos ang pagpatak ng luha sa mga mata ko. Pakiramdam ko'y lalo pang dumami ito. Ngunit kailangan kong maging matatag. Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa kama. Lumapit ako sa cabinet at binuksan ko ito. Lahat ng damit ko ay isa-isa kong inilagay sa aking bag. Panahon na siguro para umalis na ako sa bahay na ito. Wala naman kaming anak kaya wala akong dapat na alalahanin. Napabuntonghininga na lang ako bago lumabas ng aking silid. Tuloy-tuloy akong naglakad, ngunit natanaw ko si Kyko na nasa harap ito ng pintuan. Nakatalikod din ito habang may kausap sa cellphone nito. Ngunit hindi na ako natatakot dito. Aalis ako at walang puwedeng pumigil sa akin. Tapos na akong umiyak. Kakalimutan ko na rin si Kyko. Bahala na ito kung gusto nitong ipawalang bisa ang kasal namin. Ang gusto ko ay magpakalayo-layo, lumimot at umalis sa pamamahay na 'to. Upang magsimula muli. Tuloy-tuloy akong naglakad, nilampasan ko lamang ito nang dumaan ako sa harapan niya. Malapit na ako sa gate ng may kamay na humawak sa aking palapulsuhan. Kaya nahinto ako sa paglalakad. "Saan ka pupunta, Nanilyn?!" galit na tanong sa akin ni Kyko. "Hindi mo na kailangan malaman kung saan ako pupunta, Kyko. Panahon na siguro para maghiwalay na tayo. Tutal naman ay wala nang patutunguhan ang pagsasama natin, lalo ngayon, magiging isang ama ka na sa babae mo. Magkalimutan na tayo!" Matapang na sagot ko. "Sinong may sabi sa 'yong papayagan kitang umalis ng bahay ko, Nanilyn? Tingin mo ganoon lang kadali 'yun?!" Dahan-dahan naman akong humarap sa lalaki. Ngunit walang mababakas na imosyon sa aking mukha. "Sino ka para pigilan ako, Kyko? Asawa lang kita noon. Ngunit, ngayon ay hindi na. Kaya puwede ba, bitiwan mo ang kamay ko at baka makita pa tayo ni Olvie!" "No! Hindi ka aalis ng bahay na 'to, Nanilyn! Hindi pa ako tapos sa 'yo!" Pagkatapos ay agad akong kinaladkad muli papasok sa loob ng bahay. Ngunit nagpupumiglas ako. "Bitiwan mo ako, Kyko! Ano pa bang gusto mo? Bakit ba ayaw mo pa akong pakawalan?!" "Hindi ako tanga para basta ka na lang paalisin sa bahay ko! Para ano? Para sumama ka sa lalaki mo? Upang magpakasaya kayo?! Hindi mangyayari ang gusto mo, Nanilyn! Mabulok ka sa bahay ko! Hintaying mong magsawa ako sa 'yo, baka sakaling makaalis ka sa poder ko!" Hindi maipinta ang mukha ko lalo nang humigpit ang pagkakahawak ni Kyko sa aking pulsuhan. Napansin ko ring papunta kami sa dating kwarto naming mag-asawa. "A-Anong gagawin mo, Kyko?" tanong sa lalaki nang makapasok kami sa loob ng silid namin dati. "Hindi ka makakaalis ng bahay ko, Nanilyn!" nanlilisik ang mga mata nito nang sabihin 'yun. Bigla naman akong kinabahan nang makita kong kumuha ito ng kadena. Pagkatapos ay agad na lumapit sa akin. "Ikakadena mo ba ako, Kyko?" "Ano sa tingin mo? Siguro naman ay hindi ka na makakaalis dito kapag nilagyan kita ng kadena, Nanilyn." "Kyko, please. Huwag mong gawin 'to, hindi ako hayop." Pagmamakaawa ko. "Pero iba na ngayon, Nanilyn. Dahil mula sa araw na 'to ako ang amo." Makahulugang saad ng aking asawa, hanggang sa kinadena na nito ako. "Kyko! Pakawalan mo ako rito! Please!" Sigaw ko. "Mabulok ka dyan," nakangising saad ng aking asawa at inilagay ang susi ng kadena sa bulsa nito. Saka tuluyan na ngang umalis si Kyko. "Kyko! Kyko! Pakawalan mo ako!" Paulit-ulit kong sambit ngunit para lang akong hangin sa bahay na 'yon. Hanggang sa makita at marinig ko na lang ang pintuan na nagsara. Doon ay napa-upo na lang ako sa sahig habang tumutulo ang aking mga luha. Niyakap ko na lang din ang aking tuhod ng dalawa kong kamay, pakiramdam ko ay nag-iisa na lang ako sa mundo at walang magawa. Hindi ko na rin namalayang nakatulog na pala ako habang humihikbi. KINABUKASAN ay nagising ako dahil narinig ko ang pagbukas ng pintuan. "Olvie, pakawalan mo ako rito please!" Pagmamakaawa ko sa kanya. "Bakit naman kita pakakawawalan? Aber!" "Dahil kapag nakawala ako rito. Masusulo mo na ang asawa ko. Hindi ba't 'yon naman talaga ang gusto mo." Mabilis na sagot ko. "Alam mo, tama ka naman. Dahil sa una pa lang ay 'yon na ang gusto ko. Iyon nga lang kasi hindi ako kagaya mo na tanga. Sana kasi noon pa ay umalis ka na dito. Oh di sana ngayon wala ka na sa impernong bahay na 'to. Ang tigas kasi ng ulo mo. Iyan tuloy wala na akong magagawa pa." "Olvie, gagawin ko lahat ng gusto mo. Pakawalan mo lang ako rito." Pagmamakaawa ko. Pero nagulat ako ng bigla niya akong hawakan ng mahigpit sa aking