"Hoy babaeng pangit tumabi ka nga sa dadaanan ko,” bulyaw sa akin ng babaeng mukhang mais. Kulay dilaw kasi ang buhok nito.
Nagtawanan ang mga kasama nitong babae dahil sa pang-aasar sa akin. Kulay violet at red naman ang kulay ng buhok ng kasama nito. Nakakaloka dahil pumapasok sila pero ganun ang kanilang hitsura.
Salon yata itong napasukan ko. Unang araw pa lang ng pasukan pero napagtripan na agad ako. Hindi ko alam kung may nakadikit sa akin na karatulang nagsasabi na asarin nila ako. Para akong nakakulong sa ganitong set-up at hindi ko alam kung paano makakaalis.
Ang bilis ng panahon at hindi ko man lang namalayan na highschool na ako ngayon. Kasama ko pa din si Lola Ima at ganoon pa din ang takbo n gaming buhay. May nadagdag nga lang na negosyo si Lola dahil highschool na daw ako.
Tinutulungan ko pa din si Lola sa kanyang bagong negosyo. Nagtitinda siya ng mga pigurin at ibang bagay na may kinalaman sa mga anghel kaya naman nagustuhan ko ang business ni Lola.
Dahil sa pag iwas ko sa mga babaeng mambubully kanina ay napadpad ako sa isang parke na nasa loob parin ng paaralan. Bago lamang ako sa paaralan na ito kaya hindi ko alam ang mga pasikot-sikot. Wala din akong kilala dito dahil wala naman akong kaibigan sa dati kong pinapasukan.
Wala pa ako makitang pwede kong maging kaibigan at kakilala. Napansin ko na halos lahat yata ng tao dito ay walang alam gawin kundi ang manloko at manliit ng mga kaklase nila.
Kung hindi lang talaga mapilit si Lola ay siguradong hindi ako dito magaaral sa paaralan na ito. Mahal ko si Lola Ima kaya wala akong choice kundi sundin s’ya.
Wala din namanakong kausap sa pwesto ko ngayon kaya nagpasya na akong hanapin ang classroom ko. Goodluck sa first day of school ko.
"Uy! may magandang babae sa pintuan,” tila babae ang boses ng lalaking nagsalita na nasa gilid ng classroom nakaupo.
"Wow, chicks’ pre,” ngiting aso naman na wika ng katabi nito.
"Mukhang anghel sa ganda,”komento naman ng isa pang lalaki sa pwesto nila.
"Class pwede tumahimik muna kayo,” sigaw ng teacher na kanina pa nagpipigil sa inis dahil sa mga makukulit na estudyanteng akala mo ngayon lang nakakita ng babae.
Kung titignan mo ay parang hindi classroom ang pinasukan ko. Hindi nakakapagtaka kung bakit ganun ang hitsura ng mga babaeng nakita ko kanina. Ang gugulo tignan ng mga estudyante at ang kalat din ng classroom.
“Sige iha pumasok ka,”narinig kong wika ng teacher kaya napatigil ako sa pagmamasid sa classroom. Hindi ko lubos maisip na ito ang magiging room ko. Didiretso sana ako sa isang bakanteng upuan ngunit tinawag ako ng teacher upang magpakilala sa harapan. Late daw ako kaya kailangan kong magpakilala sa unahan.
Tahimik akong nagtungo sa unahan kahit labag sa aking kalooban. Simula nung nagdesisyon ako na hayaan nalang na wala akong kaibigan ay naging tahimik na ako at ayaw ko ng makipag-usap sa kahit kanino. Natuto na akong huwag makipagplastikan sa kanila dahil wala din naman akong mapapala.
Nagpapakilala na ako para matapos na at makaupo na din. Nang matapos akong magpakilala ay narinig ko naman na nagtawanan ang grupo ng mga babae na nasa likod nakapwesto. Binawela ko iyon dahil sanay na ako.
Napatingin naman ako sa kanila pero hindi ko alam kung anong pwersang humihila sa akin na tila nagsasabing lumingon ako sa gitnang bahagi sa may likuran.
Hindi ko napigilan ang sarili ko at napatingin ako doon. Nakita ko ang isang lalaking nakayuko at para itong wala sa eskwelahan. Tila may sariling mundo ang lalaki. Nakakapagtaka dahil nagkaroon ako ng interes sa lalaki kahit pa nga hindi ko nakikita ang mukha nito at hindi ko pa s’ya kilala.
Pumunta na ako sa bakanteng upuan na nasa gilid. Buti na lamang at ang katabi ko ay bintana saka isang babae na hindi ko pa din nakikilala.
"Hoy Joseph magsalita ka nga dyan,”narinig kong wika ng katabing babae nung lalaking may sariling mundo.
“Ang ingay mo,” sagot ng lalaki sa kanya na tinawanan naman ng babae.
Napalingon ulit ako sa pwesto nung lalaki at nakita ko na matalim syang nakatingin sa akin. Nagulat ako sa reaksyon nito dahil wala naman akong ginagawa sa kanya.
Hindi ko alam pero tingin ko ay parang naging pula pa ang kulay ng mata nung lalaki. Umiwas agad ako ng tingin sa kanya. Ipinagwalang bahala ko na lamang ang aking nakita dahil baka namamalikmata lamang ako.
Mabilis na natapos ang aming klase na hindi ko naman naintindihan dahil sa magugulong kaklase. Hindi din nawala sa isip ang nakita ko kanina sa lalaking iyon. Bakit nga ba ganun ang akto ng lalaki na yun sa akin.
Dahil wala akong kaibigan natural lang na mag-isa ako sa lahat ng gagawin ko kaya mag-isa akong pupunta ngayon sa canteen. Mabuti nalang at mabilis kong natandaan ang mga pwede kong puntahan sa school na ito.
"Talino ko talaga,” wika ko sa sarili. Walang kaibigan na pupuri kaya sarili na lang. Habang naglalakad ako ay may biglang kumapit sa braso ko na syempre hindi ko kakilala. Napapiglas ako at agad tumingin sa kanya.
“Yes?” tanong ko sa kanya. Pinilit ko ang sarili na maging kalmado kahit pa nga nagwawala na yata ang nerve ko dahil hindi ako sanay na may kakapit sa akin habang naglalakad maliban kay Lola Ima.
"Hey girl, ako lang ‘to,” wika nito sa akin na hindi sinagot ang tanong ko. Tahimik lang akong nakatingin sa kanya. Hindi ko akalain na lalapit sa akin ang babaeng ito.
"Masyado ba akong maganda kaya natahimik ka dyan?” Patuloy ang babae sa pangungulit sa akin dahil hindi ko na s’ya pinansin.
"H-huh? sorry ako ba talaga kinakausap mo?” Naniniguradong tanong ko.
"Luh obvious naman diba, unless may kasama kang multo dito,” nakataas ang kilay na sabi nito. Muntik na akong matawa sa sagot nito. May pagkapilosopo din pala ang babaeng ito. Napansin ko din na tila ang daldal nito.
"Anong kailangan mo sa akin?” biglang seryoso na tanong ko. Wala pang lumalapit sa akin na walang kailangan.
"Hmm simple lang naman, gusto kong sumama ka sa akin at dapat tahimik mong susundin ang mga ipaguutos ko.” Seryosong sagot din nito sa akin.
Kinilabutan ako dahil hawak nya din ang baba ko at pilit pinapatingin sa kanyang mga mata. Naalala ko tuloy bigla iyong lalaking kausap nito kanina.
Tinanggal ko ang kamay n’ya at napaatras ako. Mas nagulat ako sa reaksyon nito dahil bigla itong tumawa ng malakas.
"You're so cute,” abot hanggang tainga angf ngiti nito at pinisil pa ang pisngi ko. Nabigla na naman ako sa inasal nya. Nakakaloka ang babaeng ito dahil feeling close sa akin.
"I'm Divina, nice to meet you,”pakilala nito sa akin.
“Eindy,” maikling pakilala ko.
“I know, narinig ko kanina,”
“Oo nga naalala ko, so anong kailangan mo sa akin?”
“Friends?” nag-aalinlangan na tanong pa nito sa akin.
"Friends?” Nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya. Isang himala ito kung magkakataon. Sa halip na sagutin ang tanong ko ay inasar na naman ako.
"You look like angel kaya lang bingi ka naman,” lumukot ang mukha ko dahil sa kanyang sinabi. Grabe naman sa bingi, mukha naman daw akong anghel kaya pwede ko s’yang patawarin sa kanyang sinabi.
Nagsimula na ulit ako maglakad pero sinabayan ako nito at nginitian. Pilit din akong ngumiti sa kanya at nagulat ako dahil inakbayan ako ni Divina at sabay na kaming naglakad patungo sa canteen.
Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Ito ang unang beses na may pumasin sa akin hindi para asarin ako kundi para makipagkaibigan. Hindi ko din sigurado kung totoo nga ang pakay nito sa akin.
Nakabili na kami ng pagkain at para itong linta sa kakadikit sa akin. Pinapalayo ko s’ya pero tila hindi ako pinapansin nito. Tinitigan ko si Divina ng matagal upanag basahin ang kinikilos nito. Mukhang wala naman itong tinatagao sa akin.
Nagdesisyon ako na pagbigyan ang babae sa gusto nito. Pasalamat din ako dahil sa wakas ay nangyari din ang matagal kong hiling sa buhay bukod sa gusto kong magkaroon ng kapangyarihan.
"May kaibigan na ako,” Hindi makapaniwalang wika ko sa sarili.