ANGEL 3: JOSEPH, FRIEND #2

1468 Words
DIVINA POV Bumalik na ako sa classroom namin at hindi ko na kasama si Eindy. Sa totoo lang ay natutuwa talaga ako sa babaeng iyon kaya naman kinaibigan ko. Hindi ko alam pero sa lahat ng kaklase ko ay sa kanya lamang ako nagkaroon ng interes na makipag-kaibigan. Nakakapagtaka lang na tila ayaw n’ya sa akin. Napaisip ako sa aking sinabi. Hindi naman siguro ayaw n’ya sa akin baka nahihiya lang. "She’s so cute talaga,” kinikilig pa na wika ko sa sarili. Nagtataka din ako sa ikinilos ni Joseph kay Eindy kanina. Ngayon pa lang sila nagkita pero parang ang laki ng galit nito sa babae. Ang cute kaya ni Eindy saka parang bagay silang dalawa. Napasayaw pa ako ng wala sa oras. Anyway maganda din talaga si Eindy, as in maganda talaga. Napakainosente ng kanyang mukha at para talaga syang anghel tignan kahit hindi pa ako nakakita ng totoong anghel. Syempre may mga picture naman akong nakikita sa internet kaya doon ko s’ya inihahalintulad. Huwag kayong magulo at hayaan nyo ako sa iniisip ko. Kinapa ko ang dibdib upang pakiramdaman ang t***k ng puso ko. Malakas ang t***k nito. Naku na-lesbian na yata ako kay Eindy. Syempre biro lang yun dahil lalaki ang gusto ko. Excited lang talaga ako na naging kaibigan ko s’ya. "Teka parang kanina pa ako dito pero bakit wala pa yung kausap ko?” Bumalik ako sa huwisyo kung anong ginagawa ko ngayon. Hindi pumasok ang last na teacher namin kaya naman may usapan kami ni Joseph na magkikita dahil magpapaturo daw sya. Ewan ko ba doon sa lalaking iyon at ang bagal talaga sa Filipino. Filipino na nga lang hindi pa din makaintindi. Mga ilang minuto pa akong naghintay sa aming tagpuan at maya-maya lang ay nakita ko na rin ang lalaking hinihintay ko. Si Joseph ang tinutukoy ko at hindi ang prince charming ko. Pero hindi si Joseph ang prince charming ko baka maguluhan kayo. "Hoy! Bakit naman ganyan ang hitsura mo.” Pansin ko sa hitsura ni Joseph. Nakasimangot na naming ang lalaki na parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang katawang lupa nito. Sa halip na sagutin ako ay inirapan pa ako ng loko. Siraulo talaga ang lalaking ito at bakit ko nga ba s’ya naging kaibigan. Siraulo din yata ako kasi sa akin nagmana si Joseph. Napailing ako sa aking naisip at muling tinignan ang lalaki na ganoon pa din ang hitsura. JOSEPH POV Ang ayoko sa lahat ay ang ginugulo ang tahimik kong mundo. Ayoko ng maingay at higit sa lahat ay ang tinitignan ako na parang may mali sa akin.  Natawa ako sa babaeng iyon kanina dahil tila nagulat ito sa aking ginawa pero tila iba din ang pakiramdam ko sa kanya. Ako si Joseph Eimen pero hindi ito ang tunay kong pangalan. Masama ang ugali ko at lagi akong galit. May sarili akong mundo at hindi ako mahilig makihalubilo. Ang totoo ay si Divina lang ang kaibigan ko na hindi ko alam kung paano nangyari dahil maingay ang babaeng iyon. Isa ako sa misteryosong lalaki sa paaralan na ito. Muli kong naalala ang mukha ng babae kanina at napangiti pa ako ng maalalang natakot ito sa akin kanina. "Hoy! Ngingiti ka na lang ba dyan?” Kumaway pa si Divina sa harap ng aking mukha. Kainis talaga ang babaeng ito dahil madalas kung kailan ako nananahimik ay saka naman ako nito guguluhin. "Hoy! Joseph akala ko ba magpapaturo ka?” Panay pa din ang pangungulit nito dahil hindi ko nga pinapansin. "Tumahimik ka na nga at nakakairita ang boses mo.” Binulyawan ko na sya dahil parang sasabog na ang magkabila kong tainga. "Oops, kalma lang p’re hingang malalim okay,” Hinawakan ako nito sa magkabilang balikat at huming ng malalim. Ang dami talagang alam ng babae na ito. Tumahimik nalang ako dahil siguradong aasarin n’ya lang ako. Nagpasya akong magpaturo na lang at para manahimik na ito sa kadaldalan. "Bakit ba kasi kaylangan ko pa mag-aral dito, hindi ko naman ito kailangan sa lugar ko,” bulong ko sa sarili. Matagal din akong tinuruan ni Divina na hindi ko din naman naiintindihan. Hindi dahil sa mahina ako pero wala talaga kasi akong pakialam kahit bumagsak ako. Si Divina lang naman kasi ang may gusto na magpaturo ako sa kanya dahil baka daw hindi ako pumasa. Wala naman akong magawa kaya pumayag na ako. Mabuti na lamang at uwian namin. Saktong napadaan si Eindy sa aming puwesto kaya tinigilan na ako ni Divina at sumunod sa babae. Tila nakahanap na ng bagong kaibigan ang siraulong babae na iyon. EINDY POV "Anong ginagawa mo kapag walang pasok?” Nakapangalumbaba si Divina sa harap ko na tila makakatulog na sa kanyang puwesto.  "Tumutulong ako kay Lola Ima sa pagtitinda, bakit mo natanong?” "Wala naman, grabe ang cute mo talaga girl.” Umayos na ito sa pagkakaupo at pinanggigilan ang pisngi ko.  Pakiramdam ko ay namula ang mukha ko dahil sa pagpisil nito. Lagi na kami magkasama ni Divina simula nung maging magkaibigan kami. Magkasabay na din kami lagi sa pagkain. Kung tutusin ay nasanay na din ako kadaldalan nito. Wala akong magawa dahil s’ya lang ang kaibigan na mayroon ako ngayon. "Ahm Eindy tutal friends naman na tayo diba, pwede himingi ng pabor,” nakapuppy eyes pa ito habang sinasabi iyon sa akin. "Oo naman ikaw pa ba, anong pabor naman iyon?” Ano na naman kaya ang trip ng babaeng ito. "Si Joseph lang kasi ang friend ko dito bukod sa’yo.” "Okay, so anong pabor nga?” Nakataas na ang kilay ko dahil ayaw pa akong diretsuhin sa gusto nitong sabihin. "Halika ipapakilala kita sa kanya.” Bigla nalang ako nitong hinigit dahilan para muntik pa akong madapam sa pagkakatayo. Ganito lang naman sya kabaliw. Kanina pa kami naglalakad sa hallway pero hindi parin namin nakikita yung Joseph na iyon. "S’ya ba iyong lalaking may sariling mundo na nakakatakot ang mata kung tumingin sa akin,” Nanlamig ako ng maalala ko na naman ang tingin ng lalaki sa akin. Tila naramdaman naman iyon ni Divina dahil hawak nya parin ang kamay ko. "Kinakabahan ka ba, nanlalamig ang kamay mo?” Nakangiti pang tanong nito. Baliw talaga ang kaibigan ko. "H-huh hindi, bakit naman ako kakabahan.” Pilit akong ngumiti upang itagao ang tunay na nararamdaman. "Okay sabi mo eh, halika nakita ko na sya.” Hinila na naman ako nito. Papalapit na kami ngayon sa isang punong mangga. Nakahalukipkip doon si Joseph, ang lalaking may sariling mundo. Agad binatukan ni Divina ang lalaki nang makalapit kami. "Hoy ano bay un Divina!” sigaw ni Joseph sa kanya dahil nabigla ito sa ginawa ng kaibigan. "Hi Joseph,” abot hanggang tainga ang ngiti ni Divina na parang baliw este baliw na nga. "Don't smile at me like that Divina Lueferte,” namumula ang mukha nito sa galit. Panay parin ang ngiti ni Divina sa kanya na halatang inaasar talaga ito. Inakbayan naman ako ni Divina at agad ipinakilala kay Joseph. "Joseph meet Eindy, she will be our new friend. Eindy meet Joseph the weirdest friend I ever had,” pagpapakilala nito sa amin na sinabayan pa ng pagtawa. “Mas weird ka sa akin Divina tandaan mo yan,” singhal nito. “Medyo tama ka dyan pero wala akong pakialam, ang gusto ko ay maging friend mo din si Eindy dahil friend ko na s’ya.” “No way!” tinalikuran kami ni Joseph bilang pagtutol. “Mukha mo, no way kita dyan eh,” singhal din sa kanya ni Divina at muli itong pinaharap sa amin. “Ang ingay mong babae ka,” mahahalatang naiinis na s’ya sa kakulitan ni Divina. Nginitian lang sya ng babae dahil siguro alam nito na hindi din makaka-angal si Joseph sa gusto n’ya. Pilit kaming pinagkamay ni Divina dahil parehas namin ayaw gawin ang bagay na iyon. Nakasimangot si Joseph indikasyon na ayaw talaga nitong makipagkaibigan sa akin pero wala na nga s’yang nagawa.  DIVINA POV Sa wakas pumayag din si Joseph sa gusto kong mangyari. "Ang galing ko talaga,” napalakas pa yata ang pagkakasabi ko dahil parehong napatingin sa akin ang dalawa. Halos namumula at nanlilisik na ang mata ni Joseph sa pagtingin sa akin. Tila nais na ako nitong ipakain ng buhay sa mga mababangis na hayop sa gubat. Samantalang inosente naman ang mukha ni Eindy na hindi ko mabasa kung anong gusto n’yang gawin. Bahala silang dalawa basta ako tapos na ang gusto ko sa kanilang dalawa. Muli ko silang tinignan at mapapansin ko na talagang bagay silang dalawa. Ngayon ko naisip na hindi pa pala ako tapos sa gusto kong mangyari sa kanila. Nilapitan ko sila at parehong inakbayan. Isinantabi ko muna ang plano ko sa kanila dahil nagugutom na ako. "Kain muna tayo guys, gutom na ako,” anyaya ko sa dalawa at parehas na inakbayan. Hindi na sila nakapalag dahil alam nila na hindi ko sila bibitawan. "From friend to lover naman,” bulong ko sa sarili. Final na ang desisyon ko at sisiguraduhin ko na hindi nila ako mapipigilan. Bigla akong natawa sa aking naisip kaya napatingin sa akin sina Eindy at Joseph. “May naisip lang guys, huwag n’yo akong intindihin.” halos mapunit ang bibig ko sa pag-ngiti sa dalawa. “Baliw!” magkasabay nilang wika dahilan para muli akong tumawa. “Bagay talaga,” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD