Jenny NAGISING ako dahil sa malamig na mga daliri na humahaplos sa pisngi ko. Pagmulat ko pa lang ay nakangiting Sky na yung bumungad sa akin. "It's already lunch time, tara let's cook." Panaginip ba iyong kanina? "Abusong-abuso mo yakap ko ah. Napaghahalatang komportable sa yakap ko," bumulalas siya ng tawa matapos niyang magyabang. Malakas kong hinampas ang dibdib niya, malakas ang pagtunog no'n kaya mabilis akong bumangon at tumakbo papuntang kusina dahil hinabol niya ako. Tatawa-tawa ako habang sinisikap niyang hulihin ako. "Mahina ka pala eh!" Mabilis akong tumakbo papuntang sala no'ng maabutan niya ako sa kusina. Kinuha ko ang mga unan sa sofa at isa-isa ko iyong hinagis sa kaniya. "Tumakbo ka lang, Dwarf!" hamon niya. "Sa oras na mahabol kita, dibdib mo naman ang dadapuan ng