Natapos ding mailibing ang nanay, pagkatapos ng Isang linggo. Hindi Rin ako nakapasok sa school, buti na lang at nagpa practice na lang kami sa graduation at meeting na lang para sa gaganaping graduation. Umuwi na kami sa bahay pagkahatid namin kay nanay sa simenteryo.
"Anak kumain ka muna aba! ilang araw ka ng walang maayos na kain lagi kang walang gana, anak alagaan mo ang sarili mo magagalit ang nanay mo niyan kapag pinabayaan mo ang sarili mo." Sabi ni Mamita habang pinipilit ipakain sa akin ang ginawang pagkain ni ninang Betty.
"Oo nga anak. Hindi matatahimik ang nanay mo sa kabilang buhay kong nagkakaganyan ka." Sabi naman ni ninang Betchay, habang hinhagod ang likod ko na sige naman ang iyak ko." Pano na ako lalaban ninang wala na ang kasama ko na lumalaban araw araw iniwan na niya ako." Sabi ko habang sige ang iyak ko. Niyakap ako ng tatlo kong ninang habang umiyak din sila. Masakit din sa kanila ang pagkawala ni nanay na kaibigan nilang matalik. Dahil para sa kanila si nanay ang pinaka matibay na tao na nakilala nila" Anak kailangan nating magpakatatag kahit na masakit sa atin ang pagkawala ng nanay mo. Kailangan mong mabuhay at lumaban. Para sa mga pangarap niyo ng nanay mo." Sabi ni Mamita sa akin. At sa sobrang pagdadalamhati ko hindi ko na kinaya ng katawan ko ang laha. Naghalohalo na ang nararamdaman ko antok, pagod at sakit na nanggagaling sa kailaliman ng puso ko. Nawalan ako ng malay. Nagulat sila ninang ng bumagsak ako.
"Janina anak, diyos ko!"
Gulat na sabi nila. Agad akong binuhat ni ninang Betty,
"Anak magpakatatag ka, wag kang mawawalan ng pag asa
nandito lang kami. Handang maging kaagapay mo hanggang wakas. Hindi ka namin pababayaan, tandaan mo Yan." Bulong ni Mamita sa akin na mahimbing na natutulog dahil sa sobrang pagod at pagdadalamhati.
*********
"O..pano anak luluwas na kami at kailangan na kami sa Bar." Sabi ni Mamita habang hawak ako sa balikat. Nandito kami sa tapat ng bintana. Kasalukuyan ko silang pinapanood habang nagiimpaki ng kanilang gamit.
Babalik na sila ngaun sa maynila.
"Bakit kasi anak hindi ka na lang sumama sa amin papuntang maynila tutal graduation niyo na naman. Pwede ka namang hindi na umattend sa graduation niyo." Sabi naman ni ninang Betchay ko at tuluyan nang lumapit sa amin ni Mamita sa may bintana.
"Jhanina. Anak sigurado ka ba talagang kaya mo magisa dito." Sabi ni ninang Betty habang inilalagay yung gamit nila sa may bandang pinto." Ninang wag po kayong mag alala kaya ko po ang sarili ko at isa pa dalawang linggo nalang N naman at graduation ko na. Kailangan ko din pong asikasuhin yung mga requirements na dadalahin ko sa maynila para makapasok sa skwelahan doon." Sabi ko at ngumiti sa kanila. Para ipakita sa kanila na kaya kong magisa." Sige anak. Tutal hindi na naman namin mababago ang pasya mo, magiingat ka dito anak. Pag nagka problema ka tawagan mo na lang kami darating kami agad." Sabi ni Mamita at hinawakan ako sa kamay ko.
"Babalik kami agad dito para sa graduation mo anak."
Sabi ni ninang Betty.
"hayaan mo pababalikin ko agad dito sa susunod na linggo ang isa kayla ninang Betty mo at ninang Betchay mo. Para may kasama ka habang naghahanda ka sa graduation mo." Sabi ni Mamita sa akin.
"Ok lang po ako ninang. Wag na po kayong magalala sa akin kaya ko po Ang sarili ko. Saka baka masyado ko na po kayong naabala sa trabaho niyo." Sabi ko na nahihiya sa kanila. Alam ko naman na mahalaga sila sa trabaho nila sa Bar.
"Ay. Ano ka bang bata ka parang hindi ka namin anak kung magsalita ka. Tandaan mo kami na ang nanay mo ngaun. Kaya aalagaan ka namin sa ayaw at sa gusto mo." Sabi ni ninang Betty at kinurot ako sa pisngi, sabay halik sa pisngi ko." Ako na lang ang babalik dito sa linggo ng gabi. Kung nakapag paalam lang kasi ako kay Marco ng maayos, di sana nagpaiwan na ako ngayun dito. Kaso hindi kasi kami anak nakapag paalam ng mayos nung umalis kami nung gabi na yun. Pasensiya na anak." Sabi naman ni ninang Betchay na lumapit na rin sa amin sabay yakap sa akin.
