Chapter 7

2030 Words
"Miss Jhanina the principal called you to his office." Sabi ng teacher namin pagdating niya sa room namin. Dalidali naman akong pumunta sa office ng principal namin. "Please sit down miss Salvador. I will call you here because . Mr. Anderson wants to talk to you." Sabi ng principal namin at tinuro ang katabi niya. Saka lang ako napatingin sa tabi niya. Bigla na lang ako ni nervous ng magpaalam ang principal namin at iwan kaming dalawa. "f**k! Why is it that every time I meet this woman I always feel that she is scared of me.. Damn!" Bulong ni Gabriel sa sarili niya. Ng makita na namumutla nanaman si Jhanina sa harap niya. "Calm down ok! I just want to invite you to be a model of San Mig Liquor." Sabi ni Gabriel na pinapa kalma si Jhanina. "Ha? I mean what did you say?" Sabi ko na naguguluhan. Tama ba ang pagkakaintindi ko kinukuha niya akong model ng San Mig. "I want you to be a model of San Mig." Sabi ni Gabriel na titig na titig sa akin. "I hope you think hard before you answer." Sabi niya ulit. Ano ba ang isasagot ko sa kanya. "I will pay you 300.000.00 and I will give you a half if you start to sign the contract." Sabi pa nito. "Do I have to answer right away, can't I think about it first?" Sabi ko na kinakabahan. "But we hope to receive your answer as soon as possible." Sagot naman nito. "I will wait for your answer until monday, I hope you have an answer on Monday." Pagkaraan ng ilang saglit Sabi nito. "Thanks for your time. See you on Monday miss Monroe" Sabi nito ulit at tumayo na. Pagkatapos inabot ang kamay ko at nakipag kamay sa akin. Hanggang ngayun hindi ko pa rin alam kong paano ako nakalabas ng kwarto na yun at ngaun nandito na ako sa room namin. "Talaga? Pumunta dito si Gabriel para alukin ka na maging Model ng San Mig?" Hindi makapaniwalang tanong ni Cloe sa akin. Tumango ako. Nasa Canteen kami nagmemeryenda. " Ang swerte mo Gaga magiging sikat kana. Alam mo ba na sikat na sikat ang inumin na yan. Hindi pa yun, makakasama mo pa ang Idol mo. Dahil kanila ang San Mig liquor." Sabi uli ni Cloe. " Alam ko. Kaya nga yun ang kinaiilang ko. Baka hindi ko magawa ng maayos ang pinagagawa nila sa akin. Kasi lutang ako ng dahil sa kanya." Sabi ko kay Cloe. Kaya humagalpak ng tawa ito. "Sira isipin mo na lang na kapag naging Model ka nila hindi kana mamomoroblema tuwing exam. Dahil may pambayad kana. Kasi sigurado kapag natapos ang contract mo sa kanila. May panibagong magooffer Sayo. Kaya kahit sa susunod pa na taon natin sa college wala ka ng problema." Sabi ni Cloe. Napaisip ako sa sinabi niya. "Talaga anak? " Sabi ni ninang Betchay. Ng sabihin ko sa kanila ang alok ni Gabriel. Tumango ako sa kanila. Tuwang tuwa ang mga ito. "Magandang balita yan anak. Alam mo ba na pwede kang maging sikat dahil diyan. Kasi makikita na ang mukha mo sa mga Billboard at sa mga TV commercial. Sabi naman ni ninang Betty. Napatingin ako sa kanila. "Talaga ninang?" Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Tumango ang mga ito. "Haay, kayo nga tigilan niyo si Jhanina. Alam niyo na ayaw niya ng makakagulo sa pagaaral niya. " Sabi ni Mamita. "Pagisipan mo ng maigi anak. Kung ano ang magiging pasya mo ayos lang sa amin. Basta isipin mo nasa tabi mo lang kami." Sabi nito. Hindi na nagsalita pa ang dalawang ninang ko. Ilang gabi ko ding pinagisipan ang lahat. May point din naman si Cloe. Kaso kaya ko bang pumasok sa Showbiz. Siguradong hahalungkatin nila ang buhay ko. Dahil kikilalanin nila kung sino ako. Pero malaking tulong ito sa akin para maabot ko ang pangarap namin ni nanay. Ang makatapos ako ng pagaaral. Noon Kasi Akala ko maging scholar ka lang tama na. Hindi pala ganun kadali dahil kahit scholar na ako marami paring mga gastusin at habang tumatagal mas parami ng parami ang gastusin ko. Mas lumalaki