Chapter 8

2059 Words
******JHANINA POV#***** Pag labas namin ni Cloe may Nakita sila na pinagkakaguluhan sa may parking erea. Nagtitilihan pa ang mga babae. "Ano yun? Bat sila nagkakagulo dun?"Tanong ni Cloe na sinusumpong nanaman nang pagka chismosa. "Malay k.." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil may biglang dumating na lalaki sa harap namin. "Ikaw po ba si miss Jhanina Monroe?" Tanong nito sa amin. "Oo, siya nga. Bakit?" Tanong ni Cloe na nakataas pa ang kilay. Na akala mo makikipag away. "Pinasusundo ka po ng boss ko para ihatid sa shoot mo." Sabi nito. "Ah! Ikaw ba ang susundo sa akin. O pano Cloe aalis na ako nanDito na ang sundo ko." Sabi ko sa kanya at kumaway na lang dito. "Ay! Sandali ihahatid kita sa sasakyan mo para makita ko kung sino ang mga kasama mo." Sabi naman nito na tiningnan pa mula ulo hangang paa ang lalaki na sumusundo sa akin. Bago naglakad kami. Napailing na lang ako dito. "Pero teka papunta tayo dun sa pinagkakaguluhan ng mga tao." Sabi ni Cloe sa lalaki dahil ang tinutumbok niyang lugar ay sa lalaking pinag kakaguluhan. "Ma'am siya po ang boss ko na sumusundo sa inyo ma'am." Sabi nito. Sabay turo sa lalaking busy sa pag pirma sa mga notebook ng mga babaeng studyante. Ng makita ko kung sino ang Boss niya na tulala na naman ako. "Hoy! Umayos ka yung laway mo tumutulo na. Tulala ka nanaman. Nakita mo lang si Gabriel, tandaan mo malayo ang pupuntahan niyo kaya umayos ka." Sabi nito, sabay siko nito sa akin. Na nakapagpa balik ng utak ko. "Hi! You're already there, we're living." Sabi ni Gabriel ng humarap sa akin at ngumiti. Sabay bukas ng pinto ng sasakyan. Ngumiti naman si Cloe sa akin at siniko uli ako. Pumasok naman ako sa loob ng sasakyan at kumaway na kay Cloe. Pagkasara ng sasakyan kahit tinted ang sasakyan ni Gabriel. Hindi ko alam kung nakita niya. Pagtingin ko nasa tabi ko na si Gabriel. Nanlamig ang buo kung katawan. Para tuloy akong lalagnatin "Are you ok?" Tanong ni Gabriel sa akin. Kasi pinagpapwisan ako ng husto. Hindi! Hindi ako okay, kasi nandiyan ka sa tabi ko.gusto ko sanang sabihin dito. Pero syempre hindi ko sasabihin Yun Kay Gabriel no. "Ha? Y..Yes I,.I'm ok." Nauutal na sagot ko. Kaya napapikit na lang ako. "Aahm. Jhanina are you afraid of me." Tanong ni Gabriel sa akin. Kasi Hindi na siya nakakatiis sa nakikita sa tuwing magkikita kami. Ayaw niya na nagkakaganoon si ako. Kahit naman ako kaso hindi ko mapigilan na hindi nervous in sa tuwing nakikita ko siya. "Ha? H..Hindi po sir b. Bat naman p..Po ako m..Matatakot sa inyo po sir " Sagot ko naman sa kanya na nagkakandautal parin. Bat kasi hindi ako marelax kapag nasa tabi ko tong si Gabriel. "Hey! Relax, I will not harm you." Sabi nito, na natawa na lang na sagot ko. Kasi naman pano naman magiging ok yung nauutal. "And one more thing, don't call me sir at wag mo na akong pinopo ok." Sabi ulit nito. Tumango na lang ako at tumingin sa labas. Para umayos ang pakiramdam ko. Habang nakatingin ako sa labas parang may pakiramdam ako na may nakatingin sa akin. Kaya lumingon ako sa tabi ko. Nakita kong titig na titig sa akin si Gabriel. Kaya namula ang mukha ko. Pakiramdam ko nagiinit nanaman ito. "f**k! Bakit ba kasi hindi ko mapigilan na hindi siya tingnan." Bulong ni Gabriel sa sarili niya ng makita na namula si Jhanina ng mahuli siyang tinitingnan ito mula sa likod. Saka ito tumingin sa labas. " Ang init ng pakiramdam ko sa pisngi ko alam kong namumula ako bakit naman kasi ganun makatitig si Gabriel?" Sabi ko sa isip ko. Habang pilit na pinakakalma ang sarili. Pagdating namin sa resot. Sinalubong kami ng mga staff. "Good afternoon po sir Gabriel nandiyan napo silang lahat." Sabi ng babaeng naka uniform. Tumango lang dito si Gabriel. Pumasok kami sa loob.Ang ganda ng resot pinaghalong native at modern dasigne ang lugar pati ang mga gamit dito. hinatid niya ako sa magiging