"Jhanina, andiyan na yung tricycle na tinawag namin para sasakyan ng mga ninang mo." Sabi ng nanay ni Cloe. Sila kasi ang tumawag sa kanto ng tricycle na sasakyan ng mga ninang ko. Alam kasi nila na paalis na ang mga ninang ko papuntang maynila.
"O. Pano anak aalis na kami mag ingat ka dito ha. Wag Kang magpapagutom kumain ka lagi ha." Sabi sa akin ni Mamita at sabay sabay silang yumakap sa akin.
"Wag kayong mag alala hindi namin pababayaan si Jhanina dito." Sabi naman ng nanay ni Cloe. Lagi itong pumupunta dito sa bahay. Magmula ng mamatay si nanay." Salamat naman sa inyo Minda. Maswerte ang inaanak ko at may kapitbahay na kagaya niyo." Sabi ni Mamita sa nanay ni Cloe.
"Naku walang ano man yun at saka parang anak ko na rin yang si Jhanina." Sabi naman ng nanay ni Cloe kay Mamita.
"O. Pano salamat na lang sa Inyo at aalis na kami. Jhanina ingatan mo anak ang sarili mo ha." Sabi naman ni ninang Betchay at binuhat na ang mga gamit nila at isinakay sa tricycle. Pagkatapos sumakay na rin sila at kumaway sa amin habang umaandar ang tricycle.
******************
Mabilis na lumipas ang araw. Ngaun na ang araw ng graduation namin.
"Valedictorian. Jhanina Monroe!!." Rinig kong tawag sa pangalan ko sa stage. tumayo ako at sinalubong si Mamita at sabay kaming naglakad papuntang stages para sabitan ako ng medal.
"Nay, para sayo sana tong award ko ngaun." Bulong ko habang pabalik sa upuan ko..
"Anak alam mo bang proud na proud kami sa yo. Alam namin na kung nandito lang ang nanay mo ngaun sigurado Kong masayang masaya yun ngaun." Sabi ni ninang Betty. Habang inaayos ang pagkain na niluto nila para maging handa sa graduation ko. Ayaw ko sana kasi nahihiya ako sa kanila. Pero mapilit sila hindi sila pumayag na hindi handaan ako. Sabi pa nila dapat lang daw handaan ako dahil valedictorian ako, hindi daw madaling kuhanin yung award na yun. Kaya tuwang tuwa sila na nagasikaso ng pagkain.
"O. Jhanina anak. Dalahan mo ng pansit at biko ang kaibigan mong si Cloe." Sabi ni ninang Betty at inabot ang pinggan na may laman na pansit, Biko at lumpiang Shanghai na niluto nila.
"Naku! Salamat Jhanina dito at nagabala ka pang ihatid. Pinaghandaan ka pala ng mga ninang mo no. Proud na proud talaga sila Sayo." Sabi ng nanay ni Cloe.
"Oo nga po, nahihiya nga po ako sa kanila eh!" Sabi ko naman sa kanya. Totoo naman talagang nahihiya ako. Dahil sa totoo lang ngayun lang may naghanda sa akin. Hindi kasi kayang maghanda ni nanay, tama lang kasi ang kinikita niya pang kain lang namin. Kaya hindi ko naranasan na handaan ako kahit na birthday ko.
"Cloe, isalin mo to sa pinggan at sandukan mo din si Jhanina ng spaghetti at maha." Utos niya kay Cloe.
"Naku! Wag kang mahiya Jhanina, aba kahit naman ako kung ako ang ninang mo eh. Paghahandaan din kita,valedictorian ka kaya." Sabi ng nanay ni Cloe. Habang inaabot kay Cloe yung pinggan na dala ko.
"Jhanina may sasabihin ako sayo mamaya punta ako sa inyo" Sabi ni Cloe habang inaabot ung pingan na may laman sa akin." Oo Sige, hintayin kita sa tabi ng puno ng mangga." Sabi ko naman at umalis na.
"Talaga?" Sabi ko na tuwang tuwa sa narinig ko kay Cloe.
"Oo Jhanina, dumating kanina si tita sabi niya dun na daw ako mag aral sa kanila. Kaya nga nung tanungin nila ako pumayag ako agad." Sabi din ni Cloe na tuwang tuwa din.
"Oh. Diba sabi ko sayo hindi tayo magkakahiwalay." Sabi ko. kasi yung tinitirahan ng tita niya malapit lang sa tinitirahan ng mga ninang ko sa maynila.
"Sasabihin ko na din na dun ako mag eenro sa school na papasukan mo, para sabay na tayo mag pa enrol." Sabi ni Cloe na excited na.
"Jhanina hintayin mo ako dun ha! Ipadala mo sa akin ang address mo dun, para pag dumating ako dun pupuntahan kita agad." Sabi ni Cloe na umiiyak na.
"Oo hihintayin kita dun. Basta tawagan mo ako pag dumating kana ha!" Sabi ko din na umiiyak na rin. Niyakap ko ng mahigpit si Cloe. Nalulungkot ako kasi magkakalayo na kami siya lang kasi ang kaibigan ko. Magmula ng maliit pa kami, lagi kaming magkasama.
"Hay. Naku! Kayo talagang dalawa akala mo naman hindi na magkikita, eh!Susunod naman sayo si Cloe sa maynila." Sabi ni aling Minda sa amin na tumatawa. Hinatid nila kami sa sakyan ng trycicle. Ngayon na kasi ang alis ko papuntang maynila
Kumaway ako kay Cloe ng magsimula ng umaandar Ang sasakyan namin na tricycle .
********************
"Bilisan mo na Cloe malelate na tayo sa entrance exam." Sabi ko kay Cloe. Kasi kakarating lang niya sa tagpuan namin. Napagkasunduan namin na sabay kami pupunta sa Ateneo para mag entrance exam.
"Pasensiya na naligaw pa kasi ako. papunta rito Hindi pa talaga ako sanay sa pasikot sikot dito sa maynila." Sagot ni Cloe na nagpupunas ng pawis niya. Hinila na niya ako papasok sa gate ng Ateneo.
"Ano. Kamusta ang exam mo madali lang ba?" Tanong ko ka Cloe. Habang sinasalubong ko siya sa may hagdan. Magkaiba kasi kami ng course na papasukan, si Cloe kasi ay tourism samantalang ako ay hotel and restaurant management o HRM. Kasi pangarap kong mag manage ng Isang malaking restaurant. Dahil hilig ko ang pagluluto. Samantalang si Cloe, pangarap naman sumakay sa airplane at makarating sa ibang bansa. Mahilig kasi yun magliwaliw.
"Anong madali ka diyan. Mahirap din. Pero kayang kaya. Hindi na kita tatanungin kasi alam ko naman na walang hirap sayo ang exam mo." Sagot ni Cloe sa akin. Sabagay tama siya una akong nakatapos sa aming lahat na nag eexam kanina sa room na pinag examan ko.
"Madali ang iba kasi na review ko na. Pero may ibang hindi kasama sa na review ko. Pero nasagot ko naman at sa tingin ko tama naman ang sagot ko. Pero hindi sure na sure." Sabi kay Cloe at naglakad na kami paalis sa school. Kasi sa monday pa malalaman ang resulta ng exam namin at friday pa lang ngaun.
"Ano san ang punt..Aaa..,y!" Naputol ang sasabihin ni Cloe at napa tili ng may bumuhos na juice sa kanya.
"Ano kaba! Hindi mo tinitingnan ang nilalakaran mo kaya nakaka bangga ka." inis na singhal kay Cloe ng Isang lalaki na naka banggaan niya.
"Abat..Ang ..Bastos na to ah! Akala mo kung sino. Hoy! Ikaw nga tong hindi nakatingin sa nilalakaran diyan. Pano mo nga naman makikita, eh wala namang araw naka shade ka pa." Sabi ni Cloe na namumula sa galit dahil sa inasal ng lalaki sa kanya.
"Miss san ka ba pinag lihi ng nanay mo?" Tanong ng lalaki na lalong nagpainis kay Cloe. Napatingin ako kay Cloe.
"Tingnan mo tung siraulo na to. Nagagalit na nga ako.Nakuha pang magtanong kung saan ako pinaglihi." Inis na bulong ni Cloe. Nakatingin lang ako sa kanila.
"Anong paki alam mo kung san ako pinaglihi ng nanay ko. Ang isipin mo ay kung bakit tatanga tanga ka." Inis na sagot ni Cloe sa lalaki.
"Alam mo kasi, iniisip ko lang baka sa ampalaya ka pinaglihi ng nanay mo kasi bitter ka masyado." Sabi ng lalaki na tatawa tawa pa.Napangti ako. Kasi kulang na lang umusok ang ilong ni Cloe sa inis dito.
"Abat ang kapal talaga ng mukha ng lalaking to at nagawa pang humugot. Akala naman niya hindi ako marunong niyan. Tingnan natin kung hangang saan ang yabang mo." Bulong ulit ni Cloe na ngayun ay umuusok na ang bunbunan.
"At ikaw san ka naman pinaglihi ng nanay mo." Sagot naman ni Cloe na naka taas ang dalawang kilay.
"Oh. Hindi ko alam intiresado ka rin pala sa akin. Kaya mo ko binanga Noh!" Sabi ng lalaki na tumatawa. Parang tuwang tuwa pa siya na nainis si Cloe.
"Kasi sa tingin ko sa bakal ka pinaglihi ng nanay mo. Kasi kahit ukitin pa ng kutsilyo yang mukha mo hindi tatalaban dahil sa tigas ng mukha mo." Sabi ni Cloe sa lalaki na ikinatawa ko. Natawa lang ang lalaki. Kaya nainis si Cloe magssalita pa sana ito pero hinila ko na.