Jenny Kanina pa ako tawa nang tawa dahil sa pinapanood kong movie. "Anong nakakatawa d'yan?" inis na tanong nitong katabi kong epal. "Lahat!" Tumawa na naman ako ulit at nahampas ko pa siya dahil sa tuwa ko. Inirapan lang ako ni Sky, talagang mas marunong pa siyang umirap kaysa sa akin? "Pahinging puffed corn!" sabi niya na pilit inaabot ang lalagyan ng puffed corn na iniiwas ko rin sa kaniya. "Hindi ka naman nanunuod eh," sabi ko habang sinusubo ang puffed corn. "Dali na, akin na nga 'yan, Dwarf!" Nanlaki ang mata ko no'ng pinilit niyang abutin ang bowl na may lamang puffed corn. Napabitaw ako sa hawak ko no'ng dumagan na siya sa 'kin kaaabot ng puffed corn. "Hala! Ang puffed corn!" halos sabay naming sabi. Buti na lang dahil nasalo ang bowl ng isa pang sofa kaya pareho kaming