Hanggang Sa

1220 Words
Nang ipinasok ko ang lalaking walang malay sa aking silid ay lalo akong nataranta at kinabahan. "Ano ba, Nanilyn? Bakit mo pinasok sa loob ng bahay ang lalaki na 'to? Ang tanga-tanga mo talaga," sermon ko sa aking sarili na naguguluhan. Hanggang sa wala akong nagawa kung hindi ang ihiga 'to sa kama dahil sa bigat niya, doon nga ay nasilayan ko ang mukha nito na makapal ang balbas o masasabi kong balbas sarado. Mahahaba rin ang pilik mata nito. Matangos ang ilong ito at ang buhok nito ay may pagkakulot din. "Hoy! Gumising ka na! Kailangan mo nang makaalis dito sa bahay. Kung hindi mananagot ako sa asawa ko," wika ko sa lalaking balbasin. Ngunit kahit na ano'ng gawin kong gising sa lalaki ay walang epekto. Siguro dahil sa sobrang kalasingan nito. Kung kaya kinumutan ko siya ng kumot. Pero hindi talaga mawala ang agam-agam ko na kapag biglang pumasok si Kyko rito sa kuwarto ko ay siguradong makikita niya 'to. Dahil sa hulma ng katawan nito. Kung kaya inakay ko muli ang lalaki patungo sa aking sariling banyo. Wala akong choice kung hindi ang gawin 'yon. Dahan-dahan ko siyang pinaupo sa tiles at isinandal ang katawan sa pader. At iniayos ang kurtina upang matakpan siya. Mayamaya pa ay narinig ko ang pag ring ng telepono. Kung kaya dali-dali akong lumabas ng banyo at tinungo ang telepono. Agad ko 'tong sinagot. "Hello." "Makinig ka, Nanilyn! Hindi kami makakauwi ngayon ni Olvie. Dahil nagpa admit na siya para makasigurong ligtas ang anak namin. Kaya huwag na huwag mong subukang tumakas. Tandaan mo, wala kang ibang pupuntahan. At isa pa ay subukan mong tumakas dahil kapag nakita kita. Alam mo na ang mangyayari sa 'yo,!" banta ni Kyko sa akin. Ngunit wala akong naging tugon dahil lumilipad ang utak ko sa kakaisip sa lalaking nasa aking silid. "Nanilyn! Naiintindihan mo ba ako?" tanong pa ng aking asawa sa kabilang linya. Kahit hindi ko nakikita ang mukha nito ay nakabisado ko na galit na galit na naman 'to. "Oo," sagot ko na lamang sa kanya. Agad kong ibinaba ang telepono nang mawala na 'to sa linya. Hanggang sa bigla ko na lamang na alala ang kahapon. Lumaki at nagkaisip na ako sa bahay ampunan. Ni wala man lang gustong umampon sa akin. At ni hindi ko man lang nakilala at nakita ang mga magulang ko. O kung saan ako nagmula. Siguro gano'n kapag hindi ka mahal. Wala silang pakialam sa 'yo at basta-basta ka na lang iiwan sa harap ng bahay ampunan. Hanggang sa nagkatrabaho ako at nakilala ang asawa ko. Ang asawa ko na pinaglaanan ko ng buong buhay at pinangakuang hahanapin ang mga magulang ko. Nasaan na kaya ang mga magulang ko? Buhay pa kaya sila?" Mga tanong sa aking isipan. Muntik ng mawala sa isipan ko ang lalaki sa aking silid. Kung kaya muli akong nagtungo roon at sinilip. Doon nga ay nakita kong kahit nakaupo pa rin ito at nakasandal ang katawan sa pader habang tulog na tulog pa rin 'to. Kung kaya gumawa ako ng gawaing bahay naglaba ng mga damit naglinis at hindi nga nagtagal ay nakaramdam ako ng pagod. Kung kaya muli akong nagtungo sa aking silid at doon nga ay nahiga sa aking kama. Hindi ko na rin namalayan pang nakatulog na pala ako dahil sa pagod. Kinabukasan ay nagising ako dahil sa lakas ng katok at sigaw na nangagaling sa gate. Kung kaya dali-dali akong kumilos at agad nagtungo sa gate. "Ano bang ginagawa mo sa loob, Nanilyn? Kanina pa ako katok ng katok dito sa gate! Bingi ka ba? O nagbibingi-bingihan?" tanong pa ni Kyko sa akin na para bang sasaktan na naman ako. "Ah, pasinsya na. Katatapos ko lang kasing magwalis sa likod kaya hindi ko gaanong narinig ang tawag niyo." Paumanhin ko sa aking asawa at dali-dali kong binuksan ang gate. "Bilisan mo! Kanina pa kami rito!" "Ipagpasalamat mo at maayos ang baby namin. Kung hindi tatanggalin ko 'yang anit sa buhok mo!" malditang saad ni Olvie sa akin. "Saka. Baka nakakalimutan mong hindi ka na amo ngayon. Isa ka na lang alipin sa bahay na 'to! Kaya hwag kang patulog-tulog. Kung ayaw mong buhusan kita ng kumukulong tubig," dugtong pa ni Olvie. Hindi na lamang ako umimik. "Buhatin mo nga 'tong bag ko at hindi ako puweding magbuhat!" utos pa nito sa akin na agad ko na namang sinunod. Nang makapasok sila sa loob ng bahay ay nakasunod lamang ako sa kanila. "Ano'ng tinatayo-tayo mo pa riyan? Kumuha ka nga ng maiinom kong tubig," utos naman ni Kyko sa akin at agad akong kumuha ng maiinom nito. "Nanilyn. May pumunta bang tao rito kagabi?" tanong sa akin ni Kyko. "H-ha? Ta-Tao?" nauutal kong sabi at biglang pumasok sa aking isipan ang lalaking nilagay ko sa banyo. "Bingi ka ba? Tinatanong ko kung may tao bang pumunta rito kagabi?" muling tanong ng aking asawa. 'Paano kung ang lalaking nilagay ko sa banyo ang tinutukoy nito. Patay ako," kinakabahang saad ko sa aking sarili. "Hoy, Nanilyn! Bakit hindi ka sumasagot? Tinatanong kita," tanong muli nito sa akin. "Wa-Wala naman. May gagawin pa pala ako." Pagsisinungaling ko at dali-dali akong nagtungo sa aking silid. Ngunit nang nakapasok na ako sa aking silid at akmang isasara ang pintuan ay laking gulat nang bigla humarang ang isang kamay ni Kyko. Lalo akong nataranta at wala akong ibang pagpipilian dahil kapag nakapasok siya ay sigurado akong iyon na ang katapusan ko. Kung kaya pilit ko 'tong tinulak. Dahilan para maipit ang isang kamay nito sa pintuan. "Nanilyn, ano ba? Open the door!" "Please, huwag ka munang pumasok dahil magbibihis lang ako. Saglit lang," pakiusap ko at pilit na itinutulak pasara ang pintuan. "Kapag nakapasok ako humanda ka sa aking babae ka! Aray ang kamay ko!" Sigaw ng aking asawa na nagbabanta na naman. Hanggang sa hindi nga nagtagal ay naisara ko ang pintuan at agad na ini-lock 'yon. Halos tumulo ang pawis ko sa samo't saring takot at kabang nararamdaman ko. Muli ay naramdaman ko ang pangangatog ng aking katawan sa dahil sa takot. Ni halos hindi na ako makaalis sa kinatatayuan ko dahil takot at pangangatog ng kalamnan ko. Mayamaya pa ay bumukas ang pintuan at doon nga ay naramdaman ko ang mahigpit na paghawak nito sa aking buhok na parang mahihila ang aking anit. "Putang*na mong babae ka! Ako ang may-ari ng bahay na 'to. Tapos ayaw mo akong papasukin sa sarilng bahay ko!" Galit na sigaw ng aking asawa. "Bakit? May tinatago ka ba, Nanilyn?!" Sigaw nito sa aking pagmumukha ko at ningudngod niya ako sa kama. "Wala, wala!" Mabilis naman na saaad ko. "Kung gano'n bakit mo inipit ang braso ko? Ha?" muling tanong nito sa akin. Hanggang muli ko na namang natikman ang mabigat nitong palad na dumapo sa aking pisngi at basta na lamang akong itinulak sa kung saan dahilan para mapasubsob ako sa sahig. Ngunit hindi ko na ininda pa dahil ang inaalala ko ay ang lalaking nasa loob ng aking banyo. Nakita ko na lang na binuksan ni Kyko ang mga aparador ko at bigla 'tong dumapa upang silipin ang ilalim ng kama ko na para bang may hinahanap. Halos tumalon ang puso ko sa takot nang binuksan nito ang pintuan ng CR ko. At pasukin 'yon. Wala na akong nagawa kung hindi ang mapayuko na lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD