Naging abala sila Mamita sa pagaasikaso sa akin. Nandito kami sa Isang room dito sa school. Inaayusan ako ni ninang Betty. Ngayun kasi ang araw ng beauty pageant sa school. Nilista talaga ako ni Cloe dahil wala daw siyang kasama. Pumayag na ako dahil kailangan ko din ang matatangap ko dito sa pacontes na ito. Lalo na at sa lunes na ang huling araw ng bayaran ng Exam.
Nagumpisa na kaming pumunta sa likod ng stage at Isa Isa kaming tinawag.
"AND FOR THE HRM DEPARTMENT...MISS JHANINA MONROE." Narinig kong tinawag ang pangalan ko at umakyat ako sa stages na kung saan maririnig mo ang malalakas na palakpakan at nasa ibaba ang mga hurado ng patimpalak nato.
"Hi! My name is Jhanina Monroe from the HRM department.
Na naniniwala sa kasabihang the broom is sturdy because it's strands are tightly bound. Because I believe that all trials come to a family. They can and will be overcome as long as the whole family is together and united.." Sabi ko at naglakad na papunta sa mga candidates. Nagpalakpakan ang mga tao. Nakasuot kami ngaun ng swim suit Kaya ilang na ilang ako. Ngayun lang kasi ako nagsuot ng ganito.
"Ok..Ladies thank you." Sabi ng mc ng event nato at nagsilabas na kami ng stages
" There it is, The talent of the Ladies." Sabi ulit ng MC at Isa Isa ulit kaming tinawag. May nagsayaw kagaya ni Cloe nagsayaw siya ng ethnic danc. may mga kumanta. at kung ano ano pa.
"Please welcome Miss JHANINA MOROE singing the song NOW I DONT NEED THE WINGS TO FLY." Narinig kong sabi ng MC sa stages kaya umakyat na ako. Nakasuot ako ng long dress na kulay itim. Sleeveless ito na lampas sa may paa ko. Kahit naka heels pa ako. Kaya hawak hawak ko to sa takot ko na matapakan ko ito.at madapa ako. Fit ito sa akin kaya kitang kita ang kurba ng katawan ko.
"Hi! Good evening to all of you." Sabi ko bago ako kumanta.
....I let my soul fall into you.....
...,.......I never thought.......
.......I'd fall right through.....
......I fell every word you said...
.......you made me fell.....
... That I needed you...
.....and forced my heart..
. ....to think it's true..
......but I found........
....I'm powerless with you...
..........,...Now I.............
....... don't need your wings to fly....
........No.i don't need a hand...
.....to hold in mine this time....
"Thank you Jhanina." Sabi ng Mc ng matapos akong kumanta at nagpalakpakan ang mga tao.
"And now, we will go to the question and answer portion. To our ladies for tonight." Sabi niya ulit. Ng Nakabalik na kaming lahat sa mga pwesto namin.
Tinawag na kami isa isa. Nasa likod kami ng stage. Pero ng tawagin si Cloe. At marinig ko ang boses ng nagtanong sa kanya biglang bumilis ang pintig ng puso ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Gabriel yun kahit hindi pa ako tumingin. Nakita ko na kinikilig ang mga kapwa namin contestant na nakasilip. Kaya ng tawagin ako ang lakas ng kaba ko. Umakayat ako ng stage.
"Hi! Miss Monroe, Ano ang pakiramdam na kasama ka sa napili na magic five?" Tanong ng mc sa akin ng lapitan ako.
dahil Lima na lang kami na natira at sa question and answer malalaman kung sino ang mananalo sa amin.
"I feel happy." Sagot ko dito. Hindi ako tumitingin sa ibaba ng stage. ayaw kong makita siya ngayun dahil lalo akong kakabahan. Ngumiti ang mc sa akin.
"Thank you Miss Monroe. Now. I would like to call Miss Celeste Rivas for the question." Sabi ng Mc. Tumayo si Celeste. Ang ganda ganda nito sa suot na damit na spaghetti strap na dress na kulay gold. Nagpalakpakan ang mga tao. Napilitan akong tumingin sa harap nakita ko si Gabriel nakatitig sa akin. Nasa tabi siya ni Celeste. Kinabahan ako agad.
" Okay! Miss Monroe, If you were to become a famous model what kind of model would you be and why?" Tanong niya sa akin. Saka umupo na ito.
" Thank you for your question Miss Rivas. if I'm going to be a famous model, I have no choice but to model anything as long as it doesn't insult my character and it's dignified, it's fine with me.
because for me I wouldn't be a famous model if I was a picky and delicate model. Thank you." Sabi ko saka yumukod.