pangangailangan ko. Nakakahiya naman kung iaatang ko lahat sa mga ninang ko.Kaya napaisip ako. *************** Habang paalis ako sa office kinakabahan pa rin ako samantalang tapos na kami magusap ni Gabriel at napagka suduan na namin ang lahat. Tinanggap ko na ang alok sa akin ni Gabriel. Kasi naisip ko malaking tulong din yun sa akin. Napag kasunduan din namin na mag shoshoot lang ako tuwing sabado at linggo. Dahil walang pasok ako sa school at napagusapan din namin ang magiging sahod ko. Bago niya ako pinapirma ng Contact. *******GABRIEL POV#****** Pinagisipan ko na ang gagawin ko pag Hindi niya tinangap ang inooffer ko. Kung kinakailangan na dagdagan ko ang bayad gagawin ko. Tangapin niya lang ang alok ko. Kaya ng dumating siya sa principal office. Kinakabahan ako. Ewan ko ba bat ba sa tuwing kaharap ko siya kinakabahan ako. "Hi!" Bati ko sa kanya saka ngumiti sa kanya. Alanganin siyang ngumiti sa akin. "Good afternoon po." Bati niya napakamot ako sa batok ko. "Para namang ang tanda ko na. Pwede bang tangalin mo na ang po." Sabi ko sa kanya. Napangiti siya. Natulala ako sa kanya. Ang ganda niya talaga kahit sa simpleng kilos lang niya. "By the way. Ano nga pala ang naging pasya mo sa inooffer namin sayo?" Tanong ko sa kanya. Ng makaupo na siya. "Ahhm. Paano ang magiging schedule ko. E may pasok ako sa school hangang sabado?" Tanong niya sa akin. "Actually kinahu ko na ang schedule mo. Kaya naisip ko na. Tuwing sabado at linggo ang magiging photoshoot mo. Pagkatapos ng klase mo ng sabado ipapasundo kita para magphotoshoot. At ganun din ng linggo ng umaga." Sabi ko sa kanya.Tumango siya. Marami pa siyang tinanong sa akin. Hangang sa pumayag na siya. Kaya tuwang tuwa ako ng pirmahan na niya Ang contract. Sa wakas makikita ko na siya lagilagi. Isa na lang ang kailangan kong gawin. Pagkatapos naming magusap kinamayan ko na naman siya. Sa totoo lang gusto ko lang mahawakan ang kamay niya. Ang lambot nito hindi mo masasabi na mahirap lang siya. Dumeretso ako sa bahay. Nagpasalamat ako na wala si mama. Kasi siguradong Hindi yun papayag sa sasabihin ko. "Oh. Iho kumusta ang pakikipagusap mo studyante na napili mo para maging Model natin?" Tanong ni Papa sa akin ng pumasok kami sa opisina niya. "Ayos na po Papa pumirma na po siya ng contract." Sabi ko saka binigay ang folder. Tiningnan niya ito. "Ahhm. Papa pumunta pala ako dito. Para sabihin na tinatangap ko na ang inaalok niyo sa akin. " Sabi ko dito. Gusto kasi niya na pamahalaan ko na ang buong kompanya. Ayaw ko pa noon dahil mahahati ang oras ko. Pero ngayun kailangan ko yung tangapin para mabantayan ko siya ng maayos. Napatingin sa akin si Papa. "Ano ang dahilan at bigla yatang nagbago ang isip mo?" Sabi nito. Saka tinitigan ako. "Ikaw naman papa Nagsasawa na Kasi ako sa ginagawa ko araw araw kaya yan Ang naisip ko para maiba naman. Saka Isa pa Tama naman po kayo tumatanda na kayo kaya dapat talaga nagpapahinga na kayo ni mama." Sabi ko dito. Tinitigan ako ni Papa. Saka ito huminga ng malalim. "Mabuti naman at naisip mo narin na hawakan ang Negosyo natin. At least ngayun mapapanatag na ako kahit magpahinga pa ako." Sabi niya na tuwang tuwa. Sa totoo lang Wala naman sa Plano ko ito. ang Plano ko lang magbakasyon ngayun pero ng makita ko siya nagbago ang lahat ng Plano ko. Kinabukasan sinama ako ni Papa sa opisina nagpatawag siya ng Board Meeting pinakilala niya ako bilang bagong CEO ng kompanya. Ng sumunod na araw naging busy ako sa pagaaral kung papano patatakbuhin ito. Pero natatangal ang pagod ko pag naiisip ko na makakasama ko na siya sa mga susunod na araw. Napapangiti ako. *********JHANINA POV#******* "Ano kumusta? Ano ang napag usapan niyo ni Gabriel, tinangap mo na ang alok niya na maging model nila?" Tanong ni Cloe sa akin. Excited na malaman kung ano ang naging