silid ko. "Rest first I know you are tired from our trip. I'll just call you when the shoot starts." Sabi niya. Tumango ako. Hinintay niya muna akong pumasok sa loob bago siya umalis. Pag pasok sa loob ng kwarto nilibot ko ang paningin ko. Ang ganda ng silid halatang mamahalin ang mga gamit. Nahiga muna ako. Hindi ko na malayan na nakatulog ako. Nagising ako ng may kumatok sa pintuan ko. "Miss Jhanina, pinabibigay ni sir Gabriel. Magbihis na daw po kayo maguumpisa na daw po ang photoshoot niyo." Sabi ng babae na sumalubong sa amin kanina. Tumango ako dito at kinuha ang paper bag na inaabot niya. "Sige salamat." Sabi ko dito saka ngumiti dito. Nagpalam na ito. Pagdating ko sa loob naligo na ako. Ng lumabas ako naka bathrobe lang ako. Kinuha ko ang paper bag na binigay ng babae kanina. Napa tanga ako at namula ang mukha ko sa nakita kong isusuot ko sa shoot. Kaya pala nandito kami sa beach. Habang nakatingin ako sa one peace bathing suit at may Kasama itong parang long sleeve pero napakanipis naman, binigyan nga ng pang ibabaw parang wala rin naman. Kulay puti ito at ang bathing suit na isusuot ko ay kulay peach. "Hoy..Bruha bakit hindi ka pa naka bihis naghihintay na si Rey sa labas. Naku mainitin pa naman ang ulo nun." Sabi ng bakla na bigla na lang limitaw sa kwarto ko. "Suutin mo na yan at aayusan pa kita....Biliis." Sabi uli nito na pinagmamadali ako. Kaya wala na akong nagawa tinanggap ko to. Kaya dapat akong sumunod sa gusto nila. Lumabas ako ng banyo na suut na ang bathing suit na kulay dark pink. Kaya lalo lang nagpalutang ng kulay ko. Maputi ako siguro namana ko ito sa tatay ko kasi morena lang ang nanay ko. "Haaay ..! Perfect...Ang sexy sexy mo bagay na bagay sayo ang kulay ng bathing suit. Nakaka loka ...Ang galing talaga pumili ni Gabriel ng kulay." Tili nito ng makita ako na lumabas sa CR. "Teka ano daw si Gabriel Ang pumili Ng bathing suit ko." Bulong ko at napatingin ako dito. "S..Si G.. Gabriel ang bumili ng lahat ng to?" Tanong ko na nauutal. "Oo no.! Kaya nga swerte ka at SI Gabriel lahat ang nagasikaso niyan. Kasi hindi masyadong malaswa ang suot mo. Dahil kung si bakla yan sigurado luwa yan lahat. Nagtalo pa nga sila kasi ang gusto ni Gabriel hindi masyadong expose ka. Kaya napilitan na paresan ng damit sa ibabaw. Kasi nagagalit si Gabriel. Ikaw lang kaya ang binantayan niya sa pag shoshoot. Akala mo boyfriend kung makabantay." Mahabang salaysay ng bakla habang inaayusan ako. Wala naman siyang ginawa kundi make upan ako at yung buhok ko na tuwid hanggang sa may pwet ko nilugay niya lang. Pagkatapos sinuot ko ang pang ibabaw at lumabas na ng kwarto. Paglabas ko nakita ko si Gabriel na naghihintay sa akin sa labas. kita ko ang titig niya sa akin mula ulo hanggang paa. Maya maya ngumiti ito. "Let's go." Sabi nito at hinawakan ako sa kamay. Napatingin ako sa bakla na nagayos sa akin. Kumindat lang ito at ngumiti. Habang naglakad kami lihim kong pinagmasdan si Gabriel. Naka short siya na six pocket hangang tuhod ito at t shirt na puti pinatungan ng polo na kulay itim. ang gwapo niya tingnan. Magdidilim na ng dumating kami sa tabig dagat. "Buti nandito ka na. Ok, maguumpisa na tayo hubarin mo muna yang nakaibabaw sayo kukunan kita sa tubig. Ok." Sabi nito na hindi pinansin ang pagsalubong ng kilay ni Gabriel. Nagmamadali itong pumunta sa harap ng camera. Ako naman ay agad na hinubad ang damit na inibabaw ko kanina. "Ok! Dun ka banda sa hanggang bewang mo ang tubig. Tapos lumubog ka. Ok. Pag bilang ko ng tatlo lulutang ka. Ok?" Sabi nito n8g makarating ako sa tubig na hangang bewang ko. Ginawa ko nga ang sinabi niya lumubog ako at hinintay ang bilang niya. "One... Two... Three.." Rinig ko na bilang niya. Kaya ng marinig ko na ang pangatlo lumutang ako at narinig ko ang pag click ng camera. "PERFECT..." Sigaw ng bakla na kumukuha ng picture. Tiningnan ko ang mukha ni Gabriel na katabi ng bakla na sumigaw. Nakatulala ito, parang hindi makapaniwala. "Bakit kaya? Ano kaya ang itsura ko?" Tanong ko sa sarili ko. "Oh. Ngayun naman maglalakad ka magmula dun na parang malalim ang iniisip suotin mo na yan ok" Sabi nito at tinuro ang nakaibabaw kanina na damit sa akin. Napatingin ako sa kanya habang nagpupunas ng towel na binigay ni Gabriel sa akin kanina ng umahon ako sa tubig. Tama kayo sa narinig niyo si Gabriel ang nagbigay sa akin ng towel pag dating ko sa buhangin kanina. Hindi nga ako agad nakahinga pero pinakalma ko agad ang sarili ko. Baka himatayin ako at mag back out sila. Aba sayang ang 300.000.00 saan ko hahanapin yun no. Kaya kailangan kong kayanin ang presensiya ni Gabriel ko. Pagkatapos kong marinig ang sinabi ng bakla agad akong sumunod. "PERFECT..!" Sigaw na naman ng bakla pagkatapos kong gawin ang gusto niya. "Ngayun naman magkasama kayo ni Gabriel na parang namamasyal. Ok?" Sabi nito na ikinagulat ko. Kasama pala sa shoot na to si Gabriel. Hindi pala siya pumunta sa school para sunduin ako at samahan dito isinabay niya lang pala ako. Haay ashumera kasi. Pagkatapos sabihin ng bakla. Magkasabay kami ni Gabriel na naglakad. Nagulat ako ng hapitin ni Gabriel ang bewang ko habang naglakad. Parang huminto ang mundo ko.. Graaabee..! Tili ng utak ko. "PERFECT.! Ang ganda parang tunay na tunay." Sigaw ng bakla at tumawa ito. Natapos ang shoot namin sa gabing iyon at may ilan pang kuha kinabukasan. Pero hindi na ako naka bathing suit. Naka summer dress naman ako na hangang sa may paa ko. Isa sa terrace at Isa habang naglakad ako sa buhangin. Ganun din si Gabriel. "Ang ganda ng mga kuha mo ngayun ah. Hindi pa yun ang bilis pa nating natapos. ang photoshoot" Narinig kong sabi ng lalaki na kasama ng bakla na photographer namin. "Syempre magaling yung nakuha ni Gabriel ngaun walang arte at saka pati si sir Gabriel na dala niya. Mukhang ganado si sir Gabriel kaya parang totoong totoo ang kuha." Sabi naman ng bakla habang nagayos ng mga ginamit nila. Tanghali na kami natapos kaya nagsiligo na lang kami ng dagat. Kasama ko yung bakla na nagayos sa akin. Tapos sa may gitna naman ung bakla na may hawak ng camera kanina "Jhanina tawag ka ni sir Gabriel nadoon siya sa may mga boat." Sabi ni David na ikinalingon ko sa tinuro niya na lugar. Kasalukuyan akong nasa dagat. Kaya umahon ako at kinuha ang pang ibabaw ko. naka suot ako ng bathing suit na kulay pula at inibabawan ko ito ng short at yung binili ni Gabriel.na pang ibabaw. Pumunta ako kay Gabriel. "Hi! Pinatawag kita kasi baka gusto mong mag boat." Sabi niya. Pag dating ko at lumapit siya sa akin. Saka inalalayan ako palapit sa boat. Bago pa ako makasagot naka sakay na kami sa boat at pinaandar na niya ito. Habang nakasakay kami sa motor boat. Sige ang turo niya sa mga lugar na nadadaanan namin, at sige siya kwento tungkol dito. Habang nasa likod ko siya. kaya naiilang ako. Nang dumating kami sa may gitna hininto niya ang boat at inabutan niya ako ng kulay itim na damit. Pinasuot niya sa akin ito. Inibabaw ko ito sa bathing suit na suot ko. Nang parehas na kami naka suot ng kulay itim damit, Ikinabit naman niya sa akin ung parang may tangke at may kasama na salamin at may nilalagay sa bibig. Sabi ni Gabriel duon daw ako hihinga kaya pinasubok muna sa akin, bago kami tumalon sa tubig. Buti na lang marunong ako lumangoy kasi ito ang isa sa mga kinuha kong subject nung firs year ako. Tinuruan niya rin ako ng mga senyas ng kamay, kasi kamay daw ang gagamitin para maki pag communicate sa iba. Pag nasa ilalim kana, para magkaintindihan kayo sa ilalim ng tubig. Pagkatapos, lumubog na kami sa tubig.Sa ilalim ng tubig hawak niya ng mahigpit ang kamay ko at hinila niya ako sa mas malalim pa. Maya maya nakita ko na ang gustong ipakita ni Gabriel sa akin, .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD