Inis na inis si Cloe ng lumabas kami ng school. Pinag bihis ko muna siya sa CR bago kami lumabas, buti na lang may dala siyng extra na t-shirt.
"Aah! Ang kapal talaga ng mukha niya nakakainis." Impit na sigaw niya.habang nasa sasakyan kami. Niyaya ko na lang siya pumunta ng mall para matangal ang inis niya. Tiningnan ko siya habang nasa jeep kami, gusto kong tumawa sa itsura niya. Kasi hindi maipinta ang mukha niya talagang bad trip na bad trip siya sa lalaki kanina.
Pagdating namin sa mall Naglibot muna kami. Nawala agad ang inis ni Cloe ng makakita ng mga damit. Nagtingin tingin kami dito. Hangang sa na punta kami sa mga pabango. Namimili kami ng bibilihin ni Cloe ng biglang nagkagulo ang mga tao sa paligid namin. Kinakabahan na napalingon kami dito.
Nakita namin na may pinagkakaguluhan sila kaya naki usyuso kami ni Cloe. Nanlaki ang mata ko ng makita kung sino ang papasok sa entrance ng mall.
"Besty, si Gabriel ba yang papasok ng mall?" Tanong ni Cloe. Hindi ko siya pinansin dahil nakatulala ako sa lalake na naglalakad papunta sa lugar namin.
"Hoy!Natulala ka na naman diyan." Sabi ni Cloe. Pero Wala na akong narinig dahil na kay Gabriel na ang buong attention ko. Na nasa harapan ko na ngayon. Nagkakagulo ang lahat may sinasabi ang announcer pero parang hindi ko naririnig. Nakatulala lang akong nakatingin sa kanya, habang kumakaway siya sa mga tao. Kaya nagulat ako ng hilahin ako ni Cloe at iabot sa akin ang hawak niyang pabango saka dinala ako sa harapan. Ng lumingon sa akin si Gabreil at titigan niya ako natauhan ako. Aktong aalis na ako ng hawakan ako nito at akbayan. Nagkislapan ang mga kamera sa paligid namin. Pulang pula ako ng iabot niya sa akin ang litrato na may pirma niya. Saka ngumiti ito sa akin. May sasabihin pa sana siya kaso hinawakan na ako ng isang babae at inaya ng bumaba sa stage. Pagbaba ko sinalubong ako ni Cloe.
"Besty, hoy! Okay kalang?" Tanong nito sa akin ng lapitan ako.
"Ang gwapo gwapo niya talaga besty." Sabi ko na natulala. Habang naglalakad kami, hindi parin ako makapaniwala na nakaharap ko siya ng personal.
"Hala, natulala na siya." Sabi ni Cloe na natatawa sa akin.
"Sabagay ang gwapo naman talaga niya. Kahit ako nga kinilig din sa kanya no." Sabi niya sa akin.
Hangang kinabukasan hindi parin ako maka move on sa nangyari.
"Naku ninang kung makikita niyo lang siya. Ang gwapo gwapo niya talaga." Sabi ko habang nagaalmusal kami. Kakarating lang nila galing ng Bar.
"E di tuwang tuwa ka pala kahapon at nakaharap mo ang Idol mo?" Sabi ni Mamita na nangingiti sa akin.
"Halata naman hindi pa nga natutunawan hangang ngayon. Sabi ko naman sayo. Anak pag nandito kana sa maynila makikita mo na yang Idol mo. O diba tama ako." Sabi ni ninang Betchay. Ngumiti ako sa kanila. buong maghapon ko lang tinitigan ang litrato amin ni Gabriel.
*****GABRIEL POV#*****
Nagkaroon kami ng Mall tour. Dahil sa bagong teleserye na pinagbibidahan ko at para narin ang pabango na iniindorso ko na hawak ng company namin.
Pagpasok namin sa Mall pinagkaguluhan na kami ng tao.Dumeretso kami sa stage. Nagsalita ang annnoucer. Kung sino ang bibili ng Splash na pabango ay libreng magpa picture kasama ako. Kaya nagkagulo ang mga tao.
Busy ako sa pagpirma sa mga litrato. Ng biglang may tinulak na babae papunta sa harap ko. Nakita ko na nagulat ito ng makita na nasa harap ko na siya. Natulala ako sa kanya. Ng aktong aalis na ito agad kong hinawakan ito at kinabig saka inakbayan. Nagkislapan ang kamera. Kinuha ko ang picture namin saka pinirmahan at inabot sa kanya. Ng tatanungin ko na sana ito kung ano ang pangalan niya. hinila na siya ng organizer pababa ng stage. Hahabulin ko sana siya kaso sinalubong ako ng maraming fans. Kaya tinawag ko ang isang alalay ko.
"Sundan mo yung babae na yun at kunin mo ang name and phone number niya." Sabi ko dito. Saka tinuro ang dalaga na palabas na ng Mall.
"Nakuha mo ba ang pinakukuha ko?" Tanong ko dito. Ng bumalik ito.
"Sorry Boss, Hindi ko na po sila naabutan." Sabi nito habang kumakamot sa ulo. Inis na tiningnan ko to.Dismayadong dismayado ako.
Habang nasa sasakyan. Hindi malis alis ang itsura niya sa utak ko. Hindi ko alam kung bakit. Pinagmasdan ko ang litrato namin na hiningi ko sa organizer.
"Napaka ganda niya kahit simple lang siya." Bulong ko habang tinitingnan ang larawan. Saka wala sa sariling napangiti.
*****JHANINA POV#*****
"Grabe.Beest! Ang taas ng nakuha mo na score sa exam mo iniwan mo sa ere Ang mga kasama mo na nagexam." Tuwang tuwa na sabi ni Cloe. Mukhang mas masaya pa siya sa akin.Sa bagay hindi mo naman masisi kong bakit masaya si Cloe ngayun. Kasi siya din ay nanguna sa exam nila. Hindi naman nakapag taka yun pumapangalawa siya sa akin nung graduation namin at kahit ako naman ay hindi rin makapaniwala sa score ko sa exam. Ang layo ng agwat ng score ko sa mga kasama ko na nag exam sa HRM department.
"MAKINIG KAYO...LAHAT NG TATAWAGIN KO PUMUNTA SA HARAP KO." Malakas na sabi ng babae na mataba sa may hagdan. Sabay sabay naman kaming napalingon sa may hagdan, kung Saan dun namin narinig na may nagsalita. Agad na nagsi tahimik at nakinig sa tatawagin na pangalan ng babae.
"JHANINA MONROE..FROM HRM DEPARTMENT...LUI ACOSTA..FROM ENGINEERING DEPARTMENT....DAVE SALVASION FROM BS MANAGEMENT DEPARTMENT... RACHEL DE GUSMAN FROM TOURISM DEPARTMENT...AND FRANCESCA DEVERA FROM BSID DEPARTMENT." Malakas na bigkas sa pangalan namin ng babae na nag announced ng pangalan. Agad kaming pumunta sa harap at sumunod sa babae na nag announced ng pangalan namin.
Nakarating kami ng second floor at huminto sa harap ng pinto sa dulo ng hall way. Mahinang kumatok ito saka binuksan ang pinto.
"Mam nandito na po sila.". Mahinang bigkas ng babae na kasama namin sa kausap niya.
"Papasukan mo sila.". Mahina ring sagot ng kausap niya.
"Pumasok na kayo." Sabi niya sa amin at umalis na. Pagpasok namin nakita namin ang isang may idad na babae.
"Sit down.." Mahinahon na bigkas nito sa amin kaya nagsi upo naman kami.
"I'll call you because you got the highest score in exam that we gave. So that means you got the scholarship." Mahinahong sabi ng kausap namin na nakaupo sa upoan nanasa likod ng lamesa na nasa harap namin. Tuwang tuwa kami lahat sa narinig. May pina fill-upan siya sa amin. Bago kami umallis. Tuwang tuwa kami ni Cloe habang pauwi.
****************
Pinasyal ako ni ninang bechay pag dating ng lingo.
Habang naka sakay kami ng jeep papuntang maynila. Marami ang sumasaging tanong sa aking isipan.
"Ano kaya ang naghihintay sa akin dito sa maynila? Maganda kaya ang magiging kapalaran ko dito sa maynila." Natatakot na bulong ko sa aking sarili. Sa totoo lang kasi ngayun lang ako iginala ni nila ninang dito sa maynila.Tanging ang ateneo lang ang alam ko na lugar kasi malapit lang sa amin. Sabi nila napaka laki daw ng maynila at napaka ganda kaya lang marami din daw masasamang loob. Huminga ako ng malalim ng maisip ko yun.
"Wag kang mag alala Hindi kita pababayaan nandito ako sa tabi mo." Sabi ni ninang Betchay na kanina pa pala ako pinapakiramdaman sa tabi niya.
"Jhanina! Jhanina gising anak nandito na tayo sa baclaran." Sabi ng ninang Betchay ko habang ginigising ako. Nakatulog pala ako ng hindi ko alam. Andami ko kasing iniisip kanina.
"Ito naba ang sinasabi nilang baclaran." Bulong ko habang nililibot ang paningin. Napakarami ngang tao parang mga langgam kong titingnan mo.
"Humawak ka ng maigi sa akin anak at baka magka hiwalay tayo at mawala ka." Pag kasabi niya hinawakan ako ng maigi nito na parang takot na takot na maligaw ako. Sabagay pag ako lang naman talaga mag isa dito ay maliligaw talaga ako dito. Sabi ng isip ko. humawak na ako ng mahigpit kay ninang Betchay. Nagsimba muna kami at namili ng mga gamit ko sa school. Bago kami umuwi.