desisyon ko at kung ano ang napagusapan namin. "Oo pumayag na ako at sa sabado na ang umpisa ko." Sagot ko naman sa kanya. Nanlaki ang mata nito. Nagulat ako ng tumili ito. Nahampas ko ito sa brso kasi nagtinginan ang ibang studyante sa amin na nasa canteen. Inis na hinila ko ito palabas ng canteen. "Talaga? Sikat na ang kaibigan ko. SA WAKAS MAY KAIBIGAN NA AKONG SI..K.." Sigaw niya na hindi na natuloy ang sasabihin niya. Dahil tinakpan ko ang bibig niya. Kasi nasa labas na kami ng canteen nag meryenda. "Ano ka ba ang ingay mo. Baka mamaya dalahin tayo sa opisina ng princicipal sa kaingayan mo. Saka anong sikat ka diyan." Sabi ko na nahihiya at tumingin ako sa paligid namin. Tama ako marami na nga ang nakatingin sa amin. "Bat ka nahihiya. Aba magiging sikat kana no. Makikita na ang mukha mo sa TV at sa mga kalendaryo ng Sanmig Liquor." Sabi pa niya na itinataas pa ng paulit ulit ang kilay niya. "Too ba talaga na makikita ako sa tv at pati din sa kalindaryo?" Tanong ko sa kanya. Na parang hindi ko naintindihan ang tinangnggap kong trabaho. Na talaga naman hindi ko naintindihan. Kasi lutang ang utak ng kausap ko si Gabriel. Ang hirap kasi mag isip ng tama pag kaharap ko siya. "Ay nakakaloka! Tinanggap mo ang trabaho ng hindi mo alam ang mangyayari sayo. Lutang ka nanaman ng makita mo siya ano? Kaya hindi nanaman umandar yang matalino mong utak. Haay!" Sabi ni Cloe na nakataas pa ang kilay. Natawa na lang ako sa mga sinabi niya. "Talaga anak! Naku makikilala na ang anak namin. Diyos ko makikita na ang beauty namin sa wakas." Tili ni ninang Betchay. "Hoy! Anong namin ka diyan bat kasama ba tayo na magmomodel." Sabi naman ni ninang Betty. "Syempre hindi gaga! Pero sa atin naman niya namana ang beauty niya di ba..Hahaha." Sabi nito sabay tawa. "Ay oo nga...Hahaha" Sagot naman ni ninang Betty at tumawa narin. Nilingon naman sila ni Mamita at umiiling na lang. "Hay naku iha wag mo na lang intindihin yang mga Yan. Hindi totoo na sa amin ka nakakuha ng mukha. Dahil kong sa amin ka kumuha ng muka, hindi ka sa alak imomodel ni Gabriel kundi sa suka. Dahil kasing asim ng mukha namin yun ..Hahaha.." Sabi ni Mamita na tumawa na rin. Tumigil naman ang dalawa at napahawak sa mga mukha nila na hindi maipinta ang itsura. Tumawa na rin tuloy ako at nagtawanan kaming lahat. Kaya hindi ko talaga makakalimutan ang mga bago kong nanay. Para akong nagkaroon ng panibagong buhay dahil sa kanila. ******GABREIL POV#****** "Gabriel wag mong kalimutan sa lunes may guesting tayo." Sabi ni Fe na manager ni Gabriel katatapos lang niya mag shooting. Tapos ngayun ng sinishoot niya na pilikula. Kaya free na siya sa susunod na mga araw. "Yes I'm coming. But now I'm just going somewhere so don't call me I'm busy." Sabi ni Gabriel at nagmamadali ng umalis. Huminga na lang ng malalim si Fe. Alam niya na si Gabriel na ang humahawak sa kompanya nila kaya alam niya na magigimg bsy na talaga ang alaga niya. "Let's go." Sabi niya ng makasakay siya sa sasakyan niya. "Yes Boss." Sabi ni David. Alam na niya kong saan ang punta nila. Alam niya din kong bakit nagmamadali ang amo niya. Kasi ngaun ang umpisa ni Jhanina sa phophoto shoot sa gagawing bagong kalendaryo at bagong commercial sa TV. Kaya susunduin siya ni Gabriel para ihatid sa shoot nito sa Batangas. Sa totoo lang may sariling driver at sasakyan ang mga model ng kompanya kaya lang gusto lang ni Gabriel na siya ang personal na magsundo at maghatid dito. "What time is she out of school?"Tanong ni Gabriel kay David. "Three o'clock sir." Sagot naman ni David at tumingin siya sandali kay Gabriel saka ibinalik ulit sa harap ang tingin. "David, you are the one to go after him."Sabi niya kay David pag dating nila sa harap ng school. "Yes Boss." Sagot naman ni David .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD