Jenny MATAPOS kong magdrama sa banyo ay napagdesisyonan kong maligo na lang. "Sky!" tawag ko sa kaniya nang makitang wala siya sa sa sala. "I'm here!" Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya napalingon ako sa pinto at pumasok siya na may nakasunod na apat na guwapong mga lalaki. Namumukhaan ko sila... Sina Walter, Wilder, Keeran at Bryan. "Bakit parang mugto ang mga mata mo, Jenny?" tanong ni Bryan. "Umiyak ka ba?" Napahawak ako sa mukha ko. Nakakahiya, halata ba? "H-Ha? Hindi. Nakulangan lang ako sa tulog ko," mabilis kong tanggi. "Ah. Ikaw naman kasi, Mr. Takagi, pinuyat mo pa!" tukso ni Walter at siniko pa si Sky. "T*r*ntado! Tulog ako magdamag! Tyaka mabangis ang kuya n'yan, nananakmal. Baka paglamayan pa ako bigla," natatawang pabiro na sabi ni Sky. Pakiramdam ko ay sinilaban a