Chapter 4

2097 Words
Mabilis na lumipas ang panahon ngaun ay second year na kami sa mga course namin ngayung pasukan. Kasalukuyang nagbibilang ako ng pera na natira sa ipon namin ni nanay. "Magkano na lang ang natitira sa pera namin ni nanay. Kailangan ko ng mapagkukunan ng pangastos ko. Bago pa maubos ito. Baka wala akong maibayad sa mga bayarin ko ngayung pasukan," Bulong ko.Bakasyon pa kasi namin. Naging mabilis ang araw hindi ko namalayan na matatapos na ang bakasyon at malapit na ang enrollmen ulit sa koleheyo.Kahit papano na sanay na ako dito sa maynila isinasama kasi ako lagi nila ninang. Araw araw kaming umaalis lagi nila akong pinapasyal sa luneta, sa Moa at marami pang lugar na dinalahan nila sa akin. Para daw masanay ako dito sa maynila. Kaya heto ako akala mo tuloy ang tagal ko na dito sa maynila at kilala na din ako ng mga kapit bahay nila pati na ung mga tambay. Umuwi muna si Cloe sa kanila nitong bakasyun. "Kumusta na kaya si Cloe tuloy pa rin kaya ang pagaaral niya dito sa maynila?" Bulong ko sa sarili ko. Ng maalala ko si Cloe matagal na pala na hindi tumatawag sa akin yun. Yung huli naming paguusap malungkot siya kasi nagkasakit daw yung tita niya na kukuha sa kanya para pag aralin ulit siya dito sa maynila. Kaya sabi niya hindi sigurado na makapag aaral pa siya dito sa maynila. Kaya parehas kaming malungkot ng matapos ang paguusap namin. "Hello? Hello? Sino to?" Tanong ko sa tumatawag. Hindi ko na tingnan kung sino kasi nagulat ako at nagising sa ring ng CP ko.Saka tiningnan yung relos na nakasabit sa ding ding ng kwarto ko. Alas singko ng umaga ang nakita ko dun. "Hello? Si Cloe to bruha. Bakit wala na ba akong number sayo at hindi mo alam ang number ko." Pagtataray na sagot nito.Saka ko lang naisip, oo nga pala hindi ko pala tiningnan kung sino ang tumatawag. "Sorry naman no. Kasi naaalimpungatan pa ako, nagulat kasi ako sa tawag mo. Ang sarap kaya ng tulog ko. Kaya hindi ko na tiningnan kung sino ang tumatawag. Bakit ka napatawag ng ke aga aga may nangyari ba?" Tanong ko na nagaalala. Nawala na rin ang antok ko. "Gaga! Wala namang masamang nangyari Noh. Tumawag lang ako sayo. Kasi hindi na ako makapaghintay na sabihin sayo na luluwas na ako mamaya ng maynila.. Beest." Tili nito. Nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko may masamang balita na ito.Pero ayos din masaya ako sa sinabi niya. "Talaga Cloe? Pupunta kana dito. Akala ko ba nagkasakit ang tita mo. Sino ang pupuntahan mo dito?" Sabi ko na na excite na din sa sinabi niya. Tuluyan ng nawala ang antok ko. "Magaling na ang tita ko. Nagpapahinga na sa bahay nila. Kaya tumawag kagabi at susunduin daw ako ng tito ko mamaya." Sabi ni Cloe. Na halata na tuwang tuwa, kung saang saan na napunta ang usapan namin. alas sais na ng nagpaalaman kami. Lumabas na ako ng kwarto ko. Nakita ko sila ninang na nagaalmusal. Hindi pa sila natutulog, ganyan lagi sila. Saka lang sila natutulog pag inantok na sila. Madaling araw ang dating nila. Kasi madaling araw na nagsasara ang bar na pinapasukan nila. "Oh! Ang aga mong nagising ah." Sabi ni ninang Betty sa akin. "Nagising kasi ako sa tawag ni Cloe. Kayo bat hindi pa kayo natutulog ninang." Sabi ko na nagtataka. Kung bat hindi pa sila tulog. Dati kasi pag dating ng alas sais tulog na ang mga ninang ko. "Hay..Ewan ko ba ganito na yata pag tumatanda ang bakla..Hindi na dinadalaw ng antok agad agad. Mag almusal kana may binili kaming palabok at pandesal kumain kana." Sabi nito at tinuro ang kusina. Pumunta naman ako dun at nag almusal. "Kailan ka pala magpapa enrol sa Ateneo? Si ninang Betchay mo na lang ang isama mo." Sabi nito na ikinagulat ko. Kasi bigla na lang tong nagsalita sa likod ko. Ang layo pa naman ng iniisip ko. Iniisip ko kasi kung saan kami pupunta ni Cloe. San ko ba siya dadalahin mamaya. "Ninang naman, nakakagulat ka naman." Sabi ko na hawak ang dib dib ko. "Ay! Loka..Ang bata bata mo pa may sakit ka ng nervous." Tili ng baklang ninang ko. Oh! Ano naloka din kayo no.Tama ang narinig niyo. Mga bakla ang mga ninang ko. Sila ang nagaalaga sa mga babae sa Bar. si Mamita ang bale humahawak sa mga babae sa Bar sila ninang Betty at ninang betchay naman ang taga ayos sa mga babae. "Ano ang sabi ng kaibigan mo? Dito daw ba siya mag aaral?" Mayamaya tanong ni Mamita. Habang hinuhugasan ang mga pinag kainan nila.Hindi na ako umimik. Kasi kahit sabihin ko na ako na ang maghuhuugas ng pinag kainan nila. Hindi din naman ito papayag. Dahil ang katuwiran nito. Hindi daw nila ako isinama dito para maging katulong nila.Isinama daw nila ako para mag aral. Kaya hindi na lang ako umimik. Nagpapasalamat na lang ako na may mga ninang ako na handang maging magulang ko. "Oo ninang. Sabay kaming magpapaenrol ni Cloe sa Ateneo at magkikita nga po kami mamaya. Kaya hindi napo kailangan na samahan pa po ako ni ninang Betchay, kaya na po namin" Sagot ko naman kay Mamita at tumango na lang ito. Saka nagpaalam na at pumunta na sa kwarto para matulog. ********* Mabilis lumipas ang mga araw malapit na ang exam namin. Ngunit wala parin akong naiisip na pagkukunan ko ng pera pambayad sa exam. Nahihiya naman akong humingi kayla ninang. Nakikitira na nga ako. Saka sila na nga ang bumili ng mga gamit at uniform ko. Kaya kailangan may gawin ako. "Ano yung pinagkakaguluhan nila?" Tanong ni Cloe sa nagkakagulong mga estudyante sa black board na nilalagyan ng mga announcement sa school. Dito dinidikit ang mga kaganapan sa school. "Hoy! Hoy. Hoy..Oh..Tama na, kami naman noh..Kanina pa kayo diyan." Malakas na boses na sabi ni Cloe. Kasalukuyang katatapos lang ng klase namin.Gumana nanaman ang pagiging siga nito. Kasi sa loob ng Isang taon namin dito sa school. Hindi kami nag papadaig kahit kanino man. Kahit sa mga mayaman na dito nagaaral sa school.Yung mga bullies na naabutan namin dito sa school hindi umubra sa amin. Kami pa hindi talaga kami nagpapaapak. Kaya Kilala kami dito sa school. Hindi lang sa pangunguna namin sa loob ng room namin. Hindi kami naalis sa pagiging scholar Ng skwelahan. Tiningnan ko na lang si Cloe na siniksik ang sarili sa maraming tao na nandun. "Kahit kailan talaga tong si Cloe hindi nagbago ang pagiging chismosa." Bulong ko sa sarili ko. Habang pinagmamasdan ang kaibigan ko na nakikipagsiksikan. "Hoy! Jhanina, sasali tayo dun ha. Ngayun lang nasali ang mga course natin diyan sa beauty contest dito sa school. First time daw na isinali ng head office ang mga course natin sa paligsahan na ganyan." Mahabang litanya ni Cloe. Katatapos ko lang sa taeKwon do subject ko at pauwi na kami. Kahapon pa niya ako kinukulit sa nabasa niyang announcement sa black board kahapon. Gusto lang naman niyang sumali kami sa beauty pageant na gaganaping dito sa school ngayung darating na buwan ng mayo. Dati kasi nung high school kami lagi kaming kasali sa pa contest sa school. Siya sa beauty pageant ako naman sa kantahan at parehas kaming nananalo. Pero ngaun iba to. Hindi pa ako sumali sa ganitong paligsahan. Kaya Hindi ako makasagot sa sinasabi ni Cloe. Kasi sa totoo lang kinakabahan talaga ako. "Ano kaba Cloe ang tagal pa nun. Saka na lang natin pagusapan yan. San tayo pupunta ngayun?" Pagiiba ko ng usapan para tigilan na ako ni Cloe sa topic na yun. "Sa Mall tayo may gusto akong bilihin dun." Sabi niya. Na excited ulit sa pupuntahan namin. Buti na lang nakalimutan agad yung sinasabi niya kanina. "Eto ang gusto ko. Dito ko lang kasi nabibili to eh. Ikaw ayaw mong bumili? Bumili kana alangan naman na ako lang ang bibili no!" Sabi ni Cloe na hawak ang Splash na cologne. Na paborito naming pabango. Sa totoo lang gusto ko ring bumili kasi mauubos na rin ang cologne ko. Kaso paubus na ang pera namin ni nanay na naipon namin. Kaya nga nagiisip ako na mag aplay ng part time job kaso Hindi ko alam kung saan ako magaaplay . "Hoy!.Hindi ka na kumibo diyan .. May problema ba?" Tanong ni Cloe. Na nagaalala sa akin. "Ha! Wala may iniisip lang ako." Sabi ko na napatingin sa