Jenny "DWARF!" tawag niya sa 'kin. Sumunod pala siya kaya mabilis kong pinunasan ang luha ko. Hindi ko alam kung bakit sobrang laki ng epekto sa 'kin ng lahat ng bagay na konektado sa kaniya lalo na sa mga babae niya. Wala naman akong insecurities. Kontentong-kontento ako sa sarili ko mula sa itsura at buong pagkatao ko pero pagdating sa kaniya, tumitiklop ako bigla lalo na't alam ko kung ano ang mga tipo niyang babae. "Dwarf, come on. Let's talk about it," nagsusumamong sambit niya at maya-maya nga'y naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko at marahan akong hinarap sa kaniya. "Hey," parang natatawa niya pang sambit at pinunasan ang luha ko. "It's nothing, Babe. You don't have to cry, alright? Are you jealous?" "Hindi," masungit kong sabi at nag-iwas ng tingin. "Aalis na ako." "Ih