panga. "Kahit na ano'ng sabihin mo! Wala ka ng magagawa pa. Dahil basura ka na lang sa bahay na 'to! At hindi lang 'yon dahil wala ka ng kuwenta kay Kyko!" "Pero ako pa rin ako ang legal na asawa ni Kyko. At mas may karapatan sa pamamahay na 'to!" Matapang na saad ko. "Nagpapatawa ka ba? May pa legal-legal na asawa ka pang nalalaman. Eh, ang tanong. Asawa pa ba ang turing niya sa 'yo? Hindi ko na sasabihin. Alam mo naman siguro ang sagot!" Taas kilay na saad nito sa akin. "Siya nga pala, hindi ka kakain ng buong araw ngayon. Mamatay ka sa gutom!" Nakangising saad nito sa akin at pabagsak niyang isinara ang pintuan. Wala akong nagawa o naisagot sa mga sinabi ni Olvie dahil totoo ang lahat ng mga sanabi nito. At ramdam na ramdam ko ang sakit sa aking puso, dahil kahit ako ang legal na asawa. Ay isa na lamang akong alipin at basura sa bahay na 'to. Buong araw nga nila akong hindi binigyan ng pagkain. Pakiramdam ko rin ay hindi rin ako nagugutom at wala akong ginawa kung hindi ang umiiyak. At namnamin ang sakit. Wala rin akong ganang kumain habang nakaupo sa sahig. Gabi nang muling bumukas ang pintuan. At bumungad si Kyko. Hindi ko na lamang 'to tiningnan sa mga mata at yumuko na lamang ako. Ayoko na ring magsalita pa bagkus ay na natili akong nakaupo sa sahig. "Itong pagkain mo! Kumain ka dahil ayokong magkasakit ka at baka mahospital ka pa. Masayang lang ang pera ko sa 'yo!" Wika nito sa akin at inilapag ang pagkain sa lamesa. "Mas gugustuhin ko na lang na magkasakit ako, kaysa ang makasama ka!" Bulyaw ko sa kanya na basta na lang lumabas sa bibig ko. Ngunit nagulat ako sa sumunod na pangyayari dahil mabilis na hinila nito ang aking buhok na walang kahirap-hirap at walang pagdadalawang isip na iningudngod ang aking mukha sa plato na may kanin at ulam. Kung kaya napapahawak na lang ako sa kanyang kamay upang pigilan ang ginagawa nito sa akin. Ngunit wala akong nagawa dahil mas malakas siya kaysa sa akin. "Ang lakas din ng loob mong pagsalitaan ako ng ganyan! Bakit ha? Sinong pinagmamalaki mo?! Iyong mga lalaki mo!" Galit na galit na nitong sigaw sa akin at halos lumuwa ang mata nito sa galit. "Pasalamat ka nga at pinapalamon ka pa pagkatapos ng mga ginawa mo sa akin! Putang *na mong babae ka! Kaya kulang pa 'yan!" Madiin na saad niya sa akin habang nakangudngod ang mukha ko sa plato. Mayamaya pa ay binitiwan ako nito. "Tandaan mo 'to, Nanilyn! Kung ayaw mong masaktan. Susundin mo lahat ng gusto ko. Dahil kapag hindi mo ako sinunod. Hindi lang 'yan ang mapapala mo!" Banta pa nito sa akin na nanlilisik ang mga mata. "Ubusin mo 'yang pagkain mo! Kung ayaw mong pakainin kita ng tsinelas ko!" Sigaw pa nito sa akin saka padabog na umalis ng aking silid. Punong-puno ako ng takot at nanginig ang mga kalamnan ko sa ginawa ni Kyko sa akin. Gulat na gulat ako na hindi makapaniwala. Hindi ko na alam kung saan ako nagkulang o ano'ng ginawa kong mali. Dahil alam ng diyos na wala akong ginagawang masama. Ang pagkakamali ko lang ay minahal ko siya ng sobra at hinahayaang gawin ang naisin nito sa akin. Butil-butil na luha ang umaaagos sa aking pisngi. Hanggang sa maalala ko na naman ang ginawa niya sa akin, kung kaya nagpatuloy ang agos ng luha sa aking pisngi at ang kanin pati ulam na nasa plato ko ay kinain ko na lamang ng walang pag-iinarte. Dahil ang nasa isip ko ay kailangan kong mabuhay at magpakatatag. Pagkatapos ko 'yong ubusin ay nakaramdam ako na naiihi. Ngunit naka kadena ako. At hindi makaalis. Kung kaya nanatili ako sa isang puwesto at doon ay pinigilan kong makaihi. Gusto kong sumigaw at magtawag, ngunit paano. Gayong alam kong kapag sumigaw ako ay baka masaktan na naman ako ni Kyko lalo na't gabing-gabi na at sigurado akong kasarapan na ng tulog nila. Hanggang sa hindi ko na nga napigilang maihi sa aking saluwal. At muli ay tumulo na naman ang aking luha dahil sa awa sa aking sarili na hindi ko dapat 'to deserve. Naginwahaan ako, habang naaamoy ko ang aking sarili na hindi kaaaya-ayang amoy. At nanatili sa isang tabi. Tinanggal ko ang aking saluwal at panty. Saka kinuha ang kumot mula sa kama at 'yon ang ginawa kong pangbalabal sa aking katawan. Nakaramdam ako ng antok. At isinandal na lang ang ulo sa kama doon nga ay nakatulog na ako. Nagising ako dahil sa malamig na tubig na ibinuhos sa akin. "Olvie? Bakit mo ginawa 'to?" "Tatanong ka pa! Hindi mo ba naaamoy 'yang sarili mo? Yuck! Kadire ka!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD