"Mabuti nalang tapos na ang exam natin noh" Sabi ko pagkalabas namin ng skwelahan na pinapasukan namin.
"Oo nga eh! Makakapagpahinga na rin tayo sa wakas."
Sabi naman ni Cloe na kaibigan at kababata ko.
Si Cloe ang nagiisang kaibigan ko dito sa lugar namin. Siya lang kasi ang hindi nanghamak sa akin. Siya lang maliban sa inay ko ang nagpapalakas sa akin sa tuwing
hinahamak ako ng mga tao.
"Jenny, punta ka mamaya sa bahay. Panoorin mo ang interview ni Gabriel mamayang gabi, sa magandang gabi baranggay ni Stella sichongco" Aya ni Cloe sa akin para manood ng TV sa kanila mamayang gabi.
Kasi sa kanila lang ako nakikinood ng Television dahil wala kami nito sa amin. Kapit bahay ko lang naman sina Cloe.
"Sige tatapusin ko nang maaga ang mga gawain ko para payagan ako ni nanay umalis mamaya."
Pagdating namin sa bahay namin naabutan ko si nanay na nagpapakain ng mga manok na alaga namin.
"Mano po nay!" Bati ko pagkalapit ko sa kaniya
"Oh, mabuti naman at dumating ka na. Mag bihis kana at kumain ng meryenda nagtira ako ng bananaque na tinda ko para meryenda mo pag dumating ka." Sabi ni nanay habang nagpapakain ng mga manok.
"At siya nga pala, pagkatapos mong kumain hugasan mo ang galunggong na binili ko sa palengke. Prituhin mo ito."
pahabol ni nanay sa akin.
"Nay, manonood lang ho ako sandali kayla Cloe ng TV." Paalam ko sa nanay ko pakatapos ko sa lahat ng gawain.
"Babalik rin ho ako
kaagad para kumain po tayo." At nagmamadali na akong umalis para pumunta kayla Cloe at manood ng interview ng idol ko.
"Bruha! Bilisan mo na at si Gabriel na ang iniinterview ni
Stella sichongco!" Sabi ni Cloe at nagmamadaling hinila na ako sa loob ng bahay nila. Sakto naman na iniinterview na ang idol ko
"Ang gwapo talaga ng idol ko grabee..!" Kinikilig na bulong ko pa sa sarili ko. Habang titig na titig sa TV.
"Hoy! Huminga ka naman, hindi ka tutulungan niyan kapag nahimatay ka diyan." Bulong sa akin ni Cloe sabay siko sa akin. Magkatabi kasi kaming nakaupo sa mahaba nilang bangko sa kanilang sala. Inirapan ko lang siya.Tumawa naman ito.
"Anong magagawa ko sa kinikilig ako sa tuwing nakikita ko siya no. Ang gwapo niya kaya sobra." Bulong ko sasarili. Saka tinitigan ko sa monitor si Gabriel.
*******
"Grabe ka talaga Jenny. Pagdating sa exam kulang na lang maperfect lagi ah! sabi ni Cloe habang kumakain kami ng biscuit sa ilalim ng puno. Kagaya ng dati libre na naman niya ako. Katatapos lang sabihin ng teacher namin kung sino ang nanguna sa exam namin.
"Ano ka ba! Alam mo naman na kailangan kong mag aral nang mabuti para maging mataas ang grades ko. Para makuha ko ang scholarship ng Ateneo de manila." Bigkas ko sa skwelahan na papapasukan sa akin ng mga ninang ko sa manila. Kasi sabi nila mas maganda raw na sa maynila ako makapagtapos ng kolehiyo para madali raw akong makapasok sa mga kilalang company sa maynila at Isa pa gusto ko makarating sa maynila kasi para makita ko ng personal ang Idol ko.
"Tuloy ba talaga ang pagkuha sayo ng mga ninang mo pagka graduate natin ngayon? paano na ang nanay mo? Sino na ang makakasama niya?" Tanong ni Cloe na may halong lungkot dahil sa totoo lang ayaw niyang sumama ako sa maynila kasi magkakahiwalay na kami.
"Si nanay ko nga ang namimilit sa akin na sumama sa maynila kasi doon lang raw matutupad ang mga pangarap namin." Sabi ko na nalulungkot rin. Magkakalayo na Kasi kaming magkaibigan.
"Ang bilis ng araw no? Malapit na tayong gumraduate tatlong linggo na lang at makaka graduate na rin tayo."
Sabi ko habang papauwi na kami.
"Jenny! Jenny!" Natatarantang tawag sa akin ng nanay ni Cloe. Pagkarating namin sa tapat ng bahay nila. Bahay kasi muna nila ang unang madaraanan, bago ang bahay namin.
"Bakit ho aling Minda? Bakit naman po natataranta kayo?" Tanong ko na kinakabahan na kasi hindi maganda ang itsura ni aling Minda habang tinatawag ako parang nakakakaba naman.
"Jenny! Ang nanay mo sinugod nila kapitan sa ospital kasi bigla nalang bumagsak sa palengke kanina." Sabi ni aling Minda na natataranta parin.
"Ho? Aling Minda pupuntahan ko po ang nanay ko!" Nagmamadaling sabi ko at sabay takbo papuntang sakayan ng jeep.
"Sandali Jenny! Sasamahan kana namin papuntang ospital." Habol na sabi ni aling Minda at tumakbo na lang rin sila ni Cloe.
"Kapitan, k-kumusta n. Na ho ang nanay ko?" Nauutal ko pang tanong kay kapitan. Kinakabahan talaga ako nang husto. Dahil nagaalala ako sa nanay ko.
"Anak, hindi pa lumalabas ang doctor. Huminahon ka lang makakaligtas rin ang nanay mo manalig ka lang sa Diyos." Sabi ni kapitan sa akin habang yakap naman ako nila Cloe at mama niya.
Wala akong magawa kung hindi ang umiyak. Na lang habang hinihintay ang doctor na lumabas.
Mayamaya may lumabas na doctor sa kwarto na pinagdalahan sa nanay ko kaya mabilis kaming lumapit dito.
"Doc, k-kumusta ho ang n-nanay ko?" Sabi ko na nauutal na naman dahil sa nerbyos.
"Kayo ba ang pamilya ng pasyente? Pasensiya na ginawa na namin ang lahat pero mahina ang puso niya hindi niya kinaya ang atake na nangyari sa kaniya." Malungkot na pahayag ng doctor sa amin.
Hindi ako nakaimik sa narinig ko. Hindi ko rin alam kung paano mag si-sink in sa utak ko ang sinabi ng doctor. Hindi kasi kayang tanggapin ng isip ko ang sinabi ng doctor sa harap namin.
"H..Hindi..T.Totoo Yan..Hindi ..Pa wala Ang nanay ko ..Hindi ..Niya ..Ako iiwan...Hindi,..Hindi ..Totoo Yan!"
Umiiling ako ng paulit ulit habang lumalabas sa bibig ko sng mga salita na yan. Nang biglang may lumabas na mga nurse may tulak tulak na higaan bigla akong napatakbo dun at inalis Ang nakatakip sa mukha ng taong nakahiga dun. Laking gulat ko ng makita ko Ang mukha ng nanay ko.
Parang ngayun lang luminaw ang lahat sa akin sng mga nangyari.
"INAY...INAY KO..BAKIT MO AKO INIWAN..NAY PANO NA AKO ..NGAUN PANO NA..ANG MGA PANGARAP NATIN..NAY GAGRADUATE NA AKO..WAG NIYO AKONG..IWAN NAY,...NAY!!." Sigaw ko na para bang sa pag sigaw ko magigising ang nanay kong wala ng buhay. Habang walang humpay ang pag tulo ng luha ko parang hindi na ito hihinto sa pag agos, napakasakit ng nararamdaman ko parang hinihiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko napakasakit sobra.
Pano na ako ngayun tanging kaming dalawa lang ni nanay ang magkasama. Magmula ng maliit pa ako wala akong nagisnang ama. Sabi ng nanay ko hindi niya daw alam kung sino ang ama ko kasi nabuntis siya sa trabaho niya sa bar at Ng malaman niya na buntis siya sa akin ay nagpaalam siya sa amo niya na aalis na siya sa bar at umuwi siya dito sa dating Bahay nila sa cavite. Dito na nga ako nagkamulat kinalakihan ko na salat kami sa lahat ng bagay. Kaya nagaaral ako ng mabuti para makakuha ako ng mataas na grades. Para pagdating ko ng high school makakuha ako ng scholarship sa skwelahan ng highschool dito sa amin.
Para hindi mahirapan si nanay sa pagaaral ko at kapag may mga paligsahan sa larangan ng pag kanta sumasali ako para yung mga mapapanalunan kong premyong Pera ipinapatabi niya sa akin. Kaya may naiipon akong pera na nilalaan ko para sa mga project sa school. Medyo malaki na rin naman ang natabi kong pera sa pagsali ko sa mga patimpalak at nananalo naman ako ng first price. Kaya Sabi ni nanay proud daw siya sa akin sa lahat Ng bagay.
Pagsinasabi ni nanay yun kuntento na ako parang wala na akong mahihiling pa.
Pero ngayun sa isang iglap iniwan na niya ako wala na siya. Napakasakit sa akin ang nangayri. Pero kailangan kong tangapin. Dahil hindi magugustuhan ni inay na makita niyang ganito ako.
Nagpunta ako sa cashier para alamin kung magkano ang babayaran ko. Pero nagulat ako sa nakita ko, pagkakuha ko ng resibo ng babayaran ko.
"Ten thousand pesos,.!"Gulat na basa ko kung magkano ang babayaran ko.
Nagulat ako sa nakita kong presyo kung magkano ang babayaran ko. Binilang ko ang na ipon namin ni nanay kulang pa kahit pagsamahin ko pa ang pera namin. Saan ako kukuha ng pera para matubos ko ang nanay ko.
Ng may maalala ako, kinuha ko ang CP ko at nag dial ng number. Maya Maya may sumagot sa kabilang linya.
"Hello? Sino to?" Tanong Ng kabilang linya.
"Hello? Ninang si Jenny to. Ninang si nanay wala na." Sagot ko habang umiyak.
"ANO? Diyos ko anong nangyari? Nasaan ka ngayun? Ayos ka lang ba?" Sabi Ng ninang ko. Na nagulat at sunod sunod na nagtanong. Halatang natataranta sa narinig na balita..
"Ninang nandito po ako sa hospital. Hindi ko po mailabas si nanay kulang po ang pera ko." Sagot ko na nanghihingi ng tulong. Dahil hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Anak, making ka. Hintayin mo kami diyan. Pupunta kami diyan ngaun, basta bantayan mo lang ang nanay mo. Papunta na kami diyan. Kumalma ka lang anak. Naiintindihan mo ba ako. Ha?" Sabi ng ninang ko na puno ng pagaalala.
"Opo ninang hihintayin ko Po kayo at bantayan ko po si nanay. Hindi ko siya iiwan Dito." Sagot ko na nakahinga Ng maluwag. Dahil sa wakas makukuha ko na si nanay dito sa hospital. Muli Kong pinagmasdan ang mukha ng nanay ko. Nagsimula na naman tumulo ang luha ko. Ng may maramdaman akong kamay sa balikat ko ng lumingon ako nakita ko si Cloe. Nagpaiwan pala siya ng umalis na sila kapitan kasama ang mama niya.
Pagkatapos sabihin sa akin na aayusin na nila ang paglalagyan ng nanay ko sa bahay. Nagpasalamat na lang ako sa kanila. Nang makita ko si Cloe lalo lang nagunahan ang luha ko sa pisngi ko at yumakap ako sa kanya para kasing bibigay ang katawan ko kailangan ko ng makakapitan.
"Best wala na si nanay nagiisa na ako ngayun." Sabi ko habang umiiyak.
"Best hindi ka nagiisa nandito pa ako oh. walang iwanan diba."
Sabi niya na umiyak narin kaya nagiyakan kami.
Alas onse ng hating gabi dumating ang mga ninang ko sa hospital. Agad na nagtungo si Mamita sa cashier para bayaran ang bill ni nanay. Para madala na sa funerarya ang labi ni nanay. Nang makarating kami sa bahay at maiayos na ang kabaong ni nanay. Marami na ang tao na nasa amin. Nagsusugal na ang iba nakahanda narin ang mga lamesa at tolda. Ng umupo ako sa tabi ng kabaong umagos na naman ang luha ko at mayamaya may yumakap sa akin at may humawak sa balikat ko. Pagtingin ko sila ninang pala umiyak din. Niyakap nila ako.
"Ninang wala na si nanay. Paano na ako ngaun wala na akong kasama." Iyak ko habang nakayakap ako sa kanila.
"Anak wag kang magsalita ng ganyan nandito pa kami. Magulang mo rin kami anak." Sabi ni Mamita
"Oo anak. Hindi ka namin pababayaan. Kung noon nandiyan kami lagi sa tabi niyo,
ngaun pa na wala na si ellena." Bigkas Naman ni ninang Betty.
"Hindi kami mapapatawad ng nanay mo pag pinabayaan ka namin anak." Sabi naman ni ninang betchay. At nagyakapan kami ng mahigpit na para bang sinasabi na walang iwanan. Nagpapasalamat ako at may mga tao na handa paring magbigay ng lakas sa akin at iparamdam sa akin na hindi ako nagiisa.
Natapos ding mailibing ang nanay pagkatapos ng Isang linggo.. Hindi rin ako nakapasok sa school buti na lang at nagpa practice na lang kami sa graduation at meeting na lang para sa gaganaping graduation.. Nakauwi na kami sa bahay pagkahatid namin Kay nanay sa simenteryo.
"Anak Kumain ka muna aba! ilang Araw ka ng walang maayos na kain lagi Kang walang gana,.Anak alagaan mo ang sarili mo magagalit ang nanay mo niyan kapag pinabayaan mo ang sarili mo."Sabi ni Mamita habang pinipilit ipakain sng ginawang pagkain ni ninang Betty
"Oo nga anak. Hindi matatahimik ang nanay mo sa kabilang buhay kong nagkakaganyan ka."Sabi naman ni ninang Betchay. Habang hinhagod ang likod ko. Sige iyak ko naman.
"Pano na ako lalaban ninang wala na ang kasama ko na lumalaban araw araw. Iniwan na niya ako."Sabi ko habang Sige ang iyak ko.