Pagsilbihan

1457 Words
Nakaramdam ako ng kahit papaanong hiya. Ngunit wala na akong pakialam sa amoy ko o sarili ko. "Alam mo naman sigurong naka kadena ako. Ibig sabihin limited lang ang space na puwede kong lakaran. Saka isa pa kung magsisigaw ako at gigisingin ko kayo. Baka masaktan lang ako. Kaya hindi ko na kayo inabala pa." "Well, buti at alam mo kung saan ka lulugar at nag-iisip ka na." Mayamaya pa ay dumating si Kyko. "Ano 'yong amoy na 'yon? Bakit ang panghe?" Nakaramdam ako muli ng hiya at hindi na lamang 'nagsalita. "I think kailangan na niyang maligo, honey. At lalabas na ako. Makakasama kasi ang amoy sa baby ko. Maselan pa naman ang pagbubuntis ko. Mahirap na baka magkasakit pa ako. Maapektuhan ang 'tong bata sa sinapupunan ko." "Okay sige, mabuti pa nga." Muli akong nakaramdam ng takot nang bigla akong lapitan ni Kyko. At napapaatras ng bahagyan. "H-huwag, huwag kang lalapit. Hindi na ako iihi sa saluwal ko." Sambit ko sa aking asawa na nakakaramdam ng takot. "Kakalagan na kita para makaligo ka at maglinis ka ng bahay! At huwag na huwag mong subukang tumakas ng bahay. Dahil alam mo na ang mangyayari sa 'yo!" "Oo," mabilis naman na sagot ko at dali-dali akong nagtungo sa banyo dala ang tuwalya. Habang nasa loob ako ng banyo ay siya namang tingin ko sa salaming nasa harapan ko at pinagmamasdan ang aking mukha. 'Kailangan mo munang maging matatag, matapang at magtiis sa ngayon, Nanilyn. Kaya mo 'to. Konting tiis pa," aniya ko sa aking sarili na pinapalakas ang aking loob. Hanggang sa makarinig ako ng katok mula sa pintuan. "Nanilyn! Ano ba? Bilisan mo nga dyan at marami ka pang gagawin!" "O-Oo, palabas na." Nagmamadaling saad ko at dali-dali akong nagbuhos ng tubig upang makaligo na. Mabilis lang din akong nagsabon ng katawan at shampoo. Pagkatapos mabilis na lumabas ng banyo. Sa paglabas ko ng banyo ay nakita ko si Olvie at nakatingin 'to sa akin na may dalang damit. At inihagis sa akin na pinagtakahan ko. "Alam mo naman na siguro kung sino ang amo. Magmula sa araw na 'to ay iyan na ang isusuot mo!" Taas kilay na saad nito sa akin. "Tama, tutal bagay naman sa 'yo 'yan. Basahan na pinagpasa-pasahan ng mga lalake. Ikaw ang magluluto, maglilinis, maglalaba, taga palengke in short katulong ka sa bahay na 'to. At huwag na huwag kang gagawa ng ikakagalit ko at ni Olvie. Tandaan mo, pinagbubuntis niya ang anak namin. Alam mo na rin ang mangyayari sa 'yo kapag hindi ka sumunod." Banta pa ni Kyko sa akin. Wala akong magawa kung hindi ang sumunod na lang habang ramdam ko ang sakit sa aking dibdib dahil sa pagbibintang nito sa akin na hindi totoo. At hindi ko maintindihan kung bakit nasasaktan pa rin ako sa kanilang dalawa. Lalo na't magkakaroon na sila ng anak. Na dapat ay kaming dalawa ni Kyko ang bumuo at nangarap dati. "Ano pang tinatayo-tayo mo dyan? Kumilos ka na at gutom na ako!" Dahil sa sinabi ni Olvie ay mabilis akong kumilos at isinuot ang damit na binigay nito. Habang nakatingin ako sa salamin na pinagmamasdan ang aking sarili ay huminga ako ng malalim. "Ako na nga ang niloko, ako pa ang nagdurusa. Hay. . . ! Bakit ba 'to nangyayari sa akin?" tanong ko na lamang sa aking sarili at mabilis na pinahid ang tumutulong luha sa aking pisngi. Muli kong inayos ang aking sarili saka mabilis na lumabas ng silid. Nagtungo ako sa kusina at naghanap sa ref ng puwede kong iluto. Doon ay may nakita akong chicken na isang buo ini-slice ko 'to at ginisa sa luya, nang magisa ng husto ay nilagyan ko ng pampalasa, nilagyan ko pa ng bunga nang sayote, tubig hanggang sa tuluyan 'tong maluto at maging tinolang manok. Pagkatapos ay naka kita rin ako pitchel. At gumawa ako ng juice na maiinom. At hinanda ang lamesa. Nang matapos na akong magluto at maghanda ng makakain sa lamesa ay nakita ko ang dalawa na papalapit sa akin. Kung kaya agad akong napaatras at dumistansya sa kanila. Hindi na rin ako umalis sa aking kinatatayuan at yumuko na lamang. "Wow! Mukhang nakapagluto na ang katulong natin at mukhang masarap 'tong luto niya ng tinola. Mabuti ay kumain na tayo, love." Rinig kong saad ni Olvie at natatakam na 'to. "Mabuti pa nga ay kumain na tayo para hindi mapasma ang baby natin." Rinig kong anya rin