kanya. "Hay. Akala ko kung napano ka na. Miss kukunin ko na tong dalawa." Sabi niya sa tindera. At lumakad na kami "Naaalala mo ba tong cologne na dala natin. Diba diyan ka nanalo na makapag pa picture kay Gabriel. Grabe sobrang kilig mo nun diba?" Sabi niya na nangingiti sa naalala niya. Napangiti ako Saka inaalala ang araw na yun. Dun nagsimula na naging paborito namin Ang pabango nato. "Oo. Naalala ko pa yun. Ilang araw kaya ako na hindi naka tulog sa kakaisip nun. Alam mo ba na lagi kong tinitingnan yung picture namin. Bago ako matulog." Sabi ko pa. At muling inalala yung mga nangyari nun at napangiti ako. Sobra talaga akong kinikilig. Nung time na yun hindi ko nga alam kung pano kami nakalabas nun ng mall.Basta lutang ako nun. ******GABRIEL POV#******* "Ano nakita niyo na ba ang pinahahanap ko sa inyo?" Irritable na Tanong ko sa assistant ko. "Hindi pa po namin nakikita siya sir. hinanap na namin siya. Pinahahanap ko narin po sa embistigador natin sir." Sagot ng assistant ko . Lalo lang nainis ako sa sagot ng assistant ko. "All of you leave!....Leave me alone." Sabi ko na galit na galit. Isang taon ko ng pinahahanap siya. Hindi ko na nakalimutan siya, magmula ng araw na yun. Hindi ko alam kung bakit At ano ang nakita ko sa kanya..Bakit hindi siya maalis sa isipan ko." Sabi ko sa sarili. Malalim akong nagiisip habang pinagmamasdan ang picture na hawak ko. Ng biglang nag ring ang CP ko. "Hello. Bakit ka napatawag Fe may problema ba?" Tanong ko sa kausap ko sa CP. "Walang problema Gabriel, ipapaalala ko lang sayo na uumpisahan na ang shooting ng bago mong pilikula sa lingo." Sabi ng manager ko. "Oo. Hindi ko nakakalimutan yun. May kailangan ka pa bang iba? Kung wala na ibaba ko na to. Dahil marami pa akong ginagawa. Pasensiya na." Walang ganang sabi ko sa Manager ko. "Sige na wala na akong kailangan pa Gabriel." Sabi naman ng manager niya. Na sanay na sa kanya..Na laging nagmamadali kapag kausap niya at laging seryoso. "Gabriel Ikaw na muna ang humawak sa pageant na gaganapin sa napili nating School na kukuhaan natin ng model natin sa Sanmig liquor." Sabi ng Papa ko. Habang kumakain kami. Inanyayahan niya ako na dito sa bahay namin mag dinner kasi may sa sabihin daw siya sa akin na importante. Kaya dito ako nagdinner ngayun. Yun pala yun. "Bakit naman si Gabriel pa ang pinahawak mo diyan. Pwede naman yan gawin ni Vivian na assistant mo." Sabi ni mama. Na nagagalit kay papa. Ayaw na ayaw talaga ng mama ko na lalapit ako sa mga babae na mababang klase. Hindi daw ako bagay sa mga ganung babae. Kaya tutol na tutol ito ng magartista ako. Pero wala siyang magawa kasi gusto ko yun at Isa pa malaking tulong sa kompanya namin ang pagiging sikat kong artista. Dahil nakikilala din ang negosyo namin dahil sa akin. "Haaay! Ayan ka na naman Veronica. Alam mo naman na hindi pumapayag ang mga client natin. Na hindi tayo ang pipili sa model natin. Kaya nga nila nagustuhan ang prudukto natin dahil sa pag pili natin ng Model. Alam mo naman na may kailangan akong gawin sa Switzerland. Kailangan ako dun ng ilang buwan para magsaayos ng pinapatayo natin dun." Mahabang paliwanag ni papa . "Ma. Ok lang yun wala naman akong gagawin sa susunod na buwan." Sagot ko sa kanila. Tumingin na lang sa akin si mama at hindi na umimik. Tinanggap ko na yung pinagagawa ni papa. Para matigil sila sa pag tatalo. "O pano ma, pa. Aalis na po ako pasensiya na marami kasi akong ginagawa ngayun sa opisina. Pasensiya na po talaga." Pagkatapos kong magpaalam umalis na ako.Nagtayo din kasi ako ng sarili kong negosyo. Nagproproduce ako ng pilikula. Kilala din ako bilang producer. Kinabukasan busy ako sa taping namin sa bago kong pilikula. Na ako din ang producer. "Wala ka talagang kupas Gabriel. Siguradong pipilahan na naman tong pilikula mo." Sabi ng derektor namin. Nginitian ko lang siya. Saka nagpaalam na. Dahil kailangan ko pang asikasuhin yung pageant na pinaasikaso sa akin ni papa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD