******JHANINA POV#*****
"Ninang sige na. Payagan niyo na ako.
Part time lang naman..Ninang sige na payagan niyo na ako." Pangungulit ko kay Mamita na mag part time ako na singer sa bar na pinagtatrabahuan nila. Kasi narinig ko na may problema siya sa singer nila. Absent ng absent ito.
Kaya nakakita ako ng pagkakataon na magiging sagot sa problema ko. Mauubos na kasi yung ipon namin ni nanay. Kaya kailangan ko nang pagkukuhanan ko ng panggastos ko.At Isa pa malapit na ang Exam namin. Ayaw ko naman kasi na humingi kayla ninang nahihiya na ako.
"Hay. Naku kang bata ka. Sinabi ko naman sayo na kami na ang bahal sa mga gastusin mo at sa baon mo araw araw. Bakit ba pinipilit mo pa na mag trabaho sa Bar. Alam mo ba kung anong klaseng lugar yun. Hindi ka na babagay dun." Sabi ni Mamita. Hindi niya talaga gusto ang hinihingi ng inaaanak niya. Ayaw niya na yan ang sumira sa pagkatao ng inaanak. Kaya nga pinilit ni Ellena na pagaralin ang anak. Humingi ito ng tulong sa kanila sa pagaaral nito. Para maiba ang takbo ng buhay ng anak niya, Ng hindi ito magaya sa kanya at alam nila yun. Tapos ngayun hinihiling ng inaanak nila na ipasok siya sa Bar na ayaw ng balikan ng nanay niya.
"Ninang hindi naman ako magtatrabaho ng iba dun. Tanging kanta lang ako. Tapos uuwi na pagkatapos kong kumanta. Saka nandun naman kayo na magbabantay sa akin eh. Ninang sige na malaking tulong din yung magiging sahod ko dun sa mga panggastos ko." Pamimilit ko. Dahil ayaw ko talagang iatang na lang lahat ng pangangailangan ko sa mga ninang ko, Nahihiya talaga ako at pagkatapos tumingin ako sa dalawang ninang ko. Humihingi ako ng tulong sa mga ito na mag paliwanag kay Mamita. Tumingin naman sa akin ang mga ito na para bang nahihirapan din sa paguusap nila ni Mamita.
"Mamita payagan na natin ang bata kesa naman sa iba yan magtrabaho na hindi natin makikita, atleast diyan nakikita natin at nababantayan" Sabi ni ninang Betchay. Sandali lang naman siya dun. Magpapalitan lang sila ng oras ni Rich. Wag kang magalala ako ang personal na magbabantay sa kanya sa Bar.". Sabi ni ninang Betchay na hindi na kinaya ang tingin ko.
"Oo nga naman Mamita. Kakanta lang naman siya dun wala ng iba at Isa pa mabibigyan mo pa ng leksiyon ang alaga mo na matigas ang ulo. Maganda naman ang boses ng inaanak natin, mas maganda pa nga sa boses ng alaga mo."
Sabi naman ni ninang Betty ko. Na tumulong narin sa akin sa pangungumbinsi kay Mamita.
Itong dalawang ito ang hindi nakakatiis sa kanya, Kaya lagi niyang kakampi sa lahat ng bagay. Tiningnan ng masama ni Mamita ang dalawa. Tumahimik naman ang dalawa.
"Isa pa kayong dalawa, kinampihan niyo nanaman ang batang yan. Sigurado kayo na mababatayan niyo yan, nakikita naman niyo na hindi basta basta ang mga tao na pumupunta dun." Sabi ni Mamita sa dalawa At tumingin naman ako sa kanila.
"Sigurado." Sabay na sagot ng dalawa. Sabay kindat sa akin. Na ikinatawa ko Naman. Sa wakas tapos na ang problema ko. Salamat sa dalawang ninang ko.
Kinagabihan isinama na nila ako.
Ng dumating kami sa Bar na sinasabi nila ninang na pinagtatrabahuan nila.Madilim dito at napaka rami ng tao. May mga naka uniform pa sa office meron namang naka formal na damit. Yung iba naka tuxedo pa halatang mayayaman ang mga tao dito. Tama ang Mamita ko hindi basta basta ang mga tao dito. Kaya kinabahan ako. Lihim akong napalapit sa mga Ninang ko.
Pagdating namin sa loob may nilapitan si Mamita sa may Isang upuan na lalaki at itinuro ako.Tumingin ito sa akin maya maya tumango lang naman ang lalaki ni hindi nga nagaksaya na lapitan ako.
Pagkatapos lumapit sa amin si Mamita.
"Pwede ka na daw mag umpisa. Titingnan niya kung magustuhan niya ang boses mo." Sabi ni Mamita sa amin.
"Ay, hindi siya mapapahiya. Maganda kaya ang boses ng inaanak natin. Baka nga pati ung mga director dito humanga sa boses ng inaanak natin." Sabi ni ninang Betchay at kumindat pa sa akin. Natawa na lang ako.
"O..Pano dadalahin ko na sa likod ng stage si Jhanina para ayusan at Ng magumpisa na siyang kumanta. Wala nanaman kasi ang alaga mo." Sabi ni ninang Betchay.
"Sige kukuha na ako ng mga request na kanta." Sabi naman ni ninang Betty.
"Sige. Ingat anak." Yun na lang ang nasabi ni Mamita. Kasi sa totoo lang kinakabahan siya para sa inaanak. Alam niya na maganda ang boses ng anak at maganda din ito. Hindi mo mapapag kamalan na hindi ito lumaki sa maynila. Dahil sa angking ganda ng inaaanak nila.Kaya siya kinakabahan dahil siguradong may magkakagusto dito na costumer nitong Bar.
"Mama Betchay ano ang ecocode name namin sa kanya." Sabi ng lalaki na galing sa taas ng stage.
"Jenny..Yan ang pangalan niya. Na sabihin mo." Sabi ni ninang Betchay.
"Jhanina anak wag kang kakabahan ha..Yakang yaka mo yan anak." Sabi ni ninang Betty na nandito rin sa tabi ko. Parang akala mo naman lalaban ako sa paligsahan ng kantahan kung maka suporta sila sa akin.
"Ladies in gentle men I would like to introduce to all of you. Our new singer in Heaven...Jenny.." Narinig namin ang pagtawag sa pangalan ko. Kaya umakyat na ako sa stages.
Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ako nagsalita. Hindi naman bago sa akin to sanay na naman ako dito dahil dati akong lumalaban sa paligsahan ng kantahan sa lugar namin.
"Hi..I'm Jenny I'm new singer of this Bar..This is my song..please enjoy." Sabi ko bago ako kumanta.
***You are the song***.
****Plying so sofly in my heare****
****I reach for yuo sim so near yet.**
***So far*****
Nagpalakpakan ang mga tao na naroon. Ng matapos ko ang kanta ko tuwang tuwa ang mga ninang ko.
Sunod sunod ang mga request na kanta.Buti na lang at mga alam ko ang mga kanta na nererequest nila. Kaya nakakantan ko.
"Mamita marami ang nagrerequest na maitable si Jenny." Sabi ng waiter kay Mamita.
"Ano ba ang sabi ko. Diba hindi nga pwedeng itable si Jenny dahil part timer lang siya at bata pa." Sabi ni Mamita na nagalit sa nangungilit na waiter.
"Pero..M.Mamita..N..Nagagalit Po..S.Sila eh.." Nauutal na sagot ng waiter kay Mamita.
"Sabihin mo kung gusto nila ako ang kausapin nila." Sabi na naman ni Mamita sa waiter. Alam niya na mangyayari ito. Kaya naka handa na siya dito.
"Whoo..Mamita andaming nangungilit na itable ang inaanak mo. Na mga kaibigan ko. Pero dahil sinabi mo wala akong pinayagan sa kanila." Sabi ni Marco.si Marco ang may ari ng Bar.
"Salamat Marco..Alam ko na mangyayari ito. Makulit lang ang batang yan kaya pumayag ako."Sabi ni Mamita ng lapitan siya ni Marco sa tabi ng bar.
"Ikaw pa eh..Malakas ka sa akin." Sabi ni Marco na tumawa at tumawa na rin si Mamita
"Pero sa totoo lang ang ganda ng boses ng inaanak mo gusto nga siyang makausap ni Mr Rodrigo yung producer at writer ng kanta. Ano Mamita payagan mo ba? Mukhang nagustuhan nito ang boses ng inaanak mo." Sabi ni Marco na tinatanong si Mamita.
" Tanungin ko muna ang inaanak ko kung gusto niya ba pumasok sa ganyan. Ayaw ko pangunahan ang anak ko." Sagot ni Mamita kay Marco
"Ano Jhanin? Ano ang sagot mo gusto ka daw makausap ni Mr Rodrigo."Sabi ni Mamita sa akin. Nasabi na nito kagabi paguwi namin. Yung napagusapan nila ni Marco. Nauuna Kasi akong umuwi sa kanila. Kasi hanggang nine lang ako ng gabi at papalit na sa akin si rich. Yung singer talaga sa Bar.
"Ayoko muna ninang kasi gusto ko munang mag focus sa pag aaral ko." Sagot ko kay mamita at tumango lang siya. Pagkatapos umalis na ako para pumasok na sa school.
"Ano umayaw ka bakit? Sayang naman Jhanina.Makikilala ka na noh " Sabi ni Cloe na hindi makapaniwala sa sagot ko kay Mamita. Nung sinabi ko sa kanya yung sinabi ni Mamita sa akin.
"Ano ka ba Cloe hindi porket kausapin na ako ng tao magiging sikat kana."sagot ko sa kanya.
"Ganun na rin yun. Kaya ka nga kakausapin para kuhanin ka niya na singer eh." Sabi na nanaman niya.
"Hay. Kahit ano pa yun. Buo na ang desisyon ko. Basta gusto ko munang mag focus sa pagaaral ko." Sagot ko sa kanya.at nagumpisa ng humakbang para lumabas sa school. Pauwi na kami.at wala ng nagawa pa si Cloel kundi huminga ng malalim. Dahil sa panghihinayang alam naman niya na kapag nagdesisyon ako hindi magbabago yun.
*******
"Bilisan mo Jhanina marami ng nakapila dun."Sabi ni Cloe na nagmamadali at hinila na ako sa hagdan.
Alam niyo ba kung bakit kami nagmamadali. Well wala lang naman pinipilit lang naman ako ni Cloe na magpalista sa gaganaping beauty pageant sa school. Kasi sa susunod na linggo na yun. Wala daw siyang Kasama.
"Ano kaba Cloe, Hindi ko talaga kakayanin sumali diyan." Sabi ko dito.
"Ganito na lang. Isipin mo yung mapapanalunan mo dito. Malaki kaya yun. Pag nanalo ka mababayaran mo na agad yung Exam natin. Diba kulang pa ang pera mo na naiipon. Sa susunod na din kaya ang huling lingo na binigay ng Dean sa mga hindi pa nakakabayad ng exam." Sabi ni Cloe napaisip ako. Tama siya. At totoo ding kulang pa ang pera na kinita ko sa Bar. Para pambayad sa Exam kaya nga ilang gabi na akong nagiisip kung ano ang gagawin ko at kung saan ako kukuha ng pera para makabayad na ako ng Exam ko sa susunod na lingo.Kasi yung natitirang Pera namin ni nanay binayad ko sa bagong uniform na kailangan namin para sa pagluluto. Kaya yung kinikita ko na lang sa Bar Ang hawak ko.E ilang gabi pa lang ako na kumakanta kaya kulang pa ang hawak ko na pera pambayad sa exam. Huminga ako ng malalim.
"Sige ngayun lang naman ito." Bulong ko sa sarili ko. Saka pumayag na ako kay Cloe. Kaya naman ngumiti ito agad at hinila na ako. Nagpalista na kami at sumali sa audition. Sobra ang kaba ko.
Sa awa ng diyos Isa kami sa pumasa.
***********
"Jhanina Buti dumating ka na alam mo bang kanina pa nakukulitan si Mamita diyan sa mga costumer. Lalo na kay Aries kanina pa nangungulit na payagan ka na maitable ."Sabi ni ninang Betty sa akin. Pag labas ko sa dressing room. Pauwi na ako katatapos lang ng oras ko. Mag Iisang lingo na ako diito, Pero marami parin ang nangungulit kay Mamita. Lalo na yang Aries na yan ang kulit. Tiningnan ko lang si Mamita na nakikipag usap sa makukulit.
"Ninang uwi na po ako, paki sabi na lang kay Mamita." Sabi ko kay ninang Betty kasi nagpaalam na ako kay ninang Betchay na busy sa pagaasikaso sa mga babae na alaga nila. Tumango naman si ninang Betty.
"Sige ako na ang magsasabi sa kanya na umuwi kana. Ako na rin ang bahala sa mga bulaklak na binigay sayo." Dagdag na sabi ni ninang Betty sa mga bulaklak na binigay sa akin gabi gabi ng mga costumer ng bar. Minsan may Kasama pang chocolate.at hinatid na ako sa labas ng Bar kung saan naghihintay si Mang Bert yung kapitbahay naming taxi driver na taga sundo at taga hatid sa kanila. Na ngayun siya na ring tagahatid sa akin tuwing uuwi ako ng gabi. Dahil natatakot si Mamita na may kumidnap sa akin sa mga makukulit na costumer.
Tiwala si Mamita kay mang Bert Kasi maraming mga Kasamahan si Mang Bert sa labas.
Minsan nga noong bago pa lang ako may nag tangka talaga sa akin na makulit na costumer. Inabangan ako sa likod kung Saan ako dumadaan pag pauwi na ako. Buti na lang at handa si Mang Bert at nabugbug ang costumer nayun at nakulong. Kaso naka laya din kasi mayaman. Pero hindi na siya nakabalik sa Bar dahil hindi na siya pinapapasok ni Marco at kinausap pa siya na pag uulitin niya pa yun ito na ang makakaharap niya. Natakot ang costumer na yun at Hindi ko na nakita pa.Hindi na naman na sundan yun. Dahil magmula nun pina babatayan na ako ni Marco sa mga bouncers niya pag pauwi hangang makasakay ako sa taxi ni Mang Bert.