"Kumain kana muna at magpahinga sa kwarto."Sabi ni ninang Betchay at pumasok na sa kusina para maghanda ng pagkain. Dahil sabi niya nagluto daw sila Mamita bago umalis. Gabi na kasi kami nakarating dahil hapon na kami ng makaalis sa bahay kanina. Maliit lang ang bahay nila ninang. Gawa ito sa kahoy pati ding ding, may partisyon ang kusina at sala. May upuan na kawayan at may lamisa sa gintna na maliit gawa din sa kawayan. May TV sila na maliit at DVD. May maliit ding speaker. Maganda malinis ang bahay nila ninang kahit na nasa skwater erea ito. Sabi niya sa akin nung unang araw na dalahin nila ako dito sa lugar nila at bumaba kami sa tricycle na sinakyan namin. Kasi natakot ako ng pumasok kami sa skinita papasok sa tinitirahan nila. Maraming kasing nagiinuman mga walang damit na pang itaas. Sabi niya sa akin wag daw akong matakot sa kanila mababait daw yung mga yun. Tama naman siya kasi ni minsan walang bumastod sa akin. Kaya hindi na ako natatakot sa kanila ngayun.
Pumasok ako sa Isa pang kwarto. Dalawa lang ang kwarto dito. Yung isa si ninang Betty at ninang Betchay daw ang magkasama at dito naman sa isa si Mamita ang Kasama ko.
"Ilagay mo na yang gamit na binili mo diyan sa Isang aparador. Kasi yung gamit ni Mamita inlipat na niya diyan sa binili naming lagayan ng damit." Sabi ni ninang Betchay na ikinagulat ko. Kasi bigla na lang sumulpot sa likod ko. Tiningnan ko naman ang sinasabi niyang pinaglagyan ng damit ni Mamita. Nakita ko na plastic na makapal ito at style aparador.
"Ang galing. May ganyan na pala ngayun." Sabi ko na hindi makapaniwala sa nakikita ko.
"O pano magbihis kana at hintayin kita sa kusina para kumain." Sabi ni ninang Betchay at umalis na. Ang kwarto namin ni Mamita ay may Isang papag na may nakalagay na kutson sa ibabaw sa harap naman nito ang aparador at yung plastic na aparador na nilalagyan ng damit ni Mamita. Sa may aparador ko may lagayan ito ng mga pulbos, lotion, cologne at suklay. Sa may pinto naman nito may malaking salamin. Inayos ko na ang mga gamit ko at nag palit ng pambahay na damit saka lumabas na para pumunta sa kusina.
"Akala ko nakatulog ka na eh." Sabi ni ninang Betchay at inayos na ang pagkain namin." Pasensiya na po ninang inayos ko pa po kasi yung mga gamit ko sa aparador." Sabi ko at umayos na para kumain.
Pagkatapos naming kumain inako ko na kay ninang ang paglilinis ng pinagkainan namin at naghugas na rin ng kinainan namin. Pagkatapos nagwalis ng sahig na gawa sa kahoy pa din na may renolium. Pagkatapos pumunta na ako sa Sala naabutan ko si ninang na nanonood ng tv.
"Halika. Manood ka muna para matagtag ang kinain mo bago ka matulog." Sabi niya at hinila ang kamay ko para umupo sa tabi niya. Natuwa ako ng makita kung ano ang pinapanood niya. Si Gabriel kumakanta. Guest siya sa tv show na pinapanood ni ninang.
"Ang gwapo talaga niya kahit saang anggolo tingnan." Bulong ko.
"Hoy! Anot kinikilig ka diyan. Ah. Oo naalala ko na. Sabi nga pala ng nanay mo idol na idol mo daw yang si Gabriel. Kaya humihingi sa amin ng poster niyan at ibibigay niya daw na regalo sayo. Totoo nga dahil kinikilig ka diyan sa tabi ko na akala mo nandiyan sa harap mo yang taong yan," Mahabang litanya ng ninang ko.hindi ko napansin na kanina pa pala siya naka tingin sa akin nahuli niya tuloy ako na kinikilig kay Gabriel Anderson.Ewan ko naman ba pag nakikita ko kasi si Gabriel nawawal ako sa sarili ko.
Kinabukasan inayos ko na ang mga gamit ko na binili namin ni ninang Betchay. Bukas na kasi ang umpisa ng klase namin.
Kinabukasan sabay kami ni Cloe pumasok.Pagdating namin sa loob naghiwalay din kami. Kinakabahan ako sa unang Klase namin.
Tahimik lang ako sa klase namin hangang sa matapos ito. Magkaiba ang pagtuturo nila kesa sa high school.Ikaw ang pupunta sa room ng susunod na subject mo hindi ang teacher ang pupunata sa room mo.
Pagdating ng tanghali naabutan ko na may kaaway na naman si Cloe. Nilapitan ko ito.
"Kayo na naman ang magkaaway?" Sabi ko ng makita na yung lalake na naman na nakabuhos ng juice sa kanya ang kabangayan niya.
" Yung kasing lalaki na yun. Ang laki laki ng school Ewan ko kung bakit ito lagi ang nakakabanga ko." Maktol niya habang papunta kami ng Canteen. Natatawa na lang ako na tinitingnan siya na galit na galit.