"Thank you Miss Rivas, Thank you Miss Monroe." Sabi ng mc.Bumaba na ako
" Grabe best ang galing mong sumagot ah." Alam mo ba na kinabahan ako dahil si Celeste Rivas ang nagtanong sayo" Sabi ni Cloe sa akin.
"Ako nga rin e" Sabi ko sa kanya.
Ngayun tapos na ang lahat na dapat naming gagawin. Iaannounce na kung sino ng mananalo ngayung gabi bilang miss Ateneo queen.
Kinakabahan ako hindi ko alam. Hindi naman ako ganito sa mga nakaraang pacontes na sinalihan ko. Pero ngayun parang hinahalukay ang bituka ko sa sobrang nervous ko.
Tinawag kami isa isa para rumampa sa stage. Pagkakatapos naming rumampa pupunta kami sa gilid. Maya maya.Tinawag na ang second and first runner up. Natawag narin si Cloe bilang second runner up. Ngayun tatawagin na ang miss Ateneo queen.
" LADIES AND GENTLEMEN AUR MISS ATENEO QUEEN.....MISS JHANINA MOROE.!!" Nagulat ako ng tawagin ang pangalan ko at Nakita ko na nagtatalunan ang mga ninang ko.
Lumakad ako papuntang harap.
"I Would like to call MR.GABRIEL ANDERSON TO PUT THE CROWN ON MISS JHANINA. MONROE" Sabi Ng mc na ikinagulat ko. Tama ba ang narinig ko si Gabriel ang mag papatong ng corona sa akin.. Grabee! Hihimatayin na yata ako. Ayan na siya ang pogi pogi niya talaga." Tili ko sa isip ko. Ang gwapo niya lalo ngayung nandito na siya sa harap ko. Ang gwapo niya lalo pag malapit siya.
"Aahm. Congratulations miss Monroe." Sabi ni Gabriel na nangingiti dahil sa pagkatulala ko sa kanya at inilahad ang kamay niya para kamayan ako.
Nagulat ako ng magsalita si Gabriel sa harap ko nakatulala pala ako sa kanya. Hindi ko tuloy naintindihan ang sinabi niya.
"Ha?" Sagot ko na namumula na ako sa kahihiyan dahil hindi ko siya naintindihan. Ngumiti lang naman siya at kinuha ang kamay ko saka kinamayan ako. Saka ko lang naintindihan.
"Graaabee. Ngumiti siya sa akin..Ayiiii.!" Kilig na kilig ako. Kaya hindi ko namalayan na nakababa na ako sa stages. Kaharap ko na sila ninang at sila Cloe. Andami nilang sinasabi pero hindi ko naintindihan basta. Busy ang utak ko sa kakaisip kay Gabriel.
"Hoy! Lutang ka nanaman at nakaharap mo yung crush mo." Sabi ni Cloe na hindi ko parin naintindihan.
"HOY! JHANINA..GUMISING KANA." Sigaw ni Cloe sa tenga ko. Saka lang ako nagising.
"Aray ko naman Cloe natanggal ata ang utak ko sa sigaw mo." Sabi ko dito.
"Pano nawawala na naman ang utak mo. Pinabalik ko lang." Sabi niya na nakataas ang kilay.
"Ano ba kasi ang sinasabi mo. Nag moment ang tao eh, istorbo ka." Sabi ko din na nakabusangot.
"Sabi ko na nga e. Tama ako diba.Na pagkalaban kita sa pageant tiyak na matatalo ako. Kasi mas maganda ka sa akin..Ayaw mo lang maniwala." Sabi niya na nakangiti na at siniko ako. Nilingon namin sila ninang na busy parin sa pakikipag usap sa tita ni Rachel.
*******GABRIEL POV#******
Nakahanda na ako papunta sa school na pag gaganapin ng beauty pageant na kung saan ako pipili ng magiging Model namin. Nagpapasundo sa akin si Celeste Tinawagan din ako ni Mama. Alam ko kung bakit naging Horado si Celeste dahil kay Mama. Gusto niya na bantayan ako ni Celeste. Kaya napahinga na lang ako ng malalim.
"Good evening po Mr. Anderson nasa loob na po sila sir." Sabi ng punong guro ng skwelahan na siyang sumalubong sa akin
"Anong oras magsisimula." Sabi ko na ngaun palang ay parang naiinip na ako. wala talaga akong hilig sa mga ganitong gawain. Kung hindi lang si Papa hindi ako pupunta dito.Kumapit na sa braso ko si Celeste. Hinayaan ko na lang siya.
"Maguumpisa na po Sir, Ma'am." Sabi Ng punong guro na medyo nailang kasi masyadong seryoso ang mukha ko ni hindi man lang ako ngumingiti. Ganun talaga ako. Nakupo na kami ni Celeste. Nagumpisa ng tawagin ang mga contestants.
"PLEAS WELCOME MISS JHANINA MONROE." Narinig kong tawag ng MC sa stage. Kaya walang gana akong tumingin sa harap. Laking gulat ko ng makita kung sino ang tinawag ng MC.
"S.Siya B..Ba talaga yan ang ganda niya." Bulong ko na hindi makapaniwala. Ang tagal ko ng pinahahanap siya dito ko lang pala makikita. Nagkainteres na ako sa pinapanood ko.
"PLEAS WELCOME MISS JHANINA MONROE. TO SING NOW I DON'T NEED YOUR WINGS TO FLY." Sabi ng MC.at narinig ko na lang siya na nagsalita at umibabaw na ang boses niya sa boong lugar na pinagdadausan ng paligsahan.
Hindi ako makapaniwala. Hindi lang siya maganda ang ganda pa ng boses niya. Lalong nakuha ng babaeng to ang pansin ko.gusto ko siyang nakilala pa.
Kinabahan ako ng magrequest si Celeste na siya ang magtatanong dito.
"Nakita niya ba na Nagkainterest ako Kay Miss Monroe. Sana hindi." Bulong ko. Napangiti ako sa naging sagot nito sa tanong ni Celeste. Nakasimangot si Celeste kasi tinamaan siya doon. Dahil napaka Arte nito at napaka selan. Kung Hindi lang sa mga business ng mga magulang namin. Hindi siya magiging sikat na Model. Napahanga niya ako ng husto.
Kaya ng siya ang Manalo at ako ang naatasan na magkabit sa kanya ng corona. Naghalohalo ang nararamdaman ko parang nasasabik ako na kinakabahan. Nakakapagtaka hindi naman ako ganito dati. Wala nga akong pakialam kung sino ang haharapin ko. Gusto nga ni Celeste siya na lang ang magkakabit ng korona. Pero sabi ng Mc kami daw ang sponsor ng Event kaya dapat lang daw na ako ang magkabit ng korona.
"Aahm..Congratulations miss Monroe." Sabi ko na lalong kinabahan. Ng makita na nakatulala siya sa akin.at natawa ako ng makita na nataranta siya at namula ng makita niya na nakatitig na ako sa kanya. Lalo siyang gumanda sa paningin ko ngayung pulang pula siya sa harap ko. Kaya kinuha ko na lang ang kamay niya at kinamayan siya saka ngumiti. Kailangan ko nang lumayo para pigilin ang sarili ko na wag siyang halikan. Ngaun lang ako nagkaganito sa Isang babae. Sa dami ng babae na umaalialigid sa akin. Ni hindi ko nga sila pinapansin. Pero bat ganito ang dating sa akin. Ng babaeng ito. Hindi ko maiintindihan ang sarili ko. Ang lakas ng kaba ko kanina habang kaharap siya.
"Sir ang ganda po niya no? Jhanina pala ang pangalan niya." Sabi ni David na assistant ko. Tiningnan ko lang siya.
"Anong balak mo sir ngayung nakita mo na siya." Sabi nanaman nito.Napaisip ako sa sinabi niya ano nga ba ang gagawin ko ngayung nakita ko na siya?
"David pumunta ka sa school at sabihin mo na gusto kong makausap sa Friday si miss Monroe dahil siya ang Napili ng company na maging Model Sanmig Liquor." Sabi ko kay david. Matagal kung pinagisipan kung anong gagawin ko ngayung nakita ko na siya at naisip ko na hindi ko na hahayaan pa na makalayo siya ulit. Gagwin ko ang lahat para makita ko siya lagi.
"Yes sir." Sagot naman ng assistant ko at ngumiti na parang alam na niya Ang laman ng utak ko.
"Hoy! Wag ka ngang makatingin ng ganyan. Naisip ko lang na siya ang bagay na Model yun lang." Sabi ko na nagpapaliwanag. Teka bakit ba ako nagpapaliwanag sa gago na to.
"Wala naman akong sinasabi sir. Kaya hindi niyo na kailangang magpaliwanag."Sabi nito na natatawa na.
"f**k! " I can't explain to you. I'm just saying. And also I don't need to explain to you...Damn! Get out." Inis na sabi ko sa assistant ko at dalidali namang umalis ito.
"Tingnan mo yung taong yun. Hindi daw siya nagpapaliwanag ano kaya ang tingin niya sa lagay na yun. Ayaw pang aminin na gusto niya lang ulit makita si miss Monroe" Bulong ni David habang umaalis sa opisina para pumunta sa school.