ni Kyko. Aalis na sana ako sa aking kinatatayuan nang marinig kong nagsalita si Olvie. "Saan ka pupunta? Dito ka lang at pagsalbihan mo kami. Kumuha ka ng juice at lagyan mo kami sa baso." Wala akong nagawa kung hindi ang sundi ang utos nito. Kinuha ko ang pitchel at naglagay ng juice sa kaniya-kaniya nilang baso. Ngunit nang pabalik na ako sa puwesto ko kanina ay rinig kong nahulog ang isang kutsara sa lapag. Kung kaya bago pa nila ako utusan ay lumingon ako sa pinanggalingan ng tunog na malapit kay Olvie at yumuko ako para pulutin 'yon. Nang mapulot ko na ang kutsara ay laking gulat ko nang maramdaman ko mula sa aking ulo ang malamig na tubig na bumuhos sa akin. "Ooopppsss! Sorry," paumanhin ni Olvie sa akin na binuhos ang juice. Kahit ang totoo ay alam kong sinadyan niya 'yon. Pilit akong nagtimpi at nagbuga na lang ng malalim na paghinga. "Sige na, magbihis ka na." Wika naman ni Kyko sa akin. Habang nakikita ko si Olvie na nakangiti. Agad akong umalis sa kanilang harapan at patakbong pumanhik sa aking silid upang magpalit ng damit. Muli ay naligo ako ng wala sa oras. Habang naliligo ako ay hindi ko maiwasang tumulo ang aking luha. At pansamantalang itinapat ang aking mukha sa shower. Hindi ko lubos maisip na ganito ang mangyayari sa akin. Ang dating pagsasama na punong-puno ng pagmamahalan at pangarap ay naging isang komonoy na hindi ko alam kung makakaahon pa ako. Hindi ko maiwasang humagulgol sa tuwing maiisip ang kinalalagyan ko ngayon. Para bang kinakain na ako ng kalungkutan at kawalan ng pag-asa. Dahil hindi ko rin alam kung ano bang mangyayari sa akin bahay na 'to. Hanggang sa muli ko na namang marinig ang boses ni Kyko. "Nanilyn! Nanilyn! Buksan mo 'tong pintuan!" Muli akong nakaramdam ng takot at pangangatog ng katawan. "Ano na naman bang ginawa ko?" napatanong ko na lang sa aking sarili na nagtataka, na nakakaramdam din ng takot at pangangatog ng katawan. "Putang*na ka! Papatayin mo ba ang anak ko?!" Galit na galit na sigaw ng aking asawa sa akin. "Ba-bakit?" Nauutal at nagtatakang tanong ko. Ngunit hindi na ako sinagot ni Kyko paglabas ko, basta na lamang nito hinila ang aking buhok na ramdam kong parang mahihila ang anit ko sa higpit ng pagkakahawak niya. "Ky-Kyko, nasasaktan ako. Aray." Inda ko. Ngunit parang bingi ang lalaki at kinaladkad ako patungo kay Olvie. "Nakikita mo ba siya, ha? Nagsusuka siya dahil sa niluto mong ulam! Gusto mo bang patayin ang mag-ina ko?!" "Pero, normal lang 'yan sa buntis at naglilihi. Basta, walang masakit." Agad naman na saad ko. "Tandaan mo 'to, Nanilyn! Kapag may nangyari sa mag-ina ko! Papat*yin kita!" Sigaw nito muli sa pagmumukha ko at basta na lamang akong itinulak sa kung saan na ikinatumba ko. Pagkatapos ay nakita kong binuhat nito si Olvie palabas ng bahay at isinakay sa sasakyan. Pinaharurot din nito ang sasakyan paalis. Hindi ko na tuloy alam kung ano ang gagawin ko o mararamdaman ko. Basta patuloy na lang sa pag-agos ang aking mga luha na kahit ano'ng punas ko ay hindi nauubos. HANGGANG sa may anino ng lalaking pasuray-suray sa paglalakad mula sa gate at papasok 'to sa bahay. Kung kaya napatayo ako sa aking kinatatayuan at pumulot ng puwede kong gamiting armas panglaban sa lalaking 'to. Tuloy-tuloy pa rin 'to sa paglalakad kahit pasuray-suray siya. Hanggang sa makapasok na nga 'to sa bahay. Nakasuot ito ng sumbrero at hindi ko gaanong nakikita ang kanyang mukha. Palapit na siya sa akin na talagang halos tumalon ang puso ko dahil sa takot. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hanggang sa hinanda ko ang dala kong nahawakang tinidor pala. At nang malapit na malapit na 'to sa akin na isang hakbang na lang ang pagitan niya mula sa akin ay bigla na 'tong natumba. Doon nga ay nakahinga ako ng maluwag. Ngunit nang maisip kong kapag nadatnan 'to ni Kyko ay sigurado akong mapapatay niya ako ng hindi oras. Kung kaya nag-isip ako ng dapat kong gawin. Hindi ko alam kung ano'ng tumakbo sa isipan ko nang mga panahon na 'yon at basta-basta ko na lang dinala ang lalaki sa aking silid. Dahil ang nasaisip ko na lang ay kailangan kong maitago ang lalaki bago pa siya maabutan ni Kyko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD