Jenny NAPAGKASUNDUAN namin ni Sky na dumaan na lang sa fast food at mag-take out na lang ng kakainin namin ngayon dahil masyado kaming natagalan ng uwi dahil sa traffic. Nang makarating kami sa bahay ay tamang oras na ng pagtulog dahil talagang gabi na pero napagdesisyonan naming kumain muna sa loob ng kotse. Para kaming mga siraulo sa totoo lang dahil ilang hakbang lang naman ang layo ng bahay sa 'min pero pinili naming kumain sa kotse kahit hindi naman kami komportable. "I guess, we need to adopt or buy a puppy for our home, Dwarf. Ang tahimik masyado ng bahay eh." "Gusto mo ng aso?" ulit ko. "May aso naman sa bahay namin pero hindi naman natin 'yon pwedeng kunin, pagagalitan ako ni mommy." "It's fine. I'll ask someone to buy a dog for us." "Bakit pa bibili? Naparaming